Share

Chapter 1 - Peppermint

A/N: for better listening, please play "Angel with a shotgun" by The Cab

(KEONA’S P.O.V.)

5 years ago

“..they say before you start a war

You better know what your fighting for

Well baby you are all that I adore.

If love is what you need.

I soldier I will be..”

I suddenly stop from singing nang bumukas na ang pinto ng elevator.

Pumasok na ako agad at pinindot ang 10th floor kung nasaan ang condo unit na tinutuluyan ko dito sa Pilipinas.

Buti nalang wala akong kasabay ngayon at dahil sa matinding pagod ay napasandal nalamang  ako sa isang gilid habang patuloy na pinakikinggan ang isa sa mga paborito kong kanta, “Angel with a shot gun” by The Cab.

Basta-basta ko na ring binagsak ang Yellow bagpack ko sa sahig dahil ang sakit-sakit ng mga braso at likod ko dahil sa pamatay na training naming today.

Well, kung maitatanong nyo lang din, I am part of one of the most winningest volleyball team in college level dito sa Pilipinas. Kaya habang nasa summer vacation ang ibang kapwa ko estudyante ay ito kami, subsob sa trainings.

Buti nalang may music ako to help me escape this world, nakakatanggal ng pagod.

By the way, if you will ask, my name is Keona Sola K. Dae, 19 years old, they say that I’m pretty daw, pero ngingiti lang ako kapag may nagsasabi nun sa akin parang nakakahiya kasi. Kagaya ng sabi ko sa inyo kanina, I’m a volleyball player. I play as an outside spiker sa team namin. Some volleyball expert named me as “the most tenacious player” kung bakit, eh hindi ko rin alam, the volleyball community naman called me “as the darling of the crowd” maganda daw kasi ako kahit haggard na. It is my last year playing for my school, if you gonna ask if mag continue ako for professional volleyball, well hindi ko parin alam.

But all I can say is that I am grateful to my Dad because pinayagan nya akong gawin yung isang bagay na nagpapasaya sa akin, but I have to left South Korea kung nasaan ang Daddy ko and it’s been 5 years now since tumira ako dito. My Dad make sure na magiging ok kami dito, pinasama nya kasi sa akin si Felipe, which is his adopted son or gay.. bakla kasi to.

“Ting” napaayos na ako ng tayo at pinulot ang aking bag na nasa sahig, nandito na kasi ako sa floor naming.

Naglakad na ako palabas ng elevator para pumunta sa amin unit, tinatawag na kasi ako ng aking kama.

May mangilan-ngilang tao din akong nakakasalubong, they didn’t bother to talk to me, since, I am wearing earphone, karamihan sa mga kapitbahay naming dito is schoolmate namin, this is the closest condominium din sa school like 10 mins away lang.

Lakad lang ako ng lakad para makauwi at makapagpahinga na, pero napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng parang may nagsisigawan, at medyo pamilyar ang boses na aking naririnig. Tinangal ko ang earphone ko para marining pa sila.

Tsk. Ano ba yan? Ang alam ko mga prim and proper ang mga tao dito, since ang mahal ng unit dito, yun pala may mga war freak din!

“Sorry na po, hindi ko naman ginusto na matapunan ka.” Napadilat na lang ang mata ko ng makompirma ko ang may ari ang boses na yun! “bakla” bulong ko at tinignan kung saan nangmumula ang sigawan.

Tama nga ako, si Felipe ang nagsalita at hinihingi pa ng sorry.

Nakita ko itong nakatayo kaharap ang pitong lalaki.. mukhang takot na takot si bakla dahil magkadikit pa ang mga palad nito na para dinadasal ang mga lalaking kaharap. Kawawang bakla.

Usually naman kapag may kaharap iyan lalaki ay para syang bulate na sinabuyan ng asin dahil sa kaharutan. Pero ngayon para itong isang maamong tuta.

“Felipe!” sigaw ko nang bigla na lamang s'ya sapakin ng isang lalaki.

I was astounded when I saw Felipe na napaupo sa sahig habang hawak ang dumudugo nitong nguso.

“Hoy! Ikaw! Sino ka para sapakin si Felipe ha!?” pasigaw na salita ko habang papalapit na naglalakad para daluhan si Felipe.

“Bakla, ang sakit.” Maarteng sabi ni Felipe at yumakap pa sa akin. Akala mo naman. Huh.

Tinignan ko ang mga lalaking nakatayo at nakapalibot sa amin. Pamilya ang mga itsura nila, malamang ay mga schoolmates namin ang mga to dahil ang isa sa kanila ay nakasuot ng jersey ng basketball team ng school.

Wala ni isa sa mga lalaking ito ang nagsalita, tangi mga nakakalokong ngiti lamang ang nakikita ko sa kanilang mga mukha. Tsk sarap nyo sapakin.

Tinignan ko ang lalaking sumuntok ka Felipe, infairness, gwapo sya, matangkad, maputi, at singkit ang mga mata, at kung pagsusumahin, tila sanay na sanay itong makipag-away.

I look at him straight in his eyes and he is giving me an icy stare. But who cares, hindi ako natatakot sa mga tingin nya. Dukutin ko pa mata n'ya eh.

“Hoy ikaw? Why did you hit him?” matapang kong tanong.

“Fierce.” Narinig kong sabi ng isa sa mga kasama nito. Tinignan ko sya at binigyan ng matalim na mga tingin.

Muli kong binalik ang tingin sa lalaking sumuntok kay Felipe, nakita ko pa ito na sinuksok ang kanyang mga kamay sa bulsa ng pantalon na suot nito.

“Get out of our way.” Malamig niyang sabi at binangga pa ako, dahilan para medyo ma-out of balance ako.

Aba ang walanghiya, di na nga sinagot yung tanong ko, tinulak pa ako. Loko yun ha.

Dire-diretso siyang lumakad kasunod ang mga alipores niya.

Ang yabang niyang maglakad, akala mo hari at dahil naiinis ako, gusto kong makitang dumugo din ang nguso nito, well I am Keona, wala akong kinatatakutan at walang ibang pwedeng manakit kay Felipe kung hindi ako lang! Only Me!

“Patay ka sa akin ngayon.” Bulong ko at buong lakas na binato ang yellow bagpack ko sana matamaan sya.

Because I am athletic at tila kakampi ko ang langit ngayon, ayun natamaan siya sa ulo. Akala mo ha.

“Bakla bakit mo ginawa yun?” natatarantang tanong ni Felipe sa akin.

“Revenge Bakla. Ako lang ang pwedeng manakit sayo remember.” Sagot ko dito.

Nakita ko na lumingon yung lalaking sumuntok kay Felipe at bumangga sa akin. He is giving me a….wait… what do you call that look? A fierce look. Yung tingin na pwedeng makapatay.

A gulp a little, when I saw him walking kung saan kami nakatayo ni Felipe. Medyo nakaramdam din ako ng kaba dahil hinihila ako ni Felipe, as he is saying words na hindi ka rin naman maintindihan all I know is I heard Felipe saying “patay tayo”.

“Who do you think you are to do that?” mahina ngunit may diin na saad nito, scary. Para tuloy nanuyo ang aking mga balahibo.

Natatakot man ako ay hindi ko nalang pinahalata, nandito na tayo kaya panindigan natin, “Bakit, ikaw sino ka rin ba para manakit ng ibang tao?” tanong ko rin dito. 

I know, mukha talaga akong matapang habang kaharap itong h*******k na to, pero deep inside of me, nangingining na ako sa takot.

Pero hindi ko rin naman kasi pwedeng palagpasin ang ginawa niya kay Felipe.

Matagal nito akong tinitigan bago ito muling magsalita, “You don’t know me?” tanong nito. For a short period of time, parang I saw a pain in his eyes.

Crap, this asshole, would feel pain? Hina mo rin Keona bumasa ng emotion na iba.

Agad akong napangiti ng mapakla at tinignan sya, “Bakit? Dapat ko bang kilalanin ang isang katulad mo, na puno ng yabang at sama ng ugali ang pagkatao? Patawa ka ha.” Sabi ko.

Nakita ko na mas lalo pang dumilim ang itsura nito, nakakatakot siyang tingnan lalo, at dahil hindi ko na kaya ang intensity ng staring game namin, eh, ako na rin ang unang umiwas. Napansin ko tuloy ang suot nito white tshirt na may coffee stain. Basa pa ito at mukhang kanina lang natapunan.

Naramdaman kong hinawakan ako ni Felipe sa braso, “Baks, kasalanan ko naman eh, wag mo nang patulan. Mag-sorry na lang tayo.” Sabi nito sa akin.

“Bakit? Nag-sorry ka din naman kanina ah, pero anong ginawa nya?” sabi ko kay Felipe, at tinignan ulit ang lalaking kaharap ko. “diba, pinadugo parin nya nguso mo!” dagdag ko pa.

“Keona tama na.” nangingiyak na saad ni Felipe.

“Oo. May tama ang mukha mo!” singhal ko dito.

“Hoy ikaw!” balik tingin ko sa sumuntok kay Felipe. “Hindi porket nakagawa ng kasalanan ang isang tao sayo, basta basta na lang ikaw mananakit. Wala ka bang manners? Di ka ba tinuruan na Nanay mo ng kagandahang asal” singhal ko dito. Ito namang si Felipe eh, panay awat sa akin, basta lalaki talaga ang kaaway ko, yun ang kinakampihan.

“Magsorry ka kay Felipe.” Utos ko sa lalaking kaharap ko.

I saw him smirk, “magsorry ka!” pasigaw na utos ko.

“Bakit ako magso-sorry? Diba you said, mayabang ako at masama ang ugali ko, so bakit ako magso-sorry sa kanya.” Saad nito, muli ay tinignan niya ako ng nakakatakot, “and Im not that stupid, para ibaba ang sarili ko sa inyo.” Nanunuyang saad nito.

I was taken aback sa sinabi nya, mayabang at masama ang ugali. So bakit nga naman sya magso-sorry. Hay Lord, please bless his poor soul, kung mayroon man syang soul.

“And for all you know, hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagbato mo sa akin ng bag kanina.” Magsasalita pa sana ako para depensahan ang sarili ko, ngunit hindi ko na nagawa dahil bigla nito akong hinila at hinalikan ang aking labi.

HINALIKAN N'YA ANG AKING VIRGIN LIPS. Sigaw ng utak ko. Shoot.. hayop.

“Peppermint. I like it.” He said and starts to walk away.

Di ako makagalaw, gusto kong isigaw lahat ng murang nasa utak ko ngayon, pero hindi ko magawa, nakatingin lang ako sa likudan nya. Takte first kiss ko yun.

Hindi lang pala sya mayabang at masama ang ugali, pervert din pala.

“Like it. Huh.” Sabi ng isa sa mga kasama nito.

Sinamaan ko ito ng tingin, “mga hudas kayo. Hayop.” Sigaw ko dito, but instead of saying a word, he smile playfully, he even throw yung bag ko.

Wow, wala man lang gentelness ha.

Nagsimula na rin itong lumakad para sundan ang kanyang mga kaibigan. My God! Pwede bang pakikuha na sila.

Ang walanghiya yun, hinalikan ako.

“Baks, halika na.” narinig ko yaya ni Felipe.

“Kasalanan mo ito eh. Hmmp” sigaw ko dito at padabog na naglakad papunta sa unit namin.

Bwisit na yan

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status