Share

Chapter 2: SINGLE AT THE MOMENT

Walang ganang bumangon si Gretchen ng umagang iyon dahil sa nangyari sa pagitan nilang magkakapatid. Sinusunod lang niya ang sinasabi ng in ana siputin ang mga blind dates niya.

“Anong nangyari sa date mo kay Philip? Sabi ni Angelo, pogi raw siya. Matangkad na lalaki at nakapagtapos sa Harvard. He majored in Economics.”

“Mama, I am not interested in any of them.”

“Kailan mo balak mag-asawa?”

“Kailan ninyo balak umalis sa impiyernong ito?” Nakatikim din siya ng sampal sa ina.

“Hindi mo kailangang tawaging impiyerno ang bahay na ito.”

“Then, tell me… bakit po kayo nandito? Bakit ninyo pinagtitiyagaan si Tito Angelo? Mahal mo ba siya? Sino ba siya sa buhay ninyo? Sabihin ninyo sa akin ngayon, para maintindihan ko!” Hindi na nakatiis si Gretchen. Pasigaw niyang tanong sa ina.

“This is not the right time, Iha!”

“Tinitiis ko po ang lahat kahit apihin nila ako at magmukha akong basahan basta’t makasama ko lang po kayo.”

Tinakasan ni Gretchen ang marangyang buhay sa kanyang lolo makasama lang ang kanyang ina sa mansion.

“Hindi po muna ako magtatrabaho. I want to stay here with you, Mama. I missed you so much!” Iyon ang sinabi niya ng una silang magkita matapos ang mahabang panahon ng pagkakalayo nila.

Gretchen spent her ten years to study abroad. And all she got is humiliation from strangers na akala niya ay ituturing siyang kapatid pagbalik niya ng Pilipinas.

“Uy, panget!” tawag ni Angelica sa kanya. Siya talaga ang may lakas ng loob na tumawag sa kanya ng pangit.

“Yes, panget!” Nabigla siya sa kanyang sinabi at umilag kaagad sa kausap dahil alam na niyang hahampasin siya nito. “Yes, my dear sister na maganda. Anong kailangan mo?” Pinalitan niya ang tono ng kanyang pananalita at nilambing ang kapatid. Kaya namang abutin ng kanyang kamay ang kanin ngunit parang senyorita na gusto pa niyang pagsilbihan siya.

“How’s your date, Angelica?” tanong ng ama. Abala naman si Gretel na binibigyan ang lalaki ng kakainin.

Ipinakita nito ang kanyang daliri. Nanlaki ang mga mata ng ama.

“I am engaged, Papa. And he wants to marry me as soon as possible.” Napapalakpak pa ang lalaki sa magandang balitang narinig.

“What did you give him?”

“Ano po ba sa tingin ninyo ang dapat kung ibigay kung pakakasalan naman niya ako?” Napangisi ang ama. Alam na niya kung ano ang ibig nitong sabihin.

“Sana hinintay mo munang ikasal kayo bago mo ibinigay.” Komento naman ni Gretel.

“I am not like this woman here who preserves her virginity to the one she loves and marries in the future. What is that nonsense? You can’t even enjoy life kung nakasalalay lang sa lalaking iyon ang iyong kaligayahan. At kailan mo pa siya makikilala? Ni wala ngang magkagusto sa iyo eh!”

“Kung kailan, puti na ang uwak.” At hindi na napigilan ni Angela ang sarili sa katatawa.

“That’s my girl. Dapat aggressive para magustuhan ka.”

“I learned so much from you, Papa.” Sabi pa ni Angelica.

“How about you Angela, dear?”

Inilabas nito ang isang black ATM card. Inilapag sa lamesa at ipinakita sa ama.

“The brightest of all. Talagang pinapagana mo ang iyong utak, Angela.”

“Balak na po naming magpakasal next month.”

“Bakit parang nagmamadali naman kayo?” Natahimik ang lahat at nagkatinginan. Hindi naman nangiming sabihin ni Angela ang totoo.

“I am two-weeks pregnant, Papa.”

Naibagsak ni Angelo ang kubyertos sa kanyang plato. Mas matindi pa pala itong si Angela sa kanyang ate. First date daw nila ay may nangyari na sa kanila dahil sigurado siyang mahal niya ang lalaki.

“Kailan pupunta ang lalaking iyon at ang kanyang mga magulang dito sa bahay?”

“Pa, ipapasundo na lang daw po tayo nina Mama this Saturday so that we can make the necessary arrangement.”

“How about you, my Angel?” Hinaplos ni Angelo ang ulo ng kanyang anak. Kaga-graduate lang ni Angel sa kanyang culinary course.

“We are taking our time to know each other, Papa.”

“Mayaman ba? May mansion? Ilan ang kotse? Nakita mo na ba kung makapal ang laman ng bulsa?”

“P- papa… I think, it’s inappropriate to know all these on our first date. Iyon po ba ang tinanong ni Mama sa inyo noong una kayong mag-date?” Natigilan ang lahat. Pinigilan ni Angela ang kapatid.

Tiningnan siya ng ama. “NO…”

“Exactly, did you ever asked Mama if she owns a mansion and how many cars does she own or how much money she had in her bank account on your first date?”

“NO…” muling sagot ni Angelo.

“What I know is I can love this man and I think we can be together in the future so… mansion, cars, and money will just a secondary thing.”

Sumeryoso si Angel sa kanyang ama.

Pagkatapos kumain ay si Gretchen na ang bahala sa dirty kitchen. Sinundan siya ng ina at sinamahan niya ito habang naghuhugas ng plato.

“How about you?”

“How about me? I am okay, Mama. Don’t worry about me. Masaya na ako sa mga prinsipe at prinsesa sa Disney to have a happy ending story.”

“Kailan mo naman balak ipakilala sa akin ang lalaking bumihag sa iyong puso?”

“Mama, stop it! Kinikilabutan po ako sa inyo. Ano ba ‘yang sinasabi ninyo?”

“Anak, hindi ka forever sa tabi ko. I know, one day…iiwan mo ako at sasama ka sa lalaking mapapangasawa mo.”

“Date pa more hanggang sa masabi mong “He’s the ONE!” sabi ni Gretel.

Pagkatapos tingnan kung maayos na sa kusina ay nagtungo na ito sa kanyang kuwarto. Nagbukas siya ng telebisyon at isinalang ang bagong DVD about a princess and how she was able to find a man from a royal family.

Hindi niya inasahan ang pagpasok ni Angel. Naka-pause muna ang pinapanood ni Gretchen.

“Ate Gretchen, anong gagawin ko?”

“Bakit?”

“Hindi naman mayaman si Marco just like what Papa wants me to marry. Anong gagawin ko? Makikipaghiwalay ba ako sa kanya?”

“Anong sabi nito?” At dinama ang tibok ng kanyang puso.

“Mahal ko siya.” Niyakap ni Gretchen ang kapatid.

“Huwag kang mag-alala. You made a good fight for your love.”

Inihilig nito ang kanyang ulo sa balikat ng ate at nagtiwala sa sinabi nito.

“Kailan mo sasabihin sa mama mo ang tungkol sa relasyon natin? I can’t wait to meet her. Tell me and I’ll be there.”

Ilang beses na siyang pinapadalhan ng mensahe ni Oakley. Lalo lang sumasakit ang ulo niya sa lalaki kapag nangungulit siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status