Share

CHAPTER 9

"Nay?" tawag ni Trisha sa kaniyang nanay nang mabuksan ang pinto ng kanialng bahay. Hindi naman ito nakalock kaya nabuksan niya at saka tuloy-tuloy siyang pumasok. Nagtaka siya kung bakit wala ang nanay niya gayong nakabukas naman ang pinto, kaya tumuloy na siya sa silid nito dahil baka sakaling andoon lamang ang kaniyang nanay.

"Nay!" tawag niya ulit at saka niya kinatok ang pinto. Kaagad naman itong bumukas at bumungad ang kaniyang nanay na hilam sa luha ang mga mata.

"Anak, mabuti nakauwi ka na alalang-alala ako sa iyo alam mo ba yun?" anito habang umiiyak.

"Ok ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?" sunod-sunod na tanong nito dahil sa sobrang pag aalala sa kaniya.

"Nay, ok na ok lang po ako at wala hong nangyaring masama sa akin! Huwag ka na pong umiyak," saad ni Patricia saka niya niyakap ang ina. Awang-awa siya dito dahil halatang hindi ito nakatulog mag damag dahil sa pag aalala sa kaniya.

Nakita naman ni Luke kung paano mag alala

kay Trisha ang ina nito. Ngayon siya naniniwala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status