Share

Chapter 6

Almania Corazon

napanganga ako sa sinabi ni Pierce.

babe?!

san galing yon?

nakita kong nagulat si tanya pati narin si calista.

"O to the M to the G. is she your girl kuya?" maarteng tanong nito kay Pierce.

"yeah. she's my girlfriend" sagot naman ni Pierce habang naka tingin lamang sa akin.

windang na windang ang utak ko. hindi ko inaasahan yung mga lumabas sa bibig nya.

hindi ko alam kung paano ako naka lakad sa sobrang pagka bigla sa mga nangyayari. nakita ko nalang ang sarili ko na naka upo sa passenger seat ng black Ferrari ni Pierce.

kinukulit ako ni calista. kanina pa dada ng dada ang isang to! hindi ko naman pinapansin pero talagang papansin!.

si tanya naman ay tahimik lang na naka upo sa back seat pero pakiramdam ko ay pinipigilan nya lang talaga ang sarili na huwag mag salita.

"where did you both meet" parang aliw na tanong nanaman ni calista.

sweet naman pala syang tao. hindi nga lang halata kasi napaka arte. m*****a at spoiled nya. pero ok din naman sya kausap lalo na kapag mahaba ang pasensya mo.

kaso ako hindi! kasing igsi ng suot kong denim body dress ang pasensya ko!

"bar" maiksi kong sagot.

napa 'O' naman sya.

"gosh! really? why sa bar? did you two make out and then just like that you are now in a relationship?. dang! i never knew that kind of ways of getting in a relationship huh" anito. muntik na akong mapa irap sa ka OA-yan nya. buti nalang at napigilan ko.

"cali your words" mahinhing saway ni tanya.

taas kilay naman syang tiningnan ni calista.

"what?" mataray na sabi nito bago ulit ibaling sa aking ang atensyon ng bibig nyang mala armalite kung mag tanong.

"how old are you na pala?" tanong nya.

"21" maikling sagot ko ulit. ganyan ang naging eksena namin hanggang sa tumigil kami sa isang mamahaling restaurant para bumili ng pag kain nung jazz.

mag tatanong sya at sasagot ako pero ang sagot ko ay para mismo doon sa itinanong nya.

nakaka inis na. hindi ba pwedeng maging tahimik ang byahe?.

"you're old na pala" halos manginid ang lahat ng laman ko sa katawan sa sinabi nya.

tiningnan ko sya sa likod at nakitang naka tingin din sya sa akin. inosente syang ngumiti sa akin at parang walang ka alam alam sa mga lumalabas sa bibig nya.

"hindi pa ako matanda" pigil ko ang boses na manggigil.

"oh yeah.. right" anito. parang hindi pa kumbinsido sa sasabihin.

muli akong bumaling ng tingin sa unahan.

"old"

tuluyan na ngang nag si taasan ang mata ko na halos puti nalang ang makita. binibwesit talaga ako ng na batang ito!

PAG PASOK namin dito sa loob ng isang kwarto dito sa private hospital. nakita kong may aircon ang loob at halos kumpleto ang mga gamit, halatang mamahalin talaga ang hospital na ito.

pero hindi iyon ang kumuha ng atensyon ko kundi ang babaeng naka suot ng hospital dress habang naka upo sa hospital bed at karga karga ang new born baby.

hinihele nya ang bata na parang kakatapos lang umiyak.

"jazz. im sorry we take so long. how are you? are you hungry? how about the baby?" sunod sunod na tanong ni pierce. halata sa boses nya ang pag-aalala kaya sakanya nalipat ang atensyon ko. lumapit sya sa babae.

inilapag nya sa side table ang pagkaing binili namin kanina sa restaurant bago hawakan sa likod ang babae at silipin ang baby na karga nito.

para silang pamilya kung titingnan.

may kung anong kumirot sa dibdib ko ng makita ang eksenang iyon.

siguro naiinggit lang ako dahil hindi ko naranasan ang magkaroon ng ganyang klase ng pamilya noong bata pa ako. at mukhang hindi ko na talaga iyon mararanasan pa kahit kailan.

"ok lang ako, pero natutuyo na talaga ang lalamunan ko" sagot nung babaeng nag ngangalang jazz.

"here's your food, eat now" ani pierce. si tanya naman ay inihahanda na iyong maliit na lamesa na pag papatungan nung pagkain. inilagay nya iyon sa ibabaw ng kama katapat ni jazz para hindi na ito mahirapan pang tumayo kasi nga bagong panganak.

si calista naman ay isa isang inilabas ang mga pagkaing nasa supot. hindi naman sya inilabas lahat kasi marami iyon at hindi kakasya sa maliit na lamesa.

ako naman ay naka tayo lang sa tabi ng pinto. hindi ko alam ang gagawin ko, kung tutulong ba ako o ano. well hindi ko naman sina close, ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito eh.

"salamat Pierce. tanya. cali" ani jazz.  isa isa nyang tiningnan ang tatlo habang naka ngiti, mas lalo yata akong hindi naka galaw sa kinakatayuan ko ng matuon sa akin ang kulay tyokolate nyang mga mata. nabura din ang magaan nyang ngiti sa labi.

napa tikhim ako at nag iwas ng tingin.

"sino sya?" tanong nya at kahit hindi ako naka tingin ay alam kong si Pierce ang tinatanong nya.

"she's kuyang Pierce's gir-" hindi natapos ni calista ang sasabihin ng agad iyong pinutol ni pierce.

"A friend"

hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. kung ma ooffend ba ako. matutuwa. maiinis. magagalit o kung ano man.

napa kurap na lamang ako habang malamig ang mga matang napa baba ng tingin sa tiles na sahig.

hindi kaya mag ina nya sila? at gusto syang ipaasawa ng nanay nya sa ibang babae dahil ayaw nito kay jazz kaya humanap sya ng iba na pwedeng mag panggap na girlfriend nya? at mukhang walang ka alam alam si jazz.

lintek! kung ganoon lang naman pala ay hindi na ako papayag!

"uhmm ate. sumabay na po kayo sa amin kumain" rinig kong aya ni tanya.

"yeah. tanya is right, you should eat too it's already seven in the evening" ani calista.

tsaka lang ako nag angat ng tingin at nakitang kumakain na silang apat!.

tiningnan ko ang orasan na nasa dingding at alas siyete na nga ng gabi! gaano ba ako katagal na naka tayo rito?

"u-uh. hindi na" awkward kong sabi.

mag papa alam na sana akong aalis na kaya lang ay narinig kong umiyak yung anak ni jazz.... na baka anak din ni Pierce.

hindi alam ni jazz ang gagawin lalo na't kumakain sya. hindi naman pwedeng tumayo para isayaw ang anak dahil kakapanganak nya pa lang.

tiningnan nya si Pierce na parang sinasabi kung pwede ba nitong buhatin muna ang anak dahil hindi sya maka tayo. lalo pa't naroon parin iyong maliit na lamesa sa ibabaw ng hospital bed nya at may naka patong roong sabaw na tiyak na matatapon sa isang maling galaw nya lang.

nakita kong parang nataranta naman si pierce. nag lulumikot ang mga mata nito at tila hindi alam ang gagawin.

"i-i didn't know how to carry a baby" aniya.

napa irap ako sa hangin bago lumapit sakanila.

"ako na" sabi ko kay jazz. ngumiti sa akin ang babae bago ibigay sa akin ang umiiyak na anak.

nasa gilid ako ni Pierce habang nasa harap namin si jazz at ang dalawang bata na kumain.

"aanak anak pa kasi, hindi naman pala marunong mag alaga" pag paparinig ko kay Pierce.

tumingin ako kay jazz nang mapansing nahinto ito sa pag higop ng sabaw.

tumingin sya sa akin na agad namang ibinaling sa kung saan.

nangunot ang noo ko ng tila nagalit sya o inis sa akin.

bakit? naiinis ba sya kasi pinaparinggan ko ang asawa nya? 

tsk! totoo naman eh. itong si Pierce, ang lakas ng loob mang anak tapos makikipag sex sa iba at aayain pang mag panggap na girlfriend nya tapos hindi naman pala marunong mag alaga mg bata!

cheater na nga hindi pa marunong kumarga ng sariling anak!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status