Share

Kabanata 5 - I didn't ask for you permission

“Wala na siya kaya pwede ka ng tumigil pagpapanggap,” nakangising bulong ng binata sa nakatangang si Lalaine.

Napamulat ang dalaga at namilog ang mga mata sa narinig na bulong nito sa kanya, pinamulahan siya ng pisngi at agad ibinaling ang mga mata sa ibang direksyon, “a—alam ko! Pwede bang lumayo ka na sakin,” nahihiyang singhal niya.

Tumayo si Lalaine at inayos ang nagusot na hapit nitong bistida, “tingin ko nama’y wala ka ng anumang kailangan sakin. Maaari na ba akong umalis?” tanong niya sa binata.

“Makakaalis kana, tatawagan na lamang kita kung kailan kita kailangan,” tugon nito.

Walang anu-anong lumabas ng opisina si Lalaine dahil sa hiya na naramdaman niya at pag-aakalang muli siyang hahalikan ng binata. Nakayuko niyang binabaybay ang daan palabas ng kumpanya ng mga Cristobal nang may mabangga siya at nagkahulog ang mga gamit nito sa sahig.

Agad yumuko si Lalaine para tulungang damputin ang mga gamit ng nakabangga, “p-pasensya na. Hindi ko sinasadya,” paghingi niya ng paumanhin.

Napatingin siya sa dito nang hindi sinasadyang nahawakan niya ang kamay ng estranghero at agad inagawa ang kamay mula sa binata, “p—pasensya na talaga.

Isang malambing na ngiti ang binigay ng estranghero sa kanya, “it’s okay, miss.” Tugon nito, agad nitong hinubad ang coat na suot nito at ipinulupot sa bewang ni Lalaine na siya namang ikinagulat niya at mas lalong siyang humanga sa kabaitang taglay nito ng hawakan nito ang kanyang mga kamay at alalayang tumayo.

“Hindi ka dapat basta umuupo ng ganun lalo na at ganyan ang suot mo,” dagdag muli ng binata.

Nakaramdam si Lalaine ng kung anong kiliti sa kanyang tiyan at buong sistema dahil ito ang unang pagkakataon na may lalaking tumuring sa kanyan ng ganito.

“K-kasi nahulog ko ang mga gamit mo and it’s my fault,” mabilis niyang paliwanag.

“It’s okay, miss,” sabi ng binata habang binibitawan ang kanyang mga palad, “but if you are really sorry for what happened today, you should atleast treat me to have lunch,” nakangiting biro nito sa kanya.

Napangiwi si Lalaine, “a, e, kasi wala pa kong budget sa ngayon. Kakasimula ko palang ng trabaho. Maybe I could… treat you some time?”

“I am just kidding you, miss,” natatawang sabi ng binata, “by the way, I am Clyde Louie Vito,” pakilala niya.

“Hi, I am Lalaine. Lalaine Madrigal,” tugon niya sa binata at nakipagkamay dito. “I am willing to treat you if we ever cross our path again,” dagdag ng dalaga.

“Sure. Tatanggapin ko ang alok ng isang magandang dilag, sigurado akong muling tayong magkikita,” sambit ni Clyde.

Si Clyde Louie Vito ay isa ring businessman at nagmamay-ari ng Hi-Tech Cars Corporation, dalawampu’t anim na taong gulang, makisig, matangkad, matipuno, at may pagkamaginoo kaya marami ang babaeng nahuhumaling sa kanya ngunit mahirap siyang paibigin dahil narin sa kanyang nakaraan.

“Ako’y napapaisip kung anong ginagawa mo sa kumpanyang ito? Tingin ko nama’y hindi ka empleyado dahil ang iyong kasuotan ay naiiba sa mga nagtatrabaho dito and you look classy,” pagtataka nito.

Aaminin sana ng dalaga ang kasunduan na mayroon siya sa Cristobal ngunit sumagi sa kanyang isipan na walang ibang dapat makaalam dito dahil maaaring maging kapalit nito ang kaligtasan ng kanyang ina.

She smiled nicely, “yes. I am not working here.”

“Kung gayon, maari mo bang sabihin sakin kung—”

“Maybe next time, Mr. Clyde. I will see you again,” pagputol niya sa itatanong ng binata at agad siyang sumakay ng elevator upang makaiwas na sa mahabang paliwanagan.

Kumaway siya sa binata habang sumasara ang pinto ng elevator, “buti na lamang ay napigilan ko ang aking sarili na sabihin ang katotohanan kung hindi ay patay ako sa mokong na yun,” bulong niya sa sarili. Napahawak siya sa kanyang mga labi nang sumagi sa isipan si Juaquin at naalala ang halik na kanilang pinagsaluhan ng ilang sandali, inalog niya ang kanyang ulo, “hindi. Hindi ko dapat pinag-iisipan ang mokong na yun. He took advantage of me, kaasar. Why did I even let that to happen?” naiinis niyang tanong sa sarili.

Agad siyang nagtungo palabas ng establisyemento nang marating ang ground floor, sumakay siya ng jeep pauwi sa kanilang tahanan.

Hindi pa siya nakakapahinga nang makatanggap siya ng tawag at susunduin siyang muli ni Juaquin.

“Ano ba naman ang mokong na iyon?! Akala ko pa naman ay makakapahinga na ako,” reklamo niya habang muling isinusuot ang mataas na sapatos.

“Maglalakad na naman ako patungo ng sakayan ngunit nananakit na ang aking mga paa,” hinaing niya habang nakatingin sa mga paang kaawa-awa ngunit hindi pa siya nakakalabas ay narinig niya ang malakas na busina ng sasakyan sa labas ng kanilang munting tahanan.

Marahan siyang naglakad palabas at doon ay bumungad ang sasakyan ni Juaquin, bumukas ang pinto at iniluwa ang makisig na antipatikong binata upang pagbuksan siya ng pinto na kanyang ikinagulat.

“Ano pang itinatanga-tanga mo dyan? Pumasok ka na sa loob at napakainit dito sa labas,” utos nito habang nakaharang ang kamay mula sa sikat ng araw.

“Akala ko pa naman ay may kabutihang taglay na ang mokong na ito ngunit wala parin pala. Sabagay what do I expect from him?” bulong ni Lalaine.

“Pumasok kana, ano pang binubulong-bulong mo riyan?!” bulyaw nito sa kanya.

“Hay… Gwapo sana antipatiko nga lang,” bulong niya habang pumapasok sa loob ng sasakyan.

“Anong binubulong-bulong mo dyan?” hirit ng binata.

“Ah, I was just wondering if may kinalaman ba ang init ng araw sa init ng ulo mo ngayon,” pang-aasar niya sa binata.

“Wala kana dun. Siya nga pala, I already asked my men na ilipat lahat ng gamit mo sa bahay ko,” he informed her na nagpabagsak ng panga ni Lalaine.

“T-teka. Kailan ako pumayag na tumira sa pamamahay mo?” reklamo niya rito.

“I didn’t ask for your permission, I am simply informing you,” sambit niya rito saka isinara ng malakas ang pinto ng sasakyan.

---

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status