Share

Chapter Eighty-Nine: White Gazebo

"Ayos ka lang?"

Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.

Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."

Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti.

"Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.

Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.

Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status