THIRD PERSON'S POV"QUINN, is that you? " tanong ng binata kay Keziah.Nagulat naman ang dalaga ng makita ang kanyang bestfriend/crush na si nathaniel. "Ethan?!" gulat na mahinang tanong ni Keziah, at bigla ay nilapitan siya ng binata at niyakap ng mahigpit. At gulat ang naging reaksyon ni Keziah, pakiramdam ni Keziah ay halos itinulos siya sa kanyang kinatatayuan. At dahan dahan ay ginantihan din niya ng yakap si Ethan namiss din niya ng sobra ang binata.Hindi makapaniwala si Keziah sa laki ng ipinagbago ng binata, lalo itong gwapo, ang katawan nitong parang pang modelo, ang mukha nito na lalaking lalaki ang hugis at ang hulma ng panga nito na bumagay sa hugis ng kanyang mukha.Habang yakap yakap siya ni Ethan ay nakita ito ni cael, bigla ay napabitaw siya sa pagkakayakap sa kanyang kaibigan,at kita niya sa mukha ang gulat nito pero binalewala niya yun. Hanggang sa makalapit si Cael sa kanila at nakatingin lang si Keziah kay Cael habang papalapit sa kanila ni Etha
KEZIAH POV Nagising akong hindi makapaniwalang katabi ko si Cael, na may nangyari sa amin kagabi ng di ko inexpect, at lahat ng ginawa namin parang pamilyar sa akin yung mga halik niya,mga paghagod niya sa katawan ko,sa pagdampi ng labi niya sa balat ko.Biglang gumalaw ang si Cael kaya natigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano. Nahulog na ba nang tuluyan ang loob ko sa lalaking ito. Sa katunayan hindi naman talaga mahirap mahalin si Cael eh, lalo na't halos nasa kanya na lahat. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko at pilit na labanan ang sariling naramdaman para lang sa kanyang pride.Pero ngayon niya lang napagtanto na mali lahat ang ginawa niya. Alam ko namang walang kasalanan si Cael sa nangyari pero pinipilit ko lang talaga itatak sa isip ko na siya ang may kasalanan sa lahat kaya di ko magawa mga gusto kong gawin sa buhay ko. Tumayo na ako sa kama para makapagligo muna at nang makapaghanda nang almusal namin.Nang matapos kong makapagluto ay ginising
KEZIAH POV Hindi makapaniwala si Ethan na pumayag ako sa arranged marriage na ito. Mahirap naman talagang paniwalaan pero wala na akong magagawa at tanggap ko na rin na ikakasal na kami ni Cael. At tama si Cael bakit di ko siya bigyan nang pagkakataon na patunayan na di ko pagsisihan ang pagpakasal sa kanya di rin naman mahirap mahalin si Cael. "So, kelan na ang kasal niyo? " namumungay ang mata niyang nakatingin sa akin. "N-next day na," sabi ko na nakayuko ayaw kong tignan ang reaksiyon niya. Nang wala akong marinig na salita mula sa kanya ay dahan dahan kong inangat ang aking ulo para tignan siya. Nakita ko kung paano nagtiim bagang sa galit at napakuyom ang kamao. Nang bigla ay inisang lagok niya ang kanyang alak at pabagsak na inilapag ang maliit na baso nito. Kaya nagulat ako sa naging reaksiyon niya. Bakit ibang iba na si Ethan ngayon,yung Ethan na kilala ko dati ay halos di marunong magalit, pero ngayon naging over protective naman ata.
CAEL POV Nakita ko na kanina pa dumating sila Keziah at yung kaibigan niya, at naaaninag ko dito mula sa sasakyan nila na nakatulog si Keziah.Nakita ko mula dito sa pinanggalingan ko na titig na titig siya kay Keziah at inantay na lang niya magising ito, pero biglang naikuyom ko ang aking kamao ng haplusin niya ang mukha ni Keziah. Lalapit na sana ako sasakyan ng lalaki para sunduin nalang si Keziah at gisingin pero napatigil ako ng makita kong nagising na si Keziah, na parang nabigla pa ito. At nang pababa na sana si Keziah ay bigla itong lumingon sa kaibigan niya ng may sinabi ang. lalaki dito na ikinawala ng ngiti ni Keziah at parang napalitan ng lungkot. Nakita ko rin kung paano hawakan nung lalaki ang braso ni Keziah para pigilan sa pagbaba ito ng may sinabi siya at bigla lalapit sana ang mukha nito sa mukha ni Keziah at nung napansin ko yun ay parang gusto ko nang sugurin ng suntok ang lalaki. Pero umiwas si Keziah sa gagawin sana na paghalik ng
KEZIAH POV "Oh, Cael you here, " Lexie said, Mabuti nalang talaga at biglang umeksina si Lexie. Kaya nagpaalam muna ako kay Cael na pupunta ako saglit sa c. r tango lang tanging sagot niya sa akin. Pagkapasok ko sa c. r ay agad ako naghilamos. Sobrang kaba ang nararamdaman ko kanina. Bakit ba kasi naglalampahan ka ngayon Keziah. Pagkalabas ko ay dahan dahan lang ako naglakad para di ako ma-out balance ng gaya kanina. Naglalakad na ako pabalik sa aming table ng mapansin ko si Cael at Ethan ay kapwa nakatingin sa akin at bigla ay parang namula na nang sobra ang mukha ko sa sobrang pula nito. "Hon, are you okay? " tanong ni Cael. "O-okay lang naman hon, medyo nahilo lang ako kanina siguro dahil sa tama na ng alak." sabi ko. "Kaya mo pa ba?" okay lang hon medyo nawawala na rin naman.Tumango lang siyang nakatingin sa akin. Habang si Ethan ay paminsan minsang sumusulyap sa amin. Kaya lalo akong di mapakali sa inuupuan ko. Nagulat nalang ako na
THIRD PERSON POV Hindi niya muna ipapaalam kay Cael na buntis siya gusto niya surprisahin ang asawa. Alam niyang matutuwa ito kahit na hindi pa nila pinagplanuhan ito. Pati sa mga magulang niya ay di rin niya muna sinabi ayaw niya mag overeact ang magulang niya at uuwi dito sa pinas para lang alagaan siya ganun kasabik ang mga magulang niya na magkaapo. Nung gabing yun tumawag si Cael sa kanya na late na ito makakauwi kasi marami pa itong tatapusin malapit na kasi ang event nagagapin sa hotel nito. Kaya okay lang sa kanya dahil alam naman niya na busy talaga ang asawa niya at hindi naman ito nagkulang ng oras sa kanya dahil lage itong naglalaan ng oras para sa kanya ganun siya kamahal ng asawa niya. Kahit sobrang pagod ito galing sa trabaho di pa rin nito makakalimutan na isurprise siya kahit walang ganap.Kaya mas lalong nahulog ang loob niya para dito. At alam niya yun na hindi yun awa kundi mahal na niya talaga ang asawa niya. Nakikita niya kung paano ito nagp
KEZIAH POVHindi ko inaasahan na biglang susulpot si Cael at nakita niya any ginawang paghalik ni Ethan sa akin. Nang bigla ay nakalapit na siya sa amin ng di ko namalayan at bigla ay sinuntok niya si Ethan at natumba ang huli sa lupa."Cael tama na please...!" awat ko sa kanya.Tinignan niya ako sa nanlilisik na mata."KEZIAH bakit niyo nagawa sa akin to?!" galit na tanong niya."Please Cael nagkakamali ka sa nakikita mo,please making ka sa akin.!""Mas pinili mong saktan ako para sa lalaking yan,KEZIAH binigay ko sayo ang buong pagmamahal, pati pagkatao ko ibinaba ko para sayo pero bakit ganito nagawa mo akong lokohin!"Galit na sigaw niya sa akin.Nakikita ko sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya.Alam ko kung ano iniisip niya sa nakita niya kanina ."Pare nagkakamali ka sa iniisip mo." Segunda ni Ethan."Tang'na mo nirerespeto kita dahil kaibigan ka ng asawa ko pero anong ginawa niyo niloko niyo ako."“Pare makinig ka.” nang
ETHAN'S POV Hinahanda ko na ang mga gamit ko para sa pag-alis ko mamaya.Nang bigla ay tumunog ang phone ko ng tignan ko ang caller si Lexie."Hello,Lex""Ethan, si Quinn," iyak ng iyak si Lexie kaya nagtaka ako."Bakit anong nangyari kay Quinn?!"Naririnig ko ang tunog ng ambulansiya kaya kinabhan na ako."Lexie! tell me, what happened to Quinn?!""Na-naaksidente si Quinn Ethan, n-nabangga ang minamaneho niyang sasakyan." Hagulgol niya."What?!" gulat kong tanong."Kanina pa tinatawagan si Cael ring lang ng ring ang phone niya di sinasagot. ""Lexie, listen to me etext mo sa akin kung saang hospital kayo at pupuntahan ko kayo diyan!" Nagmamadali ko ng kinuha ang susi ng kotse at lakad takbo ang ginawa ko hanggang makaabot sa parking area kung nasaan ang sasakyan ko."God! bakit nangyari 'to thi is all my fault! I swear pag may nangyaring masama kay Quinn di ko ma