Share

Kabanata II

                                                                    __________

ALAS-OTSO  na ng gabi sila nakabalik sa kanilang dormitoryo. Nang makababa si Elise ng an at agad silang sinalubong ni Agatha. Patakbo pa itong lumapit sa kanila.

“ Ako na ang magdadala ng maleta mo, Elise,” anito saka inagaw sa kamay niya ang maleta.

“Huwag na, Agatha.  Kaya ko naman e…”

“ Ay ano kaba? Maliit na bagay lang ‘to saka parang madidislocate na yang kamay mo e.”

“ Huwag mong masyadong kulitin yan, Agatha.  She had been through hell yesterday.”

“ Bakit? Anong nangyari?” sunod-sunod na tanong nito. Pilit namang iniiwasan ni Elise ang mga mata ni Agatha.Kilala niya ito paniguradong bobombahin siya nito ng mga tanong. Wala pa naman siya sa mood para sumagot. Ang tanging gusto niya lang sa mga oras na iyon ay matulog.  

“ Mamaya na natin pag-usapan ‘yan sa kwarto. Ipasok na muna natin ang gamit ko sa loob," pinandilatan niya si Francesca, sinenyasan siyang huwag magsalita ng anuman tungkol sa nangyari.

Mukhang nakuha naman ni Francesca ang nais niyang ipahiwatig at inilihis ang kanilang usapan, “ Yeah…tama si Elise, you should do that first. Baka saraduhan kayo ni Ma'am Beth. Lalo na at wala kayong late permit, siguradong sa gym kayo matutulog."

" Maaga pa naman. Mamaya pa magsisirado ang dorm."

" Wait!  I almost forgot. Dahil hindi ka nakasunod sa resort, I have brought you something. Kunin ko lang sa trunk.”

Nakahinga naman ng maluwag si Elise dahil mukhang mas interesado na si Agatha sa pasalubong ni Francesca. Tinungo muna naman ng huli  ang sasakayan at may kinuhang isang paper bag. Binigay niya iyon kay Agatha pagkabalik niya.

“ Ano ‘to?” 

“ Basta. Sigurado akong magugustuhan mo yan. Mamaya mo na buksan.”

“ Baka bomba ‘to ha.”

“ Baliw. Hindi kaya,” sagot ni Francesca. “ Sige mauna na ko sa apartment ha? Pagod na rin ako kasi.”

“ Sus, ang sabihin mo maglalandian na naman kayo ni Jared.”

“ Heh, ewan ko sayo. Elise, mag-ingat ka kay Agatha ha? May sapi 'yan," Kinindatan pa siya ni Francesca. "So, I will go ahead na.”

Nang tuluyan ng humiwalay sa kanila ito ay mukhang nakalimutan na ni Agatha ang tanungin siya kung ano nga bang nangyari sa isla. Sobrang excited na itong buksan ang regalo ni Francesa. Habang umaakyat sila sa hagdan na naghahatid sa kanila sa unang palapag ng dorm, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano ito kaiba noong isang linggo. Tanging sila lang na nag-summer class ang nandoon buong buwan. Ngayon ay  nadaan nila ang pulutong ng mga  babaeng estudyanteng abalang nanonood ng tv sa may lounge. Marami-rami din silang nakasalubong.Bukas na kasi ang balikan nila sa school kaya naman kakabalik lang din ng ilang mga estudyante.

Dalawang palapag lang ang dormitoryo ng kanilang paaaralan ngunit malapad ito. Ang unang palapag ay nakalaan  para sa mga lalaki habang ang ikalawang palapag naman ay para sa mga babae. Kumpara sa mga apartment at boarding house sa labas ng campus ay mas mura ang binabayaran nila dito. Pagkapasok niya sa kwarto nila ay agad na humilata si Elise  sa kanyang kama. Parang tumatawag ito sa kanya. Napapikit na lamang siya habang dinadama ang lambot nito. Ngunit napamulat agad siya ng marinig ang impit na tili ni Agatha.“ Shit! Ito yung repackage album ng Seventeen!”

“Akala ko pa naman bomba talaga  'yung binigay niya sayo.”

“ Worth it din palang magstay dito kaysa sumama sa inyo sa isang private island resort.” humgikhik pa ito. ” So tell me, what’s its like to attend a grand debut? "

“ It's okay…it's nice..” she answered without much energy. Muli na naman kasing namimigat ang talukap niya.

“ Yun lang? It's okay…it's nice lang? Tatlong araw kaya kayo roon. Tapos nirentahan pa ng parents niya ang buong islan na iyon para sa inyo,” punong-puno ng sarkastiko ang tono nito. “ May nangyari bang exciting?Nagsabunutan ba kayo ni Sherry?”

Well something very far from that actually happened.

“ Well…” Muntik na niyang maikwento ang aksidenteng nangyrari sa kanya. Mabuti na lang at napigilan agad niya ang knayng baba.

“ Well?”

“ No it's nothing. Everything was normal."

“ Ay pabitin ka talaga. Siguradong wala din namang exciting na nangyari sayo dun. Eto na lang, maganda ba ang isla?"

“ Oo. It felt like a hidden paradise saka tahimik."

“ And?”

“ Yun lang," nagkibit-balikat siya. Hangga’t maaari gusto niyang tapusin ang usapan na ito. Baka madulas siya at maikwento pa niya kay Agatha ang nangyari.

“ Ang boring mo namang magkwento.”

“ Sorry naman, inaantok lang po.”

“ Matulog ka na nga lang diyan,”anito at hinagis sa kanya ang isang unan.

Niyakap niya ang unan  at pinikit ulit ang kanyang mga mata. Medyo nagigguilty siya sa pagsisinungaling sa kaibigan. Pero mas gusto niya kasi ng peace of mind . Mas pipiliin niya na lang na kalimutan na lang ang nangyari sa kanya sa isla. 

                                                                      _______

Natagpuan ni ELISE ang sarili sa isang madilim na silid. Tanging ang ilaw na nagmumula sa bilog na buwan ang nagpapaaninag sa kanya sa paligid. Malaki ang kwarto at nakakabingi ang katahimikang bumabalot dito. May dalawa din itong malalaking bintana kung saan tanaw na tanaw ang isang hardin na kasalukuyang natatakpan ng mga anino.

Natuptup niya ang kanyang bibig ng maisip na wala siya sa dorm nila!

Kung gayon, nasaan siya?

Ang huling naaalala niya ay ang pakikipag-usap kay Elise at nakatulog.

Malamang nananaginip siya ngayon. Pero bakit ramdam na ramdam niya ang nangyayari sa kanyang paligid? Ang bugso ng hangin na umiikot sa silid. Ang tela ng puting damit na suot niya. Pati na ang tunog ng mga insekto sa labas.

Pakiramdam niya ay totoo ang lahat ng iyon.

Nagdesisyon siyang libutin ang ang kwarto. Sa kanyang kanan ay ang isang malaking bookshelves na puno ng ilang daang libro. May piano din sa bandang kaliwa. At sentro ay ang isang malapad na kama. Iilang muwebles din ang nandoroon. Lumapit siya sa kinaroroonan ng kama at marahang pinadulas ang kanyang kamay sa malambot na cusion nito. Elegante diiyon at para ang sarap humiga. Tapos may nararamdaman siyang mali. Natuptup niya ang bibig ng dumampi ang palad niya sa isang nakaumbok na bagay sa ilalim ng kumot.

Paa iyon at pagmamay-ari nang kung sino man sa kwartong iyon bukod sa kanya. 

Napasinghap siya sa gulat at takot.

Sino ang estrangherong ito?

Kinuha niya ang lamparang nakatuntong sa mesita. Dahan-dahan niyang nilapitan ang pigura sa ilalim ng mga kumot. Pumunta siya sa uluhan nito. Pakiramdam niya ay nasa lalamunan niya ang puso niya. Nang maliwanagan niya ang mukha nito ay muntik na siyang matumba. Ang mukha ng estranghero ay makapigil-hiningang guwapo! Mukhang nasa malalim na antok. May parte sa utak niya na nagsasabing gumising na siya pero mas gustong matitigan ng isang parte ang gwapo nitong mukha. Hindi niya namamalayan na dinala niya ang kanyang mga daliri sa mukha nito-naramdaman ang init nito. Ang kamay nito ay dahan-dahang gumalaw mula sa kanyang prominenteng mga panga pagkatapos ay ang kanyang maharlikang ilong at ang kanyang sensual na labi. Mestizo ito at paniguradong may dugong banyaga.

Napaisip na lang siya kung may ganito ba kagwapong nilalang na nag eexist talaga sa totoong buhay.

Naptalon si Elise sa gulat ng biglang hawakan nito ang kanyang pulso.

“ I told you I will see you soon kitten,” binigyan siya nito ng pilyong ngisi. 

Bakit umaakto ang misteryosong estranghero itong parang kilala siya nito?

“ Sino ka?!”

Iniangat ng lalaki ang kanyang itaas na bahagi ng katawan nito. The sheets revealed his masculine upper body. Kitang-kita niya kung gaano kaganda ang katawan nito na para bang iniukit ng isang iskultor.  Ngayon, ang mga kumot ay nakatakip lamang sa kanyang baywang at pababa, kitang-kita niya na wala siyang anumang bagay sa ilalim nito.

Napalunok siya ng laway.

Oh God! Get a a fucking grasp of your head Elise!

Hindi siya dapat nagpapantasya sa lalaking ito. Panaginip lang ito at wala ng iba. Parte lang ang estrangherong ito ng kanyang pantasya.

“ Are you just gonna stare at me, Kitten? Bakit hindi mo ako samahan dito sa kama?" tila pang-aakit pa nito sa kanya.  “ No!" mariing tanggi niya kahit na wala namang masama doon. Pinaalalahan niya ang sarili na hindi siya dapat nag-iisip ng ganito. " And please stop calling me kitten.”

Ngumisi ito“ Are you sure? You're cheeks are turning red now. Let me ask you again,  do you..want to warm my bed tonight?”

“ Ang sabi ko , huwag mo kong tawagin na kitten. I don't even know you."

“ Oh fiesty, I like that,” mas lumapad ang nakakalokong ngisi nito. 

“ Shut up and let me go!” aniya at nagpupumiglas sa hawak nito.

“ Paano kung ayaw ko?” 

“ I…I…You are just a dream. Magigising din ako.”

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinubukang gisingin ang sarili ngunit wala siyang nangyari

“ Are you sure I am just a dream, kitten?”

Ang mga kamay nito sa kanyang pulso. Nakatutok ang mga mata nito sa kanya. Ang boses niya na may kakayahang palambutin ang kanyang mga tuhod. Parang surreal ang lahat.

“ Oh…Just get lost already.”

“ You know there is nothing you can do at this point. Well,that's up to me of course.”

“ Anong ibig mong sabihin?”

“ Well.. pwede kitang ibalik kung saan ka nanggaling, pero sa isang kondisyon.”

“ And what is that?”

“ Lay down with me, Kitten.”

“ Yun lang?”

“ Yeah… I just want to feel your warmth.”

" But your naked.”

“ Don't worry…I will not touch you if you don't like it.”

“ Okay.. it's a deal then.”

Nang bitawan siya ito ay ibinalik niya kung saan niya kinuha ang lampara. Umisod naman ang lalaki upang bigyan siya ng espasyo. 

“ Come here with me like a good kitten.”

Itinaas niya ang kumot, at maingat na humiga sa tabi niya. Ingat na ingat siyang hindi sumagi sa kahit anong parte ng kanyang kabuuan nito.

“ Scared now, kitten? I won't bite you."

Napapiksi siya ng maramdamang yumapos ang kamay nito sa kanyang bewang. 

“ Just fulfill your promise ...”

“ Of course I will… I take promises seriously."

Pagkatapos ay isinubsob niya ang mukha sa leeg nito. Ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang balat. Ang kanyang isip ay nasa ganap na kaguluhan.Ang lalaking ito… pinapadama ng estrangherong ito ang mga bagay na hindi dapat. Kahit na ganoon ay nanatili siyang para siyang tuod sa mga bisig.

“ You smell so sweet, Kitten.” 

Tila ba may mga hindi nakikitang insektong ang gumagapang sa kanyang balat nang dilaan niito ang kanyang leeg. Hindi niya tuloy mapigilang mapapikit sa ginawa nito

“ Hmm so sweet… “

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status