Share

Kabanata 6

Namilog ang mga mata ni Lalaine sa inis sa isinagot sa kanya ni Juaquin na para bang wala na siyang karapatang magdesisyon sa buhay niya atparang nabili na nito ang buong pagkatao niya dahil lang sa halagang kinakailangan niya para sa kanyang inang nakaratay sa ospital.

May mga namuong luha sa kanyang mga mata dahil sa panliliit sa sariling kanyang nadarama, gustong-gusto niyang umiyak ngunit ayaw niyang makita ni Juaquin na mahina siya dahil alam niya sa sarili niyang aalipustahin siya nito.

Buong biyahe ay nakalingon lamang si Lalaine sa bintana ng sasakyan at hindi kumikibo, ayaw na niyang makipagtalo pa sa binata dahil pakiramdam niya ay nauubos lamang anglakas niya.

Ngunit talaga yatang inuubos ni Juaquin ang pasensya ng dalaga nang halos humagis siya mula sa kanyang inuupuan nang biglang pumreno ito, mabuti na lamang at nakakapit siya ng mahigpit.

“Pwede bang ayusin mo ang pagmamaneho mo?” naiinis na komento ni Lalaine kahit nakatuon ang paningin sa labas ng bintana ay alam ni J
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status