Share

CHAPTER FIVE

"Clowie!" 

Napalingon si Clowie sa taong tumawag nang pangalan niya. It was Jeane. Patakbo itong lumapit sa kinaroroonan niya. Ibinalik niya ang tingin kay Jom na nakalabas na ng campus.

Nakaupo siya ngayon sa isang bench na pinagdalhan sa kanya ni Jom. Kakausapin pa sana niya ang binata ngunit umalis agad ito pagkatapos siyang dalhin doon. Hindi man lang siya nito pinagsalita. Naramdaman niyang tumabi si Jeane sa kanya.

"Gaga ka, bakit mo kilala ang taong 'yon?" Napalingon naman siya kay Jeane nang magtanong ito.

"Si Jom? Ah, na meet ko siya sa bus!" Nag dalawang isip pa siya sa sagot niya. Tumaas ang kilay ni Jeane. 

"May sasakyan iyon, bakit siya sasakay ng bus? At teka nga, bigla mo na lang akong iniwan sa hallway tapos humabol ka sa kanya. Anong meron?" Curious ang mukha nito. 

"Jeane, I'm sorry kung iniwan kita sa hallway ah. Kanina ko pa kasi hinahanap si Jom eh," she explained. 

"At bakit mo naman siya hinahanap? Huwag kang makikipaglapit 'don, he's not a good person," diretsang sabi ni Jeane.

Clowie's forehead creased about what Jeane said, "Huh? Who told you that? Hindi naman siya bad person, Jeane. He helped me nga two times already. Ah no, three times na 'yong ngayon na nadapa ako. Crush ko kaya siya," nakangiti niyang sabi kay Jeane. Nakatingin pa siya sa kawalan at kilig na kilig.

Tila hindi naman makapaniwala si Jeane sa sinabi ni Clowie at tumawa pa ito.

"Alam mo dai, ibang-iba 'yong kwento mo sa kwento ng mga estudyante dito na naka-encounter niya. They said na sobrang cold at masungit niyang si Jom Tan. Walang nakakalapit diyan. Well, except for two person," na-curious naman si Clowie 'don.

"Who?" 

"Jelly Hsu and Kezuya, they're both from Architecture Department. Itong si Jelly Hsu ay kababata ni Jom at half-brother naman ni Jom si Kezuya," umupo nang maayos si Jeane.

Tumango-tango si Clowie sa sinabi ni Jeane, "Ahh, so I assume they were close together?"

"Based sa narinig kong chismis sa paligid, hindi sila magkasundo ni Kezuya, at kay Jelly lang mabait si Jom. I heard pa nga na ikakasal na sila after graduation eh," sagot ni Jeane habang pinagmamasdan ang kanyang mga kuko. Biglang napatayo si Clowie.

"What?! No!" Sigaw ni Clowie, nabigla naman si Jeane at muntik pang mahulog sa bench.

"Grabe ka naman maka react girl! Aatakihin ako sa puso, eh!" napahawak pa sa kanyang dibdib si Jeane.

"Paano na ako, Jeane?" Worried was all written in Clowie's face. 

"Wow ha! Feel mo talaga 'yang pagkagusto mo sa kanya," umupo ulit sa bench si Jeane.

"I like him, you know. Masasaktan ako kapag nangyari 'yang sinasabi mo.." yumuko si Clowie habang kinakalikot ang kamay niya.

Jeane sighed. Tumayo siya at hinawakan ang braso ni Clowie, "Dai, don't worry chismis lang naman iyon at hindi pa talaga sure if totoo," pag-aalo niya sa kaibigan.

"Really?" Parang nabuhayan ito ng loob. Tumango naman si Jeane bilang pagsang-ayon.

"That's good! I should be friending him from now on, gusto ko siyang makilala nang husto at mapalapit sa kanya," nakangiting saad nito.

"Gusto mo talaga siya, Clowie?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Jeane.

"Yes," Clowie smiled sweetly. 

"Oh sige na nga, bahala ka magkagusto sa kanya basta don't give your all," paalala pa niya kay Clowie.

Clowie just nodded. 

~~~

"I'm home!" 

Masayang pumasok si Clowie sa loob ng mansyon at agad naman siyang binati ng mga kasambahay nila.

"Pakilagay na lang po sa kwarto ko manang," utos niya sabay bigay dito ng bag niya.

"Where's mommy po?" She asked while roaming her eyes inside the house.

"Nasa garden niya po, Miss Clowie," answered the maid.

She headed in the garden and found her Mother watering her plants. Lumapit siya dito at bumati.

"Hi Mom," she kissed her Mother's cheeks. Her Mother smiled, "Oh, how's your day at your new school?" Nakangiting tanong ng Mommy niya.

Sabay silang umupo sa isang bench doon at sumenyas ang Mommy niya sa isang kasambahay na magdala ng pagkain para sa kanila.

"Okay lang po Mom, masaya po sa Kaicheng at may naging kaibigan po ako agad," she happily said it to her Mom. 

Her Mother nodded, "Mabuti naman kung ganoon, sino ba naman ang hindi mapapalapit sa iyo eh ang friendly mo," nakangiting sabi ng mommy niya. She can see how happy her mom is ngayon na wala dito ang step-father niya. She hold her mother's hand and gently squezzing it. 

Dumating na ang inutos nilang pagkain sa maid at inutusan na umalis na ito, masaya silang kumain like how they used to eat back then, iyong walang formality sa hapag-kainan. Iyong walang nagbabantay na mga maid sa likod nila. Walang rules sa lamesa at lalong-lalo na walang step-father na nambubwesit.

"Mom? Can you help me bake some cookies? I plan of giving it to my new friends sana," Clowie suddenly asked pagkatapos nilang kumain ng mommy niya.

"Of course! Hobby natin 'yon dati diba? Do you remember? Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin marunong mag bake? I taught you many times na," sabi ng mommy niya.

Napakamot sa kanyang ulo si Clowie sabay ngumiti, "Mom I promise I'll learn better this time," tinaas pa niya ang mga kamay niya sa ere as a sign of promise. Napatawa na lang ang Mommy niya.

Kinagabihan ay masayang nag bake ng cookies ang mag-ina, nagkulitan pa silang dalawa at kalaunan nagpasya si Clowie na gumawa ng DIY cookies para kay Jom. Excited siyang nag prepare nang mga kailangan niya at super effort sa paggawa. Pagkatapos niyang mag bake ay nagligpit na siya ng pinaggamitan niya. 

"Hmm, parang special ang pagbibigyan mo niyan ah?" Her mom teased her. Ngumiti naman siya.

"It's for Jom, Mom. My first ever boy na friend," sagot niya sa Mommy niya. Her mom nodded as if hindi ito kontento sa sagot niya. 

'Wow, Clowie! Alam ba ni Jom na friend mo na siya? Ikaw lang yata may alam na magkaibigan kayo eh' naisip niya.

"So, first time mong magka-friend ng lalaki ah, itong Jom na ba ito ay hindi nanliligaw sa unica hija ko?" Nakangiting tanong ng Mommy niya.

"Mom! What are you trying to say? Hindi po ah," sagot ni Clowie. 

"Aakyat na po ako sa taas, tapos na ako magligpit. Huwag niyo na po tawagin ang mga maids Mom, Goodnight." She kissed her Mother before heading to her room.

~~~

Ni-ready na ni Clowie ang kanyang dinalang cookies for Jeane and Jom. Katatapos lang ng klase nila. Kinalabit niya si Jeane na nasa unahan. Nilingon naman siya nito. She smiled at her.

"Guess what? I baked you a cookies!" at masayang ibinigay ni Clowie ang ginawa niya kagabi.

Napanganga si Jeane sa ganda ng sisidlan ni Clowie, at nang buksan niya ito ay mas lalo siyang namangha.

"Wow naman dai! Ang ganda ng sisidlan ah, sana ganoon din sa loob," sabi pa ni Jeane.

"Oo naman, open it and have a bite," masayang sabi ni Clowie.

Excited na binuksan ni Jeane ang sisidlan at pagkakita niya sa cookies ay bigla siyang natakam. Kumuha siya ng isa at tinikman ito, pagkatapos ay kumuha na naman ulit hanggang sa malapit ng maubos ang laman.

"Hey, hey," awat ni Clowie sa kanya. "Uubusin mo ba lahat ng 'yan? Masarap ba or ano?" Tanong niya dito. Napatigil sa pagnguya si Jeane at tiningnan siya sa mga mata.

"Ano ka ba, hindi mo pa ba napapansin? Kaya nga malapit nang maubos kasi sobrang sarap dai!" Jeane exclaimed in satisfaction at nagpatuloy na ito sa pag kain. 

Masaya si Clowie na malamang masarap ang ginawa nilang cookies ng Mommy niya.

"Alam mo dai, gawan mo si Jom nito. Ang sarap eh," suhestiyon ni Jeane habang sarap na sarap sa kinakain. 

"I made one for him, actually. Eto oh," tsaka kinuha niya ang para kay Jom at nilapag sa table niya. 

Napaubo si Jeane, "Ang bilis mo naman ata! Ibang klase ka rin ma inlove ha," sabi nito.

"Ibibigay ko sa kanya ito mamaya, samahan mo ako ha?" 

"Naku! Huwag mo na akong isama, ayoko."

Naalala ni Clowie na hindi nga pumupunta doon si Jeane kaya hindi na lang niya ito pinilit. Nagpatuloy na lang sa pag kain si Jeane.

It's lunch break already and Clowie decided to go to the Architecture Building to give the cookies to Jom. Habang naglalakad papunta sa building nila Jom ay napansin niyang panay ang tingin sa kanya ng mga estudyanteng nalalagpasan niya.

"Siya 'yong transferee diba? Alam na ba ni Jelly?"

"The nerve of that girl! Lakas nang loob lapitan si Jom!"

"Hindi naman siya maganda eh, mas maganda pa rin si Jelly."

Ilan lang 'yon sa mga narinig niya, na curious siya lalo kay Jelly pero hindi na lang niya pinansin iyon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa narating na niya ang building ng Architecture.

Pagkapasok pa lang niya sa entrance ng building ay napatingin na ang lahat ng nandoon sa kanya. Na intimidate naman siya sa uri nang tingin na ibinibigay ng mga ito, ma lalaki o babae man. 

Alanganin siyang ngumiti at bumati sa kanila, "H-Hi," bati niya habang kumaway ng awkward sa mga taong nandoon. May lumapit sa kanya na isang lalaki. Matangkad ito, may pulang buhok at pang bad boy ang awra. 

"Ngayon lang kita nakita dito, anong Department ka?" Tanong ng lalaki sa kanya. Nakayuko siya and he's just looking down at her.

"I'm from Arts and Design Department," medyo kinakabahan siya. 

"May hinahanap ka ba dito?" He asked again.

Tumingala siya sa lalaki, "Actually I am looking for Jom Tan, kilala niyo ba siya? May I know where is he?" Natigilan ang lalaki sa tanong niya. Pati ang mga nandoon ay nakataas ang kilay. 

'Seriously, what is wrong with them?" Naisip niya.

Narinig niyang may nagsalita sa likod. 

"He's in the model room, nasa 4th floor 'yon Miss. You can use the elevator," sabi ng lalaking hindi niya kilala. 

"Thank you!" Sagot niya at nagmadaling pumasok sa elevator. 

Nasa fourth floor na siya ng building at hinahanap ang model room na sinasabi ng lalaki kanina. Nakita naman niya kaagad ang room na iyon at dahan-dahan na pumasok.

Masaya siyang makita si Jom na seryoso sa ginagawa nito. Hindi man lang napansin ang pagpasok niya. She slowly walked towards him, at nang makalapit na siya dito ay umupo siya sa katabi nitong upuan.

Inilapag niya ang dalang cookies sa ibabaw ng table, "Hi!" she happily greeted him. Hindi man lang kumibo ang binata at patuloy lang ito sa ginagawa. 

"It's lunch time already, kumain ka na ba? I brought you cookies that I baked," masigla ang boses niya habang nakikipag-usap kay Jom. Hindi pa rin kumikibo si Jom na parang wala itong narinig na nagsalita.

"Uhm- this is just a token for helping me yesterday, kaya-" natigil ang sasabihin niya ng magsalita si Jom.

"Sa Senwell ka nag-aaral hindi ba? Bakit ngayon nasa Kaicheng ka na? At paano mo nalaman ang pangalan ko? Are you a stalker?" Sunod-sunod na tanong nito sa kanya. Biglang natigilan at hindi makasagot si Clowie. 

"And how did you get in here?" Tanong pa ulit nito.

"Uh, unang-una I like it here sa Kaicheng at napakalaki ng eskwelahan, kaya nag transfer ako. Pangalawa, nalaman ko ang pangalan mo dahil sa ID mo, remember 'don sa bus? Pangatlo, hindi ako stalker. At sa huling tanong mo, pumasok lang naman ako bigla sa building niyo at iyong mga tao na nasa baba sila 'yong nagsabi na nandito ka," mahabang paliwanag niya. 

Hindi niya napansin na kanina pa pala siya tinititigan ni Jom habang nagsasalita. 

Napayuko siya dahil kumakabog na naman ang puso niya sa tuwing tinititigan siya ng binata. 

Umangat ang ulo niya nang marinig ang pagkagat ni Jom sa cookies na ginawa niya. Nabigla siya sa nakita pero sobrang saya lang nang nararamdaman niya. Nakangiti siya habang nakatingin kay Jom na kumakain.

"Masarap ba? Tell me what you think," hindi niya mapigilan na hindi itanong iyon kay Jom.

She doubted kasi iba ang lasa niyon sa kinain ni Jeane kanina, ginawa niya iyon with the help of her Mother pero iyong kay Jom ay siya lang ang gumawa mag-isa that's why she's not confident enough sa lasa nang kinakain ngayon ni Jom.

She didn't get any response from him pero continue lang si Jom sa pag kain.

"It's my first time to bake cookies, actually. Kaya pasensya na kung iba 'yong lasa ha. Ako lang kasi mag isa ang gumawa niyan," she explained. 

Biglang inilapag ni Jom ang sisidlan ng cookies sa ibabaw ng table, at nang tingnan iyon ni Clowie ay nabigla siya, wala nang laman ang sisidlan! 

"Naubos mo agad?" Hindi makapaniwalang tanong ni Clowie.

Biglang tumayo si Jom at kinuha ang bag nito. Napatayo na rin si Clowie.

"It tastes good, kaya nga naubos ko. I don't have to thank you for this because you said it is a token for me for helping you," sabi ni Jom sa kanya habang nakatitig sa mga mukha ng dalaga. 

Clowie nodded a lot of times with excitement. Mabilis na tinalikuran ni Jom si Clowie at umalis sa silid na iyon.

"I'll make you more cookies in the coming days!" Sigaw ni Clowie pero hindi siya sigurado kung narinig ito ng binata.

Naiwan si Clowie na masayang masaya sa sinabi ni Jom sa kanya. Parang hindi pa nag sink in sa utak niya ang mga sinabi nito.

Ang hindi nila alam ay may taong nakatingin at nakamasid sa kanila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status