Share

Chapter 10: Friends Sucks.

Chapter 10: Friends sucks. 

I feel dizzy when the sunlight hits my eyes. 

Hindi naman ganito ka sinag ang araw sa kwarto ko ah. 

Hindi naman ganito ka sinag ang araw sa kwarto ko ah. 

Bigla akong napamulat sa naisip ko, gagi asan ako? Agad kong tinignan ang paligid, at hindi ko nagustuhan ang nakikita ko. Shuta, anong nangyari kagabi? 

"Soju, si Rage tapos about sa law---anong nangyayari?" I pulled out my own hair because of the frustration I felt. Ibig sabihin ba nito, hindi ako umuwi? Oh my gosh! Lagot ako kay Mama, ni minsan never akong hindi umuwe tuwing may gimik. Baka mapatay ako ng nanay ko pag uwe. 

Nilibot ko ang paningin sa kwarto kung nasaan ako ngayon. Agad ko rin ni-check ang suot ko kung andun pa ba sila sa katawan ko! 

Halos pasalamatan ko na lahat ng Santong kilala ko nang makitang kompleto pa silang lahat!!! 

Hindi ito ang kwarto ni Jen. Si Rage, tama si Rage lang katabi ko kagabi. Bakit ba putol putol ang naalala ko? 

"Rage Suarez!" Pasigaw kong sabi. 

Then the door suddenly opened. I looked at the man who was wearing only a bathrobe? What has he done to me? My eyes widened when our eyes met? Hindi ko naman siguro nasuko ang bataan diba? I bit my lower lip thinking that thing! 

"Anong ginawa mo sa'kin?" Tanong ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako, halata sa kanya ang bagong ligo. Pero waepek sa akin yan no, hmp! 

"What?" He asked back, bakit parang masaya pa siya? 

"Miss, I didn't do anything to you, sa sofa nga ako natulog ei. Kasalanan ko bang Soju ka mahina." He said! I rolled my eyes to him, he was really teasing me. 

"Stop rolling your eyes, iisipin ko na talagang sinasapian ka lagi!" He added. 

"Uuwi na ako." Sabi ko at bigla akong tumayo, pagka alis ko sa kama. 

"Let's eat breakfast first." Alok niya at lumabas na. Sabado ba ngayon? Oo nga sabado. 

Nakita ko naman ang phone ko na naka-charge sa tabi ng side table nitong kama. Agad ko naman iyong kinuha. 

Bumungad sa akin ang texts and calls ni Mama. Bahala na mamaya ko na yun iisipin ano. 

Lumabas na rin ako ng kwarto kahit pakiramdam ko, ang lagkit ng katawan ko. Shocks! Kaka-inom mo yan, Lexia. 

Namamalikmata ba ako, hindi ito ang condo ni Rage kung hindi ako nagkakamali. Kahit dalawang beses pa lang naman ako nakakarating dun, pamilyar na ako sa condo niya. 

Bumaba ako ng hagdan para hagilapin siya. 

Nang makababa ako, bumungad sa akin ang isang bata na sa tansya ko ay nasa walong taong gulang pa lang. 

"Hi!" Yumukod ako ng konti para magkasing pantay kaming dalawa. Ngumiti naman sa akin ang bata, bungal pa ang unahang ngipin nito. 

"Kuya!" Sabi niya, kala ko nung una ako ang tinatawag. Pero biglang dumating si Rage. Agad naman siya nitong binuhat. 

"Tara na, kakain na." Sumunod na lang ako sa kanilang dalawa, nang mapadaan ako sa sala. Bumungad sa akin ang isang Family picture, so, ibig sabihin nandito ako sa bahay nila Rage? I mean, kila Congressman. Shuta! 

Pumasok ako sa dining, umupo na rin ako at nagsimula na kaming kumain after mag pray ng bata. 

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ko silang magkapatid, at some point may differences silang dalawa. Like their skin color, Rage has fair skin and his brother quite dark skin. Even their eyes are different from one another. 

"I want chocolate!" Rinig kong sabi niya kay Rage. 

"No, chocolate on my watch. Achi!" Rage using stern voice. Strict yern! 

"But I want it!" Sagot sa kanya ng kapatid. Pinapanood ko lang silang dalawa. 

"You always eat chocolate, you ate whole bars this morning instead of drinking milk first!" Rage scolded his younger brother. 

Tumayo si Rage at lumabas. 

"Your brother is bad!" I whisper to him. 

"No, he is kind. He's right, Dad will be mad at him." Ay, parang ang sama ko naman sa part na yun. Desisyon din ako sa buhay! Ako ang napahiya dahil sa sagot nung bata. 

"Here, finish your food and you will eat this chocolate." Nilapag niya ang platitong may kalahating chocolate. 

"But it's just half." He complained. 

"Yes, just finish your food." Rage said. 

Hindi ko na naman sila pinakialaman pa, at kumain na lang din ako. Medyo sloppy gumamit ng utensils yung kapatid niya pero pinapabayaan lang ni Rage. Nahalata ata Ni Rage ang iniisip ko at agad akong nilingon. 

"Don't look at me like that, he knows how to use utensils. Finish your food." Hindi ko na sya sinagot at agad na din akong kumain. 

Sabay-sabay kaming natapos, balak ko na rin na umuwi baka pag uwe ko isumpa na ako ni Mama. 

"Rage, salamat nga pala. Uuwi na ako!" Paalam ko sa kanya. Nasa may garden sila ng kapatid niya, yung kapatid niya naglalaro ng Ironman toys, na umaandar malay ko kung anong tawag dun. Si Rage naman nagbabantay lang. Nilingon niya ako, tumingin siya sa wrist watch niya. He's just wearing a sleeveless shirt and simple jogger pants. 

"Mamaya na, dito ka muna." Sinenyasan niya akong tumabi sa kanya. 

"Nasaan si Congressman?" I asked, I roamed my eyes in the corner of this house to see if I had a chance to see his father. 

"He's not here, as far as I remember he has to go somewhere you know political matters." Rage said. Pinanood ko na lang ang kapatid niya na aliw na aliw sa laruan nito. 

"Ilang taon ka na?" I asked out of the blue. 

"25" he simply said. 

"Pero 8 years old pa kapatid mo? Teka, huwag mong sabihing anak ni Congressman--" Rage cover my mouth. Hindi pa ako tapos magsalita jusme. 

"Huwag ka maingay. Pag mga ganyan ang bilis mo ma gets pag math hindi." Bulong niya, wala pa naman akong sinabi a. 

"Wala pa akong sina-sabi oh." Nahampas ko siya sa braso niya. 

"Tsaka isa pa, alam mo ba ang sasabihin ko?" dagdag ko pa. Hindi niya lang ako tinanong, kahit na may hint na ako tungkol sa kapatid niya. Maiging mag shut up na lang. 

Umuwi na rin ako kailangan ko na talaga umuwi dahil hinahanap na ako ni Mama. Kahit na gustuhin ko pa magstay! 

------

"The semester break is coming up, same as your midterm examination. Study well the past lessons, and your other subjects, especially your major ones. Class dismissed!" Mr. No, say and leave. 

Ang bilis naman ng panahon, last time excited pa akong mag-college ngayon semester break na? 

Ganun ba talaga pag tumatanda? 

I fix my things and put it all in my bag, nagulat ako dahil bigla biglang nanghahampas itong si Rage sa likod. 

Nilingon ko siya, nagdikit siya ng sticky note sa braso ko. Kinuha ko naman yun at tsaka binasa. 

Wanna lunch? 

-Rage

Tutal gutom na rin naman ako G na! 

"Let's go!" Hinihintay niya akong ayusin ang mga gamit ko. Tsaka na kami sabay lumabas! 

"Sa cafeteria na lang tayo, kumain." Aya ko sa kanya, andun na rin naman si Ali. Naghihintay. 

"I want us to eat in a proper restaurant." Ang arte sis ha. 

"Huwag na lalabas pa tayo ng school, dito na lang." Sagot ko, habang sabay naming tinatahak ang daan papuntang cafeteria. 

Medyo nagkakagulo ngayon sa may open field, diko lang knows kung anong ganap. Hindi rin naman ako interested. 

"Alicia Lexia B. Carmona" Hindi ako pwedeng magkamali pangalan ko yun. Hinanap ko kung sino ang tumawag sa'kin. 

Napa-taas ako ng kilay nang makita kung sino siya. 

"If you are here please listen to me." Sigaw ng nagsasalita. Problema nun? 

Kahit si Rage halatang naguguluhan. 

"Sino ba yun?" Taka kong tanong kay Rage, habang hinahanap ko kung nasaan ang nagsasalita. 

"It's just the idiot let's go." Hinila ako ni Rage, tsaka ko na gets kung sino ang tinutukoy niya. Shocks, si Kevin ba yun? 

"Si Kevin?" Hinahanap ko pa rin ang boses ni Kevin kahit, hawak hawak ako ni Rage. 

Hanggang sa huminto ako at kumawala sa pagkakahawak ni Rage sa akin. 

"Kevin!" Sigaw ko sa habang hinahanap siya. 

Nakita ko naman siya na pinag-kukumpulan ng mga tao. 

Sumalubong sa akin si Ali. 

"Sorry, Sis lasing ei." Sabi ni Ali na halatang nag-aalala. 

"Bakit daw?" Tanong ko sa kanya. 

"Hindi ko alam, itatanong ko pa nga sana sayo ei. Kasi Si Kevin may tama ata sayo ang mokong." Huh, sa akin? Like bakit? 

Agad ko naman pinuntahan si Kevin na ngayon ay nakabulagta na habang hawak, ang microphone. Jusko napano to? 

Ang ending kami ni Ali ang nagdala kay Kevin sa clinic, bakit ba kasi pumasok to ng lasing? Pwede ba to sa school papasok ng lasing? 

Paalis na sana kami ni Ali nang biglang nahimasmasan si Kevin at nakabangon na. 

"Oy, ge alak pang lintik ka." Binatukan ni Ali si Kevin, gusto kong matawa pero hindi ko ginawa. 

"Ang sakit." Napahilot naman si Kevin sa ginawa ni Ali. 

"Anong pumasok sa ulo mo at ganyan ka? May problema ka ba?" Tanong ni Ali, sasagot na sana si Kevin pero nagtagpo ang mata naming dalawa. 

"Wala, okay lang ako." Sagot niya nang bumaling siya ng lingon kay Ali. 

"Wag ako, shuta. Ano ngang meron?" Mukhang nagagalit na si Ali kay Kevin. 

Buntong hininga si Kevin, bago lumingon uli sa akin. 

"Si Lexia kasi hindi ako pinapansin." Nanlaki ang mata ko sa narinig. 

"Naglasing ka dahil kay Lexia? Ako nga ei, kahit hindi kita kausapin ng ilang araw waepek sayong gunggong ka." Sabi ni Ali, at handa na namang sapakin si Kevin. 

"Dun ka, epal to." Sagot sa kanya ni Kevin. 

"Sabihin mo na." Pang uudyok sa kanya ni Ali. 

Kita ko ang takot sa mata ni Kevin.

"Ang ano?" Tanong niya pabalik kay Ali. 

"Sabihin mo na, na gusto mo akong paalisin." Lumingon sa akin si Ali bago tumingin kay Kevin. 

"Alam mo pala ei, bakit hindi ka pa nagkusa?" 

"Ay, tarantado ka pala ei." 

"Alis na kasi." Pang-tataboy sa kanya ni Kevin. 

"Labas lang ako." Tinapik ako ni Ali sa balikat at umalis na nga. 

"Sorry!" I try to make it sound so calm. 

"Wala yun, ako nga dapat mag sorry. Nakakahiya ako!" Sagot niya sa akin. 

"Okay lang. Ang childish ko nga ei, hindi kita na acknowledge. Hindi ko na acknowledge ang feelings mo." Paliwanag ko sa kanya. 

"Hindi, okay lang. Ako nga itong padalos dalos ei. Sorry!" So, it is about his confession. 

"Let's get back to what we are. As friends!" I said, baka dahil hindi pa talaga kami magkakilala ng lubos kaya naging ganun ang trato ko sa kanya. But at least we have a chance to get to know more about ourselves. Though it's just going to be an excuse. Dahil wala naman akong plano na magpaligaw. 

"Fine! If that's what you want." Buti naman at pumayag na. 

"Friends sucks!" He added, but he whispered it to himself. I pretended I didn't hear at all. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status