Share

CHAPTER 5

Maagang umuwi si Trisha mula sa skwelahan para makapag handa siya sa pakikipagkita sa bilyonaryong lalake na nagbayad ng malaking halaga para sa kaniya.

"Anak sa bar ka susunduin noong bilyonaryo. Ihahatid kita doon anak kaya maghanda ka na. Alas siyete ka daw ipapasundo," Saad ni aleng Fiona.

"Opo inay, maliligo lamang po ako," sagot naman ni Trisha at nag handa na para maligo.

Naligo siya ng mabuti dahil nakakahiya naman doon sa bilyonaryong lalaki kung may maaamoy na hindi kanais-nais sa kaniya. Kuskos dito kuskos doon ang hinawa ni Trisha lara masigurong malinis na malinis ang kaniyang katawan. Dalawang beses din diyang nag toothbrush at hindi pa siya nakuntento nag mumog pa siya ng mouthwash para masiguro din niyang mabango ang kaniyang bunganga. Nang masigurong malinis na malinis na siya ay saka niya tinapos ang pag ligo at saka siya nag bihis. Nag shorts lang siya at simpleng tshirt para hindi mag hinala ang mga kapitbahay nilang marites. Mamaya na siya magbibihis pagdating sa bar.

"Inay, handa na po ako. Tara na po mag aalas siyete na po inay," tawag ni Trisha sa kaniyang ina.

"Oo anak, andiyan na," sagot naman nito.

Pagbaba ng ina ay lumakad na sila dahil baka magalit ang magsusundo kay Trisha pag nahuli ito.

Pag dating sa bar ay naghihintay na nga ang magsusundo kay Trisha. Driver daw siya noong binatang bilyonaryo. Kaya pinasakay agad siya sa kotse at hindi na siya nakapag bihis ng damit na ibinigay ng kaniyang ina.

Habang nasa byahe ay hindi maiwasan ni Trisha ang kabahan. Natatakot siya sa kung ano ang mangyayari. Gusto niyang umiyak dahil ang iniingatan niyang puri ay mawawala na sa ngayon. Ngunit wala siyang mailuha dahil siguro mahalaga ang kapalit ng kaniyang dangal iyon ay ang buhau ng kaniyang ina kaya tinatagan niya na lamang ang kaniyang loob dahil alam niyang kailangan niyang gawin iyon para sa kaniyang ina.

Naputol ang kaniyang pag mumuni-muni ng tumigil ang kotse sa harap ng isang mansiyon. Napakaganda ng mansiyon na iyon na aakalain mong isang palasyo sa laki at ganda. Pagpasok nila sa loob ay pata siyang nalula sa laki. Mas malaki pala itong tingnan sa loob, napakalawak ng sala at napataas ng bahay. Ngayon lamang siya nakakita nito kaya naman manghang-mangha siya at hangang-hanga siya sa kaniyang nakikita lalo na ang mga kagamitan na talaga namang pang mayaman na hindi nya pa yata nakikita sa buong buhay niya kaya hindi niya alam kung ano ang mga tawag dito.

"Ehem," anang kung sino na nagpabalik ng ulirat ni Trisha. Isang napakaguwaping lalaki na kahawig ni Piolo Pascual ang nasa harap niya ngayon kaya lalo siyang napanganga. Hindi niya malaman kung ano ba ang nangyayari sa kaniya dahil para siyang naeengkanto na nakapasok sa portal ng mga engkantada dahil para siyang nakakakita ng isang napakakisig na prinsipe ngayon.

Nagulat na lamang si Trisha ng may mag sara ng bunganga niyang nakanganga.

Isinara pala ng guwapong binata ang kaniyang bibig dahil halos tumulo na ang kaniyang laway sa pagkakanganga niya.

"So, you are?" saad ng binata.

"A-a-ako pa-pa-pala si Trisha," utal-utal na sagot ni Trisha

"So, ikaw ang ipinadala dito ni Alma, right? saad nito sa malamig na boses.

"Cold," bulong ni Trisha.

"What?" tanong ng binata.

"Wala! Sabi ko opo, ako nga," pagtataray naman ni Trisha.

"Ok, let's go to my room." Tinalikuran sita nito ng walang anu-ano.

"Aba't bastos to ah!" bulong ulit ni Trisha ngunit wala siyang nagawa kundi sumunod na lamang sa binata.

Tuloy-tuloy naman ang binata sa 2nd floor at pumasok sa isang kuwarto doon. Nahiya naman sumunod si Trisha sa loob kaya nanatili siya sa labas ng pinto.

"Come in!" maawtoridad na anito.

"Napakasuplado naman nito hindinman lang marunong mag entertain ng bisita," bubulong-bulong si Trisha habang pumapasok.

"Excuse me, hindi kita bisita at alam kong alam mo ang gagawin mo dito," supladong sagot naman ng lalaki na narinig pala ang ibunulong niya kanina.

Napahiya naman si Trisha kaya nanahimik na lang siya.

"Huwag ka ngang mag astang inosente diyan simulan mo na ang trabaho mo! " supladong saad ng binata.

"Bababa lang ako sandali pag akyat ko dapat ready ka na," cold pa ring anito at saka lumakad palabas.

Pagkalabas ay dumiretso si Luke sa mini bar ng kanilang bahay at lumagok ng isang basong wine. Hindi kasi siya makapaniwala na mukhang anghel ang ipapadala sa kaniya. Sa kagustuhan niyang hindi aiya mahalata na nagustuhan niya ang babae ay pinili niyang maging cold at suplado para hindi siya mahalata dahil naglalaban pa rin ang puso at isip niya. Lahat kasi ng tingin niya sa babae ay manloloko kagaya ng ginawa ng kaniyang ina na ipinagpalit sila sa ibang lalaki. Kaya ganoon na lamang ang galit niya sa mga babae. Wala pa siyang naging seryosong relasyon dahil ayaw niya ng commitment dahil sa galit sa mga babae ay lahat ng naging girlfriends niya ay hindi niya sineseryoso. Niloloko niya lang din ganoon, kaya hindi siya pwedeng magpadala sa ganda ng babaeng nasa kuwarto niya dahil alam niya ang karakas ng mga babae. Pero bakit lumambot aiya ng makita niya ang babaeng iyon kanina?

"Basta pare-pareho lang sila saka hindi siya naiiba dahil sa klase ng trabaho niya ay tiyak na marami nang lalaki ang dumaan at nagpasasa sa katawan niya," pagkausap pa nito sa sarili.

Lumaki kasi si Luke na wala ang kaniyang nanay dahil ipinagpalit nito ang kaniyang ama sa mas bata. Bata oa siya noon ng iwanan sipa nito kaya hindi biro ang lungkot at hirap ang pinagdaanan niya bilang isang bata na walang ina. Sa mga gabi na gusto mo siyang kayakap at gusto mo ng paghele niya ay wala siya. Ang yaya niya na ang halos nagpalaki sa kaniya. Oo mahal siya ng yaya niya ngunit iba oa rin ang pagmamahal ng isang ina. Kaya lumaki siyang malungkuyin at galit sa mga babae. Ang tingin niya sa mga babae ay lahat manloloko. Kaya ginagawa niya lang laruan ang mga babae. Palibhasa guwapo at mayaman ay maraming babae ang mahuhumaling sa kaniya. Pinagsasabay-sabay niya ang mga ito kaya minsan ay may nag pang-abot ang dalawang girlfriends niya kaya ayun nagsabunutan pero dahil hindi niya naman mahal pareho ay iniwan niya na lang ang dalawa na nagsasabunutan at hindi na rin siya nagpakita sa mga ito total marami pa naman siyang girlfriends kaya ok lang. Wala din naman kasi siyang pakialam sa feelings ng mga babae. Basta ang alam niya nag eenjoy siya lalo na sa kama.

Nang maubos ang wine na iniinom ay bumalik na siya sa kuwarto. Nabigla siya sa kaniyang nakita. Isang dalaga na nakahiga sa kaniyang kama na tila ba anghel na bumaba sa lupa. Napaka inosente ng itsura nito at tila ba nahihiya o natatakot ang itsura nito na itinatago sa likod ng napakagandang ngiti sa mga labi.

Hindi maintindihan ni Luke kung bakit kumakaba ang kaniyang dibdib. Sa dami na ng baabeng dumaan sa buhay niya ay ngayon lamang siya kinabahan ng ganito. Naguguluhan si Luke sa kaniyang nararamdaman. Bakit sa ganitong klaseng babae pa titibok ang puso niya. Bakit?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status