Share

CHAPTER 4: PAGSILANG KAY QUINDELL CLYDE

Besh sumasakit na yung tiyan ko at tuloy-tuloy na. Parang manganganak na ako.” Sabi ni Quinette sa kanyang bestfriend. Agad naman bumangon ang dalaga at inalalayan niya ang kanyang kaibigan. Dala ang gamit ng baby ay agad na silang nagtungo sa ospital.

“Kamusta na Besh ok ka lang ba? Malapit na tayo” Tanong ni Rhian habang nagdadrive.

“Hindi na kasi sobrang sakit talaga, mukhang lalabas na talaga ang baby ko.” Namimilipit na sabi ni Quinette.

“Oo nga eh, ako excited na makikita na ntin ang baby na yan naku kanino kaya kamukha” Excited na sabi ni Rhiane.

Nakarating na sila sa ospital at agad na dinala si Quinette sa ER para macheck-up bago manganak. Makalipas ang tatlong oras na paglabor niya ay nanganak siya ng sanggol na lalaki.

Napaiyak si Quinette ng makita nag kanyang sanggol, pero hindi umiiyak ang kanyang anak kaya nag-alala ang doctor at nirevived ito. Umiyak ang sanggol ng pagkalakas lakas, matapos irevived. Matapos niyang marinig ang iyak ay napanatag siya at napapikit siya, nagpasalamat siya sa Diyos na ligtas sila pareho ng kanyang anak.

Nasa ward na si Quinette kasama niya si Rhiane na nag-aasikaso sa kanya. Nang magising na si Quinette ay hinatid na ng mga nurse ang kanyang sanggol.

“Ohhhh ayan na ang baby natin  Beshhh….!!!” Excited na sigaw ni Rhiane. Napangiti naman si Quinette dahil nasasabik din siya sa kanyang anak.

“Quindell Klyde ang ipapangalan ko sa kanya besh…” Nakangiting sabi ni Quinette.

“Ito na po ang inyong baby mommy Quinette.” Magiliw na sabi ng nurse.

Kinarga naman ito agad ni Quinette at h******n sa noo. Nagtitili naman ang kanyang bestfriend dahil sa sobrang cute ng sanggol.

“Ayyy grabe ang gwapo beshhyyyy… kamukha niya ang kanyang tatay.” Sigaw ni Rhiane.

“Oo nga, ang kapal ng kilay at tangos ng ilong niya.” Kilig din na sabi ni Quinette.

“Pabuhat din ako besh… kakagigil at napakabango pa.” Gigil na sabi ni Rhiane.

“ Syempre naman o ayan ikaw naman ang magkarga.” pag-abot ni Quinette sa kanyang anak kay Rhiane.

“Baby quindell Klyde ako si mamaninang… diba ang ganda ko…” pagbibiro ni Rhiane at umuyak naman ang sanggol.

“Naku hindi ka daw maganda, ang mommy Quin lang maganda diba Quindell Klyde” Paglalambing na sabi niya sa  kanyang anak.

“Baka nagugutom na besh, sige na kay mommy ka na. Para makadede ka na po… “ ani ni Rhiane habang inaabot ang sanggol ka Quinette.

“Akin na yang baby na yan..” pagkuha naman ni Quinette.

“Wala ka ba talaga balak sabihin sa tatay ng anak mo na niluwal mo na ang anak niyo.” Seryosong tanong ni Rhiane kay Quinette.

“Wala nga…. alam mo naman kung ano naging sitwasyon namin diba. Ayaw kong makilala at lalo na kung itatanggi niya ang anak namin.” Paliwanag ni Quinette sa kanyang bestfriend.

“Pero tatay pa rin siya ni Baby Quindell Klyde, karapatan niya malaman yun Besh…” Sagot ni Rhiane.

“Tadhana na lang namin ang makakapagsabi kung muli ba kaming magtatagpo.” Nakangiting sabi ni Quinette.

“Sabagay tama ka, basta ninang ako ahhh besh” Pagpresinta ni Rhiane.

“Oo naman noh, unang una ka po sa listahan.” Pagbibiro ni Quinette.

Habang nagtatawanan sila ay pumasok ang isang doctor na napakagwapo at ngumiti ito kanila.

“Good day Mommy Quinette I’m Dr. Jandro Cortez.” Pagpakilala ng doctor sa kanila.  

   

  

“Hello po dok… Quinette Ruiz po”Pagpapakilala din ni Quinette.

“I’m a Cardiologist doctor, nacheck-up ko po c baby Quindell.” ani ni Dr. Janro.

“Opo doc ano po ba kalagayan ng anak ko?” nagtatakang tanong ni Quinette.

“Hindi po maganda ang kalagayan ng puso ni baby. May congenital heart disease po ang anak niyo. Kaya kailangan po maoperahan na siya pagkalimang taon ni baby” Mahabang paliwanag ni Dr. Jandro.

"Kawawa naman ang anak ko. May posibilidad naman po na gumaling siya diba Doc?" Nag-aalalang tanong ni Quinette.

"Opo mommy, pag naoperahan po siya. Sa ngayon kailangan po siyang ipacheck up-monthly at may gamot po na ipapainom kay baby. Sa ngayon yun po muna ang mga gagawin at ibang mga laboratory test." Explain ulit ni Doctor Jandro.

"Kaya ni baby Klyde yan beshhh sa tulong ni Doctor Jandro, magaling siyang heart surgeoan at napakabait pa." Pagpapalakas ng loob ni Rhiane sa kanyang bestfriend. 

" Oo naman tutulungan ko si Baby na gumaling at maging malusog ang kanyang puso." Pagsang-ayon naman ni Doctor Jandro.

" Maraming salamat po ... aasahan ko yang sinabi nyo" Pagpasalamat ni Quinette.

"Pagkatapos ng ilang mga laboratory test niya at makuha ang mga resulta, pwede na po kayo madis-charge" Ani ng doktor at nagpaalam na ito dahil may rounds pa ito sa ibang pasyente.

Tahimik naman na pinagmasdan ni Quinette ang kanyang sanggol na natutulog. Napaka-bata pa niya para maoperahan, siya naman kailangan niyang mag-ipon at makahanap siya ng mas magandang trabaho. Kung ipaalam na lang kaya niya sa ama ng kanyang anak. Kaso alam niyang hindi nito matatanggap ang kanyang anak mas sobrang ng kahihiyan pag itinakwil din ang kanyang anak ng sarili nitong ama. Mamumuhay na lang silang dalawa na lang. Naiiyak siya dahil hindi niya akalain na ganon ang magiging sitwasyon nilang mag-ina. Mabuti na lamang at  nandyan ang kanyang bestfriend na hindi siya iniwan mula simula ng kanyang pagbubuntis at ngayon na  nakapanganak na siya ay suportado pa rin siya ni Rhiane. Ililihim niya na lamang habang buhay ang pagkatao ng kanyang anak. At sana hindi magtagpo pang muli ang landas nila ni Randell Gomez.

"Ayos ka lang ba besh?" Nag- aalalang tanong ni Rhiane kay Quinette na naabutan niyang umiiyak.

"Oo naman kailangan ko maging matapang para sa anak ko at  matatag. Naawa lang ako sa kanya kasi nagkaroon siya ng sakit sa puso." Sagot ng dalaga.

"Mga superheroes ang mga napiling magkaroon ng ganyang sakit. Isa ang anak mo na maging superhero dahil magiging matapang at matatag siya alam ni Lord na kakayanin ni baby Klyde ang pagsubok na yan." Paliwanag at pagpapalakas ng loob ni Rhiane kay Quinette.

"Superhero nga ang baby Quindell Klyde ko kasi siya ang dahilan na patuloy akong lumalaban sa buhay  kahit  pa tinalikuran ako ng sarili kong pamilya." Malungkot na sabi ni Quinette.

"Regalo siya ni Lord sayo Quin dahil alam ng Diyos kung gaano ka kabait, hindi natin maiiwasan ang mga tukso at alam ko na hindi mo naman talaga ginustong mangyari yun. Ang mahalaga may baby Quindell Klyde ka na magiging inspirasyon mo at paghuhugutan mo ng lakas. " Pag suporta ni Rhiane sa kanyang Bestfriend.

"Tama ka besh... maraming salamat din sayo kasi hindi mo ako tinalikuran at lagi kang nandyan para tulungan ako." Madramang sabi ni Quinette.

"Hmmm tama na nga yan, halika yakapin kita para mabawasan yang bigat na nararamdaman mo." Paglalambing na sabi ni Rhiane.

Nagyakapan silang magbestfriend at sabay nagtawanan. Mahirap para kay Quinette ang sitwasyon ng kanyang anak pero alam niya kakayanin nilang mag-ina anumang pagsubok. At mananatiling sekreto ang pagkatao ng kanyang anak. Magsisinungaling siya sa ama nito kung sakaling malaman nito ang katotohanan. Kahit anong trabaho ay kanyang papasukin maligtas lang ang kanyang anak na nagsisilbi niyang pag-asa.

   

`

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status