Share

Chapter 4

Almania Corazon

Unang araw sa loob nang tatlong araw nang pagpapahinga ko sa aking katawan ay nasa bahay lang ako.

Wala akong ibang ginagawa kundi ang kumain. Manood nang tv. Matulog. pagkatapos ay kumain ulit. 

Katulad ngayon. Pangalawang araw ko na itong tambay lang dito sa loob nang apartment ko. 

Hindi ko naman mapigilang maburyo lalo na't sanay ako sa labas. 

Bakit pa kasi tatlong araw pa ang sinabi ko kay mami barbie?! 

Medyo masakit parin ang gitna ko pero kaya ko namang gumalaw galaw. 

Alas dos nang hapon ay napag pasyahan kong umalis ng bahay. Balak kong pumunta sa mall at mag liwaliw. 

Nag suot ako nang Denim body dress at ni-try ko din ang latina make up dahil feeling ko ay gaganda ako roon. 

I mean...maganda naman na talaga ako. MAS lalo lang akong gaganda kapag ganoon ang ayos ko. 

Sa paa ko naman ay pares nang black ankle strap heels. Ang mahaba kong buhok naman ay kinulot ko sa mermaid curl na paraan.

Sinadya kong ganito ang ayos ko para naman mag mukha akong sosyal.

Duh! Bihira na nga lang akong mamasyal tapos hindi ko pa itotodo ang outfitan ko? Edi nag mukha na akong losyang nyan!.

Pag dating naman sa bag ay iyong pekeng chanel sling bag ko ang gagamitin ko. Kulay itim iyon at maganda ang pagkakagawa kahit sa ukay ko lang nabili.

Oh diba? Aanhin ko ang mamahaling bag kung meron namang mumurahin jan sa tabi tabi at maganda rin ang pagkakagawa?

Naka tipid pa ako. 

Marami din akong na isusuksok sa bag kong iyon. Nailalagay ko ang selpon kong Samsung na basag basag na ang screen. Wallet kong may tatak na Dior that i bought in ukay too. So syempre fake sya. Pero wag kayo. Libo libo ang laman nang wallet kong iyon. Bihira lang iyon malamanan nang tag bebente. 

Kasya din sa bag kong chanel ang brown lipstick na lagi kong gamit kung saan man ako pumunta. Bagay kasi iyon sa kulay nang balat ko. Im a morena and proud! Sariling kulay ay ating mahalin!. 

Pero inaamin ko naman na sinubukan kong mag kojic dati pero itinigil ko na kase lagi din naman akong nag kakapasa noon dahil sa trabaho ko. 

So yon. Naisusuksok ko din ang foundation. Suklay. Mascara. Bubble gum. Mouth spray. Alcohol. Wipes. Tissue at condom.

Mahirap na at baka abutin ako nang kalandian ko sa gitna nang daan. Mabuti na ang handa. 

Lumabas na ako nang apartment ko matapos makapag wisik nang kaonting pabango sa magka bilang gilid nang leeg ay pulso. at as usual pagka labas na pagka labas ko pa lamang ay sa akin na agad na baling  ang atensyon nang mga nagchachakahan kong kapitbahay slash chismosa. 

Tinaasan ko nang kilay si aling Nelly ng makitang bumubulong na ito kay aling nenna habang naka tingin sa akin.

"kita nyo na? sabi ko sainyo eh. hindi tatagal iyan sa loob nang lungga nyan, kow! mukhang hindi yan mabubuhay nang hindi nadidiligan araw-araw" malakas na sabi ni aling linda na akala mo ay wala ako na syang pinag chichismisan nila.

"linda ano ba! baka marinig ka" sita naman si aling pasing na syang may ari nang tindahan na pinag tatambayan nang tatlo. isa pa itong chismosang to, kung hindi lang katapat ng apartment ko ang maliit nyang tindahan na halos gin nalang ang makikita mo dahil kinakain nang apo nyang matakaw ang mga paninda nya eh hindi na sana ako nag aabalang bumili sakanya nang mga kailangan ko!

well. dalawa lang naman ang binibili ko sa tindahan nya eh. Beer at Yosi, halos iyon nalang ang laman nang tindahan nya eh.

"eh ano naman? tama naman at totoo ang sinasabi ko ah. nako  pasalamat ko nalang sa buong may kapal na hindi naging mga pariwara ang mga anak kong babae" napa ngiwi ako sa sinabi nito. 

talaga ba? 

gusto ko sanang sabihin sakanya na nakita ko iyong bunso nyang anak na babae na trese anyos na nakikipag laplapan sa madilim na parte nang plasa noong nakaraang linggo.

naka kalong pa sa kandungan ng lalake.

but since im that IDGAF girl. hinampas ko na lamang ang mahaba at healthy kong buhok bago sila nilampasan.

buti pa ang buhok ko healthy. yung mga sakanila kasi e parang mga antena na.

well. ano ba ang pake ko? buhay nila yan, kung gusto nilang mag mukhang pangit ay wala na akong pake alam roon....kasi pangit naman talaga sila.

pagkarating ko sa kanto ay agad akong pumara ng taxi.

pagka upo ko sa loob ay titingin tingin pa sa akin iyong driver. kinindatan pa ako! hmpp! as if naman type ko sya hano!. oo't malandi ako pero marunong din naman akong pumili nang lalandiin ano!

"sa SM mall nga kuya" sabi ko at inabot sakanya ang bayad ko. 

"huwag na miss biyutipul, ang mga marikit na kagaya mo ay hindi na dapat pinag babayad" napa ngiwi ako sa sinabi nya. hindi lang iyon, halos gilagid nya nalang ang nakita ko nung nag salita sya.

hindi ko nalang sya pinansin at inantay na maka rating ako sa SM. nang matanaw ko na iyon ay nag handa na ako sa pag baba.

ibinaba ako ni kuyang gilagid sa tapat nang entrance. binuksan ko ang pinto at iniwas ang two hundred pesos na bayad ko sa mismong inupuan ko.

"keep the change" huli kong sabi bago tuluyang lumabas.

"apaka yabang mo" bulong ko nang makalayo na ako.

porket maganda ay hindi na dapat pinagbabayad? ano tingin nya sakin? mahirap?. apaka yabang nya.

naku kawawa ang asawa't anak nya kung meron man sa style nyang yan.

inayos ko ang buhok ko bago pumasok sa entrance nang mall. tiningnan ako nung guard na nag checheck nang mga laman ng bags.

ako na ang susunod kaya hinanda ko na ang bag ko. tinaasan ko sya nang kilay nang bigla nya akong kindatan. sumipol pa sya nang maka lampas na ako.

bwesit! 

bakit parang poging pogi yata ang mga lalaking nakaka salubong ko ngayon sa sarili nila?!

nakaka bad trip naman. dapat nag sasaya ako eh.

muli kong sinampas ang buhok ko patalikod kahit na nasa likod naman talaga ito.

ganoon talaga ako kapag sobrang naiinis.

pumunta ako ng second floor para bumili ng mga damit. ang balak ko sana ay sa ukay nalang mamili nang mga damit pero marami akong pera ngayon kaya go!.

sa simpleng clothe store lang sana ako bibili dito sa mall pero nadaanan ko ang dior store.

tumigil ako at tumingin sa loob. nakita kong napansin ako nang isang sales lady. nag lumikot ang mga mata ko.

baka kung anong isipin nito sa akin!.

pumasok ako nang store na mayroong confident sa buong pagkatao ko. kumikembot kembot pa ng bahagya ang bewang ko dahil sa pag lakad ko.

ang lakas din ng tunod nang suot kong heels.

"good afternoon ma'am" bati nung sales lady. naka ngiti ito.

"good afternoon" sagot ko. pinilit ko pang mag tunod autraliana para naman medyo sosyal. 

syempre naka chanel sling bag ako at wallet ko dior ang tatak. kaya dapat pati pananalita ko ay maganda ano!

"let me assist you ma'am" prisente nya ng haplusin ko ang isang dior bag.

hinayaan ko nalang sya. siguro ang tingin nya sa akin ay mayaman. well yan talaga ang goal ko ngayong araw. ang mag mukhang mayaman.

"do you have a small of this?" napa pikit ako nang mariin kasi feeling ko mali iyong english ko! pero sinimulan ko na kaya wala nang atrasan ko.

"yes ma'am. what color do you want?" magalang na sabi nya. napa lunok naman ako, sinubukan ko lang mag tanong tapos kapag wala ay aalis na agad ako. pero mukhang mapapasabit ako ngayong araw.

"gold. do you color gold?" tanong ko. itinuloy ko na lang ang pag aarte.

"yes ma'am we have. excuse me. I'll get it for you" anito. tumango naman ako.

tila naman ako hindi mapakali ng maka alis na ito.

umalis narin kaya ako? o kaya sabihin ko na hindi ko nagustohan ang design. argh kainis!

tiningnan ko ang glass door nang store. naka sara iyon. wala namang tao sa pwesto ko kaya siguro ay right timing na ito. tama, aalis na ako.

napa lunok ako bago dali daling lumapit sa pintuan, binuksan ko iyon at akmang lalabas na nang may mabangga ako.

"aray!"

"damn!"

sabay naming sabi nung naka bangga ko, sisinghalan ko na sana sya kasi ang sakit nang pagkakaumpog ng noo ko sa didib nya ngunit natigilan ako nang mag angat ako nang tingin at makilala kung sino sya.

"Pierce" banggit ko sa pangalan nya

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status