Share

10- Homewrecker

Tahimik si Madison habang sakay sa sasakyan ni Ethan papuntang La'Vier, ang isa sa mga mall na pag-aari ng mga Aviera. Kanina pa rin siya hikab nang hikab dahil napuyat siya kahihintay sa pag-uwi ng lalaking kasama niya ngayon. Alas onse na nang gabi ng maramdaman niyang bumukas ang pintuan ng guest room na tinutulugan nito. Hindi niya alam kung bakit naisipan niya pa itong hintayin na makauwi. Mas hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa tuwing wala ito sa mansyon at nagpapaalam na may aasikasuhin ay sobra siyang nag-aalala para sa binata.

Napapitlag si Madison at naabala sa pag-iisip nang bigla itong magsalita at magtanong. Kanina pa pala siya nililingon ni Ethan dahil sa panay na paghikab niya.

"Did you get enough sleep last night? You appear to be dozing off."

Marahas na nilingon ni Madison si Ethan na nakatingin sa kaniya, nakatigil kasi sila sanhi ng trapik. Inirapan lamang siya ni Madison at ibinalik sa bintana ang tingin. Narinig niyang huminga ng malalim si Ethan at n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status