Share

Confrontation

“Then that’s a pity!” sagot nito, wala man lamang bahid na kahit kaunting pagsisisi. “Pero subukan mong tingnan kung saan ako nanggagaling. Dumating ang ama ko na mayroong kasamang napakagandang babae na hindi niya pa lubusang kilala but then nagawa na niyang ipagkatiwala ang buong buhay niya. Hindi lang iyon, nanggaling siya sa napakalayong lugar, sa ibang bansa at nakipagkasundo ang aking ama na bantayan at alagaan siya hanggang sa siya ay tuluyang gumaling. Kung tutuusin ay mayroon din namang sapat na nurses at qualified na mag-alaga sa kanya sa bansang ito. So, sabihin mo sa akin, kung babaliktarin natin ang ating sitwasyon, hindi ka man lamang ba magdududa?”

“No.” mainit na sagot niya. “Bago ako tumalon sa hindi karapat-dapat na conclusions or bago ko husgahan ang kanyang pagiging professional. Hihilingin ko sa istrangehong ito na ipakita sa akin ang kanyang profile at kung hindi ako masatisfy sa information na ipinakita niya, tatawagan ko ang previous employers niya to verify kung totoo ang mga ipinakita niyang documents.”

“Well, hindi na kailangan ang maraming paliwanag. Your point is well taken and that being the case, handa ko iisantabi ang aking hinala at ihinto na natin itong nausapan na ito and let’s just enjoy this very fine champagne. Pinili ko ito mula sa cellar ng aking father. Nakakahiya naman kung masayang lang ito.”

Pabagsak niya inilapag ang kanyang baso na dahil upang matapon ang laman nito. “If you think I’m about to share a drink with you, o makasabay kang kumain, think again! Masgugustuhin ko pang magutom.”

Tumayo siya, mabilis na kumilos upang makaalis, ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang siya patungo sa pintuhan ng maabutan siya nito at pigilan sa kanyang kamay. “I regret that, dahil sa pag-aalala ko sa kalagayan ng aking ama, I have offended you,” mahinahon niyang sabi. “Trust me, I take no pleasure in having done so.”

“Really?” tinapunan niya ito ng masamang tingin. “Maaari mo akong lokohin. Hindi ako sanay na tratuhin tulad ng isang criminal.”

Nagkibit-balikat siya. “Kung nainsulto kita, humihingi ako ng paumanhin, ngunit mas mabuti na nagkamali ako sa pag-iingat.”

“Ibig sabihin, ano nga ba?”

“Na ang aking ama ay na-target dati ng mga taong interesado lamang na samantalahin siya.”

“Maaaring hindi siya masyadong madaling magtitiwala sa ibang tao kung sa tingin niya ay mas ligtas siya sa relasyon niya sa iyo.”

“Posibleng hindi, ngunit ang sa amin ay hindi kailanman naging isang tipikal na relasyon ng ama at anak.”

“Nauunawaan ko ang ibig mong sabihin, but I suggest the time’s come for you to bury your differences and stop butting heads. Ang kailangan niya ay ang pagmamalasakit mo.”

“Wala ako dito ngayon, kung wala akong pakialam.”

“Ikamamatay mo ba kung sasabihin mo iyan sa kanya?”

Isang impit na tunog ang kanyang pinakawalan mula sa pinigil na pagtawa. “No, pero baka ikabigla niya kapag narinig niya akong magsabi niyon na maging dahilan pa ng pagkamatay niya.”

Ano kaya ang namamagitan sa dalawang ito na maspinili pa nilang manatiling magkalayo sa isa’t isa, she wondered. “Alam ba ninyong dalawa kung gaano kasakit ang maghintay ng matagal ngunit huli na ang lahat para sabihin sa isa’t isa na “I love you?” kasi ako alam ko. Madalas kahit na hindi ko gustong maalala, I’ve witnessed the grief and regret that tears families apart because time ran out on them bago pa nila nasabi ang mga bagay na dapat ay sinabi nila.”

Humarap siya sa bintana sa kabilang dulo ng silid sa hardin na may mga kakaibang halaman na namumulaklak. “We’re not other people,” he said.

“Hindi ka rin immortal.” Nag-atubili siya, conflicted once again kung hanggang saan lamang ang pwede niya sabihin, pagkatapos ay nagpasyang magpatuloy at isiwalat ang alam niya, dahil hindi siya sigurado kung kakayanin niyang mabuhay kung hindi niya gagawin iyon.

“Look, Chris, siguradong papatayin ako ng ama mo sa sasabihin ko sa iyo, pero ang ama mo ay hindi lamang nakikipaglaban dahil sa pagkabali ng kanyang hips. Ang puso niya ay hindi rin maganda ang kondisyon.”

“I’m not surprised. Nakuha niya iyan dahil sa ilang taong paninigarilyo and hard living, pero kahit na anong sabihin ng kanyang doctor ay hindi pa rin niya nagawang baguhin ang kanyang nakagawian. He’s a stubborn old goat.”

Alam niya na totoo ang bagay na iyan. Lumabas ni Rocco mula sa Vancouver General sa sariling pasya nito kahit na laban iyon sa payo ng mga doktor, at iginiit na gusto niyang lumipad pabalik sa Pilipinas, dahil lamang ayaw niya na lagi siyang binabantayan ng mga nursing staff. ‘They don’t let a man breathe,’ reklamo niya, nang kinausap siya ni Lara upang pigilan sa nais nitong pagbiyahe. ‘Lalabas akong malamig na bangkay kapag nagtagal pa ako dito.’

“Well, the apple doesn’t fall far from the tree, Chris. Alam mo kung ano ang problema ng pamilyang ito? Pareho kayong matigas ang ulo.”

Ito ay umikot at pinagmasdan siya mula sa kabilang bahagi ng malawak na silid; isang mapanuring tingin na tila matalim na pana na tumusok sa kanya. He probed too deeply beneath the surface. Nakita niya ang mga bagay na hindi niya pa handang tanggapin sa sarili. “Perhaps before you start leaping to unwarranted conclusions,” nasambit niya, papalapit ito sa kanya na animo hunter na naghahanda para pumatay ng bihag, “dapat marinig mo rin kung ano ang kwento ko.”

“Hindi ikaw ang pasyente ko, ang ama mo lang,” she said, umatras siya at halos kapusin na siya ng hangin dahil sa kaba mula sa matalim na titig nito.

“But isn’t modern medicine all about the holistic approach—curing the spirit in order to heal the body, at kung anu-ano pa? At di ba iyan din ang iyong ipinaglalaban simula ng dumating ka dito?”

“I suppose so, yes.”

“Paano mo naman gagawin iyan, kung kalahati lang ang pwede mong solusyunan? Higit pa sa puntong ito, ano ang mawawala sa iyo kung hahayaan mo akong punuan ang bakanteng iyon?”

‘My soul, and everything I am,’ naisip niya, puno ng grabeng pag-aalala maliban na lamang kung maiaalis niya ang kanyang sarili mula sa sapot ng atraksiyon na nagbibigay ng takot sa kanya na maaring bumalot sa kanyang pagkatao, ang tadhana sa katauhan ni Christian Imperial would take control of her life, at posibleng hindi na niya ito mabawi muli. Bagaman maari siyang magtatakbo palayo tulad ng isang takot na rabbit na naligaw mula sa kanyang tirahan tulad ng pananamantala kay Rocco. So, she stood her ground, isinantabi ang mga maling kaisipan mula sa kanyang mga saloobin and said with deceptive calm, “Absolutely nothing.”

“Really?” tumabi siya sa kanya, bumagsak ang boses ng another half octave and latched his fingers around her wrist. “Then bakit parang takot na takot ka?”

Napalunok siya at pinasadahan ng dila ang tuyong labi. “I’m not,” she said.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status