Share

CHAPTER 14: I’m Here

TAAS ang noo ni Erin nang pumasok siya sa opisina. Nakasunod sa kanya si Orion, Mike at Assistant Jorge na parehas seryoso ang mga mukha.

Tahimik na panay ang lingon ni Erin kay Orion. Nakasuot lang ng simpleng polo na pinatungan ng jacket ang lalaki. Nasa awra nito ang alertong bodyguard dahil ilang taon din nanilbihan ang lalaki ito kay Drew.

Iniikot sila ng head ng production manager sa opisina. Ipinakilala siya bilang si Miss Villaverde na anak ni Mr. Lawrence. Siyempre pa ay nabigla ang ilan dahil nakikita siya ng mga ito roon bilang empleyado sa loob ng ilang buwan.

Nabigla ang mga empleyado sa pagdating na iyon ni Erin. Normal na mabulabog ang mga ito matapos ilabas ng opisina na siya na ang bagong uupo sa chairman position. Sigurado na alerto at walang tiwala sa kanya ang iilan sa mga managers. Hindi dahil sa kontrol ng tiyo niya kung hndi dahil babae siya at wala siyang karanasan sa business.

Isang grupo ng nagtsitsismisan ang narinig niya nang lagpasan nila ang mga ito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status