Share

Chapter 3: BLIND DATE

Tuwing magkakaharap-harap sila sa hapag-kainan, nagiging focus na siya ng atensyon. Maging ang kanyang ama-amahan ay nagpapakita ng concern.

“Anong plano mo, Gretchen? Kailan mo balak ipakilala ang boyfriend mo dito? Baka naman sa labas ka na nagpapaligaw at sa mga eskinita ka na lang dalhin ng mga iyan,” panghuhusgang sabi ni Angelo.

Lalo siyang pinagtawanan ng mga kapatid.

“Mas masahol ka pa sa prostitute niyan, Sister. Kahit saan ka na lang abutan ng kalibugan doon ka na lang titihaya,” malakas ang loob na dagdag pa ni Angelica.

“Hindi naman po kasi ako masyadong nagmamadali, Tito Angelo. Marami pa po akong gustong gawin sa buhay. Gusto ko pa pong makasama si Mama. Matagal din po kasi kaming nagkalayo.”

“Yeah, marami ka pang gagawin dito sa mansion. That’s what you deserved. Gagamitin mo pa si Mama. Nagsisisi ka na ba kumbakit hindi ka nag-aral sa America? Sinayang mo lang ang magandang pagkakataon sa America. Kung ako ‘yan, mag-aasawa ako ng Kano,” tugon naman ni Angela.

“Don’t worry, Mr. Cheng is willing to meet you. Gretchen, he is the wealthiest man I know.”

“Papa, why do you waste your time looking for a blind date for him? Hayaan nga po ninyo siya. Bakit sa kanya, wealthiest man?”

“Matanda naman at madaling mamatay. Huwag kang inggitera, Sis. Gusto mo bang mabiyuda kung sakali sa araw ng honeymoon mo?” Sunud-sunod na iling ang ginawa ni Angela. Tahimik lang si Angel.

“Mama, please pass the kimchi rice. Thank you.”

Hindi nakatakas si Gretchen sa kanyang blind date. Alam niyang iba-blind date lang siya sa matandang bastusin, mayayaman at milyonaryo na puwede naman siyang pagtiyagaan lalo na daw kung birhen pa naman siya.

Hindi nagustuhan ni Gretchen ang mga sinabi ng kanyang step-father. Iyon din ang ikinagagalit ni Gretel sa kanyang kinakasama.

“Anong balak mo sa anak ko, Angelo?”

“Concern lang naman ako, Honey. She is of legal age pero tingnan mo, para siyang eighteen years old na hanggang ngayon ay nakasiksik dito sa atin. Dapat sa kanya ay nag-aasawa na.”

“Ako ang kanyang ina. Kaya na rin niyang magdesisyon para sa kanyang sarili. Hindi mo kilala ang aking anak kaya huwag mo siyang pakialaman.”

“Habang nandito siya sa sarili kong pamamahay, may pakialam ako sa kanya! Naiintindihan mo ba, Gretel?” Sinabunutan ni Angelo ang asawa at itinulak ito sa kama. Walang nagawa si Gretel.

Mabilis na lumipas ang Sabado at masinsinan siyang kinausap ng ina sa loob ng kanyang kuwarto.

“Hindi ako papayag na ibugaw niya ako kung kanino, Mama. I swear. I am going to make him regret everything,” pagbabanta niya sa ina.

Nakaabang sa labas ng kuwarto ang kanyang mga kapatid na babae. Nakangisi si Angelica at Angela.

“Wow, angganda mo naman, Ate Gretchen!”

“Wow! Angganda mo naman, Ate Gretchen!” Ginaya ni Angela ang sinabi ng bunsong kapatid. Inambaan niya kaagad ito ng sampal.

“Nakakahalata kasi ako sa babaeng ito eh! Ano? Ipagpapalit mo kami sa babaeng iyan. Ano? Gusto mo, siya na lang ang ate mo, ha!” Hawak na ni Angelica ang buhok ng kapatid.

“Ano ba? Magsitigil nga kayo!” saway ng ama.

“Papa, saan po kayo pupunta?”

“Ako ang maghahatid sa kanya. Sisiguraduhin kong hindi na niya matatakasan si Mr. Cheng. Sayang naman kung makukulong na lang siya dito sa bahay.

Kinilabutan si Gretchen sa malagkit na tingin na iyon ng kanyang ama-amahan.

“Good luck, Iha!”

“Thanks, Mama. Don’t worry. I can take care of myself.” Sabi ng dalaga.

Tahimik si Gretchen sa backseat. For sure, he will be dating a dirty old man tulad ng palaging description ng kanyang Tito Angelo.

“Be good to Mr. Cheng, Iha. He is a good businessman. Malaki ang impluwensiya niya sa business community. With his age, hindi ka maniniwalang binata pa rin siya hanggang ngayon. He says that probably, you are his perfect match.”

Napabuntunghininga ng malalim si Gretchen.

Sa Tres Solares Hotel huminto ang kotse. Ipinagbukas si Gretchen ng pinto ng kotse. Pinaghandaan talaga ng kanyang tito ang araw na iyon.

Nagtungo sila sa reception area. “How may we help you, Ma’am, Sir?”

Ngumiti ang dalawang receptionist sa counter at masayang tumingin sa dalawa. Pinasamahan sila sa isa pang staff habang tinungo ang restaurant ng hotel.

Wala siyang masabi si Gretchen sa magandang reservation nito pagdating nila sa venue. It was the most impressive date she has ever attended so far. Wala pa si Mr. Cheng ng dumating sila.

“Nakikita mo ba kung gaano ka-galante si Mr. Cheng? Ikaw ang pinakamasuwerteng babae, Gretchen. Be good to him this night.” Ngunit hindi nagustuhan ni Gretchen maging ang haplos sa kanya ng lalaki.

Hindi niya gusto ang malalagkit na tingin nito sa kanya at panay na pagbasa nito ng kanyang labi kasabay ang pagkagat dito na parang nanggigigil sa kanya.

“I think, I’ll have to go to the CR. Excuse me!”

Ngunit hindi na bumalik si Gretchen. She turned off her cellphone and went away. Ayaw niyang maging kasangkapan ng kanyang tito sa ganoong mga bagay. Daig pa niya ang isang female sexual excort. She knows all this tricks. Laganap ito sa social media at maging sa ibang bansa.

Nagpahatid na lang si Gretchen pauwi sa kanila at nagkulong sa kanyang kuwarto. Ngunit iyon ang kanyang pagkakamali.

Halos madaling araw ng dumating ang kanyang ama-amahan at pinasok siya nito sa kanyang kuwarto.

“Ayaw mo kay Mr. Cheng? Sa akin ka na lang,” wala sa sariling bulong nito kay Gretchen. Kinagat nito ang punung-tenga ng babae.

“Layuan po ninyo ako! Ano ba?” Pumalag si Gretchen sa gusto nitong mangyari.

“Kaya kitang paligayahin, Gretchen. Ililihim natin sa mama mo ang relasyon natin.” At lalong lumapit si Angelo sa dalaga ngunit nagsisigaw ito.

“Mama! Mama! Mama!” Hysterical si Gretchen.

Sa sobrang kaba ni Angelo ay napatakbo ito sa labas ng kuwarto. Madilim sa labas at walang ni isang kuwarto ang nagbukas ng ilaw.

Takot na takot si Gretchen sa nangyari. Hindi niya akalain darating sila sa puntong iyon. Parang pinasok ng demonyo ang utak ng kanyang ama-amahan upang gawan siya ng masama.

Umiyak na lang siya paglabas nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status