“Kuya, pwede ba maki-awit d’yan?” Tanong ko kay kuya na naka assign sa mga appliance's.
“Sige ba.” Aniya at inabot sa akin ang mikropono.Ilang taon na ba noong huli akong humawak ng mikropono? Sa tagal ng panahon na lumipas hindi ko na tanda kung kailan ko ito huling nahawakan.Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa mop na araw-araw kung kasama at doon kumuha ng suporta. Nanibago ako. Makaraan ang anim na taon wala ng ibang tao na nakarinig sa boses ko na kumakanta. Matapos ang operasyon ni nanay tumigil na ako sa pagkanta at ngayon lang ako ulit sumubok muli.Habang kumakanta ako, may mangilan-ngilan na tao ang napapatigil upang panoorin ako. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang bawat lyrics ng kanta. Memories from the past flashback on me. Music heals buts sometimes lyrics kills. Kaya ako tumigil sa pagkanta matapos ang araw na iyon dahil sa bawat bigkas ko ng aking awitin, sumasagi siya sa isipan ko. . . Ang isang tao na nagbago sa buhay ko. . A one night mistake that changed my life forever that I couldn’t escape.Pagmulat ng aking mata. I stiffen. Nanlamig ang buong katawan ko nang magtagpo ang aming mga mata ng lalaking matagal nang hu-ma-hunting sa isipan ko. Patuloy parin ako sa pagkanta hindi inalis ang tingin sa kanya. Ang lupit naman ng tadhana, sa laki ng mundo, sa dinarami-rami ng lugar, dito ko pa talaga siya makita.Kagaya ko, mukhang nagulat rin siya. Nakatayo parin siya sa tapat ng hagdan kung saan siya huminto. Ang laki ng pinagbago ng katawan niya. Mas lumapad ang kanyang balikat. Bakat na bakat ang malaki niyang dibdib na halatang alaga sa gym. Naging matured ang kanyang mukha pero lumalabas parin ang taglay niyang magandang lalaki. And his lips. . . dang! Bakit ang kisable at ang sarap. . . Mabilis akong umiwas ng tingin. Mabuti nalang at tapos na ang kanta. Nagpalakpakan ang mga tao may humirit pa na isang kanta pa. HIndi ko sila pinansin at nagmadaling umalis palayo doon. . . palayo sa lalaking kahit ilang taon na ang lumipas ayaw parin mawala sa isipan ko.Hinihingal na sumandal ako sa pader pagkapasok ko sa diswashing area. Kinapa ko ang magkabilang pisngi ko na hanggang ngayon ramdam ko parin ang init doon. ANg puso ang bilis ng tibok niya na para bang kakapusin ako ng paghinga. Piniling ko ang aking ulo. Huminga ako ng malalim, paulit-ulit hanggang sa bumalik sa normal ang tibok ng puso ko.“MAtagal na panahon na iyon, Yanie. ‘Wag kang umasa na kilala ka pa niya. Isang gabi lang kayo nagsama, nagkakilala, parausan ka lang niya, bayaran kaya ‘wag kang mag-assume na natatandaan ka pa niya,” kastigo ko sa aking isipan.Ang lalaki na tinutukoy ko at nakita ko kanina walang iba kundi si Ethan; ang lalaking naka one night stand ko, ang lalaking hindi mawala-wala sa buong sistema ko at pati sa isip ko hindi siya mabura.“Lil, overtime ka?” Tanong ni Ann na kakapasok lang.“Hindi, bakit?”“Kanina pa nag out ang first batch, hindi mo ba narinig ang pag announced ng oras?”Natampal ko ang aking noo. “Naka idlip ako, hindi ko narinig,” pagdahilan ko. “Mauna na ako. Ba-bye.”Kumaway siya sakin pabalik. Shit! Kasalanan ‘to ni ano eh. LAkad-takbo ang ginawa ko paakyat sa 3rd floor, natatakot na baka noroon pa siya at baka makasalubong ko siya. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa screening area na hindi siya nakita. Patakbo kong inakyat ang hagdan papunta sa locker. Inilugay ko ang aking buhok. HInubad ko ang black shoes na suot ko at nagpalit ng tsinelas. Sinuot ko ang jacket at dinampot ang hand bag saka tumalima paalis.Sana, hindi na magtagpo ulit ang landas naming dalawa._______Inaantok pa ako na pumasok sa trabaho. Paano kasi, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pesteng lalaki na iyon na bumabagabang sa isipan ko magdamag. Isang oras lang yata ang tulog ko at nagising ako sa tunog ng alarm clock. 6:30 ang pasok ko sa trabaho, pero dahil may kalayuan ang bahay namin alas sais palang nakagayak na ako. Sayang ang kaltas sa sweldo kapag na late kahit isang minuto lang.MILLANIC GRAND MALL. Dito ako nagtatrabaho bilang isang janitress. Hindi na ako naghangad ng magandang trabaho dahil high school lang naman ang natapos ko. Hindi ko rin kinakahiya dahil marangal naman ang trabaho ko at masaya ako sa trabaho na mayroon ako."Nabigla rin ako sa announcement. Matagal na akong nagtatrabaho dito pero kahit isang beses hindi pa pumunta ang CEO dito. Taging si SOM lang ang nagma-manage. At baka dito na siya papasok lagi, kasi kagabi nag overtime ang mga maintenance pina-ayos yung kuwarto sa tabi ng cctv room, office daw yun ni CEO. "Iyan ang nabungaran ko pagkapasok ko ng diswashing area. Narito na lahat ng mga kasamahan ko, second batch sila at 9 am ang pasok nila. Si Maam Toneth pala iyong nagsasalita tungkol sa CEO. Supervisor namin siya, dalawa sila ni Maam Mia." Wala pang nakakita na trabahante kay CEO, tanging si SOM at ASM lang siguro ang nakakita sa kanya. Hindi ko alam,” sabat ni Rose.Ang CEO na na-i-imagine ko ay isang matanda, may suot na reading glasses, mataba at malaki ang tiyan. Ganun naman ang mga CEO na nakikita ko sa telebesyon malamang pati sa reyalidad ganun din.“Tama na ang chika,” ani Maam Toneth. “Balik na sa trabaho. Lil, Ann, kayo ang naka-assign sa office ng CEO at HR. Maglinis na kayo doon baka maabutan niyang marumi ang office niya patay ako. Bilisan niyo na.”Natawa kami ni Ann dahil halos ipagtulakan niya kami sa subrang taranta niya. Kinuha ko ang mop na may nakatatak ng pangalan ko ‘Lil’ ang palayaw ko. Isang tao lang ang tumawag sa akin ng ibang palayaw, nagtaka rin ako sa sarili ko kung bakit iyong pangalan na iyon ang nasambit ko sa kanya noon.Napanguso ako nang tawagin si Ann upang maglinis sa HR. Ang ending mag-isa lang ako na maglinis sa office ng CEO. Pagkapasok ko, sa banyo ako dumiritso, wala naman dumi kaya nag-spry nalang ako ng pabango. Nagpunas ako sa table na walang laman kahit ano, sa bangko, sa estante na naroon kahit wala namang dumi. Nag walis ako sa sahig pagkatapos ay nag mop.Sinandal ko sa likod ng pintuan ang mop nang matapos ako. Kinuha ko ang iba pang gamit sa banyo na dala ko kanina at dinampot ang pamunas sa lamesa. Pagharap ko, nabitawan ko ang pamunas na hawak ko sa subrang gulat nang pumasok si Ethan dito sa opinisa ng CEO. Don't tell me siya ang CEO? Pero imposible. Siguro trabahante lang siya dito. Bagong intern, anak ng CEO, apo?"Good morning, Sir.” Bati sa kanya ng secretary niya. “Tapos ka na ba sa paglisin? Papasok na si Sir."So, totoo nga, siya nga si CEO na sinasabi nila. Holy crop. “Oo, tapos na. Paalis na rin ako.”Na gitla ako nang isara ng kanyang secretary ang pinto. Hindi ko magawang iiwas ang tingin. He’s freaking hot with his business attire. Freakin’ perfect. Bahagyang magkasalubong ang kanyang makapal na kilay, ang ganda ng mga mata niya na nakatitig sa akin, ang tangos ng kanyang ilong at ang pula ng mga labi. Natorete ako nang ilang sandali. Hindi ko na kaya ang titig niya kaya ako na ang umiwas ng tingin dahil wala yata siyang balak na umiwas."How are you?" He said in a husky voice."Maayos naman. Humihinga pa."Pabalang na sagot ko dahil naiinis ako sa sarili ko. Narinig ko lang ang boses niya kumakawala na ang buong sistema ko.Naglakad siya at huminto sa harapan ko. "Tinatanong kita ng maayos, sagotin mo ako ng maayos.”Dahil hanggang dibdib niya lang ako, tiningala ko siya. "Bakit? Maayos naman ang sagot ko, ah. Sige ho, Sir, may trabaho pa ako.”Hindi ko na hinintay na magkapagsalita siya at mabilis na lumabas ako sa office niya. Malaki ang aking hakbang na bumalik sa diswashing area, nasapo ko ang aking noo nang mapagtanto na naiwan ko pala doon sa likod ng pintuan ang mop ko.“Pesteng kapalaran ‘to. Paano ko siya maiiwasan gayong siya pala ang boss ko?” Inuntog ko ang noo ko sa pader. “Akala ko hindi na niya ako natandaan. Peste! ‘Wag naman sana niya maalala iyon.”“Lil, pinapatawag ka. Sa office raw ni CEO.”Nagpapadyak ako sa inis sa sinabi ni Maam Toneth. Ano ba ang pakay niya? Pwede naman siya magpanggap na hindi kami magkakilala, walang ugnayan sa isa't isa. Halata siya masyado, e."Lil, bilis. Mukhang galit pa naman ang secretary niya," boses ulit ni Maam Toneth." Bakit raw, Miss? " Ani ko. Miss raw ang itawag namin sa kanya dahil hindi raw siya teacher para tawagin na maam." May nakalimutan ka raw na linisin. "" Sige, ho, pupunta ako. Mukhang may galit sa akin ang secretary ng CEO, " ani ko at tumalima paalis." Miss, " pagkuha ko sa atesiyon ng secretary niya." May nakalimutan ka raw linisin, " pagalit na saad niya.Tahimik akong napabuntong hininga saka pinihit ang pinto. Nagulat ko pagpasok ko nakasandal si Ethan sa gilid sa tabi ng pintuan, magka-cross ang kamay sa kanyang dibdib at parang hinihintay ang pagdating ko."A-Anong-,""Nakalimutan mong linisin ang bibig ko."Hindi pa ako naka-recover sa sinabi niya nang siniil niya ng halik ang labi ko.My eyes widen. My body stiffen. Dahil naka-awang ang labi ko sa gulat sa bilis ng pangyayari, madali niyang naipasok ang kanyang mainit na dila sa bunganga ko at ginalugad ang loob niyon. Nang matagpuan niya ang dila ko, napa-ungol ako nang s******n niya iyon.Ilang beses akong napakurap habang pinoproseso parin sa aking isipan ang ginawa ni Ethan. Mariin parin ang kanyang halik sa labi ko na hindi ko magawang tugunan. Para akong naparalesa sa biglaang ginawa niya. Pinagloloko lang pala ako ng tao na 'to. Ibang linis pala ang tinutukoy. Bago pa dumapo sa kung saan ang kanyang kamay, natigil siya sa kanyang maglamusak sa labi ko nang may kumatok.Naka-awang parin ang labi ko hanggang sa maghiwalay ang labi naming dalawa. He licked his lips. Kinagat niya ang ibabang labi at nakangisi na sinalubong ang tingin ko, para bang nasiyahan siya sa ekspresyon na mayroon ako. Natinag lang ako nang may kumatok ulit sa pinto."Sir, the meeting will start in 30 minutes," anunsyo ng kanyang sekretarya sa labas."Prepare my things. Aalis tayo in 5 minutes," sagot niya sa akin parin ang tingin.Napa atras ako ng dumukwang siya ngunit mabilis na pumulupot ang kanyang braso sa baywang ko at hinila ako palapit sa kanya."Ano ba!" Nagpupumiglas na singhal ko sa
Sa kagustuhan kong makalayo agad kay Ethan, hindi ko binigyan pansin ang rota ng jeep na sinakyan ko. Basta lang ako sumakay natatakot na baka sundan niya ako. Mabuti nalang at nahimasmasan kaagad ako sa padalos-dalos na ginawa ko.“Para ho!” ani ko at nag abot ng sampong piso at mabilis na bumaba. Tumawid ako sa kabilang kalsada at nilakad ang sakayan ng jeep pa uwi sa amin. Sa dulo ako umupo, habang hinihintay na mapuno ang loob ng jeep naglakbay ang isipan ko.Kapag hindi tumigil si Ethan sa ginagawa niyang paglalandi sa akin baka lalo ko lang siyang mamahalin, baka sa puntong ito hanap-hanapin ko na ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung anong laro ang gusto niya. KUng katulad parin ba ng dati na isa lang akong pampalipas oras, parausan, lapitan kapang may kailangan siya.Hindi na ako katulad ng dati. Natuto na ako sa pagkakamali ko. HIndi na ako masisilaw sa pera dahil sa kagustuhan kong kumita kaagad. Nangako ako sa sarili ko. Nangako ako sa kanya na hindi ko na iyon uulitin pa,
Hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Kahit anong sabi ko sa sarili na dapat hindi ako magpadala sa bugso ng damdamin ko at sa mabulaklakin niyang bibig-pero wala paring kabuluhan ang lahat ng mga sinabi ko. Isang matamis na salita niya lang bumigay kaagad ako. Isang haplos niya lang, suko na kaagad ang katawan ko.Natauhan ako nang maramdaman ang kamay nang humigpit ang pagkahawak sa baywang ko. Ako na ang tumapos ng halikan namin. Nang maglakbay pa taas ang palad niya sa dibdib ko, tinabig ko iyon. Sinamaan ko siya ng tingin at umalis sa pagka upo sa kanyang hita."Yanie -,""Hep!" Pag pigil ko sa kanya na magsalita. "D’yan ka lang. ‘Wag kang tatayo, ‘wag kang lalapit sa akin.""5 minutes.""Hindi! D’yan ka lang. Hindi ako matatapos sa trabaho ko, panay landi mo sa akin.""Nagpapalandi ka naman."Inambahan ko siya nang palo ng mop na hawak ko ng biglang bumukas ang pinto."Ay! Hala. Sorry ho, sir. Akala ko wala kayo rito," nahihiya, kinakabahan na sambit ni Ann pagkapasok niyaTina
Kapag rest day ko hinahayaan ako ni nanay na magpahinga, matulog at humulata buong maghapon. Wala naman raw akong gagawin kaya maigi na magpahinga na lang raw ako. Dapit hapon na nang magising ako na ipinagtaka ni nanay.“Hindi ka nag agahan pati kaninang tanghali hindi ka kumain,” aniya habang sinusuri ako ng tingin. “May problema ka ba? May sakit ka? Hindi kasi kita nakitang gumising,” nag-alala na saad niya.Napakamot ako ng ulo. “Masama ang pakiramdam ko kagabi. Hindi ko nasabi sayo kasi tulog ka na nang makarating ako,” huminga siya ng mamalim, hindi nagustuhan ang ginawa ko. Patagilid ko siyang niyakap. “‘Wag kang mag-alala, okay na ako. Sinulit ko lang ang tulog ko at saka may biscuit ako sa kwarto, iyon ang almusal ko kanina.”Natawa ako ng kurutin niya ang tagiliran ko. “‘Wag mo ng uulitin yun ,ha? Makatikim ka sa akin. At, diba bilin ko sayo gisingin mo ako kapag-,”“Hindi na po ma ulit, Nay.” “Ikaw talagang bata ka,” konsomesyon na sambit niya.Nilingon ko si nanay na na
Nagitla ako nang hawakan niya ang palad ko, mabilis kong hinila iyon at itonago sa ilalim ng mesa. Baka may biglang pumasok at makita kami na nasa ganong posisyon baka ano pa ang isipin nila."Yanie, tinatanong kita kung iniiwasan mo ba ako?"Tanong niya ulit sa malumanay na tono. "Ano sa tingin mo?" Pagalit na tanong ko sa kanya at ginawaran siya ng masamang tingin.Umalon ang kanyang lalamunan, umayos siya ng tayo at malamlam ang mata na pinakatitigan ako."May ginawa ba ako-,""Marami, at hindi ko gusto."He cleared his throat. "I'm sorry. Hindi ko lang kasi matiis na hindi ka makita."Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?"Kaya, sorry kung palagi akong pumupunta dito para makita ka kahit aware ako na baka mayroong makahalata. "Hindi na nasundan ang pag uusap namin nang pumasok si Amy, kasunod ang mga lalaki. Natigilan pa sila nang makita si Ethan. “Good evening, sir.” magkasabay na bati nila. Tinanguan lang sila ni Ethan pagkatapos bumaling ulit sa akin at bi
"Anong oras ka naka uwi kagabi?” Tanong sa akin ni James, kasamahan ko. “ Nakita kasi kita sa sakayan bandang alas onse. Kakatapos niyo lang ba mag rehearsal no’n?"Napangiwi ako nang akbayan niya ako. "Mga alas dose na yata ako nakasakay. Wala na kasing jeep kapag 10 pm na."“Buti nakasakay ka pa nang ganong oras?”“Nagpa sundo ako sa taga amin.”Ayaw ko na nga sana pumasok kanina kasi subrang pagod talaga ang katawan ko at kulang pa ako sa tulog, kaya lang nanghihinayang ako sa isang araw na absent ko. Isang oras ang rehearsal namin kagabi, alas onse na kami natapos at nagbabakasakali ako na may masasakyan pa ako, pero inabot na ako ng isang oras wala talang sasakyan papuntang Latasa. Buti nalang to the rescue si Benjo.“War kami ni jowa kahapon kaya hindi kita nilapitan kagabi para ihatid, alam mo naman na pinagseselosahn ka no’n,” natatawa na saad niya.“Para ka kasing linta kung makadikit sa akin, para kang walang jowa na selosa.”Mahina niyang tinapik ang ulo ko. “Kung wala lan
Napasinghap ako sa aking isipan. Ang bilis naman niya manghusga. Nakatitig parin siya sa akin at hindi ko matukoy ang emosyon na bumalantay sa kanyang mukha. Naningkit ang mata ko. "Anong pinagsasabi mo?!” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. Naningkit ang mata ko nang magkibit-balikat siya at sumandal sa kanyang upuan. “Malamang busy ako. Trabaho pinunta ko dito, eh," nagkibit-balikat lang siya at walang salita na lumabas sa bibig niya. Mag paliwanag pa sana ako pero para saan? Wala namang rason para magpaliwanag ako sa kanya sa isang bagay na hindi naman totoo. At ano naman ang pakialam niya? Imbis na makipagtalo iniba ko nalang ang usapan."May iutos ka pa ba?” tanong ko. “Kung wala, aalis na ako. "Hindi natuloy ang pagtalikod ko nang magsalita siya. " Meron pa."" Ano?! " pagalit na tanong ko kahit ang totoo ang lakas nang kabog nang puso ko sa kaba nang makitang sumeryoso ang kanyang mukha." Come here,” aniya. “And kiss me. "Umawang ang labi ko. " Ano!? Gago ka ba?!"
“ Night swimming tayo sa sabado sa Sanvali,” suhestiyon ni Amy. “Malapit na ang anniversary ng mall malamang sa malamang puro overtime tayo no’n.”“Oy! Sige ba. Kailan ba ‘yan?” excited na tanong ni Astro."Sa sabado nga. Baklang ‘to hindi nakikinig,” sagot ko.“Eh! Natutulala parin kasi ako sa kagwapuhan ni Sir Jake,” napangiwi ako nang panggigilan niya ang braso ko. “Kaya lang laging seryoso ang mukha at lumalabas siya kapag nandoon na kami maglinis.”“Tatlong araw na yun bad mood,” singit ni Rose na kasama ni Astro na naka assigned doon.Tatlong araw na ang lumpias mula nung nangyaring ang kababalaghan sa office niya. Tatlong araw na rin ako nagtatago sa kanya dahil naaasiwa ako sa ginawa ko. Kaya gustong-gusto niya akong landiin dahil kusang bumibigay ang katawan ko sa kanya.Sa cr na ang area ko, kaya pabor sa akin ang pagkakaton dahil nandoon lang ako sa loob nagtatago kapag tapos na ang gawain ko, lalabas lang ako kapag luch break. Hindi rin ako naglalakad na mag isa lang tuw