Share

Chapter 3

CAEL'S POV

Pupuntahan ko pa si Keziah ngayon sa kanila. Nagpromise ako kay mom and dad na dadalaw ako sa mansion at isasama si Keziah. Nakangiti ako ng maalala ko ang inis ni Keziah sa akin ang cute niya pag nagbablush siya.

Oh that brat, napapangiti talaga ako pag nagtataray na siya sarap laging asarin. Malapit na rin naman akong matapos sa ginagawa ko at maaga akong aalis dito sa opisina ko dahil magsusundo ako sa brat na yun. Mabuti nalang ay napa O-oo ko nang gusto siya makita nila mommy.

Mapapalambot ko rin yang puso bato mo, at sisiguruhin kong mapaibig kita Keziah. Alam kong sa kabila ng mga pagsusungit mo sa akin ay may nakatago pa rin kabaitan diyan sa puso mo.

Mag aalas tres na ng hapon magliligpit lang ako at aalis na agad baka umusok nanaman bunbunan nun bilis pa naman maasar yun sa akin.

Nasa harap na ako ng gate sa bahay nila di ko nalang pinasok ang sasakyan ko.Kasi aalis din naman agad kami. Pinagbuksan ako ng guard nila at naglalakad papunta entrance medyo malawak din kasi tong sa labas nila.Nang maaninag ko si Keziah sa may veranda ng kwarto niya.Parang ang lalim ng iniisip,alam ko na ayaw niyang magpakasal sa akin kaya ganyan lagi niyang pinapakitang ugali sa akin.

"But I'm sorry baby, di ko hahayaang di matutuloy ang kasal natin." sabi ko sa sarili ko.

..........................

KEZIAH POV

Susunduin daw ako ng mukong ngayon. Kung di lang talaga sila tita Anastacia nag imbita sa akin nungkang sasama ako sa kumag na yun.

Andito ako sa veranda ngayon,nagpapahangin para naman mabawas bawasan ang bigat na nadarama ko. Nakakalungkot lang isipin na buwan nalang ang bibilangin at matatali na ako sa isang relasyong na kailanman ay mahirap tanggapin na ang taong pinakasalan ko ay di ko mahal.

Ano man ang kakahinatnan ng lahat ng to sana magkaroon din ako ng kalayaan na maging masaya. Parang ngayon pa lang ang sakit sakit sa puso ko na mawawala nalang lahat ng ganun kadali ang pangarap ko ang gusto kong mangyari sa buhay ko.

Ang hirap palang matali sa isang relasyon na kahit konti wala kang maramdamang pag ibig.Bakit ba nagkaganito ang buhay ko. Bakit ako ang kailangang magdusa di ko naman hinangad ang karangyaan. Hanga ko lang naman maging masaya maging malaya. Paano pa ako makakalaya kung ngayon pa lang nakakadena na ako sa isang lalaking di ko minahal.

Kung tutuusin di ko rin naman sana masisisi si Cael sa sitwasyon namin pero dapat may ginawa din siya kung di niya rin gusto to di ba? pero bakit, bakit hinayaan niya na mangyari to? kahit sabihin ko sa kanya na iatras ang kasal bakit pinagpipilitan pa rin niya, may alam din kaya siya dito? ako lang ba talaga ang biktima dito?

Maya-maya ay naisipan ko ng bumaba. At baka andun na yung kumag na yun ng sa pagdako ng aking tingin sa baba ay nakatingin sa akin si Cael. Bakit ganun parang nadadala ako sa mga titig.

Hindi, hindi ko dapat maramdaman to. Kaya naiinis nanaman akong umiwas ng tingin sa kanya at patuloy sa paglabas ng aking kwarto at pababa ng hagdan.

Nakita ko sila mama at papa na ngayo'y kausap na si Cael. Kaya di muna ako lumapit sa kanila ayaw ko rin naman maging bastos sa harap ng magulang ko. Baka sa harap pa ng magulang ko mapagsalitaan ng masama si Cael ayoko ko silang madissapoint sa akin.

Nang matapos sila sa pag uusap ay lumapit sa akin si Cael at hinawakan ako sa aking beywang di ko naman masaway kasi andyan sila mama kaya sinamaan ko siya ng tingin pero balewala lang sa kanya, di ko alam ang nararamdaman ko ng dumikit ang balat niya sa balat ko parang may mga bolta-bultahing kuryente ang gumapang sa dito. Kaya nagmadali akong naglakad papunta kila mama pero nakasunod pa rin siya sa akin.

"Ma alis na kami, " at humalik ako sa pisngi ni mama,at nagpaalam din ako kay papa,"pa alis na kami, " paalam ko.

"Sige mga anak maiingat kayo, Cael iho ikaw na bahala sa prinsesa namin, " saad ni mama.

"Opo tita makakaasa po kayo, alis na po kami tita,tito."paalam niya sa magulang ko.

Nauna na akong sumakay sa sasakyan niya at di na siya inantay pa, di pa rin nawawala ang nararamdaman kong kaba kanina.At pumasok na rin siya sa sasakyan niya.

Nagsimula na kaming magbyahi,pero di ko siya nililingon, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Alam ko sumusulyap siya paminsan minsan sa akin pero wala akong pakialam.

Wala ako sa mood na makipag away. Dahil baka lalong masira ang araw ko at di ko maharap ng maayos sila tita. Kaya pinili kong manahimik at huwag siyang pansinin. Naramdaman din siguro niya na ayaw ko ng kausap kaya di nalang din siya umiimik.

Mga ilang sandali pa ay nakarating na kami sa kanila at sinalubong kami nina tita at tito na may ngiti sa mga mukha,na ningitian ko din ng mula sa aking puso kahit papano ay mabait din naman sila sa akin.

Kung siguro kung nasa sitwasyon kami na hindi labag sa kalooban namin ang pagpapakasal na ito, ako na siguro ang pinakamasayang bride to be kasi unang una mga mababait mga beyanan ko at si Cael din naman. Pero kahit gaano pa siya kabait di naman natuturuan ang puso kung sino itinitibok at magugustuhan nito.

"Oh, iha kamusta ka na? halika pasok na kayo ni Cael dito nagpaluto ako ng mga specialty kong mga ulam." masayang turan ni tita Anastacia.

"Naku iha pasensya ka na sa tita mo nasasabik lang yan sa anak na babae paano ba naman kasi ang bunso namin eh wala pang balak umuwi at parang hindi na kami namimiss, " mahabang turan ni tito.

May kapatid si Cael na nasa ibang bansa nag aaral at matagal ng di nakauwi kaya namimiss na ng mag asawa, dalawa lang sila ni Cael na magkakapatid,buti sila dalawa ako nga mag isa lang ano kaya pakiramdam ng may kapatid?

Nang matapos kami sa aming hapunan ay nasa sala kami lahat nagkwekwentuhan. Hanggang sa naging topic ang kasal.

"Iha, pasensya ka na sa mga naging desisyon namin ng mga magulang mo.Alam naming mahirap para sa iyo ito."Sabi ng mama ni Cael na parang nag aalala na nakatingin sa akin.

" Okay lang tita di ko rin naman kayang suwayin sila mama kahit magalit ako sa kanila.Wala din akong magagawa anak nila ako at magulang ko sila." sabi ko kahit labag sa kalooban ko at para na akong maiiyak pero may nagpapakalma sa akin sa likod, na parang bawat hagod niya sa likod ko ay kumakalma ako. Kaya napaayos na ako ng upo. Kaya tumigil na rin siya sa paghagod.

"Alam ko iha magiging okay din kayo ni Cael balang araw, " saad ni tita sa malumanay na tono. Tssshh malabo sa malabo na mangyari yun,sa isip ko.

"Mabait naman ang Cael namin iha, kung bibigyan mo lang siya ng pagkakataong makilala ng lubusan, "saad ng daddy ni Cael. Na pilit kong tinanguan.

" Dad, mom tama na yan, kung pag usapan niyo ako parang wala ako dito sa harap niyo. "paglalambing na saad ni Cael sa magulang,at sumulyap sa akin ng nakangiti.

"Malapit na ang kasal nyo.Nakahanda na ba talaga ang lahat iho?" tanong ng daddy ni Cael sa kanya.

" Ah yes dad, kaunti nalang ang tatapusin dun sa mga pahabol na mga kakailanganin sa kasal ang before our wedding siguradong handa na lahat. "sagot ni Cael. At natutuwa naman ang mommy at daddy niya ang sarap sanang pagmasdan ang ganito. Kung sana pati ako ay masaya sa mga nangyayari.

" Mom, si Cathalia uuwi ba before our wedding? " tanong niya sa mommy niya about sa kapatid niya.

"Naku iho alam mo naman yung kapatid mo na yun, bigla bigla nalang sumusulpot, but you know iha gustong gusto ka na nun makita. "saad ni tita,na kinangiti ko lang.

"Masaya din po akong makilala siya tita, sabik din po ako sa kapatid eh nag iisa lang kasi ako kaya naiinggit ako sa mga may kapatid. " nakangiti kong turan.

Maya-maya ay hinatid na ako ni Cael. Maghahating gabi na rin ng maihatid ako ni Cael. At nang makarating sa bahay ay nagpababa nalang ako sa may labas ng gate para di na siya bumaba at gabi na rin kahit galit ako sa mokong na toh ay ayaw ko rin na mapano siya sa daan dahil sa akin.

At nang makaalis na si Cael ay pumasok na rin ako sa loob nang bahay gusto pa sana niya magpaalam kila mama pero sinabi ko na ako na magsasabi sa mga to.

Pagkapasok ko sa bahay tahimik na mukhang tulog na sila mama at papa. Kaya pumanhik na rin ako para makaligo at nang makatulog na sobrang napagod din ako ngayong araw.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status