Share

PIERCE'S STRIPPER
PIERCE'S STRIPPER
Author: eliflouirre

Prologue

"grabe Alco lakas na nanaman natin ngayong gabi ah" kantyaw saakin ni Feruzsa. nginisihan ko sya bago umupo sa tabi nya at tinanggal ang heels na suot ko.

"sus! di ka pa nasanay sa akin uy" biro ko bago masahein ang paa ko. bahagyang namumula iyong talampakan ko dahil sa pag sayaw kanina.

"iba din talaga. ano may naka score ba? balita ko ang gagwapo nang mag pipinsang silverio at ang yayaman din" aniya. umiling ako.

"wala. sumayaw lang talaga ko. may mga jowa na daw sila kaya hindi pwede" ismid kong sabi.

"may jowa tapos kumuha nang stripper?" aniya. natawa nalang ako.

"birthday daw kasi nung isang nilang pinsan. eh nasaktong broken daw kaya ayon. sinayawan ko. kawawa naman eh" naka ngising sabi ko.

napa "O" naman ang bibig nya na tila natutuwa at hindi makapaniwala sa sinabi ko bago malakas na tumawa. inaasar din ako pati narin iyong broken na lalaking sinayawan ko kanina.

kinuwento ko rin na ayaw akong pahubadin nung lalaki kaya mas lalo syang natawa. lahat nang nangyari kanina ay kinuwento ko sakanya.

nag pahinga nalang kami sa dressing room habang nag kwkwentuhan at nag aasaran habang ang isa kong kamay ay hinihilot ang paa ko.

maya maya pa ay pumasok si mamu sa loon nang dressing room. napatingin kami sakanya na agad na dumapo sa akin ang mga mata nya.

"Alco. may nag request sa akin. big time customer, nasa pinaka dulo nang mga VIP rooms. dali na puntahan mo na" aligagang sabi ni mamu. hindi sya mapakali at talagang natataranta.

ganoon ba ka big time ang customer namin nayon? napa ngisi nalang ako. 

tumango ako kay mamu bago muling isinuot ang heels ko. nag pa alam ako ang Feruzsa at chineer pa nang gaga ang pusycat ko. parang gaga talaga.

kung talagang bigtime man sya. edi ang swerte nang gabi ko!.

"dito. nandito sya sa loob, galingan mo ah" ani mamu. tumango ako sakanya.

nag lagay ako nang mapang akit na ngiti sa aking mga labi bago buksan ang pintuan nang VIP room.

madilim na loob na lihim kong ikinakunot nang noo. bakit ang dilim dito.

napa ngisi nalang ako. mukhang wild si sir ah. may pa lights off pang nalalaman.

"hey" mapang akit kong sabi habang pasimpleng kinakalat ang paningin. inaadjust ko din ang mga mata ko sa dilim.

walang sumagot. tanging ang pag hinga nya lamang ang naririnig ko mula sa hindi kalayuan.

naka rinig din ako nang mga hakbang na papalapit sa akin. hindi ko alam kung bakit pero naka ramdam ako nang kaba. hindi dahil sa alam kong papalapit sya sa akin kundi dahil sa amoy nyang unti unti nang kumakalat sa loob nang kwarto.

pamilyar. pamilyar na pamilyar dahil sya lang naman ang kilala kong may ganitong klaseng mabangong amoy. amoy na pinag halong mamahaling mens perfume na lagi nyang gamit at ang natural na mabango nyang amoy na kahit yata pawisan sya ay ang bango nya parin. 

tuluyan na akong nanginig nang makaramdam nang mainit na hininga sa likod nang aking tenga. nasinghap ko rin ang mabango nyang amoy. 

shit! sya nga. hindi ako pwedeng magka mali.

pucha paano nya ako nahanap?!.

"long time no see mi amore" aniya sa pinag halong malagong at paos na boses na tila ba nang aakit.

napa pikit ako nang maramdamang hinawakan nya ang magkabila kong bewang mula sa likuran. baba taas nya iyong hinaplos na lagi nyang ginagawa noon kapag niyayapos ako.

ramdam na ramdam ko ang init nang palad nya dahil manipis lang ang suot ko.

idinilat ko ang mga mata ko bago humarap sakanya. ngayon tila luminaw na ang aking mga mata kahit na madilim parin ang paligid.

I could see the various emotions in his blue eyes na noon ay kahit ni isang emosyon ay wala kang makikita. 

ngayon.

nag hahalo ang lungkot. pangungulila. saya. takot at pag tatampo sa magagandang uri na mga mata nya.

"Pierce" banggit ko sa pangalan nya. hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba iyon o dala lang nang madilim na paligid ngunit nakita ko ang pag pag tulo nang isang patak nang likido mula sa kanyang kaliwang mata.

kasabay non ang pag yakap nya sa akin nang mahigpit.

"damn baby i miss you" garalgal na sabi nya bago ibaon sa leeg ko ang kanyang mukha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status