Share

CHAPTER 4

"Inay, kumusta po? Nakausap niyo iyong sinasabi ni aleng Alma?" Bungad ni Trisha pagkarating ni aleng Fiona galung sa bar.

"Oo, anak. Tuturuan kita ng mga techniques kung paano ang gagawin mo," malungkot na sagot ni aleng Fiona.

"Sige po, inay," saad naman ni Trisha.

Lahat ng nalalaman ni aleng Fiona kung paano mag paligaya ng lalaki ay itinuro niya sa kaniyang anak. Masakit man sa loob ay kailangan. Nahihiya man sa sarili niya bilang isang ina na ituro sa anak ang mga bagay na hindi dapat ay ginawa niya dahil kailangan.

Matapos na maituro lahat ni aleng Fiona ang lahat ng alam niya ay saka ito nag paalam na magpapahinga muna.

Pagpasok sa kuwarto ay saka siya umiyak ng umiyak.

"Patawarin mo sana ako anak sa aking ipinagagawa sa iyo. Kailan man ay hindi ko inisip na ako mismo na ina mo ay ang siyang magpapahamak sa dangal mo, anak," pagkausap nito sa litrato ng anak na nasa side table ng kaniyang higaan.

Nakatulog si Aleng Fiona na may luha sa mga mata.

Hindi naman mapakali si Trisha kaya sinilip niya ang kaniyang ina. Naabutan nga niya itong nakatulog habang yakap ang kaniyang larawan kaya dahan-dahan niya itong tinanggal mula sa pagkakahawak ng kaniyang ina at ibinalik sa side table kung saan ito inilalagay ng kaniyang ina. Mahal na mahal siya ng kaniyang ina, ramdam na ramdam niya ito mula pa pagkabata. Alam niya ang lahat ng paghihirap nito maibigay lamang ang mga pangangailangan niya at upang mapag-aral siya. Pinalaki siya ng kaniyang ina ng maayos at inilayo sa mga bagay na maaari niyang ikapahamak ngunit ngayon ay mukhang bumaliktad lahat dahil ibebenta siya ng ina sa isang bilyonaryo kapalit ng malaking halaga. Alam niya kung gaano ito kasakit para sa ina ngunit kung para naman sa buhay nito ay panahon na siguro para siya naman ang mag sakripisyo para rito. Panahon na siguro para suklian niya ang mga kabutihang ginawa sa kaniya nito.

Dahan-dahan niyang niyakap at hinalikan sa noo ang kaniyang ina at tumulo ang kaniyang luha. Mahal na mahal niya ito at ayaw niya pang mawala ito sa kaniya kaya handa siyang isakripisyo ang lahat-lahat kahit pa ang kaniyang pagkatao para rito.

Matapos niyang halikan ang ina ay kinumutan niya ito at saka niya pinatay ang ilaw at dahan-dahang isinara ang pinto.

Pumasok na rin si Trisha sa kaniyang silid upang mkapag pahinga na rin napagod kasi siya sa pag-aaral ng mga dapat gawin kapag nag tagpo na sila noong lalaking bilyonaryo. Mabilis na nakatulog si Trisha dahil sa pagod at umaga na nang siya ay magising. Paglabas niya ng kuwarto ay naabutan niya ang ina na nagluluto ng almusal.

"Good morning po inay. Pasensya na po tinanghali ako ng gising," pagbati nito sa ina.

"Good morning din anak. Sige na mag almusal ka na may pasok ka pa ata ngayon," sagot naman ng kaniyang ina.

"Opo! May isang exam pa po kami ngayon at pagkatapos po ay bakasyon na mag hihintay na lamang kami ng graduation,"aniya.

"Mabuti naman. Mamayang gabi na pala kayo magkikita noong binatang bilyonaryo anak," malungkot na anito.

"Opo! inay, 'wag po kayong mag alala kabisado ko na po lahat nang itinuro ninyo sa akin," masiglang saad naman ni Trisha.

"Anak, mag-iingat ka mamayang gabi ha," naiiyak na saad ni aleng Fiona.

"Inay, malaki na po ako. Kaya ko na po ang sarili ko, huwag po kayong mag alala sa akin. Malay n'yo mainlove sa akin iyong bilyonaryong iyon eh di instant bilyonarya din ang maganda mong anak," masiglang ani Trisha. Ayaw niya kasing ipakita sa ina na natatakot din siya dahil ayaw niya na itong mag alala.

"Sana nga anak at ng makaranas ka man lang ng magandang buhay hindi katulad ng buhay na ibinigay ko sa iyo," saad nito

"Inay, ano ba? Hindi naman po ako naghahanap ng marangyang buhay. Masaya na po ako na magkasama tayo. Pero ngayon gagawin ko ang lahat para kayo naman ang mabigyan ko ng magandang buhay. Panagako inay, gagaling kayo. Handa akong isakripisyo kahit buhay ko para sa inyo inay," umiiyak na saad ni Trisha. Hindi niya na napigilang umiyak nang makita na umiiyak na ang ina. Hindi niya ito masisisi dahil sa mga nangyayari sa kanila ngayon. Wala naman silang matatakbuhan dahil wala silang kamag-anak sa lugar na iyon dahil halos nasa probinsiya lahat ng kanilang kamag-anak. Kaya siya lamang ang paghuhugutan ng lakas ng kaniyang ina.

"Maraming salamat anak dahil kahit ganito ako ay hindi mo ako pinababayaan," anito.

"Anong kahit ganiyan kayo inay? Ina ko kayo kaya dapat lang na hindi ko kayo pabayaan dahil ikaw ang nag bigay ng buhay sa akin. Kung wala ka ay wala din ako kaya hindi kita puwedeng pabayaan," sagot naman ni Trisha.

Nagyakap na lamang ang mag-ina dahil sa bigat ng kanilang pinag dadaanan sa ngayon. Ang isa't-isa na lamang ang pinghuhugutan nila ng lakas para malagpasan lahat ng pagsubok na ibinigay sa kanila ng Panginoon.

"Sige na po inay, kailangan ko na pong umalis. Mabilis lang po ako kasi isang subject nalang po ang exam ko ngayon. Babalik po ako kaagad para mag handa mamayang gabi," paalam nito at saka humalik sa kaniyang ina.

"Ok anak, mag-iingat ka at galingan mo," sagot naman nito sa anak.

Pagkaalis ni Trisha ay nag umpisa na rin siyang mag linis ng bahay. Kahit medyo masama ang pakiramdam ay kailangan niyang gawin dahil wala naman siyang aasahan na iba. Habang naglilinis ay hindi niya maiwasang isipin ang mga magulang at kapatid sa probinsiya. Walang kaalam-alam ang mga ito sa nangyayari sa kanilang mag-ina. Mula kasi ng mabuntis siya kay Trisha ay itinakwil siya ng mga ito dahil napakabata pa daw niya ng mabuntis. Naghinanakit siya sa mga ito dahil sa halip na suportahan dahil bata pa siya ng mabuntis sa edad na desisais ay mas pinili ng mga itong magalit at itakwil siya. Halos maging pulubi siya noon dahil wala siyang mapuntahan dahil hindi naman siya pinanagutan ng nakabuntis sa kaniya dahil pareho silang menor de edad noon. Matagal siyang nagpalaboy-laboy noon hanggang sa makarating siya sa Maynila at nakita siya ng may-ari ng bar na pinagtatrabahuhan niya sa kalsada na halos nanghihina na at napakalaki na ng kaniyang tiyan dahil malapit na siyang manganak noon. Napakabuti ng mag-asawang may-ari ng bar dahil kinupkop siya ng mga ito ng walang pag aalinlangan. Kaya nang makapanganak siya ay doon na din siya nag trabaho para may maipakain siya sa anak. Ngunit ipinagako niya sa sarili na hindi magagaya sa kaniya ang kaniyang anak. Kaya ginawa niya ang lahat para mapag-aral ang anak at bigyan ng magandang buhay. Ngunit hindi yata sapat ang kaniyang ginawa dahil ngayon ay siya mismo ang magpapahamak sa kaniyang anak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status