Share

Chapter 51: No woman can outstand you, babe.

Chapter 51: No woman can outstand you, babe.

Kung tutuusin ay hindi ko naman pinag isipan lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko, ang gusto ko lang ay makapag trabaho sa Manila. Umalis ako ng probinsya dahil sa trabaho, tapos nung dumating ako rito ang dami-daming nangyari.

Lahat ng konektado sa nakaraan ko nagkabalikan sila bigla sa buhay ko. Hindi ako prepared alam ko sa sarili ko hindi ko yun pinaghandaan, kung paano ako magrereact sa mga malalaman ko. Mas lalong hindi ko alam kung paano haharapin kung paano ako naaksidente, pinatawad ko nga si Jen ng ganun kabilis dahil alam ko sa sarili ko na pati yun ay hindi ko pinaghandaan.

Tapos ngayon ang relasyon ko kay Rage, pati ito wala sa plano ko. 

Nasa isang coffee shop kaming dalawa, malayo ito sa network. Masasabi kong may pag-private siya, at higit sa lahat ay konti lang ang tao. 

“You okay?” Tanong sa akin ni Rage. Napansin niya ata na kanina ko pa siya hindi kinakausap, hindi naman sa galit ako pero kasi marami din akong doubts.

“Oo.” Maikli kong sagot habang umiinom ng ice coffee na pagka tapang at konti lang ang tamis. 

“That’s not how I feel it.” Sagot niya, tinignan ko siya at napa cross arms ako. Iniwas ko na lang din ang tingin sa kanya afterwards. 

“I’m fine.” Pinagdiinan ko na ang sagot ko para wala na siyang masabi, pero dahil siya si Rage Suarez ay alam kong hindi niya ako tatantanan. 

“That's not how I see it.” Napairap ako sa sagot niya.

“Okay!” Pagsuko ko.

“I am okay, but I don’t feel okay. My mind has a lot of thoughts: like our relationship is new, it’s getting in public, and everything is so rushed for me.” Pag-kwento ko.

“What’s rushed?” Tanong pa niya.

“Okay…” Napahilamos pa ako sa mukha ko bago siya sagutin. 

“Umalis ako sa probinsya namin, cause I only expecting a job here in Manila not anyone. You, Jen, Ali and Kevin, we all met again after so many years. I didn’t expect any of you, everything is not what I expected.” Sagot ko sa kanya at napayuko habang nilaro ko na ang daliri ko, I feel so terrible I mean like sinong bang hindi diba? 

“I get it. You think we’re rushed because you didn’t expect any of us, I know. I’m just delighted that you're back, not just me, your friends too. Don’t blame us for being excited to see you again, all of us you left in deep misses you.” He reached my hands, after he said that. I look straight in his eyes, full of assurance.

“Sorry, I’m giving everyone a doubt.” I said.

“No, sweetie everything you feel is valid, besides your experiences is too much to take. Just tell me every time you are doubting yourself.” Rage said, and hugged me. Lumipat siya ng upuan para lang yakapin ako. 

I can say na medyo lumuwag ang pakiramdam ko, the way he make me feel better. He’s right though. Hindi madaling mawalan ng ala-ala lalo na at isa siya sa mga ala-ala na nawala ko. For sure hindi niya rin naman in-expect ang pagbabalik ko. 

“So, what do you want to do after ng photoshoot ko.” Tanong niya habang nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya. 

“Hmm. Ewan ko, ikaw ba?” Tanong ko din. Wala ako maisip…

“Katatapos lang ng wedding ni Kevin, ang ganda pala sa Boracay, how about dun tayo next time.” Suggestion ko, hindi naman kasi kami lumalayo sa probinsya namin nung nandun ako. 

“Well, kailan mo gusto.” Sagot niya sa akin.

“For sure hindi ngayon dahil may shooting ka pa at photoshoot.” -Me

“After your successful movie we go there.” He promised me that.

“Can I ask question.” Sabi ni Rage. Humarap naman ako sa kanya ng maayos.

“In Boracay, you and Kevin had a moment there before to start a wedding. What did you guys talk?” Tanong niya, yun ba yung nahuli si Kevin ng pasok sa simbahan. Nauna kasi si Laine dumating sa simbahan, diba usually hinihintay ng groom ang bride. Paano ba naman nag insist si Kevin na kausapin ako at gusto uli kami magkaroon ng moment together, hindi naman ako pumayag kung gusto niya ako kausapin ay dapat present na lang ang mga kaibigan ko, nadala na kasi agad ako after nung incident sa club ayoko magcheat kay Rage.

“Well. he just ask a proper closure. Akala ko nga ang closure namin is nung sa restaurant pa ei. Anyway, nothing important.” Sagot ko, dahil totoo naman. 

“That jerk indeed likes you so much. I see it with my own eyes.” Sagot ni Rage at mukhang may naalala.

“The important thing is that he embraces his wife.” Sagot ko.

“Right, let’s just go back sa network.” Tumayo na kami pareho, inayos ko na rin ang mga gamit ko. Binitbit ko na lang ang kape na hindi ko naubos, ubusin ko na lang siya habang pabalik kami sa network. 

Magka Holding hands kami habang palabas ng coffee shop. Sumakay na kami sa sasakyan niya, dahil wala naman akong ganitong klaseng car ano. Rage actually collected 20 cars already. 

Habang pabalik kami ay curious pa rin talaga ako kay Jen, saan ba siya nagpunta nauna kasi siyang umalis sa Bora, hindi na lang namin pinansin ni Ali dahil tulad ng sabi niya ay may aalamin lang daw siya. Masyado nagpapaka mysterious ang isang yun.

—--

Pagbalik namin lahat ay hinihintay na si Rage, siya na pala ang kukuhanan. Hindi ko lang alam kung ilang oras sila naghintay. 

Naupo na ako sa kinauupuan ko kanina, para panoorin sila. Hindi na naman ako pinapansin ng ibang staff na nandito, mamaya nga ay magbubukas na ako ng social media accounts ko. Unang step sa pagtanggap ko sa trabaho na meron si Rage.

“There you are, Rage. Let’s start.” Sabi ng photographer matapos makitang tapos na bihisan si Rage. 

Rage is just wearing a formal black and tie suit. That fits his character in the movie. 

Ramdam ko naman na may biglang umupo sa tabi ko. It’s Ivy.

“Hello.” She greeted me. I just replied with a smile.

“Mind you if we have some chat, moment.” Hindi ko alam kung para saan yung ‘chat moment’ na gusto niya. 

“Ahm, dito?” I’m talking to this place kung dito ba kami mag-uusap since maraming tao. 

“Not here, kahit sa girls room.” Sagot niya at nauna nang umalis, naiwan naman ako dito na nakatanga. Ano gagawin namin sa banyo ng babae? 

Sumunod na lang ako sa gusto niya dahil kung tutuusin ay siya naman ang may gusto nito.

Pagpasok ko sa girls room, naabutan ko siya na nagli-lipstick. Tumayo na lang ako sa tabi niya sa may sink. 

“You know what, the moment I started my career here in this industry. No one wants to work with me, first is because I don’t have any connections. My first ever role, sa isang anthology drama pa ata yun every saturday. Walang gustong maka partner ako, I only have my Dad as a manager. He's the one who keeps finding an actor that is willing to pair with me. Lahat sila ayaw sa akin, until Dad ask Rage to be pair to me. Walang choice noon si Papa kaya lumapit na lang siya kay Rage, he’s already big star at that time, until now. But then he choose to pair with me, kahit na may karapatan siyang tanggihan yun.” Pagkukwento niya, ako naman. ‘Oh tapos’ gusto kong sagutin ng ganyan.

Pero mas pinili ko na lang makinig kesa sa mangbara. 

“That’s where I love him, I fell for him during that time already. Many years had passed I gain my career so huge as well like him, and I’m still in love to that man.” Doon niya naagaw ang atensyon ko.

So, she’s saying that he likes my boyfriend. Kaya ba niya ako tinatarayan kanina? 

“What’s the meaning of that, Ma’am?” Tanong ko. I still address her as ‘Ma’am’. 

“Well, I don’t like you as her girlfriend after so many years, this is our first movie together again after we broke up before.” She said, so she is his ex? 

I look away, so there’s actually a reason why she’s hating me huh! 

“Ahm, it's not my fault if you don’t like me as his girlfriend. Hindi ka naman kasali sa relasyon naming dalawa. So, you just waste my time here, by listening to your failed relationship with him.” I said, hindi ko na siya hinintay na makasagot dahil agad na akong umalis. 

Bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina. Rage changed outfit na ngayon, with the other three of his co-star in the movie.

Nakita niya ako na nakatingin sa kanya, I just give him a little wave pero kinindatan ako ng mokong. 

“Ivy and Rage please kayo naman.” Utos ng photographer, nakita ko si Ivy na kakalabas lang sa girls room kanina. I inhale a large amount of air, dahil pinakulo niya ang dugo ko. 

Rumampa si Ivy sa gitna, I saw Rage didn’t even glance at her. I give him a tease look when he looks in my direction. 

Naglagay sila ng couch habang nireretouch si Ivy, sheesssh nakapag retouch na siya kanina ei. 

“Ivy, you sit on Rage lap ha, then Rage hugs her from behind.” Tumingin muna sa akin si Rage, maybe asking for permission to do the pose. I just raised my brows to him as a yes. 

Ivy didn’t bother to look at me maybe, she knew that she won as of this moment. Pero nah! 

Ivy just sit to my boyfriend’s lap, Rage did hug her from behind, pero hindi nakalapat ang mga kamay niya sa waist ni Ivy. 

I think Ivy notice it, kaya naman ay hinila niya ang mga kamay ni Rage para hawakan ito. Shucks, pabebe! 

I stay act cool, kahit marami ang nakakita. Alam ko rin na bigla akong pinagtinginan ng ibang staff rito. 

May binulong sa kanya si Rage kaya napalingon patalikod si Ivy, hindi ko naman alam dahil duh malayo ako no.

“Ahm, please be more romantic. Thank you.” Sabi ng photographer mukhang nakahalata na boring ang photoshoot. Boring talaga dahil hindi naman kami ni Rage yan ei. 

Ngayon naman ay nakatayo na sila, mukhang throwback naman ang photoshoot, I mean for throwback setting sa movie. They are wearing school uniforms naman. 

Nakailang take pa ang photographer bago natapos. 

Agad naman lumapit sa akin si Rage, at yumakap. I hugged him back. Hindi ko na tinignan si Ivy dahil baka isipin na iniinggit ko siya. 

“Hi.” He greet me, kahit na andito naman ako kanina pa.

“Hi ka pa ha.” Hampas ko sa braso niya.

May sasabihin sana si Rage pero agad na siyang tinawag ule.

“I’ll be back.” Bulong niya sa akin at nikiss ako sa noo, for the freaking first time hindi ako nailang na pinapansin niya ako sa harap ng maraming tao. 

Ngayon buong cast naman ang nag photoshoot. Dahil mauumay na talaga ako if sila pa rin nung Ivyngot. Charzzz! 

Ilang sandali pa ay natapos na rin ang photoshoot nang tingnan ko ang oras ay malapit na mag noontime show. Since, doon muna ako hanggang sa magsimula ang shoot next week ay sa shoot naman ako ng movie. 

Inayos ko na ang mga gamit ko at handa ng lumabas.

Pero bigla akong hinila ni Rage, napalingon naman ako sa kanya. 

“Sabay na tayo.” Sabi niya at kinuha lang ang phone niya at keys.

“Usually wala naman akong dalang gamit sa mga ganitong set up. Sarili ko lang.” Sabi niya, 

“Tinanong ko.” Sagot ko naman, totoo naman a hindi ko tinanong.

Pinisil niya lang ang pisngi ko. He intertwined his hands to mine, tinulungan naman niya ako sa mga ilang papers na bitbit ko. 

“Rage.” May narinig akong tumawag kay Rage pero mukhang kilala ko kung sino.

Lumingon kami pareho kay Ivy.

“Yes.” Wala sa mood na sagot niya, oo ako na nagsabi wala sa mood.

“You forgot this, the last time you went to my car.” Sabi ni Ivy, at iniabot kay Rage ang isang panyo. 

“I don’t remember having that handkerchief.” Sagot sa kanya ni Rage habang nakatingin sa panyo na blue.

“Oh, you want me to tell her.” Ivy just smirked. Agad akong bumitaw sa pa holding hands eme ni Rage, walanghiya siya. Pero ang gunggong ayaw bumitaw, dahil mas malakas siya ay ako lang ang napagod sa gusto ko. 

“If my memory serves me well, I left that handkerchief 8 years ago today. So, if you’ll excuse us. I have to accompany her to her next shift.” Hinila na niya ako, s***a talaga ang babaeng yun. Pati ba naman yun naalala pa niya.

“Let me go.” Utos ko sa kanya nang makasakay na kami sa elevator. 

“For what?” Sabi pa ni Rage. 

“Namamawis kamay ko bakit.” Lumipat lang siya sa kabilang side ko sa kanan, at yun naman ang hinawakan niya para magka holding hands ule kami. 

“Selos ka?” Tanong niya.

“Ako? Hindi ano. Wala naman akong pake sa mga gusto mo sa buhay.” Sagot ko sa kanya.

“You don’t have to. Nag-iisa ka.” Rage said,

Ang mas nakakagulat ay he kisses me here inside the elevator, dahil maarte ako ay hindi ko ginalaw ang mga labi ko. Pero marupok ako minsan, that is why I kisses him back. 

“No woman can outstand you, babe.” He said that after he cut our kisses.

Ang yabang! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status