Share

CHAPTER 6: A Friend

WALANG mangyayari kung iiyak lang si Erin. Kailangan niyang kumilos. Isang buwan na siyang walang trabaho at kailangan niya ng pagkakakitaan kahit kaunti. 

Naroon siya sa penthouse at inaayos ang listahan ng kanyang gastusin sa center table nang mag-ring ang kanyang cellphone. Lumitaw ang pangalan ng kaibigan na si Zacharia Lopez sa screen. 

“Hey, Zach!”

“Kadarating ko lang mula sa Singapore. Nagpunta ako sa opisina n’yo para sana sorpresahin ka dahil may dala akong mga pasalubong, pero ako ang nabigla dahil wala ka na raw do’n? Where are you? Sino ang may-ari na napaalis sa sarili niyang kumpanya?”

Doon hindi napigilan ni Erin na lumuha matapos marinig ang tinig ng kanyang kaibigan. Kailangan niya ng taong magsasabi sa kanya na ayos lang ang lahat. Kailangan niya ng kakampi. Nakilala niya ang lalaki dahil parehas sila nitong modelo noon. Mas close sila nito dahil madalas siyang makarinig ng hindi maganda sa mga modelong babae. Wala siyang tiwala sa mga babae matapos ang naganap sa kanila ni Jenna. Si Zach ang kaibigan na pinagkakatiwalaan niya. Ang totoo ay ito lang ang tangi niyang kaibigan sa kasalukuyan. 

“Erin…” dinig niya ang pag-aalala sa tinig ng lalaki. 

“They… They kicked me out. Maraming naganap sa loob ng isang taon na narito ako sa Pilipinas Zach. I… I don’t have money.” Gumagaralgal ang tinig na paliwanag niya rito. 

"Where are you? I'll come to you!" Zach exclaimed. 

Sinabi niya na naroon siya sa penthouse na tirahan ng kanyang ama sa Green Garden. Hindi ayos ang kanyang lagay. In light of the challenges she faced, her mental health significantly deteriorated over the past year. Isang taon na siyang lumalangoy sa dilim. Idagdag pa ang tao na nais pumatay sa kanya. 

Treinta minutos lang ay naroon na si Zach sa tapat ng kanyang pintuan. Kahit nahihiya dahil walang kuryente ang kanyang bahay ay pinatuloy niya ito. May dalang mga paperbags ang lalaki. Niyakap siya ni Zach kaya hindi niya napigilan na umiyak. 

“Erin…” Hinalikan nito ang kanyang sentido at saka hinaplos ang kanyang likuran. “What happened to you?”

Pinatuloy niya ito sa loob at pinaupo sa sofa. Bukas ang ilang bintana sa kanyang tirahan at napuna ni Zach na walang kuryente sa kanyang bahay. Naroon sa ibabaw ng center table ang mga sobre niya ng bayarin na kanina niya pa inaayos. Niyakap niya ang kanyang tuhod para iwasan ang mapanuring tingin ng lalaki.

Dinampot nito ang mga bill ng kuryente, asssociation dues, ang kanyang credit card na patuloy na nagpapadala ng notice dahil may monthly billing siya na ginamit iyon sa nakaraan, at ang bayarin ng kotse niya na nasa repair shop sa kasalukuyan. 

“I’ll pay for these. Wait! Nasa car repair shop ang kotse mo? What happened?”

Nakakahiyang tanggapin ang alok nito ngunit sa oras na iyon ay kailangan niyang kapalan ang mukha. Naglandas ang kanyang luha. Tinabihan siya nito at saka hinagod ang kanyang likuran. 

“Mabuti pa na sa hotel ka na muna tumuloy. Mamatay ka rito sa kakulangan ng ventillation.” Inikot nito ang paningin. 

“No, please! Ayoko sa hotel!” Ilang beses na siyang kamuntikan nang mapahamak at hindi siya safe sa publikong lugar. Ngunit ayaw niyang sabihin kay Zach ang tungkol doon para hindi ito lalong mag-alala. Sa kabilang banda, napaalis na siya sa opisina. Siguro naman ay titigilan na siya ng kanyang Uncle Roger at ni Jenna. 

“Ano ba ang nangyari, Erin?” Lumambot ang anyo ni Zach. 

“Naubos ang ipon ko, Zach. You know how I spend my money in the past.” 

Wala siyang masisisi sa bagay na iyon kung hindi ang sarili dahil masyado siyang kampante na hindi siya darating sa puntong ito ng buhay niya kung saan kukunin ng tadhana ang lahat sa kanya. Ang paggastos ang naging sandalan niya matapos mamatay ng kanyang ina para maramdaman na tao pa rin siya. She earned those money she spent. They were not coming from anyone. 

“Nagdeklara na ako ng retirement sa agency, ngunit hindi nila ako pinayagan. Nagkaroon ako ng argumento sa manager ko. I have two more years bago nila ako pakawalan kaya hindi ko magawang mag-apply sa ibang ahensiya.”

Siyempre pa ay may kinalaman si Jenna sa naganap sa kanyang ahensiya. 

“Ano ang nangyari sa opisina ng daddy mo?”

“Well, sa loob ng one year ay hindi rin naman talaga ako nag-apply sa ibang ahensiya. Kailangan present ako sa Yurich. Kailangan malaman ng mga tao roon ng nag-e-exist ako sa opisina bilang anak ni Rod Yurich! Ngayon, kailangan kong magpakasal kay Orion Arvesso sa loob ng isang taon. Last year pa nila hawak ang shares ng daddy ko sa opisina.”

“Paano kung hindi na nila iyon ibalik sa ‘yo?”

“Mr. Niel Arvesso signed the will and the contract. He will only own the shares for two years. Nasa clause na either sa akin mapupunta ang shares after the validity o sa mismong opisina. It means kay Uncle Roger at kay Jenna!”

Ipinaliwanag niya sa kaibigan ang iba pang detalye para maintindihan nito. Ang totoo ay umaasa pa sana siya na umikot ang mundo at maipamukha niya sa opisina kung sino ang tunay na may karapatan doon.

“Come with me!” Tumayo si Zach at tinungo ang kanyang silid. Dumiretso ito sa closet para kumuha ng mga gamit. May ilang piraso ng kaswal na kasuotan ang pinagdadampot ng lalaki. 

“Saan tayo pupunta?” tanong niya.

“Sa bahay ko na muna ikaw tumuloy hanggang sa magkaroon ka ng kuryente rito. Erin, hindi mo kailangan na mag-stay dito nang ganito. Lalo ka lang made-depress,” anito. 

Nais niya pa sanang makipagtalo ngunit kailangan niya ng kaibigan sa kasalukuyan. Isang taon na siyang mababaliw dahil pakiramdam niya ay nag-iisa siya.  

“Magbubukas ako ng advertising agency kaya ako bumalik dito sa Pilipinas. Pwede ka rin magtrabaho sa opisina ng pamilya ko kung gusto mo. Ikaw ang reyna ng rampahan, babe. Hindi mo deserve ito.”

Lalo siyang naiyak. “Ikaw talaga ang anghel sa ‘kin.”

Sumama siya kay Zach sa bahay nito nang gabing iyon. Pinatuloy siya nito sa ekstrang silid. Sinabi nito na magpahinga na muna siya at kinabukasan na nila pag-usapan ang trabaho. 

Nakatanggap siya ng mensahe mulasa hindi kilalang numero habang nakahiga sa malinis at mabangong kama. 

Unknown: We need to talk again.

May ideya siya na baka si Orion ang nagpadala niyon dahil ang lalaki lang naman ang huli niyang nakausap.

Erin: Who is this?

Unknown: Orion.  

Matapos siya nitong pahubarin? Matapos niyang magmakaawa sa lalaki nang wala itong isinagot na emosyon sa kanya kung hindi kalamigan ay hinihiling nito na magkita sila?

Ano naman ang kailangan nito sa kanya? Kailangan ba nila ng part 2? 

Napalunok siya matapos maalala kung paano siya pasadahan ng tingin ni Orion. Kung paano niya maramdaman ang mga pagsinghap nito. That was the same look, the same energy from him she dreamt about. 

Erin: Wala nang part 2 sa naked session.

Orion: Too bad. That's what I was anticipating. 

Erin: That's not a conversation. We didn't talk; I pleaded! 

‘Arsehole!’

Orion: There will be an organizational restructuring next Monday at Yurich. Akala ko pa naman ay interesado ka.

Nakuha talaga nito ang interes niya. Bakit nito ibinabahagi sa kanya iyon?

Erin: And we need to talk because you want me there?

Orion: Yes, with a TWIST.

Twist? Ano ang pinaplano nito? Mas mabuti pa na malaman niya iyon kapag nagkausap sila. 

Erin: Is this your way of settling things for what I did earlier? 

Orion: That wasn’t enough. 

Erin: I told you there will be no part 2 sa naked session.

Orion: And I also stated that I anticipate that to happen precisely.

Nanuyo ang lalamunan niya sa nabasa. Iisipin na lang niya ang big twist na tinutukoy nito.

 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
remia pecaoco
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status