Share

Chapter 5

Almania Corazon

inis ang mukha nya kanina ngunit nag iba iyon nang makita ako.

lihim akong napa singhot nang maamoy ang mabangong amoy nya. sobrang lapit kasi namin sa isa't isa.

ang bango nya sobra! nag hahalo ang amoy nang mamahalin nyang men's perfume at mint candy na siguro ay kinain nya kanina lang.

naka titig lang ako sa gwapo nyang mukha at ganoon din sya sa akin.

pakshet holy pussycat! mas gwapo pala sya pag maliwanag at pag malapitan.

"almania" banggit nya rin sa pangalan ko.

napa kagat ako sa aking ibabang labi. bakit parang ngayon lang gumanda sa pandinig ko ang sarili kong pangalan?.

"excuse me ma'am. this is the small version of the bag that you like" rinig kong sabi nung saleslady sa likod ko. napa pikit naman ako nang mariin.

andito pa pala sya? at tsaka anong like? di ko bet yung bag ano!.

tumingin ako sakanya at plastic na ngumiti. 

ngumiti rin sya sa akin bago tumingin sa likuran ko. nakita kong nanlaki ang mga mata at bibig nya nang makita kung sino ang nasa likuran ko.

"m-mr. verlusconi?! welcome sir welcome" tarantang bati nito.

napa taas naman ang kaliwang kilay ko. wow, famous yarn?

mas lalong nangunot ang noo ko nang magsilabasan ang iba pang saleslady na kanina ay hindi ko naman nakita!.

natataranta ang mga ito nang makita ang lalaki na nasa likod ko.

hindi lang taranta ang nakikita ko sa mga malalandi nilang mga mata. kundi pag hanga rin.

"good afternoon sir.  What can we help you?" magalang ngunit medyo malanding tanong nung babaeng naiiba ang uniform. manager ata.

"I want you to assist my girlfriend, when she likes something, wrap it immediately. I will pay double if she likes your brand" seryoso at malamig na turan nito sa likdo ko bago ko naramdaman ang kamay nya sa bewang ko.

muntik pa akong mapa talon sa gulat.

"wrap that one up" ma-awtoridad na utos nya sa saleslady na may hawak nung bag na itinanong ko kanina.

nanlaki ang mga mata ko at napa tingin sakanya. naka tingala ako dahil matangkad sya.

tumingin din naman sya sa akin pabalik. ang malamig nyang mga mata kanina ay biglang napalitan nang kung ano mang emosyon.

bahagyang napa awang ang bibig ko nang ngumiti sya sa akin bago ako binigyan nang mabilis na halik sa labi. putangina?!

mukhang nagulat naman ang mga saleslady pati narin ang manager nila sa biglang pag halik sa akin ni pierce. parepareho lang tayo mga ses!.

"kuya?" anang isang malambot na boses sa likod namin.

lahat kami ay napa tingin doon at nakita ko ang dalawang dalagitang kakapasok palang sa glass door nang store.

iyong isa ay maamo ang mukha at parang anghel. samantalang yung isa naman ay matapang katulad nang sa akin.

"assist this two young lady too. wrap everything they like" ani Pierce. mukhang nagulat iyon dalagitang maamo ang mukha samatalang iyong isa ay agad na nag libot sa loob ng store.

ni hindi manlang ako tinapunan ng tingin. aba m*****a!.

"k-kuya? why are we here po?" tanong ng dalaga. tumingin sya saakin at nakita ko sa kulay asul nyang mga mata na mas nadagdagan ang kuryosidad nya ng makita ako pati narin ang makay ni Pierce na nasa bewang ko.

"and who is she po?" nahihiyang tanong nya.

"tanya! come on! gosh look at this bag! I've been looking for this for three fucking days! gosh so pretty!!" tili nung isa na nasa dulo na ng store at may yakap yakap ng itim na bag.

napa ngiwi naman ako. mukhang hindi lang m*****a ang isang ito, mukha ring spoiled brat.

"go tanya. look for your bag too" magaang sabi ni Pierce.

"b-but kuya. i don't need-" hindi nya na natapos ang sasabihin ng biglang may humila sakanya. kanda talisod pa ito.

"look at this bag too. so pretty right?" manghang sabi nung malditang bata. napa irap naman ako dahil pareho lang naman ang design nung bag na yakap nya kanina pati narin ang bag na hawak nya ngayon. magkaiba lang ang kulay.

napaka arte!

"are you just gonna stare at them?" malamig na sabi ni Pierce sa mga saleslady na mukhang natauhan naman agad.

humingi ang mga ito ng pasensya bago tarantang inasikaso kaming tatlo. halos hilahin na ako nung kaninang saleslady na kausap ko dahil sa kung ano anong klaseng bag ang pinapakita sa akin.

"be careful at her" ani Pierce sa hindi kalayuan. medyo inis ang boses nya habang naka tingin sa amin. napa lunok naman ang sales lady.

halos mag dadalawa't kalahating oras ang inabot namin sa loob ng store. tatlong bag lang ang napili ko plus iyong maliit na gold hand bag na pinabalot agad ni Pierce kanina ang nabili ko. katulad ng sinabi nya ay sya nga ang nag bayad. doble pa.

naka upo na ako ngayon sa tabi nya habang inaantay ang dalawang dalaga. kanina pa ang dalawang iyon na palibot libot sa loob ng store. iyong dalagang nag ngangalang tanya ay isa lang ang nagustohan, tinanong ni Pierce kung sigurado ba syang isa lang ang gusto at tumango naman sya dahil halos linggo linggo naman daw ay nakaka tanggap sya nag iba't ibang bags sa mommy at mga kapatid nya.

para akong sinampal ng kahirapan nung sinabi nyang halong LINGGO LINGGO ay mayroon syang mga bagong gamit.

iyong isa naman na nag ngangalan palang Calista ay ginawa nang pasyalan ang store. kung saan saang sulok ng store nakaka abot.

maya maya pa ay lumapit na ito sa counter dala ang.....30 bags?!!

aba p*****a. napaka abusada naman ng isang ito.

lumapit ito kay Pierce at nakita kong may inabot naman itong black card kay calista. nanlaki ang mga mata ko, totoo ba yon? black card ba talaga iyon?.

"pst" tawag ko sakanya ng maka alis na si calista tangay ang black card nya. 

"hmm?" masuyong sagot nya ng tingnan ako. napaka lambot ng expresyon nya.

"totoo ba yon?" kuryosong tanong ko bago inguso ang black card na hawak ni calista.

tumingin sya doon saglit bago muling ibinalik sa akin ang tingin. tumango sya.

"gaano ka ba ka yaman?" tanong ko.

tumaas ang kanang sulok ng natural na mapupulang labi nya. "im a billionaire since birth" sagot nya.

napa singhap naman ako dahil hindi ako makapaniwalang sobrang mayaman nga sya!

i mean.. oo mayaman nga sya dahil malaking pera ang binayad nya sa akin doon sa bar pero ang mga nasa isip ko lang noon e baka maayos lang talaga ang trabaho nya kaya malaki sya mag bigay pero hindi ko naman akalain na sobrang yaman pala nya. umabot pa ng bilyon!

"hindi ka nag bibiro?" paninigurado ko.

natatawang umiling naman sya.

napa takip ako sa aking bibig at napa iwas ng tingin sakanya. kung ganon yayaman ako kapag pumayag akong mag panggap na girlfriend nya?! 

bigla akong kinilig sa isiping yayaman nga ako sa pamamagitan ng pagpapanggap lamang.

"kuya? i think we need to go na. We haven't bought Ate Jazz food yet, baka gutom na sya at si baby" bakas ang pag aalala sa boses ni tanya.

agad akong napa tingin sakanya.

baby?!

ang nanlalaki kong mga mata ay napa baling kay Pierce ng mag salita sya.

"oh yeah right" napa hagod pa sya sa sariling buhok na tila ba may nakalimutan sya at ngayon nya lang iyon na alala.

"jazz will probably hungry now. damn how did i forget that?" frustrated na sabi nya.

naka tingin lang ako sa itsura nya.

sino si jazz?

"kuya im done" maarteng sabi ni calista na syang kumuha ng atensyon ko.

"yeah let's go" anito. naguguluhan ko syang tiningnan ng tumayo sya at hinawakan ako sa kanang pulso.

nagtatanong akong tumingin sakanya.

"Come with us to the hospital babe"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status