Share

CHAPTER 33: CRAZY THINGS IN LIFE

Isa pang hindi inaasahang bisita ang pumasok sa loob kasama ang ilang mga alalay nito. Nahintakutan ang lahat dahil pakiramdam nila ay may giyerang magaganap.

“SINO DITO SA MR. ANTHONY ENRIQUEZ?” tanong ng matanda. May tungkod na ito ngunit buo ang boses at hindi halata ang katandaan sa kanyang boses. Maginoo ngunit astig ang dating.

“Tatawagin ko lang po.” Mabilis itong pumasok at sinundan ang lalaki sa loob ng opisina ni Anton.

Tumayo kaagad si Anton at sinalubong ang matanda. Iniabot nito ang kanyang kamay ngunit hinawi ito gamit ang tungkod. Inilapit ang kanyang mukha nang malapitan.

“Hmmm, ikaw si Anton.” Sinipat-sipat niya ang lalaki. Inikutan niya ito at tiningnan mula ulo hanggang paa kahit paika-ika na itong maglakad habang nakatungkod.

“Kilala mo ba ako?”

“Yes, Sir. Kayo po ang may – ari ng buong building na ito.” Tumango-tango ang matandang don.

“Good! But there is one thing I want to warn you about.” Nakinig mabuti ang binata.

Si Mr. Esteban ang may-ari ng Skycraper Tower.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status