Share

Imperial Villa

Tulad ng kanyang inaasahan, he drove with flair and expertise. Sa loob lamang ng isang oras mula ng umalis sila sa airport, ngayon ay binabaybay na nila ang mahabang kalsada na napapaligiran ng nagtataasang punong-kahoy ang gilid ng daan. Soon after, at the end of a quiet road running parallel to the beach. Ipinasok ni Christian ang sasakyan sa ornate wrought-iron gates, na bumukas sapamamagitan ng isang pindot lamang sa remote control.

Napagtanto ni Lara na si Rocco ay isang lalaki na ubod ng yaman, pero hindi siya handa na harapin ang nakakalulang karangyahan na tila nagbibigay ng takot sa kanya. Tinahak ng Mercedes ang paakyat na mahabang kurba ng daan, at nahagip ng kanyang mga mata ang isang napakalaking bahay.

Nakatindig sa isang malawak na lupain, exquisitely landscaped grounds and screened from local traffic by a stand of pines, ang lugar ay higit na angat kumpara sa pangkaraniwang lugar. Stucco walls, blindingly white, rose in elegant proportions to a tiled roof na kulay asul tulad ng lage niyang naiimagine na kulay ng kalangitan. Malalaki ang mga nakabukas na bintana sa malawak na terraces shaded by pergolas draped in flowering vines. May malaking fountain sa gitna ng forecourt, at mula sa gawing seaward ng lupain ay may asong tumatahol.

Ngunit maikli lamang ang kanyang pagkakataon na mamangha sa kagandahan na natatanaw ng kanyang mga mata dahil unti-unti ng huminto ang sasakyan sa labas ng magara at malapad na pintuan na binuksan ng isang lalaki sa tantya niya ay nasa edad late fifties or early sixties at lumabas dala ang wheelchair.

Ang tapat na mayordoma na si Ruben, she presumed. Madalas itong banggiting sa kanya ni Rocco with great fondness. Mula sa kanyang likod ay may lumabas na batang lalaki, o mastamang tawagin na binatilyo, na siyang nagbuhat ng mga luggage habang si Christian at ang butler ay binuhat si Rocco mula sa sasakyan patungo sa wheelchair. Nang matapos sila, maputla na ang kanyang mukha at ang mga linya sa paligid ng kanyang bibig ay maslumalim kumpara sa normal na hitsura nito.

Maging si Christian ay mukhang nag-aalala. “What can you do for him?” he muttered, humarang siya kay Lara sa may entrance habang si Ruben ay itinulak ang wheelchair papasok sa loob ng malawak na bahay na marble ang sahig.

“Bigyan niyo siya ng painkiller at hayaang magpahinga,” she said. “Ang mahabang biyahe ay sobrang naging mahirap para sa kanya.”

“Sa tingin ko ay hindi pa siya fit na magbiyahe.”

“Hindi pa nga, lalo na sa kanyang edad at malalang kondisyon ng osteoporosis, dapat talaga ay manatili pa siya sa hospital ng isa pang linggo, but he insisted on coming home, at kapag ang father mo ay nagdesisyon na, hindi mo na ito maaaring mabago.”

“Tell me something I don’t already know.” Nakakunot ang nuo habang hinuhubad ni Christian ang kanyang jacket. “Kailangan ko bang papuntahin ang kanyang doctor?”

“In the morning, yes. He’ll need more medication than what I was able to bring with us. Pero pwede ko siyang bantayan sa buong magdamag.” Struggling to preserve a professional front despite the fact that Christian stood close enough for the warmth of his body to reach out and touch hers, dumaan siya sa harapan nito at kinuha ang kanyang travelling bag mula sa mga luggage na nakalapag sa front door. “Kung dadalhin mo ako sa kwarto niya, ay sinisigurado ko sayong babantayan ko siya.”

Humakbang siya palayo at pinangunahan siya papunta sa likod ng villa, sa isang malaki, sun-filled apartment on the main floor. Meron itong sitting room at bedroom, both with French doors that opened onto a low-walled patio, it overlooked the gardens and sea.

Habang nakaupo pa rin sa wheelchair na nakapwesto malapit sa bintana ng sitting room, sumandal si Rocco at pinagmasdan ang magandang tanawin sa kanyang harapan.

“He had this part of the house converted into his private suite a few years ago mula ng maging mahirap na para sa kanya ang pag-akyat sa hagdanan,” nasabi ni Christian sa mahinang boses.

Habang nagpapalinga-linga sa kabuuan ng kwarto ay itinanong ni Lara, “At nasaan ang hospital bed?”

“Bumili na ako kahapon. Siguradong magagalit siya sa akin sa pagtanggal ko sa kama na kanyang nakasanayang gamitin, but this one seemed more practical, at least for now.”

“Tama yung ginawa mo. Masmagiging kumportable siya dito, even if he won’t be spending much time there except at night.”

“Why not?”

“Kapag masmadalas siyang kikilos, masmalaki ang pag-asawang mabilis siyang makalalakad muli, although…”

Picking up on the reservation in her voice, Christian pounced on it. “Although what? Sinabi mo kanina na inaasahan mo na makakarecover siya. Nagbago na ba ang isip mo ngayon?”

“No, but…” Muli siyang nag-alangan, bound by patient confidentiality, pero alam niya na bilang anak, dapat malaman ni Christian ang mga impormasyon na ito, lalo na’t kung dahil sa kanyang maglilihim ay magdulot ito ng masamang epekto sa kalagayan ni Rocco. “How much do you know about your father’s general health?”

“Kung ano lamang ang pinili niyang sabihin sa akin, which isn’t very much.”

Nahulaan na niya na ito ang kanyang sasabihin. ‘There’s no need to contact my son,’ Rocco had decreed, when the hospital had insisted on listing his next of kin. ‘He minds his business, and I mind mine.’

Tinapunan siya ni Christian ng nakakainis na tingin. “Ano ang hindi mo masabi sa akin Lara? Mamamatay na ba siya?”

“Hindi ba lahat naman tayo, hindi nga lang natin alam kung kalian?”

“Don’t play mind games with me. Tinanong kita ng diretso at gusto ko rin ng diretsong sagot.”

“Okay. His age is against him. Kahit na hindi niya inaamin, masyado na siyang mahina. Hindi niya kakayaning tiisin ang hirap upang magbalik sa dati.”

“Alam ko na ang bagay na iyan, so what else are you holding back?”

Iniligtas siya ni Rocco na makaiwas sa pagsagot. “What the devil are the pair of you whispering about?” tanong niya na naiirita.

Casting Christian an apologetic glance, she said, “Pinapaliwanag lamang po ng anak niyo na baka hindi niyo magustuhan ang bagong kama na binili niya para sa iyo. Nag-aalala siya na isipin niyo na nakikialam siya.”

“He was. I broke my hip, not my brain. Ako ang magdedesisyon kung ano ang gusto ko at hindi ko gusto.”

“Not as long as I’m in charge.”

“Don’t boss me around, girl. I won’t put up with it.”

“Yes, you will,” she said equably. “That’s why you hired me.”

“Madali lang sa akin na tanggalin ka, at pasakayin ng eroplano pabalik sa Canada as early as tomorrow.”

Alam niya na hindi nito tototohanin ang banta, palihim siyang ngumiti. Pagod lamang ito at may iniindang sakit, bukas ng umaga ay masmaayos na itong makakapag-isip. “Sige po, Mr. Imperial,” matalino siyang sumagot, at itinulak ang wheelchair papasok sa loob ng bedroom. “Pero sa ngayon ay hayaan niyo po muna akong gawin ang trabaho ko.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status