Share

Party A Is In Love!
Party A Is In Love!
Author: mooncake_o07

Kabanata 1 - Aplikante

“Aika, mahuhuli na ako sa interview ko! Ikaw na muna ang bahala kay Inay, ha?” sigaw ni Lalaine habang sinusuot ang kanyang mataas na sapatos.

“Oo, Lalaine! Mag-iingat ka, goodluck!” tugon ni Aika sa kanya. Mabilis na nanakbo palabas ng barong-barong na bahay si Lalaine patungo sa sakayan ng dyip.

Si Lalaine Madrigal ay dalawampu’t-isang taong gulang, maganda, matalino, mabait, masipag at matiyaga, kakapagtapos lamang ng kolehiyo sa kursong Business Management sa Lungsod ng Maynila at nakapagkamit ng pinakamataas na karangalan sa buong batch nila. Ulila na sa ama at tanging ina na lamang niya ang kanyang kasama. Pinilit niyang makatapos kahit pa kayod-kalabaw siya para lang matustusan ang kanyang pag-aaral ng mga panahong yun, nag-aaral sa umaga at sumasideline naman sa gabi dahil sa kagustuhan na rin niyang maipagamot ang kanyang ina na may malubhang karamdaman. Si Aika na kanyang kapitbahay ang nagiging katuwang niya sa pag-aalaga sa kanyang ina kung umaga ngunit hindi ito palaging available twing umaga kaya kahit pa anong talino niya ay maraming beses na siyang nakakatanggap ng rejections mula sa mga kumpanyang ina-applyan dahil sa pagiging huli sa interview.

Nanlaki ang mga mata ni Lalaine ng makita ang sobrang habang pila sa sakayan ng dyip, “hindi pwede ito, mahuhuli na naman yata ako. Kailangan kong makarating kaagad sa Taguig,” bulong niya.

Agad siyang umalis sa pila at nanakbo paakyat ng fly-over upang sumakay ng taxi sa kabilang kalsada kahit pa nagkanda-sugat sugat na ang kanyang mga paa dahil sa taas ng sapatos na kanyang suot ay hindi niya ito iniinda wag lang mahuli sa interview na ito.

Hindi naman siya nabigo sa sakripisyong ginawa sa kanyang mga paa dahil mayroon pa siyang sampung minutong natitira bago ang itinakdang oras ng kanyang interview nang makarating siya ng Taguig.

Pagkababa niya ng taxi ay tiningala niya ang mga naglalakihang gusali sa siyudad at agad niyang nakita ang pinakamataas sa mga ito at naka-engrave ng malaki ang pangalan ng kumpanyang kanyang inapplyan na, ‘Cristobal Diamond Corporation.’

“Ito na yun!” nagmadali siyang pumasok sa loob ng gusali dahil magtutungo pa siya sa 12th floor, namangha siya ng makapasok sa loob ng gusali dahil tila kumikinang ang buong paligid, maging ang sahig ay makinang rin dahil sa kintab nito, nais pa sana niyang ilibot ang paningin sa loob ngunit hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at inihakbang ang mga paa sa sahig pero sa di-inaasahang pagkakataon ay dumulas ang kanyang mga paa sa sahig at naging dahilan upang mawala siya sa balanse.

Napatili siya at napapikit ng mga mata habang ang kanyang katawan ay unti-unting bumabagsak hanggang sa maramdaman niya ang bisig na sumalo sa kanyang likod upang hindi siya bumagsak sa sahig.

Nagtaka si Lalaine dahil hindi niya naramdaman ang matigas at malamig na sahig kaya napamulat siya ng kanyang mga mata. Nanlaki ang kanyang mga mata at nalaglag ang panga nang masilayan ang napakakisig na mukha ng binata na sumalo sa kanya.

Walang tigil sa pagtalon ang kanyang puso ng mga sandaling iyo lalo na ng magtama ang kanilang mga mata at tila nagpatigil ng pag-inog ng kanyang mundo ngunit hindi iyon nagtagal dahil…

“Juaquin!!! Sino siya?!” tili ng isang magandang babae mula sa malayo na gumising sa diwa ni Lalaine, agad siyang lumayo sa binata. “I’m sorry, sir, and thank you for catching me,” pagkasabi niya nun ay agad siyang kumaripas ng takbo pasakay ng elevator.

“Saan kang pupuntang malandi kang babae ka?!!” Narinig niyang galit na galit na tili ng babae sa kanya ngunit hindi na siya nag-aksaya pa ng oras upang ipaliwanag sa dalaga na mali ang kanyang iniisip dahil ilang minuto na lang ang natitira ay mahuhuli na naman siya.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator ay mabilis siyang lumabas at hinanap ang interviewer, “good morning, ma’am. I am Ms. Lalaine Madrigal, aplikante, nakareceive ako ng tawag kahapon that I will be attending an interview today sa position bilang sekretarya.”

“Mr. Cristobal have been waiting for you in his office, follow me, please.”

Sinundan ni Lalaine ang staff na kanyang napagtanungan patungo sa labas ng opisina ng interviewer ngunit laking gulat niya ng mabasa niya sa pinto ang nakasulat na ‘Office of the CEO,’ bigla siyang nakaramdam ng kaba, nanlamig ang kaniyang katawan maging ang pawis na lumalabas sa kanyang katawan ay malamig rin sa pag-aakalang HR ang mag-iinterview sa kanya.

Kumatok ang staff sa opisina para sa kanya, “get inside, miss,” utos nito sa kanya.

Tila hirap si Lalaine na ihakbang ang kanyang mga paa papasok sa loob dahil naunahan na siya ng matinding nerbyos ngunit inisip na lang niya ang kanyang inang nakaratay sa matagal na nitong sakit, naglakad siya papasok sa loob at doon ay natagpuan niya ang CEO na nakaupo sa swivel chair nito at nakatalikod sa kanya.

“G—good morning, sir. My n-ame is Lalaine Madrigal, applying for the position of secretary,” kabadong pagbati niya.

Mas lalo siyang nagulantang nang humarap ang swivel na inuupuan ng CEO at bumungad ang mukha ng lalaking kanina’y sumalo sa kanya.

“Ikaw?!!” inis na sabi ng binata sa kanya at tila hinahabol pa ang hininga. Marahan niyang pinunasan ang mga namuong pawis sa tabi ng kanyang noo.

“Y-yes, sir. I am sorry for what happened just now, hindi ko po gusto na magkaron kayo ng misunderstanding ng girlfriend mo,” magalang niyang paumanhin sa binata.

“No, worries, Ms. Madrigal. I don’t hold grudge against you, take a seat,” usal nito. He glance at her resume saka muling ibinalik ang atensyon sa dalaga, “before we start, I would like you to know that I am Juaquin Cristobal –the CEO of Cristobal’s Diamond Corporation. I have carefully looked through your resume, and I am amazed at your achievements, but I am quite curious kung bakit pinili mong mag-apply bilang sekretarya ng aking kumpanya even though you are more familiar with your course?”

“Being secretary is not a bad job. In fact, nagdalawang isip talaga ako whether to give it a shot or drop this position but later on, I realize that this company can help me to be better at madevelop ang aking abilidad at madagdagan ang aking kaalaman. At bukod dun your company has a good reputation and is offering a high-salary kaya naman I will be proud if I will be chosen and be part of your company,” confident niyang sagot ngunit hindi iyon ang gustong sagot na makuha ni Juaquin mula sa kanya.

“I have to admit that your qualifications are impressive but I am sorry to tell you, you are not hired.” Anunsyo nito sa kanya.

“W-what did you say?!” hindi makapaniwalang bulalas ng dalaga, tumayo ang binata at tinitigan siya sa kanyang mga mata na walang kahit anong emosyon. “Hindi ka naman siguro bingi. First and foremost, ayoko sa oportunistang trabahador na nakatingin lang sa numero ng makukuha niya. I want a hardworking employee, not an ambitious opportunist like you!”

Napaatras ng hakbang si Lalaine at parang punong mabubuwal dahil sa pangmamaliit na tinuran sa kanya ng binata.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status