Share

KABANATA 4

“Are you sure about this, Jade? You know what Dad will do to you once he found out about this!”  hindi mapakali si Josh habang nililibot ang tingin sa buong parking lot.

Nakagat ni Jade ang kanyang labi at saka siya mariing napapikit. Nahilot niya pa ang kanyang sentido habang nalilito rin kung itutuloy pa ang kanilang plano. Nandito sila ngayon sa parking lot ng kanyang campus at katatapos lang ng klase niya.

She was supposed to meet Jermaine today because she couldn’t find a way yesterday, not after what happened with her and her family. Nang makauwi sila kahapon ay hindi na sila nag-usap pa. She went back to her room immediately while his father went to his office, too. Wala na siyang alam kung anong ginawa ng daddy niya dahil sobrang pre-occupied na niya sa mga nangyari.

Hanggang kaninang umaga nga ay parang wala siya sa wisyo. Ni hindi niya nga alam kung paano niyana-survive ang buong araw at kung paano naman niya lalampasan itong gagawin nila ng Ahia Josh niya.

Kinagat niya ang labi at saka lumunok. “Ahia, please? Wala na akong ibang time na makipagkita pa kay Ahia Jermaine, please? You’re my hope. And don’t you even want to see him?”

Hindi nakasagot si Josh sa kanya. Agad itong napaiwas ng tingin at napahilamos sa mukha. Mas dumiin ang kagat ni Jade sa kanyang labi.

“Damn it, Jade, Dad’s going to kill us! Plus the fact that angkong is in the house!” hysterical na sambit ng kuya niya, hindi na rin alam kung anong gagawin.

“Please, ahia, please! I need to see Ahia Jermaine! I need to speak with him please…” pumiyok ang kanyang boses. Napakurap-kurap pa siya nang maramdaman ang maiinit na luhang bumabagsak sa kanyang pisngi. Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang kanyang sarili. Napalunok siya at saka tiningnan ang kanyang ahia.

Nakaawang ang labi ni Josh, habag na habag na nakatitig sa kanilang bunso. Mariing napapikit ito at napahilot na lang sa sentido.

Jade clasped her hands together. “Please, ahia, please…” pakiusap niya rito.

Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanila. Sa huli ay bumuga ng hininga ang kanyang ahia at tiningnan siya. Suminghot si Jade at sinalubong ang tingin ng kanyang kuya.

“Fine, but you have to make this fast. Okay?”

Bahagyang nagliwanag ang mukha ni Jade. Niyakap niya ang kanyang kuya. Tinapik siya nito at agad na kumalas sa yakap. “We better go. Come on,” sambit nito at mabilis iyang pinasakay sa kotse nito.

Tumango-tanog siya at agad ding tumalima. Nang makapasok siya sa front seat ay mabilis ding umikot ang kanyang kuya at pinaandar na ang sasakyan. Sobrang traffic sa high way at ang lugar na pinili ng Ahia Jermaine niya para kitain siya ay medyo secluded kaya medyo natagalan silang makarating. Kitang-kita niya ang malalaking butil ng pawis sa leeg ng kanyang kuya habang nagdadahilan sa Daddy nila nang tumawag ito. They were running excuses already, but she just can’t give this up already. Who knows kung kalian pa ulit sila magkikita ng ahia niya.

“Yes, yes, Dad. We will. I just want to take Jade out for a bonding. She’s stressed with all that happened.” Tumingin ang kanyang kuya sa kanya. Huminga siya nang malalim at saka tumango rito. Bumuntong-hininga ang ahia niya at saka bumalik sa kausap sa cell phone.

Naisandal na lang ni Jade ang kanyang ulo sa head rest ng upuan. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin sila sa café na sinabi ni Jermaine. It was just right outside the city. Pagka-park na pagka-park ni Josh ay mabilis na bumaba si Jade at dumiretso sa café. Hinanap agad ng mata niya ang kapatid sa buong café. Maliit lang naman kasi iyong café. Kitang-kita mula sa kinatatayuan niya ang mga nasa itaas na bahagi.

“Hey, looking for someone?” ‘

Nahinto siya sa pagmamasid nang marinig iyon. Nanuyo ang kanyang lalamunan at marahang lumingon sa nagsalita.

Bumungad sa kanya ang isang lalaking naka-sweatpants at naka sweat-shirt. Mahaba na ang kulot at itim na buhok nito. Nakapamulsa ito sa kanya at nakangiti. Nanlaki ang mga mata ni Jade at napasinghap. Napatakip pa siya sa kanyang bibig.

“Oh my gosh…a-ahia!”

Mabilis na tumakbo siya rito at yumakap dito.

“Ahia!” she cried and buried her face on his shoulder. Hindi na niya napigilan ang paghagulgol sa balikat nito.

Naramdaman niya ang pagyakap nito nang mahigpit. “Oh, shobe…” Narinig niyang sabi nito at hinalikan ang kanyang ulo. Mas lalo lang siyang napahagulgol.

“What a reunion,” Josh said. She parted from the hug and looked to her older brother who was standing behind her.

Nakahalukipkip si Josh na pinagmamasdan ang dalawang kapatid. Tipid na ngumiti ito sa kanya.

“Hey, Ahia. Long time no see,” bati pa ni Jermaine at kinawayan ang kanilang kapatid.

Lumapit si Josh sa kanila. Nakita pa ni Jade na tinapik nito ang balikat ni Jermaine. Napalunok siya at saka pinahid ang kanyang maga luha.

“I miss this,” mahinang sambit niya bago niyakap ang dalawa.

“Hmm can’t argue with that,” Jermain chuckled and hugged both of them, too.

Napapikit na lang si Jade habang dinadama ang moment na iyon. It took them how many seconds before they finally settled down one table.

Hindi mawala-wala ang ngiti ni Jade habang iniinom ang kanyang in-order na frappe. Just seeing both of her brothers together again. Hindi niya ma-explain ang saying nararamdaman habang nakatitig lang sa kanyang mga kapatid.

“So, what? Are we just going to stare at each other until your deadline?” Jermaine broke the silence.

Jade pouted and sipped on her frappe again. Josh sighed and Jermaine turned to her.

“So? What is it this time, huh?” tanong pa nito na para bang alam na alam ng may problema.

Nakagat niya ang kanyang labi at saka napabuntong-hininga na lang. Nagkatinginan pa sila ni Josh pero agad na nag-iwas ng tingin ang kanyang kuya sa kanya. Mas tumulis ang kanyang nguso. Naalala niya na naman ang dahilan kung bakit sila nandito ngayon. Ang kaninang kasiyahan na kanyang naramdaman ay agad na naglaho.

Marahang inilapag niya ang kanyang frappe sa lamesa at binalingan ang kanyang Ahia Jermaine. Kunot ang noonitong nakatingin sa kanya.

“What, Jade?” tanong nito.

Huminga nang malalim si Jade para humugot ng lakas ng loob. “Kuya…Dad’s…” she stopped. She couldn’t even continue it. Parang naninikip na naman ang kanyang dibdib at naluluha na naman siya.

“Father’s marrying her off to the son of the Ongs,” it was her Kuya Josh who finished her sentence for her.

Napapikit na lang si Jade.

“What?” mariing sambit ni Jermaine. Napatingin siya sa kapatid. She saw how pissed off Jermaine was. Hindi makapaniwalang napatingin ito sa kapatid nila. “The fuck, ahia? He’ll do to Jade what he did to me! What the fuck is he thinking?!”

Napaigtad si Jade nang biglang hinampas ni Jermaine ang lamesa. Napalunok siya. Hinawakan niya ang kamay ni Jermaine para pakalmahin ito. He was panting in anger, and it hurts Jade more.

“Jermaine, calm down,” subok ng Ahia Josh niya na pakalmahin ito.

“Hindi, Ahia! This is too much! He did that to me already! He did it to you! Now, Jade?! Why can’t he just spare our little sister?!” Mas lalong napapikit si Jade nang marinig ang sigaw ni Jermaine.

“Jermaine, shut the fuck up!” pigil na pigil na sambit ni Josh sa kapatid. Napadilat si Jade at napatingin sa kanilang nakatatandang kapatid. Inilibot pa nito ang tingin sa buong paligid bago nanlilisik na binalingan si Jermaine. “You think I want this?!” mariin at gigil na sambit nito. “You think I want Jade to end up like us?! Like me, who’s miserable in my marriage and who’s like you who’s now in a run?! No! That’s the last thing that I would want for Jade! But really, what can we do, huh? What?”

Hindi sila nakapagsalita. Maging si Jermaine ay hindi nasagot ang kanyang kuya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ng kanyang Ahia Jermaine. Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hininga nito.

“Then why did you tell me then? Bakit kayo nakipagkita sa akin ngayon kung wala naman pala kayong gagawin?” malamig na sambit nito.

Jade took a deep breath and looked at her brother. “I just want to see you…I-I want to hug you like before. I want you to be with me in this, ahia,” mangiyak-ngiyak na sabi niya, hindi na napigilan ang mga luhang bumagsak sa kanyang mata.

Napasinghap si Jermaine at mabilis siyang niyakap. “Oh, shobe…”

Mariing siyang pumikit at muling ibinaon ang mukha sa balikat ng kanyang kuya. Huminga siya nang malalim at dinama lang ang mainit na yakap ng kanyang kuya. He missed him so much. He missed him comforting her. Sa mga ganitong pagkakataon, ang Ahia Jermaine niya lang talaga ang nakakapagpakalma sa kanya. Kahit na alam niyang wala ng pag-asa at hindi talaga okay ang lahat, pakiramdam niya kakayanin niya at magiging maayos din ang lahat dahil sa yakap ng kanyang kuya.

“I-I miss you, Ahia…”

“I miss you, too…but you don’t have to do this…”

Kumalas siya rito at tinitigan ang kuya niya sa mata. “Anong gagawin ko ngayon?” naguguluhang sambit niya.

Jermaine just looked at her, too. He sighed frustratedly. Malungkot itong ngumiti sa kanya. “If only I could take you with me, Jade. If only I could…b-but I don’t want you to end up like me.” Umiling ito sa kanya.

Napabuga na lang ng hininga si Josh.

“Don’t worry, once I take over, I’ll make sure this will never happen again,” Josh said. Pareho silang napatingin sa nakatatandang kapatid.

Jermaine just shook his head. “When, Ahia? It’s been two years since you married Stacey Chua, daughter of one of the wealthiest family in the country, yet, Dad hasn’t stepped down for you to take over,” mapait na sabi nito.

Napayuko si Jade. Hindi lang naman kasi siya ang nakakaramdamng hopelessness. The three of them are all hopeless that they will be able to mandate their lives again. Her and Josh are still within her father’s grasp, while Jermaine may have had his freedom, he was still not in a good shape. Her father made sure that he won’t be. Parang nakakulong lang din ito sa impluwensya ng ama nila. She actually doesn’t know what to do now. Wala rin naman siyang choice kung tutuusin. She just really needed her brother.

‘Ang hirap naman ng ganito. Why did we even have to be in this place anyway?’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status