Share

Chapter 9: Blocked

Chapter 9: Blocked

"I like you Ganda." He said and gave me a sweet smile. 

Nawindang ako sa narinig ko. Rage looks at my reaction, maybe waiting how I should react to what Kevin says. 

"Ahm. Okay ka lang?" I asked him, what happening right now is just impossible.

"Oo naman." He said. 

"I don't know what's happening but, I think I should go." I said. Paalam ko na rin yun sa kanila. Naglakad na ako palabas pero hinabol pa rin ako ni Kevin. 

"Lexia. Huy, sorry." He apologized. I look at him, he seems so sincere about his apology. 

"Let's not talk for now." I told him. I leave their mansion. 

Buti na lang at hindi hectic dito may taxi station akong nakita. Yun ang nakasulat ei. 

Pumara ako ng taxi, at naghatid sa bahay namin. Since exclusive village yung pinanggalingan ko, shuta ang mahal ng bayad. Umabot ba naman sa 800 ang binayaran ko. Punyemas!

Pagpasok ko sa bahay ay nasa sala si Mama at si Tito Ed. Nagmano naman ako kay Mama at diretso na ng kwarto. Ramdam ko ang pagsunod ni Mama sa akin para kumbinsihin akong tanggapin na naman ang bago niyang jowa. 

"Anak, alam mo naman na---

"Gusto mo lang sumaya Ma, alam ko na yan nasaulo ko na yan." I told her. Na-tahimik siya sa narinig mula sa akin. 

Alam niyang ayoko na sana siyang magkaroon ng kasintahan. Palagi rin naman siyang nasasaktan. Yung isang ex niya nga, ninakawan kami ng pera ayon ang hirap hanapin kasi nagtatago. Senior high ako nun, tapos yung isa naman niyang ex nahuli mismo ni Mama na binobosohan ako. Ayun nakakulong ngayon! 

"Anak, para na rin may kasama tayo at may magliligtas sa ating dalawa. Alam mo naman na tayo na lang ang magkasama diba?" Malambing niya akong kinausap. Nilingon ko naman siya para sagutin. 

"Ma, ligtas ba ang sabi mo? Sa pagkakaalam ko kasi pina-pahamak lang tayo ng mga nagiging jowa mo ei. Kaya natin ang sarili natin Ma, kaya naman nating lahat ah. Bakit kailangan mo pang magdagdag?" Mahinahon kong sabi sa kanya, napatitig muna siya sa sahig bago niya ako nilingon. 

"Alam ko anak, gusto ko lang ng magpo-protekta sayo. Matanda na ako at hindi na kita maba-bantayan pa." Naluluha niyang sabi sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at sinagot siya. 

"Ma, iwan mo man ako mag isa. Kaya ko, alam mo kung bakit? Kasi tinuruan mo ako. Mawala man ang ala-ala ko, pero ang tibay ng loob na binigay mo sa akin yun ang hindi mawawala. Kaya kahit mawalan ako ng memorya, kakayanin ko pa rin bumangon." Sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagluha niya pero agad naman siyang tumalikod para punasan ito. 

"Matagal na kami anak, huli na 'to pag Pumalpak pa rin ako dito sa relasyon na to. Hindi na ako uulit." Hinalikan ako ni Mama sa noo, at pinabayaan na ako mag-isa sa kwarto ko. 

Muntik ng mawala sa isip ko ang nangyaring pag amin ni Kevin sa akin. 

Nakatanggap din ako ng text mula sa kanya. 

From Kevin:

Sorry, again Lexia. See you at school. 

Lexia? Hindi na ganda, mukhang nahiya din siya sa ginawa niya. 

----

One week after that, I distanced myself from Kevin. Though he always comes to my room and gives me some snacks, I always refuse him. I found him uncomfortable, while Rage and I continued our study session on the rooftop. Madalas na rin kami lumabas at mamasyal, medyo weird lang kasi palagi siyang naka-disguise pag lalabas kami. Sabi naman niya maiba lang ganon. 

Today is Friday, Ali told me that we're going to visit Jen's condo tonight. Tutal nag aaya din daw si Jen uminom. 

I think it's about a celebration for her debut movie, malapit na raw kasi yun ipalabas. 

This class is my last sched for today, then diretso na kami ni Ali sa condo ni Jen. 

Malapit na rin naman maghapon, tsaka mabilis lang 'tong klase. Wala daw kasi ang Prof, kaya nag iwan na lang ng gagawin. Hindi rin naman sobrang hirap yung seat work na iniwan, keribels lang! 

Ginagawa ko ang seat work, nang biglang nag ring phone ko. Mayroong text si Rage. 

From Rage:

Jen is inviting me to her condo for a celebration of her movie debut soon. Wanna come?

I texted him back. 

To Rage:

Dun kami de-diretso ni Ali. 

Maya-maya pa nagtext agad siya. 

From Rage:

Okay, let's see each other there. 

Hindi ko na siya nireplyan at ipinagpatuloy ko na lang ang seat work ko. 

Hindi ko namamalayan, tapos na pala ang klase. Pa'no naka earphones kasi ako habang nagsusulat, kailangan pa akong tapikin ng kaklase ko para tumayo. 

Nagtext si Ali na nasa gate lang daw siya. 

From Ali: 

Gurl, andito na ako sa gate. Kasama ko si Kevin inaaya din daw ni Jen ei. 

Kasama si Kevin, bigla akong napa-atras sa nabasa ko. 

Agad ko naman siyang nireplyan. 

To Ali:

Kay Rage na pala ako sasabay, kitakits nalang us. 

Nakita ko naman na wala ng reply pa si Ali at nakahinga ako ng maluwag. Mamaya na lang ako magrereklamo ng rants pag nakita ko na si Kevin sa condo ni Jen. 

To Rage:

Asan ka? 

From Rage:

I'm waiting for you here, nasa parking ako. 

Agad naman akong dumiretsyo na sa parking, pagka labas ng gate. Andun kasi ang parking sa harap ng school bago sa gate. Para sa mga estudyanteng may sariling sasakyan. Sana all diba? 

Ilang sandali lang ay nakita ko na siya, nakasandal sa sasakyan niyang mamahalin. 

Nilapitan ko naman siya pagkakita ko. 

"Sabay na tayo pumunta kay Jen." Sabi ko ng makalapit ako sa kanya 

"Yup, same building lang naman kami ei." He said. I just nod at sumakay na sa sasakyan. 

He also helped me to fasten my seatbelt. 

Medyo may kalayuan lang ang university dito sa building ng condo nila Rage at Jen. Kaya dilim na ng makarating kami. 

"Ayan na sila." Sinalubong kami ni Jen. 

"Ash and Mace are already here too." I heard Jen saying that to Rage. 

Nakita ko naman si Ali na kausap yung guy na nakita ko dati. Hindi ko naman na siya inabala pa. 

"Bestfriend mo asan?" Tanong ko sa kanya, nang napadaan ko sa tapat nila. 

"Umalis na. May tumawag." Sagot naman niya sa akin. 

Iniwan ko na sila dun ng tuluyan. 

The party started, at nagsimula na rin akong uminom. Hindi naman ako palainom talaga, pag may nag aya lang. 

Rage is with his friends, I am talking to the random guy. From another university. Nagkukwento siya at todo tango lang ako, hindi ko kasi maintindihan ang pag english niya. Basta ang naintindihan ko kanina ay foreign students siya dun sa school nila. 

Hanggang sa pinaalis siya ni Rage. 

"Bastos mo naman, magkausap kami nung tao." Sabi ko sa kanya. 

"I know that guy okay." He said. Hinubad niya ang leather jacket niya, at pinatong sa hita ko. 

"Cover those legs, there's a lot of men here." He said. Umupo na siya at ininom ang tequila ma bigay ni Jen. 

"So?" He shrugged.

"So?" I copy him. 

"What should we do now?" He asked, nag isip naman ako. 

"Tell me something about yourself." I said, and drank alfonso. 

"Hmm. I am quite famous. I think so!" He said, and looked away. 

"Edi sana all." I joked. 

"Now, tell me about yourself?" He asked me back my question lately. 

"I am quite unhappy." I said, looking at Jen's chandelier.

"I am too. I'm unhappy!" Rage said. 

"You're in political science right? You want to enter politics too?" I asked. He shook his head after hearing what I said. 

"I want to become a lawyer. But my Dad won't allow me. He doesn't want me to study the law, because it's dangerous." He explained. 

"Why is it dangerous to study the law?" I asked. 

"Once you know it, you will become superior to those people that don't even know any single law. Why? Because you can manipulate people, you can hold the law between your hands. People will trust you because you understand the law, like those politicians, I mean corrupt politicians that use the law so people will gain their trust from the people." Sa haba ng sinabi niya nakanganga lang ako. 

"Law is ahm---" I try to think but the alcohol in my mind is disturbing me. 

"Law is made for the rich, why? Because rich people can do everything with their money. That is why law is only made for them." He continued. About self lang naman tinatanong ko ah, bakit nasa law na kami? 

"Okay, kung lawyer ka ano gusto mo? I mean saan ka magpo-focus?" I asked back. Medyo bangag na rin ata ako dahil sa alak. 

"Criminal law." He simply answered. 

"Why?" I asked and drank Soju this time. 

"I just love the thrill, and I can put all corrupt politicians in jail." He proudly said, bakit ba 'to galit na galit sa mga corrupt politicians. Keneme. 

"What if I'm the thrill, will you love me?" I asked. I giggled when I realized what I said. 

"May tama ka na ata. If you are the thrill, I would not just love you but own you." He said that. Before I said something everything went blocked! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status