Share

Protect The Kingdom
Protect The Kingdom
Author: Helianthus_Annuus12

Chapter 1

Chapter 1: Enroll

(11 years ago)

"You need to enroll in Gaellon Academy pagkatapos mong maka-graduate sa High school Zyra!" sabi sa akin ni Mama

"Yes ma, kahit anong mangyari makakapasok ako sa Gaellon academy," nakangiting sabi ko kay mama. 

"Oh! Anong pinag-uusapan ninyong mag-ina ha?" nakangiting tanong sa amin ni Papa habang may dala itong bagong baked na cookies at gatas for me and for my beautiful mommy. 

"Kung ano ang pinag-uusapan natin kagabi," seryosong sabi ni Mama kay Papa. 

Tumango si Papa at binigay sa akin ang isang basong gatas at cookies. Binigyan na rin ni Papa si Mama na ngayon ay nagsimula nang kumain. 

Ganito si Papa. Masyadong maalaga kaya mahal na mahal namin siya ni Mama. Halos di na nga niya pinapatrabaho si Mama kasi trabaho daw yun ni Papa, kaya may pinagkakaabalahan din si papa sa trabaho niya. But sometimes, I can’t help but be curious on what my mother and father’s occupation. We are not rich but we’re not also poor. We can eat 3 times a day. Nakakabili si Papa ng mga kailangan at luho ko. Dahil nag-iisa lang ako na anak ay ramdam ko na nabibigay nila ng sapat at minsan ay higit pa ang kailangan ko bilang anak nila.  

"Wag mong pini-pressure yang anak natin, mahal," aniya ni papa habang hinahaplos ang buhok ni mama. "Bata pa naman yan, eh," dagdag niya pa habang pinagmamasdan ako. 

I don't know what they are talking about. Ang alam ko lang ay napakahalaga para sa kanila na makapasok ako sa Gaello Academy at doon magaral. I just need to do my best and enroll in that Academy. 

(Years After; Present Period)

KAKA-GRADUATE KO lang kahapon ng Highschool dito sa Altera Avila High. Hindi sapat ang tinuturo nila para protektahan ang aming bayan sa mga kalaban at mananakop. Ang Altera Avila High ay ang nag-iisang paaralan dito sa bayan namin. Pilit man kaming hinahasa nila sa aming tinatagong kapangyarihan pero di pa rin iyon sapat para protektahan ang aming bayan laban sa mga kalaban. Ilang beses na rin kaming nasakop dahil sa hina ng aming grupo. Pero dahil sa kawal na nanggagaking sa Gaellos Academy ay nabalik sa amin ang aming tirahan laban sa mananakop na kalaban. 

Kaya ito ako ngayon, nasa harapan ng napakalaking gate ng Gaellos Academy at sinusubukang mag-enroll sa paaralan. Sana talaga ay palarin akong matanggap dahil ito lang ang solusyon upang maipagtanggol ko ang aking bayan, para rin sa pangarap ko na gusto kong matupad. 

Hindi naging madali ang buhay ko matapos mamatay nina mama at papa, lubha akong nalungkot at nagdalamhati. Masyadong mabilis ang pangyayari at hanggang ngayon ay parang kahapon lamang nangyari ang lahat. Ang masasayang alaala at pangarap nila para sa akin. Mas nagkaroon ako ng tiyaga na tuparin iyun dahil sa kanila. Ngayon ay narito ako, sa pinakapangarap ng mga magulang ko para sa akin. Ang makapasok ng Gaellos Academy. 

"Narito ako para mag-enroll," nakangiting sabi ko sa guwarda na nagbabantay sa gate ng academy. 

Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Nailang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya napayuko ako at nawala ang kaninang ngiti sa labi. Ang cementong sahig na lamang ang tinignan ko. 

"Wait here," maawtoridad na sabi niya at pumasok sa isang mahiwagang pintuan ng Narra. 

Ilang minuto lang ay lumabas na ito. May dala na siyang mga papel. Binigay niya sa akin ang damundok na papel at hinugutan ako ng iilang hibla ng bukok. Napaaray na lang ako dahil sa sakit na pagkakakuha niya ng hibla ng buhok ko. 

Nilagay niya ang ang iilang hibla sa isang maliit na kulay pulang box at pinalutang ito papasok sa isang buhay na mata ng dragon. Ayun sa aking pagaaral sa Altera Avila High ay ang buhay na mata ng dragon na nakalutang sa itaas ng gate ng academy upang may makakita ng paparating na kalaban at masuri ang isang nilalang kung ito ba ang kanilang kasapi o hindi or ito ba ay nagdadala ng isang malakas na kapangyarihan. Once na maipasok na roon ang ilang hibka ng buhok na nasa loob ng pulang kahon ay masusuri nito kung makakapasok ba ito sa academy o hindi. Ayon rin sa isa sa nabasa ko ay ang buhay na mata ng dragon ay galing sa isang makapangyarihang dragon na pagmamayari ng isang makapangyarihang nilalang. 

"Answer and sign this," aniya ng guwarda at umupo sa upuang nasa harapan ko. Dahil may lumitaw na silya sa likuran ko ay umupo na rin ako. Tanging ang lamesa lamang ang nagpahiwalay sa aming dalawa. 

Sinimulan ko ng sagutan ang pinapasagot nito. Makaraang ang tatlong minuto, napakunot ang nuo ko habang sinasagotan ang mga tanong. Wala akong alam sa mga sagot sapagkat hindi naman iyon napag-aralan sa Altera Avila High. Buti na lang talaga at maraming pagpipilian kaya yung pinakamataas na lang ang pinili kong sagot. 

Pagkatapos kung sagutan ang binigay sa question sa akin ay ayos na raw iyon. Maghintay na lamang daw ako ng bagong labas na newspaper at hanapin kung nakapasa ako. 

Sana talaga nakapasa ako dahil narito ang pangarap ko at pangarap ng pamilya ko sa Gaellos Academy. 

PAGDATING NG araw na paglabas ng bagong newspaper sa bayan hinintay namin iyun kasama ang kaibigan ko habang nagkakape. Nanginginig na rin ang kalamnan ko dahil sa sobrang kaba at nanlalamig na rin ang kamay ko dahil rin sa sobrang kaba. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili sa sobrang kaba na nararamdaman

"Relax ka lang diyan, Bes. I'm sure makakapasok ka. Kaya just relax there, okay?" Pampalakas loob sa akin ni Abi na bestfriend ko. Pero hindi man lang nabawasan ang kaba ko sa sinabi niya. 

Bumuntong hininga ako at muling humigop ng kape sa tasa. 

"Andiyan na, Bes!" malakas na tili ng kaibigan ko at nagtatakbo papunta sa delivery boy na dala ang bagong newspaper. 

Huminga pa muna ako ng malalim bago sinundan ang kaibigan ko sa labas. 

Iniabot sa akin ang papel at sinimulan ko nang hanapin ang pangalan ko. 

"My gosh! Pasado ka sa Gaellos Academy, Zyra!" malakas na sigaw ni Abi na nasa gilid ko lang at binabasa ang nakasulat sa newspaper. 

Ang Gaellos Academy ay isang sikat an paaralan dito sa Altera Avila. Makakapasok ka lang sa Academy kung may tinataglay kang katalinuhan o ikaw ay may malakas na kapangyarihan. 

Sa Gaellos Academy nag-aral sina mama at papa kaya gusto nila na roon ko rin hahasain ang kapangyarihang tinataglay ko. Hindi ko man alam kung ano ba talaga ang kapangyarihang taglay ko ay sinubukan ko lamang mag-enroll sa Academy.

Dapat akong makapasa para sa pamilya ko at sa pangarap ko.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinahanap pa rin ang pangalan ko sa mahabang listahan ng mga studyanteng nakapasa sa Gaellos Academy. Hindi ako nakuntento sa pagsigaw ni Abi na bestfriend ko. Kailangan makita ng dalawa kong mata na nakapasok nga ako. 

Huminto ang mga mata ko sa pangalang Zyra Seirra. Ang pangalan ko. 

"Nakapasa ako!" masayang sigaw ko at niyakap ang kaibigan ko. Nagtatalon kami dahil sa sobrang tuwa. 

"Paano ba yan, nakapasa ka. Dapat manlibre ka ngayon, Zy!" masayang aniya ng kaibigan ko habang hinihingal na inaayos ang magulong buhok nito dahil sa pagtalon namin. 

"Kahit ano pa yan Abi, ililibre kita!" naiiyak na usal ko sa sobrang kasiyahan.

Ang matagal ko ng pangarap na paaralan ay tinanggap ako bilang studyante nila. 

Ma, pa, nakapasok na ako sa Academy. Sobrang saya ko. Pero mas sasaya ako kung andito kayo at makita sa inyong mga mukha ang tuwa. Huminga ako ng malalim at malaki ang ngiting tinignan ko ang kaibigan ko. Sa wakas ay nakapasok na rin ako sa Academy na matagal ko ng pinapangarap. 

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko dahil sa sobrang kasiyahan. 

"Nakapasa ako!" mahinang sabi ko sa sarili habang patuloy na tumutulo ang luha ko.  "NAKAPASA AKO!" malakas na sigaw ko kalaunan. 

"Yes, Bes, nakapasa ka!" 

Niyakap ako ni Abi at bumulong sa tenge ko. "I'm so proud of you best friend!" masuyong sabi niya. 

Niyakap ko rin siya pabalik at umiyak sa balikat niya. Pagkatapos kong umiyak ay niyaya ko si Abi sa malapit na bar sa bayan. 

"Grabe talaga. I'm so proud of you, Zy," hindi pa rin makapaniwalang saad ni Abi na nakahawak sa braso ko habang papasok kaming dalawa sa bar. 

Nakangiti lang ako kasi pati rin naman ako ay hindi pa maka-move on na yung paghula-hula ko ng sagot sa question paper ay tama pala. Akalain niyo yun. Kaunting hula-hula lang ay nakapasa agad ako. Nakakatuwang isipin. 

Pagkapasok namin sa bar ay pinili agad namin yung pwesto na malapit sa dancefloor. 

Lumakas na rin ang tugtog, dumagdag pa iyong mga iba't ibang kulay na ilaw na magpapahilo sa baguhang papasok dito. Kagaya na lang sa akin na hindi pa nga nakakainom ay nahihilo na dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw. 

"Hard drinks please." Order ni Abi sa lumapit sa amin na waiter. 

"Kaya ba natin yang hard drinks, Abi?" natatawang tanong ko sa kanya. 

"Of course, let getvwasted tonight," tumatawang sabi ni Abi at tinataas na ang dalawang kamay at handa ng sumayaw. 

Umiling na lang ako sa kanya at pinalibot ang mata ko sa lahat ng sulok ng bar. Di gaanong puno ang bar kasi hindi naman ito gaanong dinadyo ng mga tao rito. Kasi may mas magandang bar na dinadayo talaga para makapag-hunting. 

Iyan ang nakakatakot sa bar rito sa amin kasi maraming mga hunters na hinahunting ang mga taong malalakas. Ang tawag ng mga hunters ay Arvi Aniv. Sila ang mga kinakatakutan ng mga tao rito sa amin kasi sila mga traydor sa lugar namin na ang mga hina-hunting nila na malalakas ay binibenta sa mga kalaban. Kaya namin pinili ko ang hindi gaanong mataong bar para iwas Arvi Aniv hunters. Kasi doon sila madalas pumupunta, sa maraming tao para maraming ma-hunting.

Pagkarating ng drinks namin ay nagsimula agad kaming uminom. Umasim ang mukha ko nung natikman ko na ang drinks. 

"Ayaw ko talaga sa alak!" nakasimangot na sabi ko at tinabi ang basong nilagayan ng hard drinks ni Abi. 

"Tsk, weak ka talaga pagdating sa alak," tumatawang sabi ni Abi na mas nagpasimangot sa akin. 

"Gusto mo iwan kita rito?" pananakot na tanong ko kay Abi. 

"Hindi mo yan gagawin kasi mahal mo ako at hindi mo hahayaan na mag-isa lang ako sa lugar na ‘to. At isa pa, marupok kang gaga ka," pangaasar sa akin ni Abi na may halong pang-iinsulto. 

Umiling na lang ako kasi alam ko sa sarili ko na tama ang lahat ng sinabi ni Abi. Hinayaan kong uminom nang uminom si Abi habang ako naman ay binabantayan siya sa kung anuman ang hindi magandang gawin niya. 

Nakangiwi lang ako habang pinapanuod ang kaibigan ko na sumasayaw na sa dancefloor ngayon. She is dancing in a very erotic rhythm while enjoying the beat of the music.  

"Gaga talaga tong babaeng ko.” Iling na nilapitan ko ang kaibigan. "Kahit kailan talaga!" nanggigigil na sabi ko at hinila si Abi palabas ng bar. 

I saw those hungry eyes of Arvi Aniv hunters. They are preying my dear bestfriend to our enemies. Kinakabahan na lumakad kami ni Abi pauwi sa bahay ko. Ramdam ko ang presensiya ng taong nakasunod sa amin. I know, sila na ang Arvi Aniv hunters. 

Mas binilisan ko ang paglalakad habang pinipilit ko naman ang kaibigan na maglakad ng maayos at mabilis.

Nakahinga lang ako ng maluwag nung malapit na kami sa gate ng bahay ko. Pagkapasok ko sa gate ay halos tumakbo na ako at hinila ko na si Abi papasok sa bahay. Doon lang ako mas nakahinga nung tuluyan na kaming nakapasok sa bahay. Ni-lock ko lahat ng pinto at bintana tsaka pinaupo ang kaibigan sa sofa sa sala. 

"Ang bigat mo! Nasa bingit na nga tayo ng kamatayan ay mas nagpabigat ka naman!" bulyaw ko sa kaibigan ko at pumasok sa sarili kong kwarto para makapagbihis. 

Pagkalabas ko ay nakita ko si Abi na nakahiga sa sofa at mahimbing na natutulog. Kumuha na lamang ako ng kumot at kinumutan si Abi. 

Natulog na rin ako matapos pumasok sa kuwarto ko. 

KINABUKASAN AY maaga akong nagising at lumabas ng bahay para makapunta sa sementeryo kung saan nakahimlay ang pamilya ko. Iniwan ko muna sa bahay si Abi dahil natutulog pa ito. 

Pagkarating ko sa cementery ay pinuntahan ko agad ang libingan nina Mama at Papa. 

Nakangiting umupo ako sa gilid ng puntod nila at nilagay ang dalang bulaklak sa gitna ng kanilang puntod. 

"Ma, pa… Nakapasa mo ako sa Gaellon Academy. Diba iyan ang pangarap ninyo sa akin na doon magaral? Natupad ko na po ang matagal na ninyong pangarap sa akin, ang pangarap nating tatlo.” Hindi ko maiwasan na maging emosyonal sa pagbabalik ng alaala naming masasaya. “Ganito pala ang pakiramdam, nakakagaan ng dibdib at sobrang kasiyahan talaga ang nararamdaman ko ngayon. Sana andito pa po kayo, sana nakita ko rin ang tuwa sa inyong mga mata sa pag-anunsyo ko sa inyo sa pagkapasok ko sa Gaellos Academy.”

Ilang minuto lang ay napagpasyahan ko ng tumayo at tinitigan ang lapida nilang magkatabi. 

"Mauna na ho ako, andon sa bahay si Abi natutulog kasi nagpakalasing na naman kagabi sa bar. Ewan ko ba roon sa babaeng yun." sumbong ko sa kanila na may ngiti sa labi. 

Pagkatapos kong magpaalam ay umalis agad ako sa cementary. 

Don't worry, ma and pa. Magiging malakas ako at ipagtatangol ang bayan gaya ng pagtatangol ninyo rito. Pinapangako ko inyo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status