Share

Chapter 3

Tulala ako, hanggang sa trabaho  iniisip ko kung paano solusyonan ang problemang hinaharap naming mag-ina. Kailangan ng ma operahan si nanay sa lalong madaling panahon dahil kung hindi . . hindi ko alam kung hanggang kailan niya iindahin ang sakit niya. Hindi ko kaya na makita siyang nahihirapan kaya habang maaga pa, habang hindi pa malala ang kalagayan niya kailangan ay ma operahan na siya. 

Napahilamos ako ng mukha. Saan ako kukuha ng ganoon kalaki na pera? Hindi sapat ang ipon ko. Wala rin akong mautangan. Isa lang ang paraan ang naisip ko pero nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba. .kung kaya ko ba. Pero para ito kay nanay. Huminga ako ng malalim at   tumayo, kinakabahan na naglakad palapit kay Madam Jinky. Nanginginig ang kamay ko na umupo sa harap ng counter bar kung saan banda siya naka-upo.                                                                       

"Madam Jinkz."

Pukaw ko sa kanyang atensyon. Nagulat pa siya nang makita ako ngunit agad din namang nakabawi.

"Lil, anong kailangan mo? Kamusta na pala ang nanay mo? Nabalitaan ko kay Sean na nasa ospital siya akala ko nga hindi ka makatugtog ngayon."

"Kailangan na ho siyang operahan Madam Jinkz," I let out a heavy sigh. "Kaso ang sabi ng doktor kailangan daw muna mag down payment ako ng kalahati bago siya operahan kasi iyon raw ang policy nila."

Bumalantay ang awa sa kanyang mukha. Si Madam Jinky ang may ari nitong bar na tinutugtogan ko, matagal ko na siyang kilala dahil siya ang may hawak ng mga bugaw dito  sa Sagada na kanyang ibibinigay sa kanyang customer  kapag naghanap sila. 

Kaya lang ganid sa pera ang napangasawa niya, ang lahat ng kita niya dito sa bar ay napupunta lahat sa kanyang asawa dahil kung hindi sakit sa katawan ang aabutin niya sa bugbog. Na awa ako kay madam kasi siya ang may-ari ngunit parang wala siyang karapatan sa kita ng negosyo niya.

May kinuha siya sa ilalim ng kahera at ibinalot iyon sa tissue at palihim na inabot sa akin. Nagtataka at nagtatanong na tingin ang ibinigay ko sa kanya.

"Ano 'to, madam? Ipabenta mo ba ito sakin?"

Kinakabahan na  tanong ko dahil baka droga ito at ipabenta niya sa akin para magka pera ako.

"Gaga, hindi 'yan droga. Pera 'yan, kaunting tulong ko sayo. Pasensya ka na kung iyan  lang ang maibigay ko sayo."

"Maraming salamat dito, madam," naluluha na sambit ko. "Hindi ko ito tatanggihan, malaking tulong na ho ito sa akin."

"Pasensya na iyan lang kasi ang mayroon ako, alam mo naman lahat ng pera ko nandoon sa asawa ko."

"Ayos na 'to, madam, malaking tulong na ito. Saka nga pala, bago ko makalimutan  kaya ako lumapit sayo, madam, dahil hihingi sana ako ng pabor sayo," nahihiya na ani ko dito.

"Ano 'yon?"

I swalowed hard dahil parang may bumabara sa lalamunan ko. "Pwede bang mag request. .na kung may costumer kayo na naghahanap ng babae. .pwedeng ako nalang ang ibigay ninyo?"

"Ibig mong sabihin ay ibugaw kita?" naniniguro na tanong niya. Tumango ako. "Naku Liliane, sinasabi ko sayo hindi kita kayang ibenta sa mga costumer ko."

"Sige na Madam," I pleaded." Promise isang beses lang."

Umiling siya. Ayaw niya sa hiling ko.Ayaw ko din naman ito pero wala na akong ibang choice upang mapadali ang paghanap ko ng pera para sa operasyon ni nanay.

"Sige na Madam. Isang beses lang promise, para kay nanay. Ito lang talaga ang mabilis na paraan ang naisip ko."

Napabuntong-hininga siya.Pinag-iisipan ng mabuti kung papayag ba siya sa hilig ko. Kung may ibang paraan lang para mapadali ang paghanap ko ng pera para sa operasyon ni nanay hinding-hindi ko hihilingin ang bagay nato kay Madam Jinky. Kaso wala e. Kung aasa ako sa kinikita ko araw-araw baka malamig na bangkay na ang aking ina bago pa ako maka ipon ng sapat na pera.

"Pag-isipan ko. Alam mo naman na ang mga costumer ko ay hindi nababagay sa ganda mo. Naku! Kahit ako hindi ako papatol sa kanila."

"Thank you, madam."

Saglit pa kaming nag-usap bago ko siya iniwan doon dahil kami na ni Kuya Sean ang susunod na mag perform. Alam ko mali ang paraan ko para ko para kumita ng pera para sa buhay ng ina ko pero sa ngyon hindi ko na iyon iniisip. Para sa akin tama ang gagawin ko dahil minsan ko lang naman isakripesyo ang buhay ko para sa mahal kong ina kumpara sa sakripisyo niya sa akin.

"Magandang gabi sa lahat!" pagbati ko.

Naghiyawan ang mga tao ang iba itinaas pa ang bote ng alak na hawak nila.

"Ang awiting ito ay para sa mga taong sawi sa pag-ibig. .iniwan. .niloko. .pinaasa. Para sa inyo 'to sabayan niyo ako."

Nagsimula nang mag strum si kuya ng kanyang gitara. Hindi paman ako nagsimula na kumanta may ngumawa na, nang tingnan ko isang babae ang umiiyak at inaawat ito ng mga kasama niya. Sa tingin ko mga college student sila. Kadalasan kasi kapag biyernes halos mga college student ang tao dito sa bar. 

Muli kong tiningnan ang babae, alam kaya ng parents niya na naglalasing siya? Napangiwi ako nang lumakas ang iyak niya nang sinimulan ko nang bigkasin ang unang leriko ng kanta. Ganyan pala kapag na broken hearted ang isang babae? Ang mag lasing at parang bata na ngumawa dahil iniwan ng kanyang ina. Nakakatakot pala ang masaktan, parang ayoko nang subukan ang magmahal baka matulad ako sa kanya kapag nasaktan ako.

"Lil, may nag request tatlong kanta. Tatlong libo ang tip."

Alanganin ang ngiti na iginawad ko kay Jonny nang iabot niya sa akin ang papel kung saan nakasulat doon ang kantang ni request ng costumer at ang tatlong libo na tip. Hindi naman sa ayaw ko sa tip na binibigay niya at ang pag request niya ng kanta, pero nahihiwagaan lang ako sa tao na ito dahil ang laki ng pera na ibinibigay niya. 

Noong una, akala ko magka-ibang tao sila pero nang tingnan ko ang sulat kamay niya  pare-pareho lang lahat. Nang tanungin ko si Jonny kung kilala niya ang tao na ito ang sabi niya ay hindi niya ito kilala at hindi niya rin nakita ang pagmumukha nito dahil lagi itong may suot na facemask. Hindi naman daw siya nag order ng alak o ibang maiinom, naka-upo lang ito sa isang sulok hanggang sa matapos akong tumugtog.

Nang sumunod na araw ay ganoon parin ang misteryosong lalaki na nag re-request lagi ng kanta. Palaging tatlong kanta ang ni re-request niya at tatlong libo na tip. Sa tatlong gabi ko na pagtugtog ay naka siyam na libo ako  na natanggap sa kanya. Linggo. Pagkatapos ng tugtog ko ay nilapitan ko si Jonny at tinanong kng saan banda naka-upo ang lalaki. Pinuntahan ko ang upuan na tinuro niya ngunit laglag ang aking balikat nang makita na wala ng tao na naka-upo doon.

"Gusto ko lang naman magpasalamat."

Mahinang bulong ko sa kawalan at nilisan ang lugar. Kung sino man siya, hulog siya ng langit dahil ang laki ang naitulong niya sa akin. Siya lang ang bukod tangi na nag tip sa akin ng isang libo kapalit ang isang kanta.

"Salamat sa pagbantay, Ante Jona," ani ko sa matanda at inabutan ng limang daan.

Umupo ako sa plastik na upuan sa gilid ng kama ni nanay. Mahimbing ang kanyang tulog. Payapa ang kanyang maputla na mukha. Hindi ko napigilan na haplusin ang pisngi niya.

"Gagaling ka, Nay. Gagaling ka at hindi mo na maramdaman ang sakit na nararamdaman ninyo ngayon. Pangako ko iyan, Nay, gagawin ko ang lahat gumaling ka lang."

Hinayaan kung tumulo ang mga luha ko. Hawak ang kanyang kamay sinubsob ko ang aking ulo sa higaan at ipinikit ang aking mata na puno ng luha.

Dahil nga nandito sa ospital si nanay pansamantala na natigil ang pagbebenta ko ng pastel. Dahil dito kaya nahimatay si nanay. Kung hindi ko siya hinayaan na tumulong sa akin noong araw na iyon sana wala siya dito sa ospital ngayon.

Isang linggo na ang lumipas, isang linggo narin si nanay dito sa ospital. Walang progress at tanging operasyon lang ang paraan upang gumaling siya ngunit hindi iyon maisagawa dahil wala akong sapat na pera upang ipang down payment sa  kanila.

"Lil," tawag sakin ni Madam Jinky." Ituloy mo parin ba iyong sinabi mo sa akin noong nakaraan? Don't worry binata 'to, walang sabit. Gwapo, yummy bagay na bagay sa ganda mo. Ano game?"

"Wala bang asawa na susugod 'yan dito kung sakali?" kinakabahan na tanong ko.

"Wala. Siya mismo nagsabi. Walang sabit, walang gulo. At syempre malinis siya. .I mean wala sakit na ipapasa sayo."

"Game," walang pag-alinlangan na sambit ko. "Kailan daw?"

"Ngayon na. Tara, ihatid kita  sa kanya."

Walang salita na sumunod ako sa kanya. Isang gabi lang kapalit nito ay ang maayos na buhay ni nanay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status