Share

KABANATA 3

‘Oh my gosh! Iyan ba iyong boyfriend ni Mesty kanina?!’ 

Hindi makapaniwalang napatitig si Jade sa lalaking dumating. Palipat-lipat ang mga tingin niya lalo pa noong tumayo ang mag-asawang Ong para salubungin ang lalaki. 

“Jared, hijo,” ani ng babaeng Ong. 

“Hi, Mom.” B****o iyong Jared sa ina.

Mas lalong nalaglag ang panga ni Jade. Napakurap-kurap pa siya habang nakatitig sa mga ito. 

‘Mesty’s boyfriend is our family friend?’

She still couldn’t digest the thought. Then she remembered why the guy was familiar. Kamukha ito ni Mr. Ong na nakilala niya kagabi! 

‘Oh my, kaya naman pala!’

“And this is my daughter, Jade, Jared.” Nabalik lang siya sa wisyo nang lumapit ang ama sa kanya at itinuro siya. Mabilis na inayos niya ang pagkakatayo at tipid na ngumiti. She was preoccupied by her discovery to the point na hindi na niya napansin na nag-iintroduce na pala ng mga sarili. 

“N-Nice to meet you,” natatarantang sabi niya pa at inabot ang kamay sa lalaki. Tumango naman ito at simpleng tinanggap ang kanyang kamay. 

Mabilis niya rin naman itong binawi. Pagkatapos noon ay bumalik na sila sa kani-kanilang mga upuan. Magkatapat sila ni Jared. Hindi siya masyadong nag-aangat ng tingin kasi na-a-awkward siya sa lalaki. Hindi pa rin kasi siya makapaniwalang ang boyfriend ng kanilang campus queen bee ay family friend nila. What a coincidence!

“So, what are we here for again? I’m sorry, I have so many things to do for the company,” sumingit si Jared sa gitna ng usapan ng mga matatanda.

Napaangat ng tingin si Jade at bahagyang namangha pa kung paano nagsalita ang lalaki. Sobrang confident nito na tila ba wala itong kinatatakutan. Agad tuloy siyang napalingon sa kanyang ama. Nakita niyang nagkatinginan ito at ang papa ni Jared. Bakas sa mukha ng ama niya ang multo ng isang ngisi na tila ba na-impress ito sa pinakita ni Jared.

Nang tingnan niya ang kanyang ahia ay wala itng imik at nakatuon lang sa pagkain. Napatungo na rin tuloy siya at ipinokus na alng ang tingin sa kanyang plato. Her father likes alpha males. Pakiramdam nito ay nakakahanap ito ng katapat at kaibigan sa mga ganoong klaseng lalaki. Whenever he finds one, he always welcomes him to the group. Considered as potential partner na agad pag ganoon.

Aside from the status, her father looks into attitude. Dapat business minded, lamang ang utak kaysa puso. From the looks of it, mukhang ganoon ang anak ng mga Ong. Kaya hinfi na siya magtataka pa kung one of these days, after ng meeting na ito ay kasama na si Jared sa circle ng ama niya.

She heard her father chuckle which made her stop from chewing. She sighed. She knew it. Alam na niya pag ganoon ang reaksyon ng ama ay alam ng magugustuhan nito ang lalaki.

“Oh well, I like that attitude, hijo, very perfect for a businessman. Business nga naman talaga ang uunahin, hindi ba?” sambit pa ng ama niya.

Nagtanguan ang ama ni Jared habang si Jared ay wala lang naman. Hindi na rin niya sana papansinin ang mga ito nang biglang magsalita ang kanyang ama.

“Well, I would need that kind of mindset in business once our companies would merge.”

Nangunot ang noo ni Jade at saka nagkaroon ng interes sa pinag-uusapan. Mukhang hindi lang siya ang nagkainteres din doon dahil maging ang kuya at mama niya ay agad ding napaangat ng tingin. There was something in her father’s smile and the way he looks at the One patriarch.

“Merging, Dad?” ang kuya niya na ang nagtanong. All eyes were on her Dad already. Maski si Jared na walang pakialam noong una ay nasa ama na rin niya ang atensyon.

Bumuntong-hininga ang kanyang ama at tila humuhugot pa ng hininga.

“Well, the Ong industries and the Sy Corporation is planning a merging for a new business venture after the wedding of the Jade and Jared, of course.”

Nagpanting ang tenga ni Jade at gulat na gulat na napatingin sa kanyang Daddy. “Ano po?” gulat na tanong niya, hindi makapaniwala sa sinabi ng ama.

“What bullshit is this?” Jared’s cold and harsh voice echoed in the whole room.

Nanginig ang buong kalamnan ni Jade at ni hindi alam kung paano haharap sa mga bisita nila. She didn’t know what to say!

“Well, as I’ve said, your father and I agreed to this already, hijo. And I’m so glad that I will have someone as dedicated as you in the family soon.” She heard her father said as if everything was just normal and casual.

Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Jade at hindi niya pa rin alam kung paano siya titingin man lang sa kanilang mga kasama. She’s being married off! And she wasn’t even consulted before this meeting!

“Wait, what the hell? What the hell is this man talking about, Dad?”

Narinig niya ang tila paggalaw ng mga upuan sa kanilang lamesa. Umalingawngaw na rin ang malakas na boses ni Jared at ramdam na ramdam niya ang galit at inis sa boses nito. Napalunok siya at saka naglakas ng loob na mag- angat ng tingin.

Doon niya nakasalubong ang mga mata nila ni Jared. Binalot siya ng takot nang makita ang nanlilisik na mga mata nito.

“Pasensya na,kumpare, I need to talk with my son first,” Mr. Ong needed to interfere already. Nagsitayuan na rin ang ina niya at ang in ani Jared. “Jared come on –“

“No! The fuck! Get off me!”

Muntik na siyang mapatalon sa kanyang kinatatayuan nang sumigaw si Jared.

“Jared!” Mrs. Ong frantically said.

Napaawang ang bibig ni Jade habang nakatingin sa pamilyang nag-aaway sa kanilang harapan. Her dad, on the other hand, was just sitting there and he even seems to enjoy what he was watching.

She couldn’t believe that her father was actually enjoying it! Gusto niyang tumayo at sabihan ang ama niya pero syemrpe hindi niya iyon magawa.

“The fuck, Dad! What the hell is this! I am not going to be some exchange fucking gift! And I’m not going to be involved in a company whose chairman is rotting!” Marahas na bumaling si Jared sa kanyang ama.

Kaagad na nawala ang ngiti sa mukha ng kanyang ama. She immediately the irritation on the face of her dad. Tumayo ito at inayos ang suot na coat.

“Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, Jared Ong.” Tumikhim ito at humalukipkip. “Fix your son, Ong. You will regret if you’ll let this pass,” dagdag pa nito at umalis na roon. Nataranta pa si Jade at kung hindi pa siya hinila ng kuya niya ay hindi siya makakagalaw sa kinalalagyan. Napalunok siya at bago pa man makaalis doon ay nagtama ang mga mata nila ni Jared. She was about to mouth an apology, but he already rolled his eyes on her.

Napasinghap siya habang palabas sila ng restaurant.

“Go now, shobe,” anang ahia niya at pinauna siya sa loob ng sasakyan. Napalunok ulit siya at napasandal na lang sa backrest ng upuan. Tumabi na rin sa kanyan ang kanyang ahia.

Napaigtad pa siya nang maramdaman ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Huminga siya nang malalim at kinuha iyon.

From: Ahia Jermaine

Let’s meet, then, shobe. I’ll tell you the details.

Napatanga siya sa kanyang nakita at napapikit na lang siya nang mariin bago isinandal ang kanyang ulo sa headrest.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status