Share

CHAPTER 5: PAGLUWAS SA MAYNILA

Makalipas ang limang taon ay malapit na ang operasyon ni Klyde kaya kailangan makahanap ni Quinette ng trabaho na mas malaki ang sahod. Kaya ng alukin siya ni Rhiane na maging private nurse ni Don Miguel ay agad niya itong tinanggap. Babalik siya ulit ng maynila, para doon na ulit magtrabaho. Sumama din si Rhiane at maging si Doctor Jandro para maalagaan ng maayos si Klyde. Nakakuha na din sila ng apartment na malapit sa condo ni Doctor Jandro. Sila naman ni Rhiane ay magpapalitan pa rin sa pag-aalaga sa kanyang anak, habang naka-duty siya sa mansyon ni Don Miguel si Rhiane ang mag-aalaga sa kanyang anak.  Pag araw naman ng operasyon ni Klyde ay si Doctor Jandro naman ang mag-aalaga sa kanyang anak. Lumaki na mabait at masayahin si Klyde kahit na minsan ay may pagkapilyo. Sobrang saya ni Quinette dahil lumalaking mapagmahal ang kanayng anak at nagpapasalamat siya na hindi masasakitin kahit na may butas ang puso ng kanyang anak.

"Handa na ba kayo ahh, ikaw Quindell Klyde?" Magiliw na tanong ni Dr. Jandro.

"Opo daddy Jandro excited na po ako makapunta ng maynila at magkaroon po ako ng bagong kaibigan." Bibong sagot ni Quindell Klyde. 

"Hmmm... mabuti naman anak at masaya ka. Ipapasyal kita sa mga sikat na pasyalan doon at ipapakilala kita sa mommy at daddy ko" Nakangiting sabi ni Dr. Jandro habang nagpakalong na si Klyde sa kanya. 

"Sige po Daddy Jandro, tapos magkakaroon na ako ng lolo at lola ang galing!" Masayang sigaw ng paslit.

"Naku talaga itong bata na ito oh, nagpapababy na naman kay Doctor Cortez..." Nakangiting sabi ni Rhiane sa kanyang cute na inaanak at ginulo ang buhok nito.

"Wag mamaninang, masisira po hair ko, hindi na po ako pogi" Pag-angal ni Klyde.

Nagtawanan naman silang tatlo... parang kailan lang ng niluwal ni Quinette ang batang ito pero ngayon ay napakadaldal at marunong ng magreklamo.

"Tama na yan Klyde tara na alis na tayo." Ani ni Quinette at hinawakan ang kamay ng kanyang anak.

Makalipas ang dalawang oras ay nakarating na sila sa kanilang apartment na tutuluyan habang nandito sila sa maynila. Hinatid sila ni Dr. Jandro...

"Maraming salamat po Dr. Jandro, magpahinga na din kayo." Pagpasalamat ni Quinette kay Dr. Jandro.

"Walang- anuman Quinette at alam mo naman lagi lang ako nandito para kay Klyde. " Nakangiting sabi ni Dr. Jandro sa dalaga.

"Napakabait niyo po talaga doktor Cortez, pasok na po kami. Kita na lang po tayo bukas sa ospital, goodluck sa first day natin." Pagpaalam ni Rhiane sa doktor.

"Maraming salamat po ulit dok... " Paalam din ni Quinette.

"Daddy Jandro... Thank you po!" Pagpasalamat ni Klyde at niyakap nito ang kanyang doktor.

"Naku hindi ko lang kayo kilala, mapagkakamalan ko kayong mag-ama eh" Pagbibiro ni Rhiane.

"Anak ko naman ang batang to, pagkasilang palang ako na ang doktor at daddy nito." Pagbibiro din ni doktor Jandro. Masaya naman silang nagtawanan at pumasok na sila Quinette sa loob. umalis na din si Doktor Jandro.

Kinabukasan ay naghanda na si Rhiane sa pagpasok niya sa ospital. Si Quinette naman at Klyde ay pupunta sa grocery para mamili ng kanilang pagkain. Dadaan na din sila sa nursery school na malapit sa kanilang subdivision. Para ipaenroll ang kanyang anak, gusto na kasi nitong mag-aral. 

"Nanay mag-eenroll na po ba ako???" Namimilog ang mga mata na tanong ni Klyde sa kanyang nanay Quinette.

"Tama, masaya ka ba na mag-aaral ka na?" natatawang tanong ni Quinette sa kanyang anak.

"Opo nanay... sobrang saya ko po kasi magkakaroon po ako ng mga bagong kaibigan at teacher!" Magiliw na sagot ni Klyde. 

Patakbong pumasok si Klyde sa nursery school habang hila niya ang kamay ng kanyang nanay. Masaya naman pinagmasdan ni Quinette ang kanyang anak. Hindi man lang mababakasan na may sakit sa puso ang kanyang anak dahil masayahin at malusog naman ang pangangatawan nito. Malapit na itong maglimang taon, at ooperahan na ito para tuluyan ng gumaling. Mabuti na lang at mabait ang magiging amo niya, pumayag ito na kukuha sila ng apartment na malapit sa mansiyon nito para mauuwian niya pa rin ang kanyang anak dahil sa kalagayan at sakit nito. Bukas siya mag-uumpisa sa kanyang trabaho kaya inasikaso na niya lahat kay Klyde.

"Hi po teacher!" Pagbati ni Klyde sa kanyang magiging teacher.

"Hello mag-eenroll ka ba dito sa school namin.?" nakangiting tanong ni ng magiging teacher ni Klyde.

"Opo teacher, dito na po ako mag-aaral." Masayang sagot ni Klyde.

Pinaenroll na nga ni Quinette ang kanyang anak at pagkatapos na nilang asikasuhin at ibigay ang mga requirements ay nagpunta na sila sa isang malapit na mall pra mamili ng mga gamit nito sa eskwelahan. Habang sila ay nasa isang school supplies store ay tumawag si Doctor Jandro. Kinakamusta si Klyde at nagsabing susunod sa kanila sa mall dahil kailangan din daw nitong magrocery. Kaya wala pang thirty minutes ay kasama na nila ang gwapong doctor. Tuwang-tuwa naman ang kanyang anak.

"Hmmm mukhang excited ang bata sa pagpasok sa school ahh..." Ani ng doktor.

"Opo sobra daddy Jandro...!!!! Tapos bibilhan pa po ako ni nanay ng bagong bag at sapatos." masayang sigaw ni Klyde.

"Wow sige pag lagi kang may star ay bibilhan kita ng bike... gusto mo ba yun?" Tanong ni Jandro sa kanyang batang pasyente.

"Talaga po ba Daddy...???" namimilog ang mga mata ni Klyde na nagtatanong sa kanyang daddy Jandro.

"Oo naman pangako ko sayo yan at ako mismo ang magtuturo sayo." Yumukod na sabi ni doktor Jandro kay Klyde....

"Naku Doktor Jandro, huwag mo pag-abalahin ang sarili mo..." Nahihiyang sabi ni Quinette.

"Okey lang yun Quinette para magsipag din siya at bibilhan ko din siya pagkatapos na siyang maoperahan sa puso." Nakangiti at kumindat na sabi ni Jandro. 

Inaba na ni doktor Jandro ang bata at tuwang-tuwang ito, kung titingnan sila ay aakalain mong masayang pamilya. Masaya pa silang naglakad-lakad sa mall ng mapagod ay kumain sila sa isang restaurant. Habang ang tatlo ay masayang kumakain at nagkukwentuhan, may isang pares ng mga mata na nakamasid sa kanila. Ang CEO ng mall na kanilang pinapasyalan, si Randell Gomez. Hindi siya pwedeng magkamali ang babaeng yun ang kanyang regalo at naka-one night stand niya nung stag party. Mas gumanda ito at may masayang pamilya na.  Samantalang siya ay naging miserable ang buhay dahil hiniwalayan siya ni Andrea. Hindi na siya muli pang nagmahal at nagkaroon pa ng karelasyon. Marami nga siyang pera, matagumpay sa kanyang negosyo at mabibili niya lahat ng gusto niya. Pero hindi makuha ang pinakapangarap niya ang magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya. Sobrang naiinggit siya sa dalagang tinatanaw niya ngayon, na naangkin niya noon. Pero masaya pa rin siya na nakahanap ito ng lalaki na magmamahal sa kanya. Pinagmasdan niya din ang bata na kasama ng mga ito, marahil ay anak nila ito. Lalo siyang nasabik ng ngumiti ang bata, napakacute nito at bibo. 

"Tara alis na tayo kasi maaga pa ako bukas papasok at ihahatid ko din si Klyde sa school niya." Pag-aya ni Quinette sa kanyang anak at doktor Jandro.

"Sige tara na Mighty Klyde!" ani ni doktor Klyde at  hinawakan niya ng kamay ng bata at hawak naman ni Quinette ang kabilang kamay ng kanyang anak.

"Let's go na po nanay at daddy!" malakas na sigaw ni Klyde.

Habang sila ay palabas sa sa mall, nakatitigan ni Quinette ang pamilyar na pares na mga mata. Maging ang pagtitig ay pamilyar sa kanya. Nakaiwas na lamang siya ng tingin ng nilingon nito ang kanyang anak at muling ibinalik ang tingin nito sa kanya. Pero dumeretso lang sa paglalakad ang binata at hindi na muli pang tumingin sa kanila. Halos mahulog ang puso ni Quinette sa sobrang kaba. Pero hindi siya sigurado kung nakilala ba siya ng binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status