Share

Kabanata IV

                                                                                  ___________

NANG lingunin niya ulit ang kinaroroonan nina Jules ay wala pa rin ipinagbago ang posisyon ng mga ito subalit nahagip ni Sherry na nakatitig siya sa mga ito at tinutuya siyang sinulyapan. Agad niyang inilayo ang paningin sa mga ito. Mabuti na lang at dumating na si Francesca at may dalang inumin nila ni Agatha. Kinuha niya ang kanyang cup at agad na ininum ang kalahati niyon. Medyo nagulat ang kanyang mga kaibigan sa inasal niya ngunit ngunitian niya lang ang mga ito na parang walang nangyari. 

" Sayaw tayo!" 

Pagkatapos ay hinawakan siya ng kanyang mga kaibigan at iginiya patungo sa dan cefloor.Mabuti na lang at malayo sa kinaroroonan nina Jules. May mga lalaki din na nakisama sa kanila at may ilan din namang binigyan siya ng kakaunting interes. Bawat pagtungga niya ng alak , pakiramdam ni Elise  ay gumagaan ang ulo niya.  

" Alis muna ako. E-refill ko lang tong cup," aniya at tumungo sa stool  kung saan naka-display ang mga inumin. Self-service at tanging siya na mismo ang naglagay ng inumin sa kanyang cup. Syempre sinigurado niyang puno ang kanyang baso. Sumimsim siya ng ilang patak habang pabalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya. 

" Elise what are  you doing here?” wika ng baritonong boses mula sa kanyang likuran. 

 Si Jules! Sinusundan pala siya nito. Halos hindi siya makapag-focus sa kanya pero pinilit niyang tingnan siya sa mga mata.

" Bakit bawal ba ako dito?" mataray na tanong niya dito.

" No...no, of course. Nag -aalala lang ako baka hindi pa naghihilom ag sugat mo."

As if!

Ang galing talagang magpanggap nito na nag-alala sa kanya.Iyon din siguro ang dahilan kung bakit napagtanto niyang niloko siya mismo sa ilalim ng kanyang ilong.

"I am fine. Nakakapaglakad pa naman ako  so don’t bother, "aniya at akmang aalis ngunit muntik na siyang matapilok. Mabuti na lang at maagap na hinawakan ni Jules ang kamay niya.

" You're drunk. Ihahatid na kita sa dorm."

Binawi niya ang kamay niya mula rito at matalim itong tinitigan. 

" No, I am not drunk okay? Bitawan mo nga ako, baka kung ano pang isipin ng girlfriend mo."

"I just want to take you back to the dorm. Walang malisya ang ginagawa ko.

Tumawa siya ng pagak.

" I am not your fucking responsibility anymore so get lost," asik niya at tuloy tuloy na naglakad palayo.

" Elise," tawag nito sa kanya ngunit hindi niya ito nilingon. 

Nag-iinit ang paligid ng mata niya. Ang galing talaga ni Jules na bigyan siya ng maling akala. 

 Imbes na bumalik sa dance floor ay nagpunta siya sa tabing -dagat. Tahimik at payapa dito. Bagay na bagay upang alisin ang mga emosyong pinatay na niya at muling bumabangon sa kanyang dibdib. Naupo siya sa buhanginan at tinanaw ang bilog na buwan pati na ang maliliit na alon na unti-unting humahalik sa tabing dagat. Ang kanyang ulo ay umiikot at habang ang kanyang puso naman ay parang pinagpipiraso-piraso. 

Nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata. Nitong mga nakalipas na buwang  sinubukan niyang magpanggap na  ayos lang siya. Itnuon niya ang sarili sa pag-aaral. Iyon na lang din naman kasi ang inaasahan niya. Subalit sa oras na iyon ay damang-dama niya ang sakit.

Nang matapos ang kanyang drama ay nilukob siya ng pagod. Pakiramdam niya ay parang hinihigop ang lakas niya sa dami ng stressors sa kanyang paligid. Napahiga siya at napatitig sa langit.  Sa isang iglap ay bigla na lang nag iba ang buong paligid niya. Nakakatitig siya sa parehong tanawin sa kalangitan ngunit may malaking bintana ng nakaharang. Malago din ang mga tanim na rosas sa labas at tila ba nagniningning sa liwanag ng buwan.

" I miss you," bulong na ani ng estranghero. Ramdam niya ang mainit nitong hininga sa kanyang taenga.  Ipinulupot din nito ang kamay nito sa kanyang bewang kaya naman muntik na siyang mapatalon sa pagkabigla.

" Shit!" angil niya na ikinatawa naman nito.

" Did I startled you, kitten?" painosenteng sabi pa nito. 

Hindi na niya naituloy ang sagot niya dahil ipinasok nito nang walang pasabi ang kamay sa loob ng suot niyang bestida at hinagod ang kanyang tyan. Tila ba tinutukso siya nito sa ginagawa. Mainit-init ang palad nito at ang sensasyong dala nito sa kanyang balat ay sapat na upang mapangsinghap siya. 

“ I love your moan. Gusto mo bang sa kama na natin ito ipagpatuloy? hmmm.”

Bago pa man mawala sa katinuan ang utak niya sa pinaggagawa ng lalaking ito ay kumawala siya sa pagkakahawak nito at hinarap ito.

Natuptup niya ang bibig, " Ikaw na naman?" 

Bakit nasa panaghinip na naman niya  ang lalaking ito?

Imbes na sagutin ang kanyang tanong ay siniil siya nito ng isang mainit at malalim na  halik. 

Habol ang kanyang hininga nang matapos ang kanilang halik. 

" Akala ko hindi ka na babalik pa dito,” anito at masuyong hinawakan ang kanyang pisngi. Napapikit siya upang damhin ang init ng palad nito. Animo nahihipnotismo siya sa mga ginagawa ng lalaki sa kanya. Ang halik nito, ang paraan ng pagkakahawak nito sa kanyang pisngi kahit na ang pagsasalubong ng kanilang mata. Hindi niya maipagkakaila na may kung anong koneksyon siyang nararamdaman para dito.  

Idinilat niya ang kanyang mata. Sinalubong naman ito ng mga mata nito tila ba nag-aanyaya sa kanya. Subalit pinigilan niya ang sarili.

"Please,  don’t do that again."

Sa wakas ay nasabi na rin ang mga salitang dapat noong una ay sinabi na niya sa estrangherong ito

"Ang alin?" painosente nitong tanong.

" Pinaramdam mo sakin na parang totoo ang lahat ng ito- na totoo ka. "

"Natatakot ka bang mahulog sakin? Well, I can’t blame you for that.”

“ Paano? Paanong nakakausap kita ng ganito kung panaghinip lang lahat? Most of all, who are you? Nagkita na ba tayo kung saan?Bakit–”

Siniil siya nito muli ng halik. Malayang nakikipagsapalaran sa loob ng kanyang bibig ang dila nito. Ang mumunting pagtatagpo ng kanilang mga dila ay sapat na upang mawalan ng lakas ang kanyang tuhod. Napakapit siya sa batok nito. 

Kumawala ito at naghinang  muli ang kanilang mga mata, “Does that bother you a lot, kitten? Hindi naman importante kung totoo o ano ako. Ang mas mahalaga nandito ka, " binigyan siya nito ng makahulugang ngiti. 

“Hindi -hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako.”

Akmang hahalikan sita nito ulit ngunit marahan niya itong itinulak palayo. 

" Tama na, please. Pagod ako at maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko ngayon,” aniya at tinungo ang kama. Inihimlay niya ang sarili. Hanggang sa kanyang panagip ay klarong klarong pa rin sa kanyang isip  ang halikan nina Jules at sherry. 

Tumabi naman sa kanya ang lalaki.

" You seemed so troubled. May problema ba?" anito sa malumanay na boses.

" No...its nothing. pagod lang talaga ako."

"Is it because of a man?"

"How...how do you know?" 

Hindi kaya ay—

" I know that look,  kitten. The look of a girl when a man cause her pain."

Hinarap niya ito.   

" Alam mo hindi ko alam kung bakit at papaano mo nagagawang pumasok sa panaghinip ko but there are things you don’t know me.  "

"Yes, wala akong tungkol sayo but I know your deepest desire."

Pagak siyang natawa sa tinuran nito.

" My depeest desire? Iyan ba ang dahilan kung bakit ka nandito?” 

" Maybe...maybe not. Who knows?."

“ Alam mo ang labo mo ring kausap no?”

Sa halip na sagutin siya ay dumagan sa kanya ang lalaki. 

“ A- anong ginagawa mo?!”

Hindi ito sumagot at sa halip ay hinalikan ang kanyang leeg. 

Hindi niya mapigilang mapa-ungol sa ginawa nito. 

Ang estrangherong ito….panaghinip lang ba talaga ito? 

" You need to wake up now, kitten,” bulong nito sa kanyang taenga. 

                                                                           _____________

NAPAMULAT si  Elise sa marahang pagtapik ng kung sino man sa kanyang balikat. Nakatulog pala siya sa buhanginan. 

Muntik na niyang maitulak palayo  Si Agatha dahil sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya.

" Elise, we need to go.”

Napakunot-noo siya sa sinabi nito.

"Huh? Bakit naman?" 

" May raid!" 

" Raid?" 

"Oo gaga! May mga  pulis na dumating   sa party. Kailangan na nating lumayo dito." 

Nabalot ng kaba si Elise. Sinasabi na niya ba. Agad siyang tumayo at pinagpagpag ang mga piraso ng buhanging nakakapit sa damit niya. May  nakita  din siyang ilang estudyante na tumatakbo palayo sa party. 

" Teka si Frances? Nasaan siya?"

" Ewan ko ba sa bruhang yun! Babalikan niya daw yung channel bag niya na naiwan dun sa  may cottage, " palatak ng kaibigan niya. 

 " Baka mahuli yun ng mga  pulis.'

 " Mas inuna niya pa  talaga yung bag niya  kaysa tumakbo." 

Nagkatinginan sila ni Agatha nang makitang may nakaabut na sa dalampasigan ang pulis at may hinahabol na mga estudyanteng nagtatangkang umalis. 

Mabuti na lang at  madilim ang kanilang kinaroroonan kaya naman hindi sila aninag  ng mga ito.  

" We need to get out here!" 

Hinablot ni Agatha ang kamay niya ngunit pinigilan niya ito.

“ Si Frances? Iiwan na lang ba natin siya?” 

" Wala na tayong oras para hintayin pa ang gagang ‘yun. Kasalanan niya yun kasi bumalik-balik pa siya sa party.” 

"Pero---"

 Bago pa man sila sumibat papalayo sa lugar na iyon ay may narinig silang sumisigaw.

"Waitttttt."

Si Frances tagaktak ang pawis nito at bitbit ang channel bag at heels sa magkabilang kamay nito.  

" Gaga ba’t kasi bumalik ka pa dun."

 "Sira .Mahal kaya to, baka isubasta na lang ng mga bwesit na pulis na ‘yun no.”

Sa kabutihang palad ay nakabalik sila sa dorm nang hindi nahuhuli ng mga pulis. Bagsak na bagsak ang katawan nila ni Agatha ng makaabut sa kanilang kwarto. Agad siyang humimlay sa kanyang kama at tahimik na naihiling na makita ulit ang estrangherong iyon sa kanyang panaghinip. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status