Share

Mr. Romantic(The more you hate the more you love series)
Mr. Romantic(The more you hate the more you love series)
Author: ladyaugust

Prologue

"What!? pinagkasundo niyo ako sa lalaking kahit kelan di ko pa nakilala!?"galit na tanong ni Keziah sa mga magulang.

"Iha, mabait naman si Cael, at soon makikilala mo rin siya pag nakabalik na sya dito sa pilipinas." saad ng mama niya na mahinahon pa rin ang boses.

"Ma, di nyo man lang ako tinanong kung gusto ko ba ang arrange marriage na yan o papayag ba ako?" tanong ko kay mama. "Anak kailangan din natin sila sa negosyo kilala ang mga Lozano na isa sa mga pinakamagaling sa larangan ng negosyo,"turan ng papa niya.

"Papa,dahil lang sa negosyo kaya niyo itinaya ang kaligayahan ko, ang desisyon ko sa buhay,ang pangarap ko at ang gusto kong mangyari sa buhay ko!?" sigaw kong sabi sa kanila na di ko na napigilan ang galit at tampo sa kanila dahil sa negosyo kaya nila ako ipapakasal sa lalaking di ko gusto.

"Shut up Keziah,! wala ka nang magagawa nakahanda na ang lahat, sa gusto o sa ayaw mo magpapakasal ka kay Cael!" galit na turan ni papa at umakyat sa taas ng silid nila.

"Iha,please intindihin mo ang papa mo para din naman to sayo eh," sabi ni mama at sinundan si papa sa itaas.

Umakyat ako sa kwarto ko at doon ko ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko at pagtatampo sa aking mga magulang. Because of that d*mn business ay kaya nilang isakripisyo ang lahat ng pangarap ko.

Tinawagan ko si Lexie ang kaisa isa kong best friend na napagsasabihan ko ng problema ko. Magkasosyo kami sa sarili naming business na pinatayo.Hindi pa ganun kasikat yung kainan na yun pero proud kami na sarili namin sikap at di umasa sa pera ng magulang namin ang pinatayo namin dun kahit maliit basta pinaghirapan namin.

Magkikita kami ngayon sa bar na lagi naming pinupuntahan pag stress kami at kailangan ng konting hang out. Maglalabas lang ako ng sama ng loob at galit. Bakit ba kailangan pa ng arrange marriage na yan para sa negosyo nila?! di ko maintindihan reason nila kung para lang din pala sa akin ang ginagawa nila. Para sa akin kaya talaga o para sa sarili nila. Tssshhh, inis ko sa isip ko.

Andito na ako sa bar kung saan magkikita kami ni Lexie.Pagkapasok ko ay ang ingay ng tugtog ang sumalubong sa akin. Hinanap ko agad si Lexie pagkapasok ko at ayun nga ang bruha may kausap agad na guy.

"Lex," tawag pansin ko sa kanya at ikinalingon nya agad.

"Oh, andyan ka na pala Quinn," gulat niyang lingon sa akin at bineso ako. Nakasanayan ng Quinn itawag sa akin kesa sa Keziah mas type niya ang name kong Quinn.

"Hoiii, babae sino yan ha?" bulong ko sa kanya sabay inom nung alak na inorder sa akin ni Lexie. Grabe parang malalasing ata agad ako nito ah.Pero mas okay din na malasing ako para makalimot man lang.

"Hoi Quinn dahan dahan sa pag inom ginawa mo namang juice yan tequilla." saway niya sa akin.

"Mas okay na rin na malasing ako Lex, para nakalimutan saglit qng pun***ang arrange marriage na yan." sabi ko na naiinis pag naaalala ko ang kasal na yan. "Hoy Lexie di mo pa ako sinasagot sino yan? jowa mo na yan?" tanong ko sa kanya na nakangiti.

"Tumigil ka Quinn,anong jowa?,jojowain pa lang," tapos nagtawanan kami sabay aper ganyan kaming dalawa ka kalog. At bigla ay tinalikuran muna niya saglit ang lalaki at hinarap ako.

"Quinn, sure ka na ba talaga diyan sa arrange marriage na yan?" tanong niya na nag aalala.At sinabayan ko ng ngiti ang tanong niya.

"May magagawa pa ba ako? wala na akong magagawa diyan sa problemang yan Lex pag si papa at mama na ang nagdesisyon, alam mo naman na kahit galit ako sa kanila dahil sa desisyon na ginawa nila ay di ko kayang sumuway sa kanila." saad ko na nangingilid nanaman ang luha ko.At sabay lagok ng inumin, mejo tinamaan na agad ako sa ilang shot pa lang mahina talaga ako sa alak.

"Kaya sa pqgkakataong ito na nasira nalang din naman buhay ko, hinding hindi ko ipagkakaloob sa lalaking yun ang pinakaiingatan ko noh, sabi ko dati sa lalaking mahal ko lang isusuko to.Pero malas ng lalaking yun di ko sa kanya ito isusuko." lakas loob kung pagkasabi, medyo tinamaan na rin ako ng alak kaya di na ako nahihiya sa lumalabas sa bibig ko.

"Hoyyy,Quinn maghunos-dili ka huwag kang padalos dalos sa desisyon mo.Baka pagsisihan mo yan balang araw." saway niya sa akin.

"Lexie, ano pang pagsisisihan ko eh sira na nga buhay ko?" sabi ko sa kanya.

"Nako Quinn huwag ka magsalita ng tapos mahirap na." paalala niya at bigla ay hinila na siya sa dancefloor nung lalaking kausap niya kanina at iniwan akong mag isa.Kaya inom lang ako ng inom hanggang sa ramdam ko na umikot ang paligid ko.

Pagkatayo ko sa upuan ay muntikan pa akong mabuwal mabuti nalan at may mga bisig na matitigas ang sumalo sa akin at bigla ay lumingon ako sa kanya.

At nagulat pa ako paglingon ko sa kanya bigla ay magkalapit na ang amin mukha.At amoy na anoy ko ang panlalaking pabango niya na lalo nagpalala sa init ng katawan ko. Ang bango niyq sobra ang mga mapupula at maninipis niyang labi parang ang sarap halikan.

"Lady,you can't go home alone." turan ng lalaking sumalo sa akin.

Kahit lasing na lasing ako at halos di ko na kayang maglakad ay pilit akong kumawala sa kanya. Kahit ang higpit ng pagkapulopot ng kamay niya sa akin beywang. Ang lakas ng tambol sa dibdib ko, kahit lasing ako ramdam ko panginginig ng katawan ko.

At akmang hahakbang na ako ng muntikan nanaman akong masubsob ng bigla ay lumutang ako sa ere, at nakita ko nalang na buhat buhat na ako ng lalaki na parang bagong kasal.

Di ko mapigilang kumagat sa aking labi dahil sa mga nararamdaman ko

"Stop biting your lips lady!" inis na turan niya kaya tinigilan ko ang pagkagat sa labi ko. At pinasok niya ako sa sasakyan niya. Maya-maya pa sa sobrang antok ko ay di ko namalayan na nakatulog ako.

Naimulat ko ang mata ko ng pakiramdam ko ay parang nakalutang nanaman ako sa ere, buhat buhat pala ako ng lalaki gaya ng pagbuhat sa akin kanina. Di ko na maidilat ng maayos ang mata ko sa sobrang kalasingan ko siguro ang huling natatandaan ko ay inilapag niya ako sa malabot na kama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status