Share

CHAPTER 2

Hindi maiwasan ni aleng Fiona ang maiyak sa sitwasyon niya. Masyado na siyang matanda para sa trabaho niya. Ngunit hindi pa tapos mag aral ang kanyang anak. Kahit paano ay ayaw niyang matigil ito sa pag-aaral. Mahal na mahal niya ang kaniyang anak, ngunit dahil sa sitwasyon niya ngayon ay parang hindi niya na kaya pang pag-aralin ito. Lalo na ng malaman niya sa doctor na may HIV siya at malala na ito.

"Paano na ang aking anak pag nawala ako Diyos ko?" naiiyak na wika ni aleng Fiona.

Nakatulog si Aleng Fiona sa isipin na iyon at dahil na rin sa puyat at pagod sa trabaho.

Pag gising niya ay bandang hapon na kaya bumangon na siya dahil mag aasikaso pa siya para mag trabaho ulit sa bar na kaniyang pinag tatrabahuhan.

Nag luto na siya ng hapunan nilang mag ina para pag dating ng kaniyang anak ay makapag pahinga naman iyon dahil alam niyang nakakapagod din ang mag-aral sa maghapon lalo na at exam daw ni Trisha ngayon.

"Inay, bakit ho kayo na ang nagluto? Sana at hinintay mo na lamang ako at ako na ang nagluto. Masama pa siguro ang pakiramdam niyo nay," bungad na saad ni Trisha nang maabutan niyang nag aayos ng hapag-kainan ang ina.

"Ayos lamang ako anak. Halika na saluhan mo na ako sa pagkain," alok naman nito kay Trisha na akala mo ay walang anuman na nararamdaman.

"Sige po inay, magbibihis lamang po ako," sagot naman ni Trisha sa ina.

"Sige bilisan mo at nang hindi lumamig ang pagkain," ani aleng Fiona.

Mabilis namang nagbihis si Trisha upang masaluhan ang ina sa pagkain. Maaga talaga silang naghahapunan araw-araw dahil sa trabaho ni aleng Fiona.

"Inay, masama ho ata ang pakiramdam niyo huwag muna kayo pumasok ngayon," nag aalalang wika ni Trisha.

"Ayos lamang ako anak. Kailangan kong magtrabaho para may kainin tayo at para may maigastos ka sa pag-aaral mo," saad naman ng kaniyang ina.

"May stocks pa naman tayo inay, saka puwede na ho ako mag trabaho. Huling exam na namin bukas at mag hihintay na lamang kami ng graduation day inay," paliwanag naman ni Trisha sa ina.

"Ganoon ba anak? Malapit ka na palang mag tapos. Natutuwa ako para sa iyo anak. Ngayon ay mapapanatag na ang loob ko dahil makakaya mo nang buhayin ang sarili mo," masayang wika ni aleng Fiona.

"Inay bakit ganiyan kayo magsalita?" nagatataka namang tanong ni Trisha.

"Matanda na kasi ako anak at hindi ko na talaga kaya pang mag trabaho sa club dahil may sakit ako anak," naiiyak na anito.

"Anong sakit mo inay? Bakit ngayon mo lamang ito sinabi sa akin?" nabibigla namang tanong ni Trisha.

"Dahil ayokong mag alala ka sa akin Trisha." Hindi na napigilan pang umiyak na sabi ni aleng Fiona. "HIV ang sakit ko Trisha at wala tayong perang pampagamot kaya tinatanggal ko na ang aking kamatayan." Sabay hagulhol na saad nito.

Mabilis namang tumayo si Trisha at nilapitan ang ina lara yakapin at hindi niya na rin napigilan ang pag iyak.

"Inay hindi, magpapagamot ka. Bukas na bukas din ay sasamahan kitang mag pacheck up at aalamin natin ang paraan para gumaling ka inay," umiiyak na wika ni Trisha.

"Pero wala tayong pera Trisha," sagot ni aleng Fiona.

"Ang pera ay nahahanap inay kaya wag kang mag alala ako ang bahala," pag aalo dito ni Trisha

Bigla namang tumunog ang cellphone ni aleng Fiona sa gitna ng iyakan nilang mag ina. Kaya madali niyang itong kinuha para malaman kung sino ang tumatawag at lumabas para kausapin ito.

"Hello, Fiona! Si Alma ito. Alam mo ba na mayroong pumunta dito na isang bilyonaryo?" masayang bungad ni Alma ng sagutin ni Aleng Fiona ang kaniyang tawag.

"Eh ano naman kung may pumunta diyan? Wala akong pakialam!" nainis na sagot ni aleng Fiona. Akala niya kasi importante ang itinawag nito eh mag mamarites lang naman pala.

"Naghahanap siya ng bata at bago daw. Handa daw siya magbayad ng malaking halaga basta may maibigay daw tayo sa kaniya," natutuwang anito

"Eh wala naman tayong bago diyan sa club di ba?" walang ganang sagot ni aleng Fiona

"Day, di ba nasa tamang edad na iyang anak mo?" tanong nito na biglang sumeryoso

"Oo, bakit anong paki mo naman?" mataray na sagot ni aleng Fiona.

"Naisip ko kasi, bakit hindi na lang iyang anak mo ang ibigay natin? Malay mo magustuhan pa siya noong bilyonaryo di ba?" saad nito.

"Ano? Eh sira uko ka pala eh pinalaki ko ng maayos ang anak ko tapos igagaya ko lang sa atin? Hindi!"galit na sagot ni aleng Fiona.

"Eh, Fiona di ba may sakit ka at kailangan mo ng pera? Ito na ang sagot day. Ipag bili mo na iyang anak mo, isang gabi lang naman," sulsol pa ni Alma.

Hindi na sumagot si Aleng Fiona at pinatay niya na ang tawag ni Alma. Nabigla siya ng makitang nakikinig pala si Trisha sa kanilang usapan

"Inay, narinig ko po ang pag-uusap niyo. Tama siya inay, ito na ang sagot sa problema natin. Handa akong gawin para sa iyo inay," naiiyak na saad ni Trisha.

"Pero anak hindi ako papayag, ayoko! Pinalaki kita ng may dangal sa sarili mo para hindi ka matulad sa akin anak," naiiyak ding saad ni aleng Fiona

"Inay aanhin ko ang dangal kung mawawala ka naman sa akin? Kaya kong ipagbili ang sarili ko para sa iyo inay," umiiyak na wika ni Trisha.

Hindi na nakasagot pa si aleng Fiona dahil sa narinig. Talagang napakabait ng kaniyang anak. Hindi niya akalain na ganoon din siya kamahal nito na handang isakripisyo ang sarili para sa kaniya.

"Maraming salamat Trisha, napakabuti mo anak. Patawad anak kung dahil sa akin ay masisira ang kinabukasan mo," umiiyak na saad ni aleng Fiona

"Inay, pinalaki n'yo ako na mabuting tao at mabuting anak kaya kung ano ako ngayon ay iyon ay dahil sa inyo." Sabay yakap sa una na saad ni Trisha.

Mahal na mahal niya ang kaniyang ina at kahit buhay niya ay handa siyang ibigay para dito, kaya kahit ano pang sakripisyo ay handa siyang gawin upang maipagamot lamang ang kaniyang ina at mailigtas sa kamatayan na dulot ng sakit nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status