Share

CHAPTER 15: Sister-In-Law

GINAWA ni Erin ang lahat para mapag-aralan ang opisina. Sumasakit ang ulo niya dahil may ilang mga desisyon na hindi niya sigurado. May mga pagkakataon na napapatanong siya kung karapat-dapat ba siya na mamuno sa opisina ng mga Yurich.

Isa na siya sa mga pumipirma sa mga tseke bukod pa sa chief finance officer. Kung nasaan ang loyalty nito ay hindi niya masabi.

“Kailangan mong kontrolin ang pagpasok at paglabas ng pera ng opisina. Kailangan mo rin siguruhin na hindi ka mauubusan ng funds dahil malaking problema iyon sa estado ng opisina mo,” ani Orion nang tanungin niya ito kung pipirmahan niya ba ang bayad sa isang supplier ng makeup.

“Nagtataka lang ako kung bakit nawala na sa listahan ng manufacturing sites ang pagawaan namin ng makeup. Ayon dito sa report, sa loob ng isang taon ay malaki ang ginagastos ng Yurich sa YL Company na nag-su-supply nito sa amin. Hiningi ko sa finance department ang report sa loob ng five years, and I found out we have our own site. Hindi ko alam ku
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status