Share

Chapter Seven: Familiar

"Huwag nalang kaya tayong pumasok sa next class? Gutom pa ako, e. Gusto ko pang kumain!" nakangusong sabi ni Rachel habang iniikot-ikot ang pasta sa tinidor niya. 

Tahimik lang akong nakaupo sa gitna nina Ravah at Dacey habang ang apat ay nasa tapat namin. Pare-pareho silang nagmamadaling kumain habang ako ay ni isa ay wala pang nasusubo. Masiyado akong nalulunod sa mga iniisip ko. 

Anong nangyayari? Paanong narito ako kasama ang mga dating kaibigan ko? Panaginip lang ba ang lahat pero ang totoo ay grade nine student pa rin pala ako? Bakit at papaano?! Damn, gulong gulo na ako! 

Napapikit ako ng mariin. 

Paano kung patay na pala ako at lahat ng 'to ay hindi totoo? Ilusyon ko lang? 

Biglang nanlamig ang buong katawan ko.

Pero kung patay na ako bakit naman mag-iilusyon pa ako? Di'ba dapat deretso langit na? Or kung hindi pinalad dapat nasa impyerno na? Or 'di kaya purgatoryo muna? Or baka naman kaluluwa na ako at gumagala gala lang? Pero kung gagala ako bakit naman bumalik pa sa panahong 'to na nag-aaral pa ako? 

Napasabunot ako sa sarili ko. 

Pakiramdam ko mababaliw na ako!

"Hindi pwede at may recitation pa. Tapos na ako kumain. Bilisan niyo." Mabilis na tumayo si Dacey at tinapon sa trashcan ang kinainan. 

Kung patay na ako at nag-iilusyon lang, bakit parang sobrang totoo naman ng mga nakikita ko? Parang 3D! Oh, tingnan mo si Dacey gumagalaw pa tapos naririnig ko pa yung yapak ng shoes niya?! 

"Hay nako! Heto ang pangit pag may nerdy sa grupo, e!" Busangot ni Rachel bago napatingin sa pagkain kong hindi pa nagagalaw. 

"Ayaw mo ba niyan? Akin nalang ah!" 

Hinayaan ko naman siyang kunin 'yon at lantakan.

Isa pa! Kung kaluluwa lang ako at gumagala gala, bakit nakikita nila ako? Bakit nakaka-usap nila ako? 

"Huy!" Napatalon ako sa gulat nang gulatin ako ni Larra. 

"Tang ina pati ako nagulat!" Hampas sa kaniya ni Kishen na tinawanan niya lang. 

"Ano na, girl? Tulala ka na diyan, ah!" Natatawang sabi ni Jiwel. 

Isa pa 'to! Kung patay na ako or kaluluwa na ako or whatever, bakit nagugulat pa ako? Ramdam na ramdam ko tibok ng puso ko oh? Di'ba dapat wala na akong nararamdaman? Kasi nga patay na ako? Deads na? 

"Hayaan niyo na at baka na star struck pa sa crush niya," natatawang sabi ni Ravah habang kumakain. 

"Kakabalik lang no'n galing Australia di'ba?" Si Dacey naman na kakabalik lang at naka-upo na ulit sa tabi ko.

"Oo nga. Akala ko hindi na 'yon babalik kaya nga umiyak pa 'tong gagang 'to, e!" Pabirong sinabunot ni Rachel ang buhok ko na ikinagulat ko. 

Binitawan na ni Rachel ang buhok ko nang bigla kong hilain pabalik ang kamay niya na ikinagulat nila. 

"A-Ay sorry. Masakit ba?" Medyo kinabahan at nag-aalalang tanong niya. 

Nangunot ang noo ko.

"Masakit," seryosong sagot ko. 

"Oy, bawal mag-away! Bad pwo 'yan," baby talk na sabi ni Larra, nagpapatawa na ginagawa niya lang kapag nararamdaman niyang magkakaroon ng away. 

"S-Sorry na nga, e! Eto naman." Akmang babawiin na niya ang kamay niya nang muli kong hilain iyon at ibinalik sa buhok ko.

"Masakit kaya ulitin mo." 

Pare-pareho silang napanganga. Wala akong pake kung iniisip nila na nababaliw na ako basta ang gusto ko lang ay maramdaman ulit ang sakit ng sabunot ni Rachel.

"Ano? Gagawin mo ba o hindi?" naiinip nang tanong ko. 

"Sabi mo 'yan, huh? Ikaw may sabi niyan," sabi niya. Ganoon nalang ang gulat ko nang malakas na hinila niya ang buhok ko na muntik ko pang ikasubsob sa mesa!

"Oh, sinunod ko lang sinabi mo." Kibit balikat ni Rachel na tila natuwa naman sa ginawa niya. 

Maging ako ay natuwa.

Totoo... Totoong totoo yung sakit! Ramdam ko! Ibig sabihin... Buhay pa ako?! 

"Ang weird mo today," puna ni Jiwel. Natatawa ko naman siyang tiningnan.

"O-Oh my God..." Natatawa akong napatakip sa bibig ko. Sa sobrang pagkatuwa ay nararamdaman ko na naman ang pamamasa ng mata ko. 

"B-Buhay ako... Naramdaman ko! Buhay ako! Buhay ako!" tuwang-tuwa na sabi ko sa kanila habang sila naman ay mga nalulukot ang mukha at takang taka sa kinikilos at sinasabi ko.

"Buhay ka naman talaga shunga," sabi ni Ravah na tumayo na. 

"Sabi sa inyo nagka sayad na e." Natatawa at umiiling-iling na sabi ni Kishen na sumunod na kay Ravah.

"Girl, ano 'yan? Vibes na kayo ni Larra? Hahahaha!" tumatawang sabi ni Jiwel bago tumayo na rin. 

"Luh, sinali na naman ako ng babaitang 'to!" Si Larra na mabilis na sumunod kay Jiwel para hilain ang buhok nito.

"Ano ba 'yan gusto ko pa kumain, eh! Pero sige na nga, hoy! Hintayin niyo kami!" sigaw ni Rachel na nagmadaling itinapon ang hindi pa ubos na pagkain ko sa basurahan.

Nanatili naman akong nakaupo. Hindi makapaniwala. Sa sobrang pagkatuwa ay para na akong baliw dito na tumatawa habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay dahil sa mga nagbabadyang luha.

Buhay ako. Kaya pala parang totoong totoo lahat ng nakikita ko ngayon dahil hindi pa ako patay. Buhay pa ako! Buhay na buhay! 

Natigilan naman ako nang marinig ang maingay na bell. Hudyat na tapos na ang break time.

"Nag bell na. Tara na." 

Napatingin naman ako kay Dacey na nasa tabi ko pa rin pala at hinihintay ako. Hindi pa ako nakakaahon sa pagkatuwa ay namamangha na naman ako. Mabilis kong niyakap ang braso ni Dacey na ikinagulat niya. 

Masaya akong tumango. "Tara na!" 

Tinitigan pa niya ako saglit, nagtataka bago bumuntong-hininga at tumayo na. 

Gaya ng inaasahan ay napagalitan kami dahil late na kami. Ang mga kaibigan ko ay pare-parehong nakayuko at busangot ang mukha habang pumupunta sa mga upuan namin habang ako ay tuwang tuwa pa dahil pagkatapos ng ilang taon, naranasan ko na naman ang mapagalitan ng teacher. 

Kung ako ang papipiliin mas gugustuhin ko pang araw-araw ako pagalitan ng teacher dahil late sa subject kaysa pagalitan araw-araw ng boss sa trabaho dahil sa paulit-ulit na palpak sa gawain. Buti sana kung pagagalitan ka lang pero hindi, e. Kung hindi ka pinapahiya, sinasaktan ka naman! Hindi gaya ng teacher. Kaunting sermon lang matatanggap mo at nasa sa'yo na kung makakaramdam ka ng hiya. 

Buong klase ay para lang akong nakalutang. Nakikinig pero ni isang lesson ay wala akong naintindihan. Mabuti na nga lang ay hindi ako umabot sa recitation kanina dahil nag bell na at dumating na agad ang next subject. Pero gaya kanina ay nakikinig lang ako pero walang naiintindihan.

Nakanguso ako habang tahimik na pinaglalaruan sa kamay ang ballpen ko na may cute na bear pa sa tuktok.

Bumuntong-hininga ako. 

Kahit anong pilit kong isipin ay hindi ko maintindihan. 

Kung buhay pa ako bakit naman ako nandito? Bakit bigla ulit ako naging highschool? Ibig sabihin ba hindi totoong nangyari ang lahat ng nangyari sa hinaharap? 

Napasabunot ako sa sarili ko.

Imposible! Pero wait! Anong year na ba ngayon? Kung hindi ako nagkakamali...

Napatingin ako sa banner ng year ngayon na nasa taas ng black board. 

2011. 

So, nasa year 2011 ako ngayon? Eleven years mula sa hinaharap?Pero bakit? Papaano? 

Mahina kong inuntog-untog ang noo sa desk ko nang mag sunod-sunod na naman ang mga tanong sa utak ko. 

Kaunti nalang talaga mababaliw na ako! 

"Hay sa wakas! Uwian!" sambit ni Rachel habang nag-uunat pagkalabas namin ng classroom. 

Uwian na pero ni isa sa mga subject na nag lesson ay walang pumasok sa utak ko. Okyupado ng mga tanong ko ang isipan ko. 

Totoong natutuwa ako dahil buhay ako pero... buhay nga ba talaga ako? Paano kung patay na talaga ako at pinagbigyan lang ako ng Itaas na makasama ang mga kaibigan ko bago man lang ako tumuloy sa kabilang buhay? 

Natigilan ako at nakaramdam ng panlalamig dahil sa isipang 'yon. Muli kong naalala ang gabing 'yon. Malaking truck ang sumagasa sa akin. Naghahabol ako ng hininga at hindi na makagalaw. Ramdam ko pa ang sakit nang pagbagsak ko sa daan pati na rin ang mga dugo na lumalabas sa ulo ko. 

Nung gabing 'yon sigurado na ako... na mamamatay na ako. 

Pero ngayon.... bigla nalang... sa hindi ko inaasahan...

Tulala kong pinagmasdan ang anim na kaibigan na unti-unti nang lumalayo sa akin. Sa hindi maipaliwanag ay sumikip ang d****b ko. Nakaramdam ako ng pamilyar na sakit habang pinapanood silang papalayo sa akin.

Biglang may pumasok na alaala sa isipan ko. Alaala noong araw na nangyari ang araw na pinagsisihan ko ng sampung taon. Kung saan nagsimula ang lahat ng kamalasan ko. 

Ako na umiiyak sa hallway habang pinagbubulungan ng mga estudyante na nakapalibot sa akin. Kinukutya, galit at sinisisi sa naging kamatayan ng kamag-aral na madalas kong awayin at paglaruan. 

I'm crying so hard while my six friends are just looking at me, sad, angry and dissapointed. Habang pilit pinapaliwanag ang sarili ay sabay-sabay nila akong tinalikuran at ayon ang araw na lumayo sila at tuluyan na akong nag-iisa. 

"Leanne! Ayaw mo pa bang umuwi? Sige ka, iwan ka namin!" 

Nagising ako sa reyalidad nang marinig ang tawag nila. Lahat sila ngayon ay nakalingon na sa akin at hinihintay ako. Hindi pa umaalis dahil wala pa ako. 

Napalunok ako bago napailing at tinanggal na sa isipan ang alaalang iyon. Napangiti ako bago akmang lalapitan na sila nang biglang may dumaan sa harap ko dahilan ng muntik ko nang pagbagsak. Mabuti nalang ay napaatras lang ako habang siya naman ang bumagsak.

Kunot-noo kong pinagmasdan ang babaeng nakahati ang buhok at nakatirintas. Maputi at may malaking salamin. Nanginginig niyang dinadampot ang mga notebook na natapon niya. 

Inayos ko ang palda ko at nag-iskwat upang tulungan siya sa pagdampot pero ganoon nalang ang gulat ko nang tumili ito at tila natatakot na iniharang ang magkakrus niyang braso sa harap ng mukha. 

"S-Sorry h-hindi ko si-si-sinasadya! H-huwag po!" Nanginginig at umiiyak na sigaw nito.

"What are you talking about? Tutulu–"

"Hoy fucking nerd!" Natigilan ako nang makitang nakalapit na ang mga kaibigan. 

"Kishen!" sigaw ko nang sipain niya ang babae.

"Hindi ka pa talaga nadadala, ano?" Taas kilay at nakangising tanong niya sa babae. 

Bahagya namang hinila ni Rachel ang buhok nito. 

"Tara sama ka sa'min," nakangiti at malambing na sabi ni Rachel.

Mabilis na umiling-iling ang babae. "H-Huwag po! A-Ayaw ko po! A-Ayaw ko p-po!" 

"Girl, hayaan mo na nga 'yan. Bukas nalang 'yan baka nand'yan na sundo ko." Si Jiwel na nakahalukipkip at tila nababagot. 

"Ay oops!" Nanlaki ang mga mata ko nang dinampot ni Larra ang mga notebook at sunod-sunod na itinapon 'yon sa ulo ng babae. 

"P-Please! T-Tama na po! H-Hindi... Hindi ko s-sinasadya..." 

Kunot-noo at nanlalaki ang mata ko habang pinagmamasdan ang ginagawa ng mga kaibigan sa kawawang babae. Napatingin ako sa paligid at nakita ang mga estudyanteng pumapalibot na sa amin at nakiki-usyoso sa nangyayari. 

"Oh kayo? Hindi pa kayo uuwi? Baka gusto niyong..." Bago pa ituloy ni Ravah ang sasabihin niya ay mabilis na nagsi-alisan ang mga students sa paligid at nagmamadaling bumaba ng floor. 

Napapikit ako ng mariin. 

Papaanong nakalimutan ko na ganito nga pala ang mga kaibigan ko noon? Na ganito nga pala kami noon? 

"Girls." 

Lahat sila ay napatingin sa akin nang magsalita ako. Buntong hininga kong inalis ang kamay ni Rachel na nasa buhok ng babae. Bahagya kong tinulak si Kishen na kanina lang ay sinisipa-sipa ang babae. Habang sina Larra, Jiwel at Ravah naman ay kusang lumayo nang makitang yumuko ako at isa-isang pinulot ang mga notebook.

Napatingin ako kay Dacey na kanina lang ay tahimik lang na nanonood sa amin. Yumuko rin ito at tinulungan akong pulutin ang mga notebook. 

Tama. Sa aming pito si Dacey ang against sa mga ganitong ginagawa namin noon. Para siyang nag-iisang anghel sa anim na demonyita. 

"What the hell are you doing, Leanne?" iritadong tanong ni Rachel habang pinupulot ko ang mga notebook. 

Sinamaan ko siya ng tingin na kina-atras niya bago ako buntong-hininga na tumingin sa umiiyak na babaeng kaharap. Inilapag ko lang ang mga notebook niya sa harapan niya na ginaya rin ni Dacey. 

"I-I'm s-sorry–"

"Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko," putol ko sa kaniya.

Kabado siyang lumunok bago nagmadaling kinuha ang mga notebook niya tsaka nanginginig na tumayo. Nakailang dapa pa ito bago tuluyang makababa sa hagdan at mawala na sa paningin namin. 

Naningkit ang mata ko bago bumuntong-hininga. "Familiar..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status