Share

Chapter 7

Ilang beses akong napakurap habang pinoproseso parin sa aking isipan ang ginawa ni Ethan. Mariin parin ang kanyang halik sa labi ko na hindi ko magawang tugunan. Para akong naparalesa sa biglaang ginawa niya. Pinagloloko lang pala ako ng tao na 'to. Ibang linis pala ang tinutukoy. Bago pa dumapo sa kung saan ang kanyang kamay, natigil siya sa kanyang maglamusak sa labi ko nang may kumatok.

Naka-awang parin ang labi ko hanggang sa maghiwalay ang labi naming dalawa. He licked his lips. Kinagat niya ang ibabang labi at nakangisi na sinalubong ang tingin ko, para bang nasiyahan siya sa ekspresyon na mayroon ako. Natinag lang ako nang may kumatok ulit sa pinto.

"Sir, the meeting will start in 30 minutes," anunsyo ng kanyang sekretarya sa labas.

"Prepare my things. Aalis tayo in 5 minutes," sagot niya sa akin parin ang tingin.

Napa atras ako ng dumukwang siya ngunit mabilis na pumulupot ang kanyang braso sa baywang ko at hinila ako palapit sa kanya.

"Ano ba!" Nagpupumiglas na singhal ko sa bisig niya.

"You're lips tasted like a honey. Ang tamis."

Nanindig ang balahibo ko. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga dahil ang lapit ng mukha naming dalawa. At ramdàm ko ang matigas niyang katawan na kasing tigas ng mukha niya.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Mahinang singhal ko dahil baka marinig sa labas ang boses ko.

Ngunit kinabig niya pa ako lalo sa kanyang katawan, kulang nalang yakapin niya ako. Napakuyom ng mariin ang kamao ko nang marahan niyang haplusin ang pisngi ko. Gusto kong sumigaw sa inis sa sunod niyang ginawa.

Dinilaan niya ang gilid ng labi ko. Side by side. Nang dumampi sa labi ko ang labi niya, buong lakas ko siyang tinulak.

"Anong akala mo sa akin, buto?! Para kang aso! " Namumula sa inis na singhal ko sa kanya.

"May lipstick na kumalat, nilinis ko lang.”

Napasinghap ako sa sagot niya. Ang sarap niyang hambalosin. Teka. . anong sabi niya lipstick? Tinabig ko siya at nagmadaling pumasok sa banyo, napahawak ako sa labado nang makita na burado na nga lipstick ko. Tangina siya! ANo na ang gagawin ko ngayon? Unang araw niya palang pero ang inis ko sa kanya sukdulan na sa langit. Paano pa kaya sa mga susunod pang araw?

Tinaliman ko siya ng tingin sa labas na patay-malisya sa kahalayan na ginawa niya sa akin. Pa sipol-sipol siyang nag aayos ng mga papeles sa ibabaw ng lamesa niya. HUmigpit ang hawak ko sa gilid ng lababo, nagtitimpi na damputin ang bote ng liquid hand soap at ibato sa kanya.

Nag angat siya nang tingin sa akin at pilyong ngumiti. “You remembered something, my Yanie?”

HIndi ko napigilan ang sarili ko na dampotin ang bote ng hand soap at itinapon sa kanya. “Bwesit ka!”

Nabigla siya sa ginawa ko ngunit tumawa lang rin sa huli. Sayang at hindi siya natamaan. Makaganti man lang sana.

“Gusto mo turuan kita paano maging sharp shooter?” Pang bu-buwesit niya pa sa akin. Sugurin ko sana siya nang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang sekretarya. HUminga ako ng malalim at bumalik sa loob ng banyo upang pahupahin ang inis na naramdaman ko sa kanya.

“Ikaw nalang ang hinihintay nila, Sir.”

Biglang naging seryoso ang kanyang mukha nang kaharap niya ang kanyang sekretarya. Inayos niya ang mga papeles at isinilid iyon sa bag. Hanggang sa makalabas sila hindi na niya ako sinulyapan. BIglang nakikip ang dibdib ko. Ganun lang yun, kapag may ibang tao hindi na ako nag e-exist sa kanya. Kaya wala dapat akong ipangamba dahil siya mismo ang nag iingat na walang maka alam sa kung ano ang ugnayan namin sa isa’t isa. . sa nakalipas na anim na taon.

Nang masiguro na wala na sila, inayos ko ang aking sarili bago lumabas sa kanyang opisina at dumiritso sa canteen. KInuha ko ang lipstick sa aking bag at nag retouch bago bumaba ulit. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman ako masyadong ginawa ngayon.

“Oh! ‘Bat ganyan ang mukha mo? Pinagalitan ka ba?” Salubong na tanong sa akin ni Maam Toneth. Pasalampak akong umupo sa upuan at malakas na bumuntong-hininga. Ano ang isasagot ko? Alangan namang sabihin ko na labi ng CEO ang nilinis ko.

“Gwapo ba si CEO? Binata?” nanginginig ang mata na tanong ni Astro, ang bakla naming kasama. Tumango ako dahil totoo naman na gwapo siya, mahirap na magsinungaling baka sabihin sinisiraan ko ang imahe ng CEO, ma issue pa ako.

“May girlfriend?” tanong niya ulit.

“Aba malay ko.” Wala akong pakialam kung may girlfriend siya o asawa basta ‘wag niya lang gulohin ang buhay ko.

“YUmmy?”

“May muscle?”

“Mala adonis ba ang ka-gwapuhan?”

“Malaki ba ang alaga niya? Bumabakat?”

Sunod-sunod na tanong nilang lahat sa akin. “Ano ba! Malay ko ba dyan sa mga tanong niyo. HIndi ko alam. Paglilinis ang pinunta ko doon hindi ang titigan siya at aralin ang buong katawan niya.”

Tumayo ako at umiwas sa kanila dahil baka mahalata nila ang pamumula ng pisngi ko. Speaking of malaki; biglang uminit ang buong mukha ko nang maalala ang nagyari kanina. Habang magkadikit ang katawan namin kanina ramdam ko ang alaga niya. HIndi ko alam kung tinigasan ba siya kanina o normal lang iyon dahil ramdam ko siya.

“Palit tayo ng area, Lil,” nagmamaka-awa ang boses na sabi ni Astro.

“SUre, walang problema. SAbihan mo si, Miss.”

Mangiyak-ngiyak na naglulupasay si Astro sa sagot ni Maam TOneth. “Hindi pwede. Pwera nalang kung absent or day off ni Lil. Secretary ni CEO ang gumawa ng schedule niyo.”

KUng pwede lang sana baguhin ang schedule namin ginawa ko na. Ayaw ko rin siyang makita, kahit ang makasama kahit saglit ay ayaw ko. Natatakot ako sa maaring gawin niya, mapahamak ako, matanggal pa sa trabaho kapag nagka issue ako sa kanya.

Natapos ang lunch break, snack time, finally 30 minutes nalang at maka uwi na rin ako. IPinagpasalamat ko na wala rito si Ethan at walang nagpapatawag sa akin na pumunta sa office niya para may linisin na naman.

Tinulungan ako ni Ann na maglinis sa mga office kung saan kami nakatuka, nakahinga ako nang maluwag ng makitang walang tao sa office ni Ethan. Nanghinayang pa si Ann dahil hindi niya ito nakita.

“Bye, guys. See you tomorrow.” paalam ko sa kanila. Ang mga kasama ko sa first batch na mga lalaki ay nauna na, ako na lang ang nahuli dahil nagtapon pa ako ng basura sa labas.

Gaya ng kagawian ko tuwing uwian, nagpalit ako ng tsenilas, sinuot ko ang aking jacket at inilugay ang hanggang baywang kong buhok. Pagod na ang katawan ko at gusto ko ng humilata pero lupaypay ang binti ko na humakbang ng mabilis pababa ng hagdan.

Nasa 4th floor ang locker namin at canteen at hagdan lang ang gamit ng mga employee pa akyat sa itaas. Napahinto ako nang makarating sa 3rd floor at hinimas ang binti ko at muling naglakad pababa ulit. Mag-isa lang ako dahil halos lahat ng first batch every department ay naka uwi na.

“Bagay sayo ang buhok mo.”

“Ay! Putek! Bakit ang hilig mong manggulat?!” sikmat ko nang makilala ang pinagmulan ng boses.

Hindi ko siya nakita dahil paliko na iyon at nakasandal siya sa railings ng hagdan. ANong ginagawa ng isang CEO rito? Hindi siya natinag sa kanyang kinatayuan. Nakatingin siya sa akin hanggang sa magpantay kaming dalawa at sumabay siya ng hakbang sa akin. Ayaw kong mag assume na hinintay niya ang paglabas ko pero parang ganun na nga. Kasi kung wala siyang hinihintay kanina pa sana siya umuwi or sana doon siya sa kanyang opisina nagkukulong kasama ang mga papeles niya.

“Kamusta ang-,”

“Hindi maganda,” putol ko agad sa sasabihin niya. “Sinira mo araw ko, eh.”

I heared him chuckle. Lalo akong nainis dahil may hatid na kiliti sa puso ko ang paraan ng pagtawa niya. At ganito pala ang pakiramdam kapag ibang tao ang nangamusta sayo. Na may ibang tao na gustong malaman kung ano ang nagyari sa akin buong araw.

Gusto kong itanong sa kanya kung ano ba talaga ang gusto niya, kung bakit para siyang kabute na sunod nang sunod sa akin. Kung about sa past ang dahilan niya, wala akong iteresado doon. Malaki ang utang na loob ko sa kanya pero ayaw ko nang maging parte ng buhay niya.

Sa loob ng anim na tao, nasa kalahati palang ang pera na naipon ko para doon sa perang ibinigay niya noon sa akin sa operasyon ni nanay. Hindi ko pa iyon mabuo dahil ma iba akong pinag gastosan at hindi parin ito alam ni nanay.

Ang hirap magtago ng sekreto sa taong mahal mo pero kailangan kong gawin dahil ayaw kong sisihin ni nanay ang sarili niya sa ginawa ko. Ayaw kong makarinig ng masakit na salita mula sa kanya dahil sa maling ginawa ko. Ang alam niya lang may taong tumulong sa kanya.

“Hindi ko sinira ang araw mo,” bumaling ako ng tingin sa kanya. Nasa labas na kami ng gusali, sabay paring naglalakad. “Apektado ka lang sa ginawa ko.”

Hindi ko siya sinagot. Yes, I admit. Apektado ako sa klase ng titig niya, sa tamis ng halik niya at sa lintik na mga haplos niya. At hindi ko alam kung hanggang kailan ko iyon mapipigilan. Sa loob ng anim na taon, kahit isang beses lang iyon nangyari sa aming dalawa, kahit isang gabi lang kami nagsama, tinangay niya ang kalahati ng puso ko nang maghiwalay ang landas naming dalawa ng araw na iyon.

Nakakatawa man isipin. Kahibangan man kung tawagin pero minahal ko siya pagkatapos ng araw na iyon at minamahal ko parin siya hanggang ngayon.

Pero hindi pwede. Ang taas niya samantalang ako isang mababang babae lang na walang dignidad sa sarili.

Tumigil ako sa paghakbang at hinarap siya. “Itigil mo na ang laro mo, Ethan, kailangan ko ng trabaho. Ayoko mamawalan ng trabaho dahil lang sa mga ginagawa mo.”

Hindi ko na siya hinintay na sumagot, tinalikuran ko siya at nagmadaling lumakad papuntang sakayan.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Michelle Boragay A
please unlock ... i love to finish this story
goodnovel comment avatar
Liezel Dalipe Hiponia
I like the story so much
goodnovel comment avatar
Aida Gonzales
it's so nice i love to finish it
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status