Share

Chapter Eighty-Three: Traitor

Leanne's Point Of View

Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito.

Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid.

Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila.

Na... Nasa'n ako?

"Gising ka na."

Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki

praluemn

Hi, my readers! Our story is about to end. Please leave a comment and vote if you enjoy this chapter! It would help to promote Panther's story and I would really appreciate it. Thank you so much!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status