Share

CHAPTER FOUR

CHAPTER FOUR

Maagang gumising si Clowie upang maka-usap ang Mommy niya bago siya pumasok sa eskwelahan. Gusto niyang ipaalam dito ang pag transfer niya ng other school. Masaya siya dahil tinanggap siya ng school at sila na lang daw 'yong mag re-request ng credentials niya sa Senwell University. Hinahanap niya ang mommy niya ngunit parang wala ito sa bahay. She went to the pavilion outside and there she saw her mother having tea session early in the morning. 

"Mom!" tawag niya sa Mommy niya habang kumakaway pa. Halatang masaya siya ngayon.

"Oh, anak? Ang aga mo yatang gumising. Mamaya pa ang class mo ah," bungad agad ng Mommy niya nang nakarating na siya sa Pavilion.

"Mom, I have something to tell you po kasi," sagot niya. Umupo siya sa harap nito at huminga ng malalim.

"What is it?" her mom asked her after sipping her cup of tea.

"I transferred to Kaicheng University," diretsang sabi niya dito. Napalingon bigla ang Mommy niya sa kanya. Halata ang gulat sa mga mata nito.

"W-what?! Why?" tanong nito, tila naguguluhan ito.

"Uh, nothing Mom, I just want to transfer. I want to experience how is it to be a student in that School. Iyon lang naman," sagot niya. 

Huminga nang malalim ang Mommy niya. Hindi pa ito kumbinsido sa decision niya. 

"But you know already kung ano ang magiging reaction ni Arthuro sa decision mo na 'yan," paalala ng Ina sa kanya. 

"I don't care about him, Mom. This is my life, and he's not genuinely caring towards me. You know that also." 

"Clowie, I know you can make your own decisions na in life, but just make sure you chose the right path. Okay?" malambing na sabi nito sa kanya. She smiled at her Mother and kiss her goodbye. 

Sa pag-alis ni Clowie ay makikita ang sobrang pag aalinlangan sa mukha ng Mommy nito. 

~~~

Clowie headed straight to Senwell University to inform Aira about her transfer.

"Aira?" she called her name pagkapasok niya sa loob nang room nila. Nagpalinga-linga siya sa loob ngunit hindi makita nang kanyang mga mata si Aira. Hinanap niya ito sa loob ng classroom pero wala pa rin ito doon. Napaisip siya kung saan ito pwedeng matagpuan. Naalala niya ang rooftop na madalas nilang tambayan kapag break time. Agad siyang lumabas ng classroom at dali-daling nagpunta doon. She opened the door of the rooftop at doon nakita niya si Aira na nakatayo sa wall, nakatingin sa malayo at tila napakalalim nang iniisip. 

Clowie walked slowly to Aira's direction. Nasa tabi na siya nito. Hindi siya kumibo at nakatingin lang din sa malayo. 

"Why didn't you tell me?" Tanong ni Aira sa kanya. Halata ang lungkot sa mga boses nito. May hint na agad si Clowie sa tinutukoy nito.

"Our Dean, called me earlier. Tinanong niya sa akin kung bakit ka raw mag ta-transfer to other school, mataas naman daw 'yong mga grades mo at maganda rin ang mga performance mo," napabuntong-hininga si Aira, "Why, Clowie?" Hinarap na siya nito. Sobrang lungkot ng mga mata nito at anytime ay maiiyak na. Pinipigilan ni Clowie na hindi matawa dahil sa reaction ng kaibigan. Hindi siya sanay na madrama ito. Hinawakan niya ito sa mga kamay at ngumiti.

"Iyon sana ang sasabihin ko sa iyo that's why I came here. Huwag ka nang malungkot kasi your friend here is in love!" masayang sabi ni Clowie. Kumunot naman ang noo ni Aira.

"I met this guy not long ago, and I think I have feelings for him. Actually, we always accidentally bumped into each other, at sa mga araw na iyon ay may kakaiba akong nararamdaman. Alam mo iyon, I always have butterflies in my stomach and my heart feels like racing everytime he looked at me," feel na feel niya ang pagpapaliwanag kay Aira. Nakatutok lang si Aira sa mukha niya nang bigla siya nitong sapakin. 

"Ouch! Aira! Why did you do that?!" Nabigla siya sa ginawa nito. 

"Kainis ka! Akala ko kung ano na ang reason kung bakit ka mag ta-transfer, lalaki lang pala ang dahilan! Gaga ka talaga!" Sermon nito kay Clowie. Kinusot-kusot ni Aira ang mga mata niya. Nabigla siya ng yakapin siya ni Clowie. 

"Kaya nga huwag ka nang malungkot. Suportahan mo na lang ako. Magkikita pa naman tayo eh. I just really want to know him more kasi," she said. Aira hugged her back. 

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Basta iupdate mo ako ha?" 

"I surely will." 

~~~

"Nandito na po tayo, Miss Clowie," sabi ni Mang Isko, ang driver ni Clowie. Kararating lang nila sa Kaicheng University. Tumingin siya sa labas at pinagmasdan ang kanyang bagong eskwelahan mula ngayon. Lumabas na siya ng sasakyan at naglakad patungong entrance ng school. She saw a lot of students na busy sa kanya-kanyang mga ginagawa. Some of them ay napapatingin sa kanya, hindi niya naman alam kung bakit. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang narating na niya ang School Admission at kinuha ang class schedule niya. Hindi pa niya alam kung saan ang building niya kaya nilapitan niya ang limang babaeng estudyante na nakatambay sa hallway.

"Excuse me, pwede bang magtanong?" She asked while wearing a friendly smile. Napatingin sa kanya ang mga estudyante at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. 

"Guess what? You already did, idiot," sagot nito sa kanya bago siya tinalikuran ng mga ito. Nabigla siya sa sinagot nito sa kanya at saglit na hindi nakapagsalita. Medyo nakabawi na siya sa pagkabigla at napabuntong-hininga na lang. 

'I better asked the Admission, wala akong mapapala sa mga estudyante dito' naisip niya.

Bumalik siya sa loob ng Admission Office at doon nagtanong. Sinagot naman siya kung saan ang building ng Arts and Design Department. 

Nakatayo si Clowie sa harap ng pintuan ng classroom niya. Wala pang mga tao sa loob kaya nagdalawang isip pa siya na pumasok dahil baka magkamali siya ng papasukan. Naghintay muna siya ng ilang minuto bago may pumasok na isang estudyante. Doon na siya pumasok at nagtanong dito.

"Hi, my name's Clowie. Ito ba 'yong class ni Miss Meu?" Tanong niya dito. Tumango lang 'yong babae na parang walang pakialam sa kanya. "Okay, thanks." 

Unti-unti ng nagpapasukan ang ibang mga estudyante sa loob ng classroom nila. Nakaupo lang si Clowie sa tabi ng bintana at nakatingin sa labas na tila may hinahanap. 

"You have a new classmate here, let's welcome her. Miss Clowie? Can you stand and introduce yourself?" Napalingon siya sa teacher na nagsalita. Hindi niya namalayan na nagsimula na pala ang class niya. Lahat ng classmates niya ay nakatingin sa kanya. She felt awkward. Dahan-dahan siyang tumayo at nag smile sa kanilang lahat.

"Hi everyone, my name's Clowie. I'm a transferee from Senwell University. I hope we can be friends," pagpapakilala niya sa kanyang sarili. 

She saw the shocked expressions of her classmates. Ang iba ay napapataas ang kilay. 'What's wrong?' naisip niya. 

"Thanks, Miss Clowie. You may now sit down" sabi ng kanilang guro. 

Sa buong klase ay walang ibang ginawa si Clowie kung hindi ang titigan ang cellphone niya. Tinitingnan lang naman niya ang larawan ni Jom sa gallery niya. Iniisip niya kung papaano niya makikita si Jom sa laki ba naman ng Kaicheng University pero mas malaki pa rin ang Senwell para sa kanya. 

Tumunog na ang bell at kanya-kanya nang nag alisan ang mga classmates niya. Wala pa naman siyang balak umalis dahil hindi pa niya kabisado ang campus at wala pa siyang mga kaibigan. Napagpasyahan niyang tawagan muna si Aira ngunit hindi niya ito ma-contact. Lumabas na lang siya ng classroom at nagtungo sa school canteen. 

"So, bakit ka pala nag transfer dito sa Kaicheng?" maarteng tanong ng isang babae. Napatingin si Clowie sa babaeng nagsalita. Nilapitan siya nito habang kumakain.

Ngumiti siya dito, "I like it here" sagot niya. Napatango-tango ang babae. Tila hindi ito kontento sa sagot niya. Humarap ito sa kanya at kinuha ang baso ng tubig niya at ininom, "Okay, just don't try to be close with Kezuya, dahil ako ang makakalaban mo," inilapag nito ang baso na wala nang laman at saka umalis.

Hindi siya makapaniwala sa inasta nito. Kinuha niya ang baso ng tubig at sinigurado kung wala na ba talaga itong laman. She sighed. 

'and what did she say? Who the hell is Kezuya?' tanong ng isipan niya. 

"Hi, pwede ba akong umupo dito?" Someone approached her, isang babae. May dala itong pagkain. She smiled and said yes. 

"Nakita kong nilapitan ka nila Shantal. Kung ano man ang sinabi nila sa iyo, huwag mo na lang pansinin. Ganoon talaga ang babaeng 'yon lalo na mas maganda ka sa kanya, ayaw niya kasi na may makalamang sa kanya," sabi nito. She chuckled. Naaalala niya si Aira sa babaeng ito. 

"Oo nga pala, ako pala si Jeane. Classmates tayo" pagpapakilala nito habang kumakain. She felt something in her. Parang feeling niya magkakasundo sila ni Jeane.

"Nice to meet you, Jeane," aniya at nagpatuloy na rin siya sa pag kain. Nag uusap sila habang kumakain at inaamin niya na nae-entertain siya kay Jeane.

"Lahat ba nang nag-aaral sa Senwell University ay puro mayayaman?" Tanong nito.

"Uhm," tumango-tango siya at sinubo ang pagkain na nasa kutsara niya. 

"Talaga ba? So sobrang mayaman mo rin?" hindi makapaniwala na tanong nito habang ngumunguya pa. Biglang natawa si Clowie sa reaction ng mukha ni Jeane.

"Ano ka ba, hindi ah. Ang mahal din kaya ng tuition dito. Konti na lang magiging kaparehas na ng tuition sa Senwell," sagot niya. Totoo naman. Konti na lang talaga magiging parehas na 'yong babayaran sa tuition ng Kaicheng at Senwell.

Teka, ba't parang ang layo naman nang sagot niya sa tanong ni Jeane?

"Pero hindi talaga ako mayaman, parents ko lang," paglilinaw niya dito. Tumango-tango ito. Tapos na silang kumain at tatayo na sana si Clowie para umalis pero pinigilan siya ni Jeane, "Sandali lang Clowie, saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya. 

"Aalis na, we're done eating kaya umalis na tayo," kukunin na sana niya ang kamay ni Jeane ng makita niyang hawak-hawak nito ang tray nang pinag-kainan nito. 

"Ops, tayo pa ba magliligpit? Naku, sorry! Nasanay ako sa Senwell eh," paliwanag niya at agad na niligpit ang kanyang pinagkainan.

"Grabe ang swerte ninyo may tiga-ligpit ng pinagkainan. Sana all," pabiro nitong sagot. Nagkatawanan na lang sila. 

Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa classroom nila nang biglang magtanong si Jeane.

"Gusto mo bang magtour muna sa campus?" biglang tanong ni Jeane sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad at humarap kay Jeane. 

"I like that! Tama, hindi ko pa pala masyadong kabisado ang campus," sagot niya. Excited na siyang gumala sa loob ng campus nang may maalala siya.

"Oo nga pala Jeane, may naalala ako. Saan ba ang Architecture Department dito?" bigla niyang naalala si Jom. 

"Architecture Building ba kamo? Naku, nasa bundok 'yon," sagot nito habang nauna nang lumakad. Hinabol niya ito. Naguguluhan siya sa naging sagot nito. 

"What do you mean sa bundok? May bundok dito?" Hindi siya makapaniwala.

"What I mean is, malayo pa 'yong building nila. Bakit mo pala natanong 'yan? May balak ka bang mag transfer ng Architecture?" takang tanong nito.

"Wala akong balak mag transfer. Wala lang, natanong ko lang," pagpapalusot niya. 

Dinala siya ni Jeane sa iba't ibang parte ng eskwelahan at masasabi niyang namangha siya sa laki at ganda nito. Hindi niya inaasahan 'yon. Napuntahan na yata nila ang halos lahat nang building ng school pero nagtaka siya kung bakit hindi man lang nila napuntahan ang Architecture Building. 

"Jeane, tell me nga. Napuntahan na ba natin lahat ng buildings dito?" Tanong niya.

"Hindi pa," tipid na sagot nito sa kanya. 

"Ano pa 'yong hindi natin napuntahan?" 

"Ang Architecture Building"

"Why? Puntahan na natin," pagpumilit niya dito. 

Jeane just sighed. "Hindi tayo pupunta doon, okay? Hindi kita masasamahan," sabi nito.

Nagtaka pa lalo siya sa sagot nito. Bakit parang may kinatatakutan ito roon? Kumunot ang noo ni Clowie at parang hindi alam ang isasagot kay Jeane dahil pakiramdam niya ay personal na ang dahilan nito kung bakit hindi ito makapunta sa Architecture Building.

"Fine, okay lang," she smiled at her. 

Binaling na lang niya ang tingin sa harapan nang may pamilyar na tao siyang nakita na papunta sa direksiyon nila. Awtomatik na napangiti ng bongga si Clowie. Sino ba naman ang hindi mapapangiti eh nakita na niya ang hinahanap ng mga mata niya kanina pa.

Diretso lang ang tingin ni Jom na parang wala itong nakikitang tao sa paligid, na parang siya lang ang naglalakad sa hallway. He walked like a King that owned the way. Nilagpasan niya si Clowie at Jeane at patuloy na naglakad. Sinundan naman ng tingin ni Clowie ang papalayo ng si Jom.

"O.M.G Jeane! Si Jom iyon, diba?" Kinakalabit habang kilig na kilig niyang tanong kay Jeane. Nakataas ang kilay ni Jeane ng tingnan siya nito. 

"Oo, kilala mo siya?" Curious na tanong ni Jeane kay Clowie. 

"Of course!" Clowie exclaimed in excitement.

Magsasalita pa sana si Jeane ngunit mabilis pa kay Flash nang makaalis si Clowie para sundan si Jom. Naiwan tuloy sa hallway si Jeane na nakanganga at nagtataka.

~~~

"Hey! Jom! Wait up!" Sigaw ni Clowie habang habol nito si Jom. Napalingon si Jom sa kanya at tila parang nagulat ito ng makita ang mukha niya. She can see how his eyebrows moved upward. Malapit na niya itong maabutan ngunit bigla itong tumalikod at mabilis na naglakad. Lumaki ang mga mata ni Clowie.

"Sandali lang! Huminto ka muna!" Sigaw ulit ni Clowie ngunit nagbingi-bingihan na lang si Jom. He doesn't want to interact with her kasi nakukulitan siya kay Clowie. Patuloy lang siya sa paghabol dito nang biglang madapa siya.

"Ouch!" 

Napalingon si Jom sa dalaga only to find her having a romantic moment with the ground. Hindi na maipinta ang mukha ni Clowie at parang maiiyak na ito. Jom sighed in annoyance. Nilapitan niya si Clowie at tinulungan itong bumangon at tumayo. Pinagpagan ni Clowie ang damit na nadumihan.

"Thank you," sabi ni Clowie habang nakangiting nakatingin kay Jom.

He looked directly in her eyes. He felt something special in this woman kaya ganoon na lang siya makatitig sa magagandang mata ng dalaga.

"Sa susunod kasi huwag kang tatanga-tanga at huwag mo akong habulin. Hindi ka aso," sabi nito.

She chuckled, "Okay lang na maging aso ako basta ikaw lang 'yong hahabulin ko," she sweetly smiled at him. 

Kumunot ang noo ni Jom at doon lang narealise ni Clowie kung ano ang sinabi niya. 

"Naku! Ang ibig kung sabihin ay, uh- ano.." wala nang maisip na palusot si Clowie. 

'Mag-isip ka Clowie!' sabi nang isipan niya.

Narinig niyang ngumisi si Jom. Napayuko na lang siya. 

"I have to go. Huwag mo na akong sundan," sabi nito sa kanya. 

"Sandali lang! Hindi ako makalakad ng maayos eh, pwede mo ba akong tulungan na makapunta sa bench na 'yon?" Tinuro niya ang isang upuan sa di kalayuan.

Sandali siyang tiningnan ni Jom. He sighed again in annoyance. Naiirita na naman ang mukha nito and she finds it cute.

Clowie got shocked when Jom carried her. Agad siyang napahawak sa batok nito. Diretso lang ang tingin ni Jom habang si Clowie ay titig na titig sa binata na tila ito ang pinakamagandang tanawin sa lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status