Share

Kabanata I

                                                                          ________

NAPABALIKWAS nang bangon si Elise  kanyang kama. Medyo kumikirot ang sintido niya. Mabigat ng ulo niya pati na rin ang buong katawan niya. Bukod doon, may matinding pananakit din na nagmumula sa kanyang talampakan at tuhod.

“ Thank God! You are awake,”  sabi ni Frances nang  makapasok ito sa kanyang silid at naupos sa sa gilid ng kama. Ipinatong ang kamay sa kanyang noo. “ Hindi ka na nilalagnat ngayon. It was quite high last night.”

Napakakunot-noo si Elise sa tinuran nito.

“ Nilagnat ako?”

“ Oo. We found you lying on the beach and burning with fever. Hindi mo ba natatandaan?” nag-aalalang tanong ng kaibigan niya.

Umiling siya. “ I…I don't remember a thing from  last night.”

“ Sabi ni Sherry nagpaalam ka daw sa kanila na magc-cr lang pero mag-iisang oras na hindi ka pa nakakabalik. We went searching for you at nakita ka naming nakahandusay sa dalampasigan. May mga sugat ka din sa paa at tuhod. Saan ka ba nagpunta?”

Pinilit niya ang sariling alalahanin ang nangyari kagabi.Nainis siya sa sinabi ni Sherry sa kanyang damit at nagpasyang umalis. Hanggang doon lang ang naaalala niya. Hindi niya alam kung saan siya nagpunta kagabi at kung bakit may mga sugat siya sa paa at tuhod.

“ I- I don't know… Naalala ko lang ang paglabas ko ng recpeption hall and the rest …I could not remember.” 

Dahil sa pagkalito at pagkataranta ay  binalot siya ng matinding emosyon. Nagsisimula na ring mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Anong nangyari sa kanya kagabi? Bakit wala siyang maalala? Marami siyang tanong ngunit wala siyang mahanap na sagot sa kanyang isipan. Habang pinipilit niyang alalahanin ang lahat, lalong tumindi ang kirot sa kanyang ulo.

Higit sa lahat, natatakot siya na baka may nangyaring masama sa kanya at wala man lang siyang ni isang ideya.

“ I am really sorry Elise  for pushing you remember what happened to you. Hindi ko sinasadya. It's just that, I am really worried about you.”

Binigyan siya nito ng tissue na kaagad naman niyang kinuha at pinahiran ang nag-aalsahang luha sa kanyang mukha.

“ No …it's not that. I am frustrated with myself. Something bad might have happened to and I can't remember a single thing,” kumpisal niya rito. 

Frances gave her a long hug.

“ It's okay…everythings fine now,” pang-aalo nito sa kanya. “ Hihingi ako ng tulong sa management ng resort. We will know what had happened to you last night...Pangako.”

                                                                   ~*~

TINUPAD nga ni Frances ang pangako nito ngunit wala sino man sa mga staff ang may nakakita sa knayang umalis sa reception hall kagabi. Wala ring may nakakita kung saan sia nagpunta doon.Sa paglipas ng mga oras, mabilis na lumalago ang nagbabadyang takot at pagkabalisa sa loob niya. Hindi niya maiwasang isipin na baka may nangyaring masama. Hindi niya mapigilang mapraning. Huling araw  na nila sa isla  at mamayang hapon ay aalis na sila pabalik sa syudad.  Baka hindi na niya kailanman malalaman kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanya kagabi kaya naman ginawa niya ang natitirang bagay na naiiisip niyang makakatulong sa kanya. 

 Pagkatapos niyang mag-umagahan ay dumeretso agad siya sa dalampasigan kung saan siya natagpuan ng kanyang mga kaklase.Ang lugar ay maaaring makapagpabalik sa kanyang mga alaala. Naupo siya sa eksaktong lugar at napapikit. Sinubukan niyang isipin ang sarili na nakahiga doon nang walang namamalayan. Mula doon ay sinubukan niyang alalahanin ang mga nangyari bago iyon. Katulad kaninang umaga ay hanggang pag-alis niya lang sa kanilang mesa ang natatandaan niya. Ang natitira ng kaganapan ay tila ba sinadyang alisin  sa  kanyang utak.

“ Elise…” tawag sa kanya ng  isang pamilyar na boses. Si Jules. Naupo ito sa kanayang tabi. Mabilis siyang umisod palayo dito. 

“ Anong ginagawa mo dito?” mataray  na tanong niya.

Walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha.  Ni hindi niya din ito tinapunan ng tingin. Diretso lang sa maliit na alon sa dagat ang kanyang mga mata.

“ I just came here to apologize about last nght. I am sorry  if Sherry have made fun of you. Kung hindi niya ginawa niyon ay hindi mangyayari sayo ‘to.”

Hindi niya ito sinagot. Ayaw niyang tanggapin ang paghingi niya ng tawad. Oo, kasalanan ng girlfriend niya ang lahatpero sa ginagawa nito ay parang pinagtatakpan lang nito ang ginawa ng nobya. 

“ It was never her intention to embarassed or hurt you. I–”

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito.

“ Hindi niya  intensyong ipahiya at saktan ako? Anong gusto mo ngayong palabasin na ako din ang nagpahiya at nanakit sa sarili kong damdamin? You never really care for my feelings don't you?" 

“ Elise..”

Sa pagkakataong ito ay mayroon na siyang lakas ng loob na tumingin ng diretso sa nagsusumamong mga mata nito.

“ You did not came to apologize on your girlfriend's behalf. Gusto mo lang linisin ang pangalan niya.  Ilang beses mo pa ba akong lolokohin, Jules?! Hindi ako tanga para hindi marealize na pinagkakaisahan nyo lang ako ni Sherry. Hindi pa ba sapat na niloko niyo ako ng harap-harapan? Are you that happy seeing me suffer?” sigaw niya.Galit siya at puno ng pait ang kanyang dibdib. Sino ba sila sa tingin nila para saktan siya ng ganoon?

“ Listen to me, it—”

“ Hindi ko na  kailangan pang makinig sa mga dahilan mo, Jules. I am so tired of your fucking excuses so please just leave me alone from now on,” aniya at tumayo sa kanyang pwesto. Tinalikuran nita ito  at dire-diretsong bumalik sa loob ng resort. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay para siyang nabunutan ng tinik.Nasabi na niya ang lahat ng mga salitang gusto niyang sabihin kay Jules nitong mga nakaraang araw pagkatapos ng kanilang break up.

Habang papunta siya sa kanyang kwarto, hindi sinasadyang may  nakabanggang   lalaki si Elise.

“ I’ m sorry.." aniya mahinang tinig. Hindi niya makita ng buo ang mukha ng lalaki dahil sa suot nitong cap. 

Ngunit may hindi maipaliwanag na pamilyaridad sa estrangherong ito. 

“ It's okay, Kitten. No harm done,” anito at ngumiti sa kanya.

Napabuntong hininga siya. Bakit tinatawag siyang kitten ng lalaki? Parang narinig na niya ang katagang iyon sa kung saan ngunit, hindi niya maalala.

“ You look puzzled. May problema ba?” he asked. 

“ No..no..its nothing. Okay lang ako,” pagsisinungaling niya. Ang totoo ay naiintriga siya sa lalaking ito. Idagdag pa na nakakabighani ang ngiti nito at maganda ang katawan sa ilalim ng simpleng puting t-shirt at pantalon. At ang malamyos na baritonong boses na humahagod sa kanyang katawan. 

Nais niyang sampalin ang sarili dahil sa mga walang kwentang bagay na naiisip niya sa mga sandaling iyon. 

“ Well, I have to go now. I will see you soon, Kitten," anito at iniwan siyang nakatulala. 

Nagsimulang muling uminit ang kanyang ulo at medyo lumabo ang kanyang paningin. Kailangan na niyang bumalik sa kwarto niya sa puntong iyon.  Nagmadali si Elise at nilakihan ang kanyang mga hakbang pabalik. Nang makapasok  na siya sa kanyang kwarto ay agad niya iyong ni-lock. Kumuha din siya ng gamot na iniwan kanina ni Francesca sa may drawer. Ininom niya iyon. Pagkatapos ng ilang minuto at naging maganda na ang pakiramdam niya. Imbes na magpahinga ulit ay nagdesisyon siyang mag-empake na lang ng kanyang mga gamit. Mamamaya ay babalik na sila sa syudad at mayroon na lang siyang nalalabing dalawang oras upang gawin iyon. Itinupi at maingat niyang isinalansan ang kanyang mga damit sa dalang maleta. Isinilid na rin sa kanyang backpack ang kayang mga gamit. Pagkatapos ng mahigit kalahating oras ay natapos na siya. 

May sapat pa siyang oras  para maligo. Naupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang dagat mula sa malaking sliding window ng kuwarto. Ang eksena sa labas ay nagpapakalma sa kanya. Pansamatala niyang nakalimutan na wala siyang matandaan sa kung ano mang nangyari sa kanya kagabi.

Huminga siya ng malalim.

Baka nag-overreact lang siya sa bagay na iyon.

Siguro ay naparami siya ng inom at nakalimutan ang mga sumunod nangyari.

Sigruro ay nakatulog lang siya sa buhanginan at  nadapa ng hindi niya namamalayan.

Siguro iyon nga ang nangyari. Mas madaling paniwalaan kung iyon nga talaga ang nangyari. Humiga siya sa kama. Siguro dapat na lang niyang kalimutan ang lahat.Wala naman kasing punto kung hahayaan niya lang na bumagabas sa knayang ang mga bagay na iyon. 

“ Elise?”

Narinig niya ang boses ni Frances sa labas.Bumangon siya at pinagbuksan niya ito.

“ Do you need anything?”

“ Wala naman gusto ko lang malaman kung maayos na ba ang pakiramdam mo.”

“ Medyo… Nag-overreact lang ako siguro kanina kaya nagdrama ako.”

“ Hmmm.. yeah, your probably right.”

“ Dala lang siguro ng damdamin dahil naghiawalay kami ni Jules. You know…”

 “ Oh , Elise! I am so sorry dahil wala ako doon kagabi para ipagtanggol ka. Edi sana natuto na leksyon aang bruhang si Sherry na 'yon.”

“ It's okay. Wala ka namang kasalanan e. Saka tama naman si Sherry. Hindi ako nababagay sa party, nagmumukha lang akong trying hard."

“ No! That’s not true.  Huwag na huwag kang maniwala kay Sherry. She is a bitch and a cheater. At si Jules? Hindi ka niya deserve.”

Nginitian niya ito. Ang swerte niya nagkaroon ng kaibigang tulad ni Francesca.

“ Kung nandito lang si Agatha siguradong uuwing kalbo yang si Sherryn. Pasalamat siya wala dito yun.”

“ I am really lucky to have you two as my friends.”

“ Heh. Nambola ka pa talaga. Teka, did anything comes to your mind of what happened last night?”

“ Wala talaga e. Ayoko namang pilitin pa ang sarili ko. Baka nasobrahan lang ako ng inom kagabi.”

“ But you never drink...”

“ Oo nga pala. Pero malay mo.”

“ But what if...”

 “ Frances, it's all right. Wala namang masamang nangyari sakin e. I am alive and well, except for my constant headache and these wounds. I am completely fine. Let's just forget that any of this happened. I can trust you on this right?”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Frances,“ Sabi mo e. I respect that but dont hesitate if something came up , okay?”

“ Mmm… Anong oras nga pala darating yung sasakyan natin pauwi?” pang-iiba niya ng usapan.

“ Maya-maya darating na yung yateng susundo sa atin sa kabilang isla."

“ Okay. Sige, shower lang ako. Para kasing may mga buhangin pang natira sa damit ko e.”

Pagkaalis na pagkaalis ni Francesca ay naligo na si Elise. Tama ang kaibigan niya. Implosibleng malasing siya. Hindi siya umiinom dahil hindi niya gusto ang pait na dulot ng alkohol sa kanyang lalamunan.

Stop it, Elise!

Hindi na niya dapat iniisip ang mga bagay na iyon.Kani-kanina lang ay nangako siyang hindi na uungkatin ang kung ano may kinalaman sa nangyari pero wala pang isang oras ay heto na naman siya.  Nang makalabas siya ng shower room ay agad siyang nagbihis at naghanda sa mahaba-habang byahe pabalik sa syudad. Alas -dos na ng makarating ang yate sa pantalan.

Nang makasakay siya sa yate, hindi niya maiwasang mapansin ang matinding titig ng  kanyang mga kaklase.

“ Totoo? Nakita na lang siyang nakahandusay sa buhanginan?”

“ Akala ko ba hindi umiinom si Elise? Why did she end up like that yesterday?”

" She is really a Miss-Goody-Two-Shoes, isn't she?"

Hindi na niya pinansin ang mga kumento nila at dire-diretsong umupo sa tabi ni Francesca. Inilagay niya sa kanyang paan mga gamit niya.

“ Can't everyone just fucking shut the hell up?!” anito at  natahimik namn ng tuluyan ang mga kakalase nila.

“ Thank you!,” anito. “ Akala  nila may maiitulong ang pangchichsmiss nila sayo.”

“ It's fine…”

“ Stop saying it's fine, Elise. Sila ang may problema at hindi ikaw. Kung hindi lang talaga nagpumilit sina Mama at Papa na magkaroon ako ng engrandeng debut, hinding-hindi ko talaga sila iimbitahin."

Nang umandar na ang yate ay  hindi mapigilan ni Elise na tanawin ang isla. Ang mga nakaraang araw na ginugol nila doon ay surreal. Pati na ang tanawin, mula sa malinis na tubig hanggang sa puting buhangin na dalampasigan. Parang talagang paraiso iyon. Habang paliit ng paliit ang resort  na tinuluyan nila ay nahagip niya ng isang pigura ng lalaki sa malayo. Ito ang nakabangga niya kanina.

Biglang umalingawngaw ang boses niya sa ulo niya.

I will see you soon, Kitten.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status