Share

Chapter 2: A Night in the Rooftop

Third Person’s POV

“Hanggang kalian ba tayo tatayo dito.” Reklamo ni Chammy while stamping his feet, “tutubuan na yata ng ugat tong paa ko.” Dagdag pa nito.

Matalim lamang s'yang tinignan ni Kiosh, dahilan para umayos ito ng tayo, “joke lang.” sambit ni Chammy at nakuha pang mag-peace sign sa kaibigan.

Kasalukuyang nakatayo sa isang sulok ng gymnasium si Kiosh kasama ang limang kaibigan, si Nash na bestfriend nito mula pagkabata, si Chammy,ang kambal na si Harry at Perry, at si Ivan. Kasalukuyan kasi nilang inaantay ang isa pa nilang kaibigan na si Eon, ang kuya ng grupo, kakatapos lang kasi ng practice nito ng basketball, miyembro kasi ito ng basketball team ng kanilang eskuwelahan.

Basically, Kiosh and his friends, call themselves as “symphony soldier”, technically, it’s their group name, they are not consider as fraternity because they are not recruiting member para magpadami, exclusive lang ito para sa kanilang pito. Nasa middle school palang kasi ay magkakakilala na sila, of course maliban na lamang kay Kiosh at Nash na mula pagkabata ay magkaibigan.

So mula noong, hanggang ngayon, they valued their friendship.

“Pati ba practice ng volleyball team panonodin natin?” bulong ni Chammy kay Nash nakatabi nitong nakatayo. Kasalukuyan na kasing nag-eensayo ang women’s volleyball team ng kanila eskwelahan.

Nagkibit balikat lang si Nash sa tanong ng kaibigan. Napabuntong-hiningan nalang tuloy si Chammy.

“Hey. Kanina pa kayo?” masayang tanong ni Eon sa mga kaibigan nang dumating ito kung saan sila nakatayo.

“Oo Eon, tinubuan na nga ng ugat ang paa ko.” Sarcastic na sagot ni Chammy kay Eon.

Sa kanilang magkakaibigan, si Chammy ang mood setter sa kanila, may angkin kulit at pagkapilyo din kasi ito. Unlike ng ibang kaibigan na lagi lamang tahimik at tila walang pakialam sa mundo.

“Sorry. Nasermunan pa kasi kami ni Coach.” Sagot nalang ni Eon sa kaibigan. “Anyways, san nyo gusting kumain, sagot ko.” Pagyayaya nalang nito.

“Naks naman, manlilibre si gurang!” panunukso ni Nash, ang 2nd in line sa pagiging mood setter ng barkada.

“Gago. Manlilibre na nga naginsulto pa! wag kang sasama sa amin ha.” Saad ni Eon na tila ba na-hurt sa pagtawag sa kanya na gurang.

“Ito naman. Alam mo naman joke lang yun.” Naglalambing na saad ni Nash, lumapit pa it okay Nash at kinuha ang bag na sukbit nito. “Akin nga itong bag mo, baka nabibigatan ka.”

“oh iyan alipin, dalhin mo ang bag ko.” Nag-aasar na sagot naman ni Eon. “Halika na, gutom na gutom na ako.” Dagdag nito at nag-umpisa nang maglakad palabas ng gym, maging ang mga kaibigan nito ay isa-isa na rin sumunod  sa kanya.

“Kiosh, let’s go.” Pagyaya ni Perry kay Kiosh na hanggang ngayon ay nakatayo parin sa pwesto at nakatingin parin sa mga naglalaro sa loob ng court. Ang mga kamay nito ay nananatili sa loob ng kanyang bulsa.

“Are you not going to talk to her?” pagtatanong ni Perry sa kaibigan, nang mapansin na hindi parin ito kumikilos “I mean, it’s been four years since dumating sya sa bansa.” Saad nito, “Hindi ka pa rin ba magpapakilala?” dagdag na tanong nito kay Kiosh.

Napayuko nalang si Kiosh sa mga sandaling ito, well, kung iba man ang magtatanong sa kanya nun, eh hindi din nya alam ang sasabihin.

“Come on, let’s just eat it out.” Saad ni Perry at hinawakan na ang balikat ng kaibigan para ayain palabas.

*****

“I knew it, sabi na dito kita makikita.” Natingin si Kiosh sa pinagmulan ng boses. Alam na n'ya kung sino to, dahil ito lang naman ang may alam ng pinagtataguan nito.

Kasalukuyan kasi nasa rooftop si Kiosh ng condomiun building owned by his Father. Ito kasi ang pinupuntahan n'ya madalas para magrelax.

“Oh, para sayo.” Saad ni Nash sabay inabot kay Kiosh ang dala-dala nitong Iced coffee. Napangisi na lamang si Kiosh dahil sa ginawa ni Nash.

“You know me too well.” Sagot ni Kiosh sabay kuha ng Iced coffee kay Nash.

“S***a, so gay ha!” pabirong sagot ni Nash at umupo na sa tabi ni Kiosh.

Even though Kiosh and his friends ay mukhang mga basagulero, they don’t drink any alcoholic drink, they are use in drinking coffee, it is the influence of Kiosh’s mother, his mother owns a bunch of coffee shop sa city, so.. their go to drink ay iced coffee.

At sa muling pagkakataon ay namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa, well, for Nash, sanay na s'ya na tahimik lang si Kiosh at hindi nagsasalita. Si Kiosh kasi ang tipo ng taong hindi mahilig magsalita unless mahalaga ang sasabihin nya.

“So, it’s true that your dad cut ties with the Sy?" pambabasag ni Nash sa katahimikan.

Humigop na muna si Kiosh sa kanyang iced coffee, bago sumagot, “Yes. Dad doesn’t want to get involve with reprobate people.”

Tumango-tango si Nash, bago muli magsalita, “does it mean, tinapos mo na rin ang kung anong mayroon sa inyo ni Tiff?” tanong nito.

Naging seryoso pa lalo ang mukha ni Kiosh, “walang kahit anong namamagitan sa amin ni Tiff.” Sagot nito sa kaibigan, “she is just delusional.” Dagdag nito.

“Tiemsen might not like it.” Saad ni Nash, napalingon ito sa kaibigan, “you know how protective is he when it comes to his sister.” Dagdag nito.

“It’s not my fault, Tiff knows the truth from the very beginning.” Tila walang ganang sagot ni Kiosh.

Napabuntong hiningan na lamang si Nash, “Now that your Dad cut ties with the Sy, and you…” may diin na tono sa pagsasabi ng “you” dahilan para mapatingin si Kiosh sa kanya, “you dumping Tiff, we must be careful in protecting her.” Saad ni Nash, dahilan para tumango si Kiosh. "For sure, hindi magugustuhan ng Sy cousins ang ginawa mo."

“O pano, iwan na kita dito.” Paalam ni Nash sa kaibigan, “pupuntahan ko pa si Daddy sa hospital.” Dagdag nito at kahit hindi pa nakakasagot si Kiosh ay naglakad na ito paalis.

Kiosh grab his phone inside his pocket and dialed someone’s number.

“Kiosh?” tanong na nasa kabilang linya.

“How can I protect her if she does not know me?” walang bating tanong ni Kiosh sa kausap. “Dad cut off Sy and me dumping Tiff. What should I do Tito?” dagdag nitong tanong.

Narinig nito ang pagbungtong hiningan ng kausap bago muling magsalita, “ok fine. Magpakilala ka na.” sagot nito. “but….” Sadya nitong pinutol ang sasabihin, “know your boundaries, protect her well. Lagot sa akin yang daddy mo!.” dagdag pa nito.

“Thank you Tito.” Saad nito bago binaba ang tawag.

Napangiti ng wala sa oras si Kiosh nang Makita ang isang batang babae bilang wallphone ng kanyang cellphone, “Now I will make sure that you will fall in love with me.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status