Share

My Secret Fiance
My Secret Fiance
Author: sarangxiukai

Prologue

Keona's POV

“Keona Sola Dae! Is everything ready?!” masiglang tanong ni Dad sa akin pagkapasok nya sa aking kuwarto.

Malungkot akong tumingin sa kanya at tumango. Sinara ko na rin ang huling maleta na dadalhin ko sa Pilipinas.

Ngayon kasi ang flight ko papunta sa Pilipinas. After 12 years of staying Sa South Korea, ngayon na lamang ako ulit ako makakapunta ng Pilipinas.

We left the Philippines 12 years ago. My Dad decided na pumunta sa South Korea noong 2 years old pa lamang ako, that was the time na iniwan kami ni Mommy para sumama sa ibang lalaki. Of course hindi ko yung natatandaan, but I know, that left a big hole in my Father’s heart.

“Bakit kasi hindi ka na lang sumama sa amin?” nagmamaktol kong tanong kay Dad. Para akong bata tuloy.

"Alam mo naman na nandito ang mga business natin, hindi ako basta basta makakaalis," panimulang sambit ng aking Ama. “Philippines is good, and besides, you can also continue naman playing volleyball there. As promise diba.” dagdag pa nito.

Well, I love playing volleyball, kaya nung na-scout ako ng isang school from the Philippine to play volleyball for them ay pumayag ako na bumalik sa Philippines, akala ko kasi kasama si Dad sa pagbalik naming, yung pala maiiwan sya dito.

“I will visit you when I have time.” Pag-aalo nito sa akin. “Tatawag din ako madalas.” Dagdag nito.

Tumango na lamang ako dahil pakiramdam ko, pag nagsalita pa ako ay baka maiyak nalang ako. Ayoko naman na ang huling itsura ng mukha ko na matatandaan ni dad ay ang crying face ko.

“Papa, ok na po ang lahat.” Pareho kaming napalingo ni Daddy sa nagsalita, si Felipe.

“Ok, we will go down na.” sagot ni Dad at inalalayan ako para makatayo.

Sa mga oras na ito, kahit gusto kong magback-out ay hindi ko na pwedeng gawin. Sayang ang opportunity.

Sabay na kaming bumaba ni Dad para makapunta sa labas ng bahay kung saan nag-aantay ang sasakyan na maghahatid sa amin papuntang airport.

“Are you sure, ayaw mong ihatid kita sa airport?” tanong ni Dad.

Umiling na lamang ako bilang sagot. “No need Dad, beside gabi na, magpahinga ka na dito. Ok.”

Tumango na lamang si Daddy sa sinabi ko.

Pagkalabas naming ng bahay ni Daddy ay saktong pagdating ng isang itim na sasakyan, narinig ko na lamang ang pag buntong-hininga ni Daddy.

“So the news is true, you’re going back to the Philippines?” bunga sa amin ng isang lalaki na kaedaran ng Daddy ko, si Mr.Sy.

“Yes po.” Sagot ko na lamang. Dad and Mr.Sy are partners in business.

“Tiffany might be sad because you’re leaving.” Ani ni Mr.Sy.

Napahawak naman ako sa beads bracelet na suot ko ngayon nang marinig ko ang pangalan ni Tiffany, ito kasi yung first gift n'ya sa akin noong unang beses kaming nagkita. We were both 6 years old at that time.

Tiffany was my bestfriend here, we are always together.

But for the last few months, she becomes distant, yung tipong parang naging cold sya bigla. Sometimes I tried to called her, pero laging na-de-declined yung mga calls ko. So naisip ko na bigyan muna sya ng space. Sa tingin ko naman enough na ang space ng South Korea at Pilipinas para sa kanya.

“Anyways, hindi narin kami nagtatagal, but Tiemsen wants to see you.” And on that nakita ko ang paglabas ng isang lalaki mula sa likuran ni Mr.Sy.

Agad akong nakaramdam ng kilabot ng makita kong papalapit ito sa amin ni Dad. Parang nababalutan ng itim na aura si Tiemsen eveytime na nakikita ko sya ngayon.

Tumigil si Tiemsen sa paglalakad at laging gulat ko ng bigla nito akong yakapin, gustuhin ko mang pumalag ay hindi ko magawa dahil nandyan si Mr.Sy, pangiti-ngiti pa ito, napansin ko rin na para kahit ang Daddy ko ay nagulat sa ginawa ni Tiemsen.

“You are mine Nana. Always remember that. You are mine.” Agad akong nakaramdam ng kilabot mula sa bulong na isinanbit ni Tiemsen sa akin.

Tiemsen is Tiffany’s brother, nakakasama naming sya ni Tiffany minsan kapag lumamabas kami and we even have endearment for each other, he calls me Nana and I call him Sensen.

But everything change nung biglang naging vocal si Tiemsen about his feeling to me. He becomes possessive and act like a crazy jealous old man kapag may mga boys na lumalapit sa akin. That is the reason, kung bakit nagbago ang tingin ko sa kanya, if before I look at him as a brother, now I see him as a monster.

I tried to push Tiemsen with my one hand. “We have to go, baka malate pa kami sa flight.” Saad ko dito nang makawala ako sa pagkakayakap nya.

Lumingon ako kay Daddy na para bang naghihingi ng tulong. “Ah, yes. Baka malate sila sa flight.” Saad nito at inaya na ako palapit sa sasakyan na maghahatid sa amin sa airport.

“You take good care anak ha.” Bilin ni Daddy, tumango na lamang ako dahil hindi ko kayang magsalita. “Felipe, alagaan nyo ni Keona ang isa't isa ha..” Dagdag ni Daddy na ngayon ay kay Felipe nakatingin.

Felipe is my Dad’s adopted gay. Yes Gay. Siya ang kasama kong titira sa Philipines.

“I love you Dad.” Ani ko at binigyan ng mahigpit na yakap si Dad.

“Sige na anak, baka malate pa kayo. Basta tandaan mo yung mga bilin ko ha” Sabi nito sabay kalas sa pagkakayakap sa akin. Pinilit kong ngumiti at ginawaran ng halik sa pisngi ang aking ama bago tuluyang pumasok sa kotse.

Ilang sandali pa ay nagsimula na kami umandar patungo sa airport.

Sa mga oras na ito, ay hindi ko na napigilan ang mga luhang nais lumabas sa aking mga mata. Umiiyak na lamang ako.

“Bakla ang panget mo, wag ka nang umiyak.” Napaatras ang luha ko dahil sa sinabi ni Felipe.

“Hayop ka.” Sabi ko sabay bato ng panyong hawak ko.

“Dadalaw naman si Daddy mo doon, and besides makakapaglaro ka pa doon ng volleyball, diba.” Saad nito, dahilan para medyo gumaan ang pakiramdam ko.

*****

Someone's POV

“Uncle Chen fulfills his promise.” Saad ng isang lalaki na nakatayo sa isang sulok ng NAIA kung saan kasalukuyan naglalakad palabas ng airport ang mga taong galing sa South Korea.

“That’s good” sagot naman na kausap nito sa cellphone. “Now it’s your chance to fulfill your promise you your Uncle Chen.” Dagdag pa nito.

“Yes Mom.” Sagot nito ay binaba pinutol ang tawag. “You will be mine Sola.” Dagdag nito at rumihistro ang pagngisi sa kanyang mukha.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lady Mermaid
support ka-team royal!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status