Share

Chapter 1

Keziah POV

Nagising ako nang makaramdam ako ng bigat sa bandang tiyan ko.Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at medyo masakit pa ang ulo ko kaya pumikit ako ulit at ng iminulat ko ulit ang mata ko ay nagulat akong may lalaking nakayap sa tiyan ko at parehas kaming walang mga saplot di ko makita ang mukha niya kasi medyo madilim pa at sa kabilang side siya nakaharap.

Dahan dahan kong inangat kamay niya na nasa tiyan ko para makaalis ako sa hinihigaan ko. At ng matanggal ko ang kamay niya na nakapulupot sa tiyan ko ay agad kong hinagilap ang mga damit ko at isinuot ito. Hindi niya dapat ako maabutang gising dito.

'Tssshhh... Keziah tinutuo mo talaga ang sinabi mo, pano na ngayon yan?' ngalit ko sa sarili ko.

Kagustuhan ko naman na ibigay ang sarili ko sa estranghero na yun kaya bakit ako magsisisi.At nang matapos akong magbihia ay dali dali kong tinungo ang pinto at nagmamadaling lumabas ng silid na yun.Nang tuluyan na akong makalabas ay parang nahimasmasan ako sa kaba. Inayos ko muna sarili ko baka kung ano pa sabihin ng mga taong makakita sa akin.

Tinignan ko ang phone ko sa bag kung may tawag ba si Lexie.Pagkaopen ko ng phone ko ay napasinghap ako ng forty five missed calls galing lahat kay Lexie. Kaya agad ay dinial ko number niya para tawagan alam kong nag aalala na to sa akin.

"Hello,,,hello Quinn,saan ka ba nagpunta kagabi babae ka ha? bakit di ka man lang nagtext o tumawag? alam mo bang halos mamatay ako sa kakaalala sayo?! " sunod sunod na tanong niya habang umiiyak.

"Lex, sorry naman grabe ka ha mamatay agad,ikaw mamamatay sa pag alala sa akin? asus matutuwa ka pa kasi wala ka ng karibal sa ganda, hahaha" pagbibiro ko sa kanya na sinabayan ng tawa.

"Tseee, huwag mo ko pinagbibiro at naiinis ako sayo, saan ka ba nagpunta kagabi? " tanong niya ulit.

"May nakita akong dating kaibigan eh di nako nakapagpaalam sayo kasi busy ka sa kakasayaw eh at nalasing na rin ako at nakatulog sa bahay niya kaya di na ako nakatawag,, sorry na" pagsisinungaling ko.

"Naku Quinn mapapatay kitang babae ka eh, alam mo bang wala akong maayos na tulog kakaisip kung saan ka nagpunta at di mo man lang sinasagot tawag ko sayo. " sabi niya na may pag tatampo. Bigla naman ay naguilty ako.

"Okay sorry na please di na mauulit,"sabi ko sa kanya at binaba na namin ang tawag.

Nagpara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Nang nasa kotse na ako ay nagring ang phone ko tinignan ko kung sino ang caller, si mama ang tumatawag.

"Hello ma, ano po yun?" tanong ko kay mama sa kabilang linya.

"Iha,asan ka na ba mamaya andito na si Cael. At ang pamilya niya, umuwi ka na ng makapag ayos ka," sabi ni mama na halatang excited. Sila lang naman masaya sa arrange marriage na yan eh.

"Okay ma, I'm on my way." tamad kong sagot at pinatay na ang tawag.

Naku dumating na pala yung Cael na yun,sana sa ibang bansa nalang siya tumira,sana di nalang siya umuwi dito nakakainis din eh.

Maya-maya ay nakarating na ako sa bahay namin. Papasok na ako sa loob ng sinalubong ako ni mama, "oh iha anong nangyari sayo? uminom ka ba kagabi? " tanong niya ng maamoy niya ang alak sa akin.

"Kami ni Lexie ma, at dun na rin ako natulog sa kanya kagabi, " tamad kong sabi kay mama at nilampasan na siya para tumuloy na sa taas sa kwarto ko.

"mag-ayos ka iha at mamayang hapon andito na sila Cael at mga magulang niya. Nakakahiya pag ganyan itsura mo. "Pahabol na turan ni mama na ikinatirik lang ng mga mata ko, lalo pa sila mahihiya pag nalaman ng Cael na yun na di na siya virgen, na ibinigay na niya sa iba imbes na sa kanya tssshh.

Nang makapasok sa kwarto ay agad akong nahiga sa kama ko at pumikit. Nang pilit inaalala ang mukha ng lalaking nakaniig ka gabi pero walang pumasok na imahe kasi di ko talaga masyadong maaninag mukha niya...hayyysss medyo masakit pa nga ang sa pagitan ng hita ko pero tiniis kong ang sakit para lang di maabutan ng paggising ng estranghero na yun.

Maya-maya pa ay tumayo ako at kumuha ng damit na pamalit at dumiretso sa banyo para maligo. Nagbabad muna ako sa bathtub para mahimas masan kaunti sa hang over. Sobrang sakit ng ulo ko grabe konti lang ininom ko pero grabe ang epekto sa akin.

At sino kaya yung estrangherong lalaki na yun na binigyan ko ng sarili ko? aahh, bakit ko ba iniisip yun? sana naman di niya matandaan mukha ko. Ayaw kong magkrus ang landas namin ng lalaking pinag alayan ko ng sarili ko.

Teka pano pagnabuntis ako? may proteksiyon kaya siyang ginamit?! lito kong tanong sa sarili. Pero baka naman hindi magbunga, sana hindi,isang gabi lang yun at imposibleng magbunga agad, pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Nagbihis lang ako ng simpleng dress na hanggang tuhod ang haba na floral. Kung tutuusin di ko naman talaga kailangang mag ayos para madiscourage yung Cael para maisipan niyang umatras sa kasal.

Nang pababa ako ng hagdan ay may narinig akong mga nagkwekwentuhan imposible namang yung Cael na yun eh sabi ni mama hapon pa sila pupunta.

Nang nangalahati na ako sa hagdan na binabaan ko ay may napansin akong isang lalaki ang gwapo niya, ang ganda ng mga mapupungay niyang mata.Ang panga bagay na bagay sa hugis ng kanyang mukha.Makalaglag panty kagwapuhan nito.Hindi siya kaputian di rin maitim sakto lang ang kulay ng balat niya para sa isang lalaki, at ang ganda pa ng kutis ha, infairness? sabi ko sa isip ko.. Sino kaya yun.

Nang makababa na ako ay halos malaglag panga ko nang malaman kung sino ang lalaki.

"Oh iha andito ka na pala,akala ko tulog ka pa at nakakahiya na nag antay sila sayo,sabi ko gisingin ka eh ito namang si Cael ang ayaw ka ipagising baka pagod ka raw, ayy naku napakasweet pa rin na bata." mahabang turan ni mama,so ito pala si Cael, naku bawiin ko na lahat ng sinabi ko kanina, sa isip ko.

"Oh,iha siya si Cael Xandros, Cael siya naman ang anak namin na mapapangasawa mo si Keziah Quinn,"sabi ni mama,at ngumiti lang ako nang hilaw, bebeso pa sana si Cael pero inabot ko nalang ang kamay ko kahit labag sa loob ko.

"Nice meeting you Keziah,you're beautiful in the picture but you are more beautiful in person." pambobola ng mokong na inismiran ko lang.

"By the way iha they are Cael's parents, this is your tita Anastacia and your tito Felix."hello po tita, hello po tito, bati ko sa kanila na may galang.

"Cael is right iha, ang ganda ganda mo sa personal at di kami nagkamali na ipagkasundo kayo ni Cael." sabi ng mama ni Cael na may ngiti sa labi. Halatang ang ganda ng mama ni Cael nung kabataan, kahit kasi may edad na to ay kita pa rin ang kagandahan niya.

"Kayo rin po tita ang ganda nyo po," sabi ko sa mama ni Cael.

"Oh, sya kumain na muna tayo bago pag usapan ang tungkol sa kasal ng dalawa."sabi ni papa na mas mukhang ito pa ang excited sa kasalang magaganap, samantalang ako ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"What are you doing? pasok na tayo at inaantay na nila tayo."sabi niya na hahawak sana sa beywang ko pero mabilis akong naglakad para makaiwas, 'nanantsing pa ang kumag ha?'.At nakasunod lang siya sa akin ng nakangiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status