Share

CHAPTER 7: Her Return

Yurich Group. 

Noong nakaraang buwan lang ay pinaalis si Erin dito sa opisina ng kanyang manager at ng tiyuhin niya. Ngunit heto siya ngayon, kasama si Orion at ang assistant ni Mr. Arvesso na si Jorge na nagbabalik sa opisina para gumawa ng eksena. Ipinangako ni Orion na tutulungan siya nito na makuha ang pinakamataas na posisyon sa opisina ng Yurich. Hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang alok nito dahil iyon naman ang hangarin niya kung bakit siya papayag na magpakasal sa lalaki. 

"I'll inform you of my payment when the time comes. One thing is certain—I do not need money. The Yurich Company remains yours," natatandaan niyang sabi nito.

Naroon si Jorge para maging representative ng Pamilya Arvesso habang si Orion bilang bodyguard niya. Inilahad sa kanya ng lalaki ang plano nito. Ayon kay Orion, hindi nito pakikialaman ang opisina ng mga Yurich. Walang katuturan na mangialam ito sa opisina kung sa pagdating ng araw ay siya rin naman ang mamumuno niyon. 

Gayunman, para siguruhin na hindi siya guguluhin ni Jenna o Uncle Roger, at para naroon ang presensiya ni Orion sa lahat ng oras, magpapangap itong bodyguard bilang itinalaga ng mga Arvesso sa kanya. Sa palagay ni Erin, hindi nakikilala ng pamilya niya si Orion dahil hindi ito kailanman nangialam din sa opisina ni Mr. Arvesso. Ngunit may mangilan-ngilan na namumukhaan ito bilang bodyguard ni Drew Walton noon. 

“Wala kang dapat ipag-alala. Everyone knows me as a bodyguard, not the rich kid kissing Mr. Arvesso's arse," ani Orion.

Ibinalik siya sa kasalukuyan nang tinungo na nila ang lobby, nang pigilan siya ng guwardiya.

“Ma’am Erin, nasabihan na ako ni Ma’am Jenna na hindi ka pwedeng pumasok dito sa opisina,” anang guwardiya ng gusali. 

“Kung ayaw mong mawalan ng trabaho, you’d better back out. The board is expecting us,” banta ni Assistant Jorge. 

“P-pero sumusunod po ako sa trabaho ko. Ma’am Erin, alam mo na ginagawa ko lang kung ano ang sinabi sa akin ni Boss Roger,” katwiran nito, napakamot sa ulo. 

“Erin is your future boss! Kasama ko siya bilang representante ng mga Arvesso. Our name is on the expected guest list, so back off!" ani Assistant Jorge. 

Pipigilan pa sana sila nitong pumasok ngunit matalim ang tingin na ibinigay dito ni Orion. Tumuloy-tuloy sila papasok hanggang sa makarating sa tapat ng elevator. Pansin ni Erin na alam ni Orion ang ginagawa nito. Sa elevator ay binulungan siya nito sa kanyang tainga na halos magpalambot sa kanyang tuhod. 

"Don't worry. I'll ensure no one lays a finger on you." 

Napasinghap siya matapos maramdaman ang mainit nitong hininga. 

“You’ll gonna need this.” May kinabit na earpod sa kanyang tainga si Orion. Hindi niya alam kung para saan iyon ngunit wala siyang lakas sa kasalukuyan na magtanong dahil nararamdaman niya ang pagtayo ng kanyang balahibo sa tuwing magdidikit sila nito. Napapikit siya nang mariin nang maramdaman ang hininga nito sa kanyang batok habang hawak nito ang kanyang tainga. 

Nang magbukas ang elevator, nagmadali siyang lumabas para makalayo sa katawan ni Orion. Sa labas ay nabigla siya dahil naghihintay roon ang abogado ng kanyang ama. 

“Miss Erin!” anito na sumalubong sa kanya. “Nasaan si Mr. Arvesso?”

“I’m Assistant Jorge!” 

Inilipat nito ang tingin sa lalaking kasama niya na walang emosyon sa kasalukuyan. 

Nagpatuloy si Assistant Jorge. “Unfortunately, kaming dalawa ni Miss Erin ang pinapunta dahil si Miss Erin ang magiging representante ng pamilya. We reviewed the documents, and the 'will' allows Miss Villaverde to represent the Arvessos if needed."

Pamilya… Napalunok siya sa narinig. Tinatanggap na ba siya ng Pamilya Arvesso? Isa pa sa mga tanong niya ay kung hindi rin ba namumukhaan ng abogado si Orion. 

“Ah, yes! Ikaw pala ang sinasabi ni Mr. Arvesso na pupunta ngayong araw.”

Nag-usap ang abogado at si Assistant Jorge para sa ilang detalye habang tinutungo nila ang board meeting. Kinakabahan siya habang lumalakad. Nakita niya pa ang manager niyang si Mrs. Robles sa pasilyo at nagtaas ang kilay nito. Inismiran niya ang babae. Unang-una sa listahan niya na tanggalin ito sa posisyon kapag nakabalik siya. 

It wasn't a matter of pettiness. Mrs. Robles allowed team members to engage in questionable behavior. Isa pa, ibinenta siya nito kay Mr. Yu na hindi niya pa nakakalimutan. Kung nagawa nito sa kanya iyon, magagawa nito sa iba pa. 

“What is that woman doing here?!” tanong ni Jenna nang makita siya.

Naroon ito sa tapat ng opisina nito. Lalapitan pa sana siya ng bruha. Umawang na lang ang labi nito nang kinawayan niya ito bago pumasok sa board meeting. 

Naroon ang tiyuhin niya sa pinakadulo ng mahabang mesa. Bukod pa sa sampung miyembro na naroon din. Umupo siya sa silya kung saan naroon—ang nakasulat na pangalan ni Mr. Niel Arvesso—sa tarheta. Naroon na ang lahat ng nais niyang ipahiwatig sa kanyang tiyuhin. 

She represents Niel Arvesso. 

“Who is that man?” turo nito kay Orion na nakatayo sa likod.

“He’s my bodyguard,” simple niyang tugon.

“Sa huling pagkakatanda ko ay wala kang kakayahan na kumuha ng bodyguard.”

"Please refrain from insulting Mr. Arvesso's fiancée!" banta ni Assistant Jorge. "Exercise caution with your words as they reflect upon the entire Arvesso Family!"

Natigilan si Uncle Roger. Hindi ito makasagot kay Assistant Jorge. Ngayon ay alam niya na kung bakit kilala ito sa industriya bilang pinakabata at magaling sa business world. Sa pagkakaalam niya ay nag-aral pa ito sa Amerika ng law. Kumuha din ito ng business course sa London.

"We cannot allow him in this room," pilit ni Uncle Roger.

Alam niya na hihilingin nito iyon. Lumabas si Orion matapos sumenyas sa kanya. 

"Alright! Since all members are here. We may now start the discussion," ani Uncle Roger. 

Ipinaliwanag ang mga naganap sa loob ng isang taon at kinuwestiyon din ang pagbaba ng kita ng kumpanya kumpara noong nabubuhay pa ang daddy niya. Hindi na siya nabigla na hindi maganda ang pamamalakad ni Uncle Roger. Hanggang sa dumating ang usapan sa pagbabago ng board members. 

"We're eyeing the chairman position," deklara ni Assistant Jorge nang may konpidensiya.

"This is absurd! I won't allow an outsider to take the helm of this company!" buwelta kaagad ni Uncle Jorge.

You are? Sa pagkakatanda ko ay hindi na ikaw ang chairman kaya nga tayo narito,” ani Assistant Jorge. “Furthermore, Miss Villaverde is no outsider; she's the daughter of the previous chairman. Mayroon bang nakakalimot no’n?” anang abogado.

Kita niya ang panggigil ni Uncle Roger at natutuwa siya na makita ang mukhang iyon.

"Don't smirk, baby girl..." 

Nabigla siya sa tinig ni Orion sa kanyang tainga. Nilingon niya ang pintuan at nakita sa glass door si Orion na seryosong nakatayo. Tila alertong bodyguard na mapanuri sa paligid. Kaya pala pumayag itong iwan siya sa loob ay dahil naririnig pala nito ang mga nagaganap. May monitor ito sa kanyang tainga. 

Nagpatuloy si Assistant Jorge. “The Arvesso is appointing Miss Villaverde to sit on the chairman position. Sa kanya rin naman mapupunta ang opisina kaya bakit pa namin patatagalin?” 

Napalunok si Erin. Hindi niya inaasahan ang tungkol doon. 

“This is insane! I’m not allowing that!” ani Uncle Roger.

“Ha! Is this coming from the chairman who lost 10% performance?” ani Erin. “No offense, just stating the fact.”

Napalunok ang iba pang miyembro sa board.

"This is absurd! I won't stand for it!" exclaimed Uncle Roger. 

Nakita niya ang isang empleyado na lumapit kay Orion. Nakikipagngitian dito ang babae. Kumukuha ng atensiyon si Orion sa labas kaya pala ang bilis nitong pumayag na iwan sila sa loob ng board room. Dahil doon ay uminit ang ulo niya. 

“Hindi ikaw ang magsasabi kung allowed ako o hindi! That's precisely why we have a board with members making such decisions!” matigas na wika ni Erin.

“Should you choose not to accept Miss Erin Villaverde, feel free to pack your bags and head home! The Arvessos command a substantial 65% share of this company. If you're feeling snarky about it, we'd be more than willing to acquire your shares. Ayaw ka naming pahirapan at baka ikamatay mo pa ito dahil sa sama ng loob.”

Umawang ang labi ni Uncle Roger sa matalim na sagot ni Assistant Jorge.

"Does anyone dare question us?"

Nilingon ni Uncle Roger isa-isa ang mga miyembro na hindi makatingin dito. 

“None! Then, we don’t have a problem!” huling komento ng assistant. 

Nang matapos ang meeting ay binigyan ng isang araw na palugit si Uncle Roger para umalis sa chairman’s office. Nanginginig siya sa napakaraming emosyon. Ipinagpapasalamat niya ang bagay na ito kay Orion. Noong nakaraang buwan lang ay problemadong-problemado siya, ngunit heto siya—hindi lang siya nito ibabalik sa opisina, ibibigay nito ang opisina sa kanya. 

“Erin!” Lumapit sa kanya si Jenna pagkalabas niya ng silid. “Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginawa mo para akitin si Mr. Arvesso! Ibinenta mo ba ang katawan mo sa kanya?!” anito na ipinarinig sa buong floor, nais ipaalam sa mga empleyado na wala siyang moral na boss. 

Pinagkrus niya ang mga braso. “Bakit? Gano’n ba ang gawain mo para makuha mo ang gusto mo?”

"You bitch! This isn't over!" 

“Yeah. This isn’t over, Jenna. Hihintayin ko ang araw na ikaw naman ang paaalisin ko sa cute mong opisina. Ciao!

Nagmartsa ito paalis. Malamang ay nagsumbong na ang ama nito. Nakatingin sa kanya si Orion sa kabuuan ng engkuwentro niya sa dating kaibigan. 

“So saan tayo?” tanong ng lalaki, diretso ang tingin sa kanya.

“Saan? A-anong saan?”

"I'm your bodyguard. I'll follow you wherever you go." 

Saglit na tumigil ang kanyang utak sa sinabi nito. “A-akala ko ay dito lang sa opisina?”

Akala niya ay magpapanggap lang sila sa opisina bilang boss-bodyguard.

"No, baby girl. Bodyguards protect their princesses 24/7. Madaling malalaman ng mag-amang ‘yon kung sakali na iiwan kita. So, saan tayo?”

‘Oh no!’ At doon na tuluyang hindi makahanap ng sasabihin si Erin. Ibig bang sabihin niyon ay kasama niya ang lalaki sa lahat ng oras?

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status