Share

Chapter 7: Focus on me.

Chapter 7: Focus on me. 

Two weeks after the acquaintance party, masyado na akong naging busy sa mga major sub ko. Nagdatingan na kasi ang mga reportings, paper works and other extracurricular sa school. Kevin and I have mostly always been together, tuwing breaktime. Binibisita na niya ako sa room o kaya nagkikita kami sa cafeteria or minsan sa field lang. 

Rage becomes busy on his own course, but we always find time to spend our hang outs. Nasa stage pa lang ako na kini-kilala siya ngayon. Which is nothing wrong kasi we are always trying to figure out what we are. Madalas na nga akong asarin ni Ali na two timer daw ako, kasi napagsasabay ko raw si Kevin at Rage. 

Sa hindi malamang dahilan, Jen become busy too.  Like we are all in the same course, baka ganon lang talaga pag modeling no? 

Papunta ako sa rooftop para sa another study session namin ni Rage. May dala akong milk tea bayad ko sa pagtuturo niya sa akin. Though paulit ulit niyang sinasabi na huwag ko na daw isipin yun atleast madalas kaming may time sa isa't isa. 

Pa-hum hum pa ako ng isang kanta nang biglang tumunog ang phone ko. Nagtext si Kevin. 

From Kevin:

San ka? Binilhan kitang okinawa. 

Agad naman akong napahinto sa pag-akyat at nireplyan siya. 

To Kevin:

Ahm. Wala ako sa room ei, maya na lang siguro. 

From Kevin:

Ha? Sayang naman 'tong milk tea. 

To Kevin:

Ganon, puntahan na lang kita jan. 

From Kevin:

Nako, sabihin mo na lang kung nasaan ka. Ako na pupunta sayo. 

To Kevin:

Gagi, pero ikaw bahala. Papunta ako ng rooftop nasa 4th floor na ako. Hintayin na lang kita dito sa hagdan. 

From Kevin:

Sure, Ganda. 

Hindi ko na lang nireplyan pa si Kevin baka maubos load ko ano. 

Tahimik na lang akong naghihintay sa kanya. Palingon lingon pa ako sa paligid dahil medyo nabobored na ako. Mainipin din kasi ako minsan ei. 

"Hey, Got you." Sabi ni Kevin ng makita ako. Ningitian ko naman siya, agad niyang binigay sa akin ang okinawa milk tea na binili niya. Madalas na kasi akong ilibre ni Kevin, nung una pinagbabawalan ko siya pero dahil makulit siya hindi na ako nagreklamo pa. Siya naman nag iinsist ei. 

"Salamat ha. Una na ako." Paalam ko sa kanya. 

"Hoy, ganda hindi ako umakyat ng 4th floor para lang magpaalam ka agad no!" Reklamo niya. Medyo nakaramdam naman ako ng guilt, kaya hinatak ko na lang siya at agad na kaming dumiretsyo ng rooftop. 

Doon namin naabutan si Rage na may nire-review at nakaupo sa upuan na nilagay niya para lang sa aming dalawa kapag mag study session kami. 

"Grabe naman ganda, bakit nang hahatak ka agad." Hingal na hingal si Kevin dahil sinasabayan niya ang lakad ko na mabagal, since mas matangkad siya mas mahaba ang hakbang niya kesa sa akin. Pero ako maliit ang mga hakbang ko. 

"Oy, pre. Kamusta?" Bati ni Kevin kay Rage. Halatang naguguluhan si Rage kung bakit andito si Kevin, ei ang usapan kaming dalawa lang dito. 

"What is he doing here?" Hindi niya pinansin si Kevin at tumingin lang sa akin. 

"Snob siya sis." Kevin sounded as a gay when he said that. 

"Ahm. Sinama ko na si Kevin. Ang kulit ei" sagot ko kay Rage. Nakakunot noo naman nila akong tinignang dalawa. 

"Why?" He asked again. 

"Para maturuan mo siya." Sagot ko ulit. Tinaasan niya lang ako ng kilay. 

"A, study session naman pala. Eksakto magaling ako sa lahat." Pagmamayabang niya yun kasi ang pansin ko sa kanya ei, mahilig siyang magyabang pero yung hindi naman in a bad way. He just did it to pull pranks on others, and me. 

"Get out. It is supposed to be us, alone. Me and Lexia." Rage said it in a baritone voice. Nagalit ang papa niyo. Nagulat si Kevin sa sinabi ni Rage pero agad ding ngumisi. 

"Dinala ako dito ni Lexia, siya lang ang pwedeng magpa-alis sa akin." Sagot naman ni Kevin, Rage look at him too. Para bang naghahamon silang dalawa like bakit? 

"Okay. Tama na! Kevin mag stay ka na lang jan, habang nag-study session kami dito." Utos ko kay Kevin. Kita ko ang saya na gumuhit sa labi ni Rage. 

Nakinig naman sa akin si Kevin at umupo na lang sa sahig ng rooftop, buti nga hindi masyadong mainit makulimlim kasi ang langit uulan pa ata mamayang hapon. 

Kailangan ko rin makinig kay Rage, malapit na daw kasi ang exam kay Mr. No natatakot tuloy ako baka ibagsak ako nun since, hindi naman niya ako bet. 

Sinusubaybayan ko si Rage sa pag sagot, sinasabi naman niya kung saan ako nagkakamali. Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-perfect ang lintik na math na to. 

Sinusulyapan ko naman si Kevin pa minsan minsan, marunong pala sya mag-ML. Buti na lang at tahimik siya dahil baka bigla siyang itulak ni Rage pababa halata ko kasing masama ang dugo niya dito ei. 

Medyo inaantok na ako dahil hindi ko na ma-gets tong formula na to. 

"Pagpahingain mo muna si Lexia." Biglang sumingit si Kevin. 

"Hindi ka kasali dito." Binato siya ni Rage ng hawak na ballpen, napabitaw naman si Kevin sa cp niya. 

"Mainit ulo niya sa'kin." Lumapit pa talaga si Kevin para lang ibulong yun. 

"Huwag ka nga." Siko ko sa kanya. 

"Focus on me." Sabay kaming napalingon ni Kevin sa sinabi ni Rage. Naguguluhan akong napatingin sa kanya. 

"Konting break lang ei." Bulong ko, I heard him sighed. 

"Fine, let's take a break." Kinuha niya ang milk tea na binili ko para sa kanya, ako naman ininom ko yung milktea na bigay ni Kevin. 

Tinitigan ni Rage yung milktea na bigay ni Kevin, nang makita ko siya kung saan siya nakatingin. Iniwas naman niya ang tingin at sa iba na lang binaling ang pansin. 

Napa-pagitnaan ako ng dalawa, sa may kaliwa ko si Kevin at kanan naman si Rage. 

Parang may dumaang anghel dahil sa katahimikan. Medyo weird lang para sa akin to.

"Hmm.-" may sasabihin pa sana ako kaso bigla namang tumunog na ang bell. 

Yes, makakatakas na ako sa dalawa. 

"Pano ba yan? Kita kits na lang ha." Hindi ko na hinintay pa ang sagot ng dalawa at agad na akong umalis. 

Sa sobrang weird ng atmosphere kanina sa aming tatlo, halos kausapin ko na ang buhangin kanina. Jusmeeh. 

Isa pa klase pala ni Mr. No ngayon, so ibig sabihin magkikita kami ni Rage? Yung iniwasan mo pero wala ka pa rin palang kawala. Shucks. 

Pagpasok ko sa klase ni Mr. No nag aantay na siya dun, maaga ata pumasok to ngayon ah? Sana lang hindi bad trip. 

Unti-unting nakokompleto na kaming mag kaklase dito sa classroom. 

Huling pumasok si Rage, at umupo sa upuan niya sa may likuran ko. 

Ni-ready ko na ang mga gamit ko sa desk kasi may test nga kami dito kay Mr. No. 

Bago pa magsimula si Mr. No Nakareceive ako ng text mula kay Rage. 

From Rage:

New rules don't allow strangers in our study session. Focus on me. 

Napanganga ako sa nabasa ko. Bakit ba lagi tong desisyon sa buhay. Nauurat na ako sa kanya. Urgh!!!!! 

Agad ko naman siyang nireplyan. 

To Rage:

Hoy, puro ka desisyon ha. 

Narinig ko namang nag vibrate ang phone niya, naramdaman ko yun mula sa likuran mukhang nag cellphone sa desk. 

From Rage:

Focus on me. 

Pag uulit niya sa text niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status