Share

Kabanata V

                                                                               ~*~

DISMAYADO si Elise nang magising siya kinaumagahan. Hindi nagpakita sa kanyang panaghinip ang lalaki. 

" Shit! Anong ginagawa ko?"

Parang nais niyang iumpog ang ulo sa salamin na nasa kanyang harap. Bakit hinahanap niya ang misteryosong lalaking iyon sa kanyang panaginip? Nababaliw na ba siya ng tuluyan? At ngayon heto siya, dismayado dahil hindi man lang lumitaw ang lokong iyon. Sinipat-sipat niya din sa salamin ang bahagi ng kanyang leeg na hinalikan nito kagabi at hinaplos iyon. 

Bakit parang totoo ang lahat? 

Ang init ng labi nito sa kanyang labi.

Ang paraan ng paghagod nito sa kanyang balat. 

" Hindi na to tama, Elise," saway niya sa sarili. "Panaginip lang iyon at at wala nang iba."

Bago pa man mawala ang kanyang katinuan nang umagang iyon ay pumasok na siya sa isa sa mga bakanteng cubicle sa shower room. Pinihit niya ang shower at nagsimulang bumuhos sa kanyang katawan ang malamig na tubig. Ang lamig na dulot niyon sa kanyang balat ay nagpabalik sa kanyang katinuan. Mabuti na lang ang wala ibang estudyante ang naroon. Malamang kung mayroon man ay mapagkakamalan lang siyang nababaliw. 

Hanggang sa panaghinip niya lang ang lalaking iyon. Wala itong anumang koneksyon sa kanyang reyalidad.  

Pagkalabas niya ay dumeretso siya sa kwarto nila ni Agatha. Nakahilata pa ito sa kama. Mukhang napagod talaga ito noong nakaraang gabi. Pagod din naman siya pero kailangan niyang pumasok. Isinuot niya ang kanyang damit sa araw na iyon. Pinili niya ang isang simpleng high waisted jeans at isang simpleng puting t-shirt at paboritong sneakers. Pinaibabawan nya iyon ng kanilang varsity jacket. Bago lumabas ay binigyan niya ng huling titig ang natutulog na si Agatha. Mamayang alas- 10 pa ang klase nito habang siya ay 8.

Napaka-unfair talaga ng mundo, naisip niya saka isinara ang pinto.

Dumeretso siya sa karinderya para mag-umagahan. Uupo na sana siya sa paborito nilang pwesto ni Jules nang makita niyang may nakaupo na pala doon. Syempre walang iba kundi ang dati nobyo at ang bago nitong kalandian. Sumimangot siya at naghanap ng ibang pwesto. Nakahanap naman siya kaso kailangan niyang makitabi sa isang lalaki. 

" Excuse me, may nakaupo na ba dito?" tanong nya rito. Tumingala sa kanya ang lalaking may makapal na salamin. 

" Wala.," anito at hindi man lang siya tinapunan ng tingin dahil nakadikit ang mga mata nito sa hawak na cellphone. Inilapag niya ang kanyang tray sa mesa at nagsimulang kumain. May  45 na minuto pa sya bago magsimula ang una niyang klase. Tahimik siyang kumakin at panaka-nakang na sinisipat ang pwesto nila Jules. May pagka masokista siya siguro. Napailing na lang siya sa sarili. 

                                                                                    ~*~

MINOR subject ang una niyang klase. Halo-halo ang mga kaklase niya kaya naman hindi na siya nagtaka pa nang makitang sinusundan siya ng malas. Blockmate niya si Sherry. Ramdam niya din ang mga makabuluhang tinging itinatapon sa kanya nito at ng mga kaibigan nito. Ipinagsawalang bahala niya lang iyon at isa-isang binalikan ang nangyari noong nakaraang gabi. Mabuti na lang at wala namang ipinakulong sa party. Binigyan lang warning ang mga nahuli at syempre, mapuno din ang kanilang mga taenga sa walang janggang sermon ng kanilang chancellor. Medyo na-guilty din naman siya. Pero hindi lang naman siya ang nag-iisang hindi nahuli kaya okay lang. Marami  din namang mga estudyante ang mabilis na nakatakbo. 

"Okay clas settle down. Mag-uumpisa na tayo," bungad ng kanilang guro na si Mrs. Gomez.

Malaki na ang umbok ng  tyan nito kumpara noong nakaraang semestre.

" So how was your break? I heard some of your had a blast last night."

Binigyan sila nito ng makabuluhang ngiti.Napahagikhik naman ang ilan sa kanyang mga kaklase. Ngunit ipinagsawalag bahala niya iyon at binalikan ang panaginip niya noong nakaraan. Posible kaya iyon? Bakit nagpapakita sa kanya ang lalaking iyon at paanong parang totoo ang lahat? 

" Elise, are you with us?"

Muntik na siyang mahulog sa kanyang kinauupuan nang tawagin siya ni Mrs. Gomez.

" Y-yes,ma'am?" 

Gusto niyang sapukin ang sarili. Nagsitawanan naman ang kanyang mga kaklase.

Nakakahiya.

"I was just checking up on you. Mukha kasing wala ka sa sarili."

" Ok lang po ako, ma'am."

" Looks like someone had a blast last night. "

Nagsitawan ang mga kaklase niya. Napayuko si Elise at naihiling na lamang  na bumuka ang lupa sa kinauupuan niya. 

" So anyway, next next week I won't be around kasi kabwanan ko na," hinaplos-haplos nito ang nakaumbok na tyan. 

" Mami-miss ka namin ma'am," sigaw ng isang kaklase niya.

" Che,siguradong  makakalimutan nyo na ko kapag dumating yung bagong professor nyo," biro nito.

" Maganda ba  ma'am?" pilyong tanong ng lalaking kaklase niya. 

" O gwapo?" syempre hindi naman nagpahuli ang kaklase niyang mga bakla at babae.

" Hmmmm...secret. Pero sigurado akong magugustuhan nyo siya."

Nang matapos ang kanyang unang klase ay dumeretso siya agad sa cafeteria upang makipagkita sa kanyang mga kaibigan. Halos hindi magkamayaw na namn ang mga estudyante. May kahabaan din ang pila sa counter. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag at binuksan ang chat niya. Nakita niya ang mensahe ni  Agatha.

Andito na kami. Sa usual spot.

Otomatikong napatingin siya sa  pinakahulihang table malapit sa exit. Kinawayan siya ni Frances. Sinenyasan niya itong kukuha lang siya ng pagkain. Inabot lamang siya ng sampung minuto sa pagpila at pagkuha ng kanyang pagkain. Dala ang kanyag tray, ay tinungo niya ang pwesto ng mga kaibigan. Naupos siya sa harap ng mga ito.

" Para isang kisap lang talaga ang bakasyon natin," pahayag ni Agatha habang ngumunguya.

"Sinabi mo pa. Ugh, hanggang ngayon masakit pa rin ang ulo ko," ani ni Frances. Halatang  may hang over pa ito hanggang ngayon.

" Elise, hindi ba sumasakit ang ulo mo ?"

Umiling siya kay Agatha.

" Buti ka pa. Parang gusto ko na nga lang bumalik ng dorm at matulog pa."

" Truth. Gusto ko nga ring e-ditch ang klase ni Sir Ramirez. Wala naman akong natutunan sa kanya. Puro bukambibig niya buhay niya e. "

" Sinabi mo pa . Nung last sem  binigyan niya nga ako ng 2.5 . Like what the fuck? Puro reporting lang naman pinagagawa niya."

Tahimik lang na nakikinig si Elise sa lintaya ng mga kaibigan niya. Bigla na lang kasing pumasok sa isipan niya ang kakaibang kilos ng lalaki sa kanyang panaghinip. Umaakto itong parang nagkita na sila dati. Bakit kaya? Hindi kaya ay totoo ito?

Syempre kung di ba naman siya baliw, hindi niya maiisip iyon.

" Elise, uy? Humihinga ka pa ba?" si Agatha. Ang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Isang maliit na singhap ang kumawala sa kanyang bibig.

" Bakit parang ang dali mong mabigla mo lately, Elise? May problema ba?" pag-aalala sa kanya ni Frances.

" Huh, wala. May iniisip lang ako."

" Si Jules no?'

" Hindi ah. Siya lang ba ang dapat kong isipin?"

Binigyan siya ni Agatha ng nang-iinis na tingin," Sure ?"

" Oo nga sabi."

" Kung ganoon, ano ang laman ng isip mo?"

Huminga siya ng malalim. Siguro mas mabuting may sabihan sya tungkol sa mga kakaibang panaghinip niya pero sa isang banda natatakot siyang baka hindi maintindihan ng mga kaibigan.

" Have you ever had a dream so real? Like parang totoo talaga?" simula niya.

" Oo, last time nanaghinip akong nandun daw ako sa concert ng Seventeen. Paggising ko akala ko totoo talaga," sagot ni agatha.

" No, hindi ganyan. Magkakasunod-sunod yung nangyayari sa panaghinip ko. Tapos parang andun talaga ako. Ramdam ko pa nga ang simoy ng  hangin e," aniya.

At ang labi at  haplos niya.

Nais niyang idugtong pero syempre hindi niya iyon sinabi. 

" Sabi ni Freud ang mga panaginip daw natin ay likha ng ating subconsious at may koneksyon sa ating totoong buhay. Manifestation daw iyon ng ating suppress desire, emotion, o di kaya trauma," si Frances ang sumagot

Kung ganoon, ang lalaking iyon ay bunga ng kanyang kagustuhan? 

" But posible bang parang magkadugtong yung panaginip mo?"

" Hmmm... posible pero very rare lang."

Medyo nabunutan si Elise. Ibig sabihin nasa katinuan pa naman siya . Hiling lang niya na sana bumalik na sa normal ang kanyang mga panaghinip. Pero sa isang banda, may kung anong pwersa ang tumutulak sa kanya na kilalanin pa ang lalaking nasa kanyang panaghinip. Kung normal ang lahat ng iyon ay nakaktulong iyon para makalimutan niya ang damdamin niya kay Jules. 

Sa unang pagkakataon, gusto niyang makita ulit ang estrangherong iyon.

                                                                                              ~*~

KINAHAPUNAN ay medyo hindi na lumilipad sang kanyang isipan at nakakapag-focus na siya sa klase.

Papalabas na siya noon ng building nang makatanggap siya ng isang mensahe sa isang dump account. Napahinto siya sa paglalakad. May sinend kasi itong video. Sa kanyang kuryosidad ay pinindot niya ang play button. Natuptup niya ang bibig sa nakita.

Si Sherry at si Jules ang nasa video!

Nagtatalik ang mga ito. Nakilala niya agad ang lugar kung saan kinunan ang video. Iyon ang madalas nilang tambayan noon ni Jules- ang abandonadong bahay sa likod ng boys dormitory. Agad niyang hininto ang video at dinilete ang mensahe. 

Parang bubuka ata ang kanyang puso sa sobrang sama ng loob. Dali dali siyang sumakay ng tricylce at dumeretso sa dorm. Nang maisarado niya ang pinto ay doon na siya nagsimulang humikbi. sa lahat ng lugar bakit doon pa? Bakit kung saan pa nangako si Jules na magpapakasal sila pagnakatapos nila ng kolehiyo? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status