Share

CHAPTER 3: PAGTAKAS SA KAHIHIYAN

“Anong nangyari sayo Quinette???”Nagtatakang tanong ni Jessica sa dalaga.

“Hindi ko rin alam, ang naalala ko lang ay pinainom nila ako ng alak. Tapos yun may nangyari samin ni Sir Randell.” Naiiyak na sabi ni Quinette.

“Ano?!!,” malakas na sigaw ni Jessica.

“Hindi ko naman sinasadya yun, at iba talaga yung pakiramdam ko kagabi. Sobrang init at para akong nawawala sa sarili ko.” Mahabang paliwanag ni Quinette habang tumutulo ang kanyang mga luha.

“Hayyy kilala mo ba kung sino at anong klaseng tao yung kliyente mo kagabi???” Seryosong tanong ni Jessica kay Quinette.

“Pangalan lang ang alam ko Jessica, wala ng iba pa.” Sagot naman ng dalaga.

“Si sir Randell Gomez ay isang Ceo at bilyonaryo, mayaman, negosyante at tanyag na tao lalo na sa larangan ng pagnenegosyo. Yung bride naman niya ay anak din ng isa sa mga kasosyo niya, nakakatakot silang mga tao kasi kaya nilang bilhin kahit buhay pa ng tao.” Nag-aalalang sabi ni Jessica.

“Anong gagawin ko Jessica, hindi ko naman sinasadya at alam ko gusto din naman ni Sir Randell ang nangyari samin.” Sagot ni Quinette.

“Kahit gusto pa niya, sana nagpigil ka at inisip mo sana na may girlfriend na siya at ikakasal pa” Ani ni Jessica.

“Paano na ngayon baka gantihan ako ng girlfriend niya.” Natatakot na sabi ng dalaga.

“Hindi ko din alam pero sa ngayon ay umuwe na muna tayo at para makapagpahinga ka na din.” Pag-aaya nang umuwe ni Jessica.

“Okey sige Jessica, maraming salamat at pinuntahan mo ako dito. Kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.” Malungkot at kinakabahan na sabi ni Quinette.

Umuwe na sila at nagpahinga na si Quinette sa kanilang apartment. Samantala sila Randell at Andrea ay nag away ng sobra dahil sa nasaksihan ni Andrea…

“ Paano mo nagawa sa akin yun Randell, at babaeng bayaran pa talaga.!” galit na sigaw ng dalaga.

“Hindi ko yun sinasadya at patawarin mo ako Andrea hindi na mauulit.” Paghingi ng tawad ni Randell sa kanyang nobya.

“Hindi na talaga mauulit dahil tapos na tayo at wala ng kasal na magaganap!!!” Galit na sigaw ng dalaga at sinampal niya ng malakas si Randell.

“Mahal patawarin mo ako at bigyan mo pa ako ng pagkakataon…” Pakiusap ni Randell at lumuhod siya sa kanyang nobya.

“Ayaw ko na Randell!!! mabuti na din na nalaman ko ng maaga at hindi pa tayo nakasal.” Umiiyak na sabi ni Andrea.

“Sorry Mahal ko…” Sambit pa din ni Randell habang nakaluhod pa rin sa harap ng dalaga. Si Andrea naman ay tumalikod na at iniwan ang binata sa silid na iyon. Umiyak lang si Randell, sobrang mahal niya si Andrea. Pero wala siyang magagawa kung umayaw na ito, dahil alam niya sa sarili niya na kasalanan niya ang lahat. Ganon din ang babae na nakatalik niya gabing yun. Inakit talaga siya ng babaeng yun kasi kung ayaw nito ay hindi ito magpapadala sa kanya. Pero siya aang nakauna sa babaeng yun, maari kaya na may nag-utos dito para masira ang relasyon ng kanyang nobya.

Pero hindi niya makakalimutan ang dalagang yun, sobra siyang nasabik lalo na ng malaman na birhen pa ito at wala talagang karanasan. At nagtiwala ito sakanya na ibigay pinaka-iniingatan nito. Malungkot siya sa paghihiwalay nila ni Andrea, pero kailangan niya pa rin ituloy ang kanyang buhay… at hahanapin din niya ang dalaga para imbestigahan kung may nag-utos ba sa kanya.

Makalipas ang dalawang buwan ay nalaman ni Quinette na nagbunga ang pakikipagtalik niya sa isang mayamang binata. Pero hindi na niya ipapaalam pa sa binata, dahil alam niyang hindi nito matatanggap ang kanilang anak . Kaya nagdesisyon na lamang siya na bumalik ng probinsya at doon na manganak. Pero pag uwe nya sa kanyang pamilya ay itinakwil siya ng kanyang mga magulang. Ikinahihiya siya ng mga ito dahil isa daw siyang disgrasyada, pumunta lang sa maynila para magpabuntis.

“Paano mo sa amin nagawa yan Quinette hah??!!!” Galit na sigaw ng kanyang nanay.

“Sorry po inay, hindi ko rin po ito ginusto.” Umiiyak na sabi ni Quinette.

“Umaasa kami sa mga pangako mo anak na ikaw ang mag-aahon samin sa kahirapan.” Malungkot din na sabi ng kanyang tatay.

“ Sabi ikaw ang tutulong sa mga kapatid mo para makapagtapos din sila ng pag-aaral nila huh!” Sigaw muli ng kanyang nanay.

“Pagkapanganak ko po nanay maari pa rin naman po ako magtrabaho. Matutulungan ko pa rin po kayo ng mga kapatid ko.” umiiyak na sabi ni Quinette at lumuhod na siya sa harap ng kanyang mga magulang.

“Hindi na!!! Lumayas ka na dito, nakakahiya sa mga kapitbahay! Disgrasyada ka… pinagmalaki ka pa namin sa kapitbahay kasi nasa maynila kana. Yun pala nagpabuntis ka lang at wala pang tatay yang anak mo.!” Galit na sabi ni Aling Mildred.

“ Huwag naman ganyan Mildred san naman pupunta ang anak natin tapos nagdadalang-tao pa si Quinette.” Naawang sabi ng tatay niya.

“Pabayaan na natin siya pinili niya yan kaya bahala na siyang lusutan. May sarili rin tayong problema.” Matigas ang puso na sabi ni aling Mildred.

Tumalikod na si Aling Mildred at hindi na muli pang lumingon. Ang tatay naman ni Quinette ay nilapitan siya at itinayo.

“Palamigin mo muna ang ulo ng nanay mo. Maghanap ka muna ng matutuluyan, ito konting pera  lang ito anak para kahit papano ay makapagsimula ka.” Malungkot na sabi ni tatay Romie sa kanyang anak. Niyakap niya ito ng mahigpit…

Umalis na si Quinette sa kanilang bahay, nanatili muna siya sa isang fastfood chain. Kumain muna siya at kokontakin niya ang kanyang bestfriend na si Rhiane. Dinial niya ang numero nito.

“Hello Rhiane….?” Bungad na sabi niya.

“Oh hello Quin… kamusta ka na nakauwe ka na ba sa bahay niyo?” sagot naman ni Rhian.

“Oo besh kaso pinalayas ako ni nanay at hindi ko alam kung saan ako makikituloy ngayon.” Naluluhang sabi ni Quinette.

“Nasaan ka ba at pupuntahan kita, paout na din ako dito sa ospital besh” Nag-aalaang tanong ni Rhian sa kanyang bestfriend. Alam nito ang sitwasyon ng kaibigan.

“Nandto ako sa fastfood sa bayan, hintayin kita dito besh.” Naluluha na sabi ni Quinette.

“Sige papunta na ako diyan, hintayin mo ako” Sagot ni Rhian.

“Maraming salamat besh…” tumulo ang luha ni Quinette habang nagpapasalamat sa kanyang bestfriend.

Makalipas ang isang oras ay dumating na si Rhiane at agad niyang niyakap ang kanyang bestfriend. Kaya hindi na napigilan ni Quinette ang pag-iyak at niyakap niya din ng mahigpit ang kanyang matalik na kaibigan.

“ssshshh… tahan na Quin, malalagpasan mo din ang pagsubok na ito. Makakasama din kay baby mo ang pag-iyak mo.”malungkot na sabi ni Rhiane. At kanyang hinimas ang likod ni Quinette para patahanin.

“ Maraming salamat talaga Rhiane hindi mo ako tinalikuran tulad ng aking pamilya.” Naiiyak na sabi ni Quinette. Umupo nasila para pag-usapan ang kalagayan ni Quinette.

“Pwede ka naman sa apartment ko tumira at tutulungan kita hanggang sa makapanganak ka besh pati na din sa pag-aalaga sa magiging baby mo.” Nawang sabi ni Rhiane sa kanyang bestfriend.

“Maraming salamat talaga besh babawe ako sayo kapag nakapanganak ako at makahanap ng trabaho.” Naluluha pa din na sabi ni Quinette.

Nakitira si Quinette kay Rhiane pati sa gastusin sa mga gamit ng kanyang anak ay ito din ang nagbigay. Ang kanyang bestfriend lamang nakaunawa sa kanyang sitwasyon at hindi siya iniwan sa oras ng kanyang pagkalugmok.  Habang nakikitira siya naman ay nakahanap ng online job kaya work from home siya, para kahit papaano ay makatulong dsin siya sa mga gastusin. Wala na din siyang balita sa ama ng kanyang anak, pero sinubukan niya itong isearch sa internet at doon niya nakita ang mga inpormasyon ng lalaki.  

   

   

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status